MAE 10

1483 Words
Glimpse from the past.... - “I miss you Milonna—you will always be my bestfriend!” hindi nya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Katatapos lang nyang ilagay ang dalang bulaklak sa ibabaw ng isang puntod. Pero sino nga ba ang nakahimlay dito? Ang tinatawag nyang Milonna ay ang bestfriend nya. Kababata at pinsan din nya ito. Kahit pa sabihin na mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon pero hindi iyon naging hadlang para maging sobrang close silang dalawa sa isa't- isa. She is like a sister to her. Mahal na mahal nila ang isa’t- isa. Kahit kailan man hindi nya naramdaman ang mag-isa sya dahil dito. She is one of her strength. The truth is, maliban sa napakamasayahin nito ay matapang din ito. Hindi agad nagpapadala sa problema. Pero isang araw, bigla nalang silang nagulantang nang bigla nalang itong nagbigti. Wala syang idea kung ano ang dahilan kung bakit ito nagpakamatay. Halos pinagsakluban sya ng langit at lupa sa nangyari. Kahit halos hindi nya matanggap ang nangyari, pero pinilit nyang maging matatag. May haka- haka na may boyfriend daw ito bago ito nagpakamatay. Hinihiwalay daw ito ng boyfriend nito, at dahil hindi nito nakayanan ang sakit kaya nagbigti ito. Hindi na sila nabigla—---nasa lahi talaga nila ang marupok pagdating sa pag-ibig. Ang mama nga nya nagpakamatay dahil sa iniwan ito ng kanyang ama. Idagdag pa ang postpartum depression nito pagkatapos syang ipinanganak. Pagkatapos ng namatay ang bestfriend nyang si Milonna—napagpasyahan nya na magtransfer sa paaralan na nilipatan nito. Ang EIS (EastWest International School). Wala naman syang plano. Siguro, umaasa sya na somehow, baka makilala din nya kung sino ang lalaking nanakit dito. “I’m glad naabutan kita dito.” Napalingon sya sa kung sino ang nagsasalita sa kanyang likuran. Napangiti sya sa kung sino ito. “Ate Wela—“ masayang bulalas nya. Ito ay ang nakakatandang kapatid ni Milonna. “Hindi kana kasi bumisita sa bahay mula ng nawala si Milonna.” May halong tampo ang boses nito. Naintindihan naman nya. Madalas pa naman syang pumunta sa bahay nito nung buhay pa ang kanyang bestfriend. Sobrang naging close din sya sa parents nito. Well, kadugo nga naman nya ang mga ito. Sandali syang yumakap dito. Saka sila parehong napaharap sa puntod. “I’m sorry ate—busy lang ako these past days. Marami kasi akong ginagawa sa school ngayon. Malapit na kasi ang bakasyon at medyo maraming dapat e-comply.” Mahabang paliwanag nya dito na medyo malapit naman sa totoo. Ayaw lang talaga nyang masyadong maalala ang mga masasayang alaala nila ni Milonna kaya hindi na sya nagpupunta sa bahay ng mga ito. “I see…” patango- tango lang ito. “I heard na meron ka ng boyfriend ngayon.” may panunukso ang tingin na iniukol nito. Hindi nya napigilan ang pagningning ng kanyang mga mata nang naalala si Kiefer. These past days, lagi ng laman sa kanyang isip ang binata. At inaamin na nya, napamahal na sa kanya ang binata. Kahit ilang beses nya itong susupladahan, walang- wala lang dito ang kamalditahan nya. Sweet na sweet nga ito kung tutuusin. Kaya hindi nya tuloy napigilan ang sarili na mahulog ng husto dito. Maliban naman kasi na ubod ito ng guapo, lagi pa syang iniintindi nito. “I hope na hindi ka tumulad kay Milonna o sa iba pa natin kamag-anak.” Ani nito. “Isip muna bago puso Yvanna, yan sana ang lagi mong tandaan.” Hindi na sya nagsasalita sa sinabi nito. Hindi talaga sya tutulad sa kahit sinong kapamilya nila pati na sa mama nya. “By the way—nalaman ko na pala ang pangalan ng lalaking sinasabing boyfriend ni Milonna bago ito namatay.” Ani nito na sa kanya nakatingin. Napatitig sya dito. Nagtatanong ang kanyang mga mata. “Isa palang bahagi ng Del Fuengo Clan—kaya pala, patay na patay ang kapatid ko dito. Sa pagkakaalam ko, mabuting tao ang mga Del Fuengo, meron din palang masasabing black sheep ng angkan nila. Mahilig magpaasa at nang- iwan” Mahabang sabi nito na nagpakaba sa kanya. “A-Ano po ang pangalan?” itinago nya ang kabang nadarama. Pinilit nyang maging kaswal. “Kiefer yata.” Ani nito na ikinaputla nya. “Kiefer Del Fuengo.” Parang bomba iyon sa kanyang pandinig nya. Hindi nya maintindihan ang magkahalong emosyon na kanyang nadarama. ------ “Yvanna, I’m sorry!” hinging agad ng tawad ni Kiefer. Pinuntahan sya nito ngayon sa bahay nila. Kasalukuyan silang nasa may bakuran bahagi. Magharap silang nakaupo sa garden set na nandito. May dala pa itong bouquet of white roses para sa kanya. Dalawang araw na nakakalipas mula ng hinalikan sya nito at inamin nito na mahal sya.Pero, nilayasan nya ito. “Bakit kaba nandito?” ginalit nya ang boses. At madali lang naman nyang nagawa. Oo. Mahal nya ito. Pero, galit na galit din sya dito. Dahil sa pagpapaasa nito sa kanyang bestfriend. Ito ang dahilan kaya nawalan sya ng matalik na kaibigan. “I’m sorry about that kiss! Kung galit ka dahil dun—I won’t do that again!” may pagsusumamo ang tingin na iniukol nito sa kanya. “Just don’t break-up with me.” Lihim syang napalanghap ng hangin. Dapat nyang tatagan ang kanyang loob. Dapat hindi sya magpapadala sa pag-ibig nya dito. “Diba, sinabi ko sayo na hindi kita mahal.” Lakas loob na sabi nya dito. “It’s okay baby—just be with me at tuturuan kita para mahalin din ako.” May halong pakiusap ang boses nito. Pinigilan nya ang mga nagbabantang mga luha. Kahit galit sya dito, pero, ayaw parin nyang makitang nasasaktan ito. “Hindi laro- laro ang pag-ibig Kiefer na pwede mong turuan ang isang tao na mahalin ka.” Buo ang boses nya. “Layuan mo na ako. Wag mong ipilit ang sarili mo sa akin.” Tinalikuran nya ito at akmang layasan na. Pero nahawakan nito bigla ang kanyang pulsuhan. “Yvanna baby—wait! Please, don’t leave me this way. If you just know, how much I love you!” Rumihistro ang kalungkutan sa mga mata nito. Mukha naman totoo ang mga sinasabi nito. Pero, may malaki itong kasalanan na nagawa sa kanya, sa angkan nya. Pinaasa- asa lang naman nito ang isa nyang pinsan na kaibigan, hanggang sa nagpakamatay ang babae. Tinapik nya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang pulsuhan. Saka galit ang mukha na hinarap nya ito. “I don’t love you Kiefer—the truth is ginamit lang kita para mapalapit ako kay Gavin. Si Gavin talaga ang gusto ko. Pero, napakasuplado ng pinsan mo. At dahil narealize ko na wala na akong pag-asa sa kanya dahil sa maliban grumadwet na kayo, talagang hindi nya ako gusto. So I realize na hindi na kita kailangan.” Mahabang pagsisinunggaling nya dito. Nilakasan nya ang loob para masabi ang mga katagan na ito. Wala syang pakialam kung mag-away man ang magpinsan. Bahala ang mga ito. Sya nga namatayan ng pinsan dahil kay Kiefer. Napaawang ang bibig nito dahil sa mga maririnig. Hindi ito halos makapaniwala. Maya’t- maya lang rumihistro ang galit sa mukha nito. “How could you do this to me Yvanna?" Galit na galit na tanong nya dito. Pinigilan nya ang panghihina. Sinalubong nya ang galit na mga titig nito. “Pinaibig- ibig mo lang ako. Ginamit at pinaglalaruan. Ang sama- sama mo. Ikaw na ang pinakasama sa lahat. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin.” Galit na galit na sabi nito. Gusto na yata nyang maiyak sa mga sinasabi nito. Pero pinigilan nya ang sarili. Saka sya mapait na napatawa. “C’mon Kiefer, hindi lang naman ikaw—ang may karapatan para magpaibig- ibig at manakit.” Tagong panunumbat nya dito, dahil sa ginawa nito sa kanyang pinsan. “I am just giving you the dose of your own medicine.” Mas lalo yata itong nagalit sa sinabi nya. Marahas na hinawakan nito ang isang braso nya. Nasaktan sya sa ginawa nito. Pero lakas loob parin syang humarap dito. “Hindi mo pa ako masyadong kilala Yvanna para husgahan mo ako.” mahina lang na pagkakasabi nito. Pero galit na galit ang boses nito. “Sana naging masaya kana sa ginawa mo sa akin.” Saka marahas din syang binatawan nito. Walang sabi- sabi na tinalikuran sya nito at nilayasan. Pero napalingon muna ito sandali bago tuluyan iniwanan sya. “By the way—sayo na yang bulaklak. Regalo ko sayo dahil nagawa mo akong paglaruan.” Huling sinabi nito saka tuluyang syang nilayasan. As soon as malayo na ito, hindi na nya napigilan ang paglaglagan ng kanyang luha. Gusto nya itong sundan, sumbatan ito sa ginawa nito kay Milonna, papaliwanagin ito. Sabihin dito na mahal nya ito. Pero hindi pwede dahil ito ang dahilan kaya nawala sya ng kaibigan at pinsan. Buntis pa ang kanyang pinsan nang namatay ito. Napakasama ni Kiefer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD