Naipikit nya ang kanyang mga mata para namnamin ang dulot ng sarap ng halik ni Kiefer sa kanya.
Ito ay epekto ng pananabik sa muling paglapat ng kanilang labi.Kailanman, hindi nya nalilimutan kung paano sya hinalikan nito noon. Para syang nakukuryente pero masarap sa pakiramdam.
Nang nagsimula ng gumalaw ang mga dila nito sa loob ng kanyang bibig. Hindi nya napigilan at tinugunan nya ang mapang-angkin na halik nito na kasing lakas sa intensidad na ginawa nito. Napaungol ito sa ginawa nya. Mas lumalim ang kanilang halikan.
Naramdaman nya ang paghapit nito sa kanyang baywang para mas mailapit sya sa katawan nito.
Hindi nya napigilan ang sarili, napakapit sya sa balikat nito.
Lumalalim pa ang halikan nila. Pareho nilang ayaw pakawalan ang labi ng isa’t- isa. Halos habol nila ang hininga ng naghiwalay ang kanilang labi.
“I don’t understand Yvanna—why you kiss me the same way as I do you.” Kunot- noo na sabi nito. Hindi sya makapagsalita. “When you said you don’t love me after all. You must be just a good kisser.”
Saka ito bumitaw sa kanya. Kinalma nya ang nagwawalang isip. Kinaswal nya ang sitwasyon. Hindi sya dapat magpakita ng panghihina dito.
“Maybe.” Ngumiti sya. “So paano—aalis na ako.”
Ngumiti ito. “Later baby—‘cause I want to taste your lips again.”
Bago pa sya nakareact, pabigla na naman siniil nito ng halik ang kanyang labi. Halik na tinugon din naman nya.
-------
Ang tamis ng ngiti na pinakawalan nya kay Kev. Mga dalawang buwan palang ang nakakalipas mula ng nagkakilala sila nito. Niyaya sya nito na lumabas ngayon, at pinagbigyan nya ito. Mabuti nang may ibang lalaki na syang mapagtuunan ng pansin, ayaw nyang mas lalong malulong sa nadarama nya kay Kiefer. Hindi nya pwedeng mahalin si Kiefer dahil sa maraming kadahilan. Maliban naman kasi na wala ng itong nadarama sa kanya na pag-ibig. Ito pa ang dahilan kaya nagpakamatay ang bestfriend nyang si Milonna.
Katatapos lang nilang kumain ng dinner.
“Hindi na ako magpaligoy- ligoy pa Yvanna—gusto ko lang sabihin sayo na gusto kita.” Nakangiting sabi nito.
Sa totoo lang, hindi masyadong nasa dito ang kanyang pokus. Nasa isang branch kasi sila ng “Deliciously” kumakain ng dinner. Pag-aari ito ng pamilya ni Kiefer.
Hindi naman nya lubos akalain na dito sya dadalhin nito para mag-dinner. Hindi na sya nagreklamo. Hindi naman siguro magagawi si Kiefer dito.
Pero, bakit ba sya nag-alala kung makita sila nito?Mas mabuti nga yon. Para hindi na sya pag-iisipan ng kahit ano’t- ano nito.
“Yvanna? Yvanna!” untag nito sa kanya. Napansin siguro nito na wala sa sinasabi nito ang kanyang pokus.
“Ha?”
Ngumiti ito. Saka hinawakan nito ang kamay nya na nakapatong sa misa. Gusto sana nyang bawiin ang kamay na hinawakan nito pero hinayaan lang nya ito.
“Hindi ako nagmamadali Yvanna—kaya naman kitang ligawan in traditional way.” Ang tamis ng ngiti nito.
Hindi nga siguro ito kasing guapo ni Kiefer pero guapo din naman ito. At malakas din ang dating. Sa totoo lang, nagkaroon din naman sya ng simpleng attraction dito nung una nilang pagkikita, kung hindi lang nagkita sila muli ni Kiefer.
“Okay.” tanging nasabi nya. “So—kumusta ang trabaho mo?” sa pagkakaalam nya, isa itong photographer.
Mas mabuti ibahin nya ang topic. Ipinakita nya dito na interesado sya sa mga ginagawa nito sa buhay.
Mas madami pa silang napag-usapan nito. Nag-enjoy naman syang kausap ito. Mabuti lalaki kasi ito at nagustuhan nya ang pilosopiya nito sa buhay.
“Thank you sa paghatid mo.” ang lapad ng kanyang ngiti dito.
Inihatid kasi sya nito sa apartment nya.
“All the time.” Ani nito. Saka ito lumabas mula sa kotse nito. Napakagentleman kasi nito. Sadyang pinagbuksan pa sya ng pinto sa kotse nito. Inilahad pa nito ang kamay habang pababa sya. Nakangiti sya habang tinanggap nya iyon.
“Till next time Yvanna!” huling sinabi nito bago pinatakbo ang kotse nito. May pakaway- kaway pa sya dito.
“How’s your date?” napapitlag sya ng narinig ang nagsasalita iyon sa kanyang likuran.
Agad syang napalingon. At hindi nya alam kung bakit nakaramdam na naman sya ng kaba nang nakita kung sino ang nagsasalita.
Matalim ang tingin nito sa kanya. Kinalma nya ang sarili.
“Kiefer—why are you here?” nagawa pa nyang ngumiti.
“Nakalimutan mo na ba—isang buwan ang usapan natin. Sa pagkakaalam ko, meron pa tayong limang araw na natitira."
“Yah—I know. Pero, it’s already 9:00 pm. Anong kailangan mo ngayon sa akin?”
Nagpasiuna na syang humakbang papunta sa bungad ng apartment nya. Naramdaman nya ang pagsunod nito sa kanya.
Bubuksan na sana nya ang pinto ng apartment nya ng pabiglang syang kinabig nito. He suddenly shoved her on the wall. Iniharang pa nito ang dalawang kamay sa magkabilang nyang gilid. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito.
Ngayon naman, sunod- sunod ang paglunok nya dahil inilapit pa nito masyado ang mukha nito sa kanyang mukha.Kasabay ng paghagod ng tingin nito sa kanyang buong mukha.
“Wala naman akong kailangan sayo.” tila bulong na pagkakasabi nito. Nanhina yata sya sa pagdantay ng mainit na hininga nito sa kanyang mukha. Amoy na amoy pa naman nya ang mabangon hininga nito. “Kaya lang—may namiss lang kasi ako.” makahulugan ang tingin na iniukol nito sa kanya.
“A- Ano yon?” lakas loob na tanong nya.
Kaysa sumagot ito. Pilyo itong ngumiti sa kanya. At walang sabi- sabi na siniil na naman ng halik nito ang kanyang labi. Pero, para naman syang pinaparusahan ng halik nito.
Kailangan nya mag-isip ng tama. Hindi sya dapat magpadala sa bugso ng damdamin. Kaya with all of her force, naitulak nya ito.
Bahagya itong napalayo mula sa kanya. Galit ang mukha nito na napatingin sa kanya. Sinalubong nya ang galit na tingin nito. Saka ito mapait na napangiti.
“Sa tingin mo baby—ano kaya ang plano ko sa ilan araw na natitira natin dalawa.” Nakangising sabi nito.
Kinakabahan sya. Nakabasa kasi sya ng danger sign sa mga mata nito. Para umurong ang kanyang dila.
Napaurong sya ng pinalalakbay nito ang daliri nito sa mukha nya sabay sabing----
“Get ready for tomorrow. I will fetch you here at exactly 8:00 am! And were going to have our 1st vacation together.” Tumigil ang daliri nito sa punong labi nya. “Believe me, it’s gonna be fun!”
Hindi nya alam kung bakit nanghina sya. Sa tuwing nandyan kasi si Kiefer. Biglang- bigla nalang magka-amensia ang isip nya at hindi nya maalala ang kasalanan nagawa nito. Nadadala sya dito. Nagwawala ang katinuan nya dito.
Maluko itong nakangisi habang umalis mula sa pagkakaharang sa kanya. Para parin syang idinikit sa dingding.
“Sleep well baby—don’t dream of me too much!” nakatawang sabi nito saka ito humakbang paalis.
Wala syang nagawa kundi tulalang sundan ito ng tingin.