MAE 13

1568 Words
"This is the Pearl Island Resort and Riding Club.” Sabi ni Kiefer sa kanya nang nakarating sila sa isang isang Isla na nakadugtong sa HPR( Hidden Pearl Resort). “Pag-aari ito ng tito Zac at Tita Loraine ko. In short, ang pamilya ni GAVIN.” hindi nya alam kung bakit kailangan idiin nito ang pangalan ni Gavin. Kasalukuyan silang nagcheck- in. Dalawang kwarto ang kinuha nito. Hindi nalang nya pinansin ang kakaibang titig nito sa kanya. Mas ini-enjoy nya ang sarili sa pagmamasid sa magandang kapaligiran. Halatang- halata ang karangyaan sa lugar. Ito pala ang sikat na sikat at kilala- kilalang pearl island. Hindi basta- basta ang makapasok dito. Hindi nya lubos akalain na nakapunta sya dito ngayon. Gusto sana nyang magpasalamat kay Kiefer pero mas pinili nyang tumahimik nalang. Sa klasi ng tingin nito, mukhang may pinaplano ito. Kapapasok lang niya sa loob ng kanyang kwarto. Ang ganda ng silid. Maaliwalas at nakakagaan ng loob. Para syang nasa paraiso. Hindi tuloy nya napigilan ang sarili at naihiga nya ang lapong katawan sa napakalambot na kama. Ano kaya ang plano ni Kiefer, dapat handa ako. Hindi ako dapat padadaig sa kanya. Kainis, kailangan ko pa syang pakisamahan." ngitngit ng kanyang isip. "Talagang ginamit nya ang isang buwan namin usapan. Hindi kaya plano nya akong gantihan dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Ang lakas ng loob nya para gantihan ako. Kulang pa nga yon dahil sa ginawa nya kay Milonna. Pati nga ang puso ko nadadamay. Hindi ako dapat manghina sa kanya. Dapat kaaway ang tingin ko sa kanya. Lakasan ko dapat ang aking loob. Hinding- hindi ako manghihina sa kanya. Hindi. Hindi talaga! Kailangan kong mag-isi----------------” Natigil sya nang may biglang kumatok sa pinto. Agad syang napabangon. Saka nya tinungo ang pinto at marahang yon binuksan. Ngunit napanganga sya ng saktong nabuksan na nya ang pinto. Hindi nya napigilan ang sarili at napahagod sya ng tingin sa lalaking kaharap. Si Kiefer, naked on top, pero naka-summer short ito sa ibaba. Ohlalala… ang sarap naman haplusin ng pandesal ni Kiefer. Hindi napigilan sambitin ng kanyang isip. Kinalma nya ang nag-eeskandalong kaisipan. Saka sya napaangat ng mukha dito. Nag- init ang kanyang pisngi nang pilyo itong nakangiti sa kanya. “I’m not here para e-survey mo ang macho kong katawan” Kaswal lang ang boses nito pero tila nang-aakit naman ang mga mata nito. Oo nga pala, natural palang flirt ang mga mata nito. She exhaled a lot of air. Saka nya kinalma ang sarili. Lihim syang napatikhim. Hindi ka dapat manghina Yvanna. Hindi! Hindi! Ulit- ulit ng isip nya. “Marunong lang akong mag-appreciate Kiefer.” Mas pinili nyang sakyan ito. Tutal, tama naman ang iniisip nito. Kailangan nyang pakisamahan ito ngayon. Ilan araw nalang, tapos na ang isang buwan nila. Pangiti- ngiti ito. “Be ready—may pupuntahan tayo.” Kaswal na sabi nito. Napakunot- noo sya. Saan na naman kaya sya dadalhin nito? Mukhang napansin naman sya nito. “Alam mo na—namimiss ko na kasi ang bestfriend ko. Mula kasi ng bumalik sya mula sa ibang bansa, halos dito na sya nanalagi.” Tila makahulugang na sabi nito. Sino kayang bestfriend ang tinutukoy nito? Si Gavin kaya? ------ “Sir Kiefer—nandun po si Sir Gavin sa barn.” Sabi ng isang matandang babae kay Kiefer. Tama nga sya si Gavin talaga ang tinutukoy nito. “Salamat po manang.” Ani ni Kiefer dito. Saka sila nagpaalam sa matanda. Napapitlag sya ng hinawakan nito ang kanyang kamay. “Medyo malayo ng kunti ang barn, nasa kabilang bahagi ng isla ito—pero kaya naman lakarin.” ani nito. “I have to hold your hand para hindi ka mapagod.” Anong relate? Energizer na pala ang kamay mo! She don’t mind kung gaano kalayo. Sa magandang lugar na parang paraiso, kahit buong araw pa siguro syang maglalakad dito, baka hindi sya makaramdam ng pagod. Hindi naman masyado crowded ang lugar. Kaya iilang na ang mga tao na naglalakad. Medyo malayo- layo nga ang nilakad nila ni Kiefer. Para lang silang namamasyal. At aaminin nya, nag-enjoy naman sya na kasama ang binata. Buti nalang, maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Para syang bisita nito na itini- tour sa buong isla. Mula sa kalayuan nakita nila ang isang matangkad na guapong lalaki na tila bising- bisi sa paliligo sa isang kabayo. “Kiefer Bro—“ pormal na ngiti ang pinakawalang ni Gavin ng tuluyan na silang nakalapit dito. At tamang- tama nga sya. Napakaguapo na nga ni Gavin ngayon. Guapong- guapo ito noon, mukhang triple na ngayon. Dagdag talaga sa karisma nito ang golden tan skin nito. At tulad ni Kiefer, ubod rin ito ng macho. Nagtapikan pa ng balikat ang magpinsan. “Tama nga ang sinabi ni Tita Loraine nung nagkita kami nung isang araw—mukhang nagustuhan mo na dito.” ani ni Kiefer. Nakatawa ito. “I have to Bro—alam mo naman na ako na ang namamahala sa isla. Tuluyang na itong ipinagkatiwala ni daddy sa akin.” Kaswal na sabi ni Gavin. Pormal itong napatawa. Talagang ngayon, seryoso parin ito. “Baka naman may hinihintay kang bumalik Bro.” makahulugang na sabi ni Kiefer. “Baka hinintay mo yon babaeng sinasabi mo na isinumpa ka. Pababayarin mo ba talaga yon?” nakatawa pa si Kiefer. Ngiti lang ang isinagot ni Gavin dito, saka napako ang paningin nito sa kanya. “Hindi ko yata nabalitaan na may girl---“ natigil ito sa pagsasalita at matamang syang pinagmamasdan. Mukhang tinatangtiya nito kung magkakilala sila nito. Nginitian nya ito. “Yvanna?” nakatawang tanong nito. “Hello Gavin!” ang tamis ng kanyang ngiti dito. Palipat- lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Kiefer. Maya’t- maya lang, may panunuksong tingin ang iniukol nito sa kanila ni Kiefer. “Bro—gusto mong makipagkwentuhan sa akin.” Ani ni Gavin. “Mukhang marami kang kwento sa akin ngayon. Don’t tell me, susunod kana kina Chace at Liam.” “Who can tell Bro. Maybe!” makahulugang na sabi ni Kiefer na sa kanya nakatingin. Tumawa si Kiefer na sa kalaunan sinabayan din ni Gavin. “Yvanna—alam mo bang nasuntok ako ni Kiefer noon dahil sayo.” nakatawang sabi ni Gavin. “—pero okay lang yon sa akin, lasing naman sya nung.” Napanganga sya sa sinabi nito. Pero, nagtawanan lang talaga ang dalawang lalaki. Sekreto pang nag-usap ang magpipinsan. Maya’t- maya lang nagpaalam na din sila kay Gavin. “Ang saya mo naman.” Puna ni Kiefer sa kanya. “Alam ko kung bakit? Kasi nakita mo naman muli si Gavin. Ang guapo naman talaga ng pinsan ko. Sa tingin mo, sinong mas guapo sa aming dalawa?” Makahulugang tanong ni Kiefer sa kanya ng naglalakad na naman sila pabalik sa pinanggalingan nila. Kunot- noo syang napatingin dito. Ano ba ang plano ng lalaking ito? At medyo may kakaiba ang tinig nito. “Sa tingin mo—sino kaya sa amin dalawa ang mas masarap humalik.”bahagya itong huminto saka napatingin sa kanya. “I bet ako—kaya nga nawawala ka sa halik ko.”kaswal na pagkakasabi nito pero may kakaiba ang tingin na iniukol nito sa kanya. Nabuhay ang inis nya dito. Tinapik nya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Saka sya nagpasiuna dito. “Yvanna baby—you don’t have to deny it. You get lost of my kisses, diba?!” ani nito habang nakasunod sa kanya. Mas nilakasan pa nya ang paghakbang. Hindi nya kasi alam kung paano ito kausapin kasi huling- huli nito ang kahinaan nya. Kainis, saan na ba yon galit ko sa kanya? Bakit hindi maalala ng isip ko? Hindi nya napaghandaan ang susunod na gagawin nito. Hinarangan sya nito. Nakangisi ito. Bago pa sya makapagreact, pabiglang hinapit nito ang kanyang baywang at ikinulong iyon sa mga bisig nito. “Kiefer—what are you doing?” pinilit nyang kumawala mula dito. Pero, maraming beses itong mas malakas kaysa sa kanya. Inis na inis na sya dito. Nakangisi ito. Mukhang wala itong pakialam sa inis nya. “Diba—isa sa gusto mong malaman tungkol sa akin ay kung ano ang hobby ko?” makahulugang ang boses nito. “Gusto mo bang ma-experience ang isa sa gusto kong gawin?” Natigil sya sa pagpupumiglas at lihim syang napalunok. “A-Ano ang-------“ Natigil sya nang pabiglang hinapit nito ang kanyang batok saka siniil ng halik ang kanyang labi. Mapagparusa ang halik nito sa kanya. Sandali lang syang nagpupumiglas dahil kalaunan, hindi nya napigilan na namnamin ang halik nito. Kahit mapagparusa iyon pero ang sarap parin sa pakiramdam nya. Nang nagsimula na syang tumugon sa halik nito. Bigla umiba ang klasi ng paghalik nito. Maging mahinahon pero mapang-angkin parin. Mas lumakas ang intensidad ng halikan nila. Pareho pa silang napaungol. Halos habol na naman nila ang hininga ng natapos ang kanilang halikan. Nakatitig lang sya dito. Kumurba ang kakaibang ngiti nito saka tuluyang ngumisi. “Kissing you is one of my hobby now.”mas lumakas ang nerbiyos ng inilapit na naman nito ang mukha sa kanyang mukha. “And I want to do it again and again. At walang makakapagpigil sa akin, baby.” Tila bulong na dagdag nito. "Dahil ang akin ay akin." Ani nito saka sya binitawan. -- -- -- Sana all may Kiefer na laging nanghahalik, hehehe...salamat sa mga readers until now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD