MAE 11

1260 Words
Napabalikwas ng bangon si Yvanna nang narinig nya ang pagkatok sa pinto ng apartment nya. Napatingin sya sa table clock, it’s already 7:00 pm. Medyo napasarap yata ang kanyang tulog. Tuluyan na sana syang tatayo pero bigla na naman sumama ang kanyang pakiramdam. Nakaramdam na naman sya ng pagkahilo. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Kinalma nya ang sarili. Napapikit sya. Baka dahil lang ito sa gutom. These past days kasi, medyo nakaligtaan nya ang kumain at hindi din sya nakakatulog ng maayos. Marami kasi syang iniisip these past days at isa na doon si Kiefer. Mula ng nagkita sila nito muli, hindi na ito nawala sa kanyang isip. Sa pagkaalala nya, galit na galit ito sa kanya nung huli nilang pagkikita. Pero, bakit ang bait na nito sa kanya ngayon? Baka naman nakalimutan na nito ang lahat. Naka move- on na siguro ito kaya walang- wala nalang dito ang nagawa nya noon dito. Isang taon lang naman sya sa EIS, dahil sa sumunod na school year, bumalik din sya sa dati nyang school. At sa Manila sya pinag-aaral ng mga magulang nya sa kolehiyo. Nang grumadwet na sya, umalis din ng bansa ang kanyang mga magulang. At naninirahan na syang mag-isa. Nung dinala sya ni Kiefer sa San Bartolome, sa bahay ng pamilya nito, yon ang unang balik nya doon mula ng pumunta sya dito sa Manila. Ang maliit na ari- arian ng mga magulang nya na nasa San Bartolome, ay ibinenta na ng mga ito lahat. Natigil sya sa pagmuni- muni ng nakarinig na naman sya ng may kumatok. Bahagya parin syang nahihilo. Pero pinilit parin nyang tumayo. Napahawak sya saglit sa seradura ng pinto ng kanyang kwarto. Nagiging blurred na naman kasi ang kanyang paningin. Ano ba itong nangyari sa kanya? Kinalma nya muli ang sarili. Buti nalang medyo naibsan ang pagkahilo na kanyang nadarama. Marahan nyang binuksan ang pinto. Dahan-dahan syang humakbang palapit sa main door ng apartment nya. Sino naman kaya itong bisita ko sa ganitong oras? Mabuti nalang narating na nya ang pinto. Agad nya iyon binuksan. “Good evening!” nakangiting mukha ni Kiefer ang napagbuksan nya. “May pinuntahan kasi ako malapit lang dito. I’m just checking on you.” Hindi na nya napansin ang mga sinasabi nito, pati ito na mismo, dahil ngayon, nagiging blurred na naman ang kanyang paningin. “Are you okay?” may pagkaalala ang boses nito. “Kiefer—ano----“hindi na nya natapos ang ibang sasabihin. Ang huling naalala nya ay ang pagsalo ng mga matitipunong bisig ni Kiefer sa kanyang katawan. -------- “Okay naman ang mga test nya.” Namulatan nya ang nagsasalita na yon. “She’s pregnant doc.” Pamilyar sa kanya ang boses pero hindi nya magawang imulat ang kanyang mga mata. “Okay Mr. Del Fuengo—pag magising na ang girlfriend mo. I think, isasagawa na natin ang ultrasound sa kanya. E-che-check natin ang status ng baby nyo.” “Okay.” Wait! Ano raw? Baby nilang dalawa ni Kiefer? Ano na naman ito? Sa isipin iyon, agad syang napamulat ng mata. Sinabayan pa nya ng agad na pagbangon. Ipinalinga- linga nya ang mga mata. Hindi nga sya nagkamali. Nasa isang hospital room nga sya. Agad naman nyang naagaw ang pansin ng mga nag-uusap. Nakangiting lumapit sa kanya si Kiefer, sumunod dito ang doctor na babae. Umupo si Kiefer sa upuan na naroon sa gilid ng kama. Tumayo lang ang doctor sa harapan nya. Mukhang may gusto itong sabihin. “Ms. Cabello—kailangan ka namin e- undergo sa isang transvaginal ultrasound para malaman namin ang status ng baby mo.” hindi na nagpaligoy- ligoy na sabi ng doctor. Napanganga sya sandali. Saka sya nagpakalma sa sarili. Mukhang kailangan na nyang sabihin dito na hindi na kailangan. Dahil hindi naman sya buntis. Paano sya mabubuntis? “No need na doc.” Simula nya saka ngumiti. “I’m not pregnant!” “But your boyfriend said that you are.” May pagtataka ang boses nito. “Well—kailangan parin natin malaman kung buntis kaba o hindi.” Ngumiti ito, saka palipat- lipat ng tingin sa kanila ni Kiefer. Naluko na talaga, mukhang paniwalang- paniwala ito na boyfriend nga nya si Kiefer. “If the two of you are sexually active—malaki ang chance na buntis ka nga. Don’t get me wrong, hindi naman ito bastos ang sinasabi ko. I am a doctor at you two are both mature individual.” Pareho yata silang tulala ni Kiefer na nakatingin sa doctor. Kinalma- kalma nya ang sarili. Maling- mali naman kasi ang inakala nito. Sabay silang mahinang napabugtong- hininga ni Kiefer. “Sigurado akong hindi ako buntis doc.” May paniniguro ang boses nya. “I am not a sexually active.” Napansin nya ang pagbaling ng paningin ni Kiefer sa kanya. Hindi nya lang alam kung anong ekspresyong nito kasi sa doctor sya nakatingin. “Really?” hindi pa makapaniwalang sambit ng doctor. “So, hindi pa kayo nagse-s*x na dalawa? So bakit nasabi ni Mr. Del Fuengo na buntis ka?” nagtatakang tanong ng doctor. “Mr. Del Fuengo is not my boyfriend.” Mas pinili nyang aminin dito ang totoo. Hiyang- hiya na sya dito. “I don’t have a boyfriend.” Mahinang dagdag nya. Alam nyang sa kanya nakatingin si Kiefer, ramdam nya kasi ang bigat ng titig nito. ------ Parehong tahimik lang sila ni Kiefer. Nasa loob sila ng kotse nito. Kasalukuyan nilang tinahak ang daan pauwi sa apartment nya. Wala naman problema sa kanya, mukhang dahil lang sa stress ang nangyari sa kanya. Dahil ito sa ilang araw na wala syang tulog, madalas kasi syang sinusumpong ng insomnia. Plus pa ang madalas nyang nakaligtaan ang oras ng pagkain nya. Niresetahan lang sya ng ilang gamot ng doctor. Hindi nya alam kung paano kausapin si Kiefer, nahuli na kasi nito ang kasinunggalingan nya. Hindi din naman ito nagsasalita. Kaswal na kaswal lang ang ekspresyong ng mukha nito. Kaya, hindi nya tuloy matangtiya kung galit ba ito o hindi. Pinilit nyang wag mapalingon dito. Buti nalang nasa pagmamaneho ang pokus nito. “Just take your medicine on time, para hindi ka na mahihilo.” Basag nito sa katahimikan. Muntik na syang napapitlag nang marinig ang boses nito. “Oo.” Maikling tugon nya. “Salamat.” Hindi na ito nagsasalita, hanggang sa tuluyan na syang naihatid nito. “Salamat sa paghatid.” Maikling sabi nya saka akmang bubuksan na ang pinto ng kotse sa bungad nya nang— “Yvanna—wait!” pigil nito sa kanya. Napalingon sya dito. Nagkatama ang mga paningin nila. Nakatitig kasi ito sa kanya. Nenerbyos sya biglang- bigla. “Bakit ka nagsisinunggaling sa akin?” Tanong na iniwasan nya. Naidikit yata ang dila nya at hindi nya magawang magsalita. Maang lang syang napatingin dito. Pinilit nyang kalmahin ang sarili. “Ano----“ napalunok sya ng wala sa oras ng inilapit nito ang mukha sa kanya. Ngayon halos isang dangkal nalang ang lapit ng mukha nito sa mukha nya. Mas lalong tumindi ang kanyang nerbiyos nang napansin nya na napako ang paningin nito sa kanyang labi. “Alam mo naman siguro na may gusto akong gawin mula pa kahapon.” Ani nito. “I mean mula nang nakita kita muli. Hindi ko lang magawa kasi nagsinunggaling ka sa akin.” Bago pa nya na- exhale ang kanyang nerbiyos, nagawa na nitong sakupin ang kanyang labi. Sobrang panlalaki ng kanyang mata. Pero, sandali lang, dahil naramdaman nya agad ang isang damdamin na sa kay tagal na panahon, nakakubli lang sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD