Pilit nyang nginitian ang babaeng kasama ni Jack. Ito si Trixie, ang bestfriend nito na laging nakasunod dito. Kaya ang planong nyang iwan si Zac sa kotse nito, ay nagbago, dahil ngayon kasama din nya ito. Akala ng Jack na ‘to, ito lang ang may chaperone. Buti nalang lagi syang handa—I mean si Zac pala ang nagpilit sa kanya na isama nya ito.
Pinilit nyang iwaglit sa kanyang isipan ang nangyaring halikan nila ng kanyang bestfriend. Kainis kasi, pinagtatawanan lang sya ni Zac pagkatapos. Akala nya hahalikan sya muli nito. Nayari sya, huh! Pero, nasarapan talaga sya sa halik ni Zac at syempre ayaw nyang aminin yon.
Magkaharap silang naupo sa isang garden set na nasa gilid na bahagi ng Pavilion Garden. Magkatabi sila ni Zac, habang katabi naman ni Jack sa Trixie. Kaharap nya si Jack habang kaharap naman ni Zac si Trixie. Pasimple nyang kinabig ang braso ni Zac, kunot- noo itong napatingin sa kanya. Ipinarating nya sa pamamagitan ng kanyang mga mata na dapat kausapin nito si Trixie. Pilit na itinago nito ang inis ng mukha, saka bumaling kay Trixie.
“Hi Trixie!” pinilit pa nitong ngumiti. “How are you?”
“I’m fine.” Napansin din nya ang pilit na pangiti ni Trixie. Pero buti nalang, nabaling nito ang pokus nito kay Zac, kaya nasimulan nya ang 1st step nya sa pagpapacute kay Jack. Ang tamis ng ngiti ni Jack na pinakawalan sa kanya. “How about you?” balik na tanong ni Trixie kay Zac.
“I’m fine also. So what are you taking up in college?” Buti nalang magaling si Zac sa pang-aakit ng mga babae, dahil nakapokus na talaga dito si Trixie. Kaya sila ni Jack, ang sarap ng tinginan nila. Kung magiging close na talaga sina Trixie at Zac mamaya, baka matakasan na ni Jack si Trixie.
“BS HRM.” Matipid na sagot ni Trixie.
“Mahilig ka palang magluto.” Ani nya kay Trixie pero ang mga mata ay nasa kay Jack.
“You right! May restaurant kasi kami--- at saka, talagang mahilig kumain si Jack, eh!” ibinalik na naman nito ang pokus kay Jack. “Lagi ko nga syang ipinagluluto.” Tila may pagmamalaki pa ang boses nito.
Kainis, pero hindi sya patatalo sa babaeng ito. Kailangang mabaling nito ang pokus nito kay Zac.
“Magkatulad pala kayo ni Zac---“ saka pa nya pasimpleng tinignan si Zac na sa kanya pala nakatingin, nagkatama ang mga paningin nila, pero binawi din nya agad iyon. “—mahilig din kasi syang magluto at lagi nga nya akong ipinagluluto.” May pagmamalaki na sabi nya. Naisip kasi nya, na baka magka-interes ito kay Zac pag malaman nito na may pagkatulad ang mga ito.
“Really?” nakangiti pa si Trixie. “So, BS HRM din ang course mo?” tanong nito kay Zac.
“Nope. BSCE ang course ko.”
“Katulad pala kayo ni Jack.” Bumaling na naman ito sa kaibigan. Saka tumingin sa kanya. Pilit parin nya itong nginitian. “How about you Loraine?” tanong nito sa kanya.
“Well—“ may nabuo ang isip nya. “BS Arch, alam mo na, talagang bagay na bagay ang BSCE at BS Arch. Laging magkasama, hindi mapaghiwalay.” Ipinakahulugan nya dito na bagay na bagay talaga sila ni Jack, dahil mag-asawa ang course nila. “Diba, Jack?!” napakatamis ng ngiti na pinakawalan nya para kay Jack. Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya. Mukhang tahimik lang talaga ito.
“What I mean is if you know how to cook?” ani ni Trixie na ikinainis nya. Talented sya pero hindi sa pagluluto.
“Oo.” Si Zac. “Magaling syang magluto ng itlog at hotdog.” Nakakainis na sabi nito na sa kanya nakatingin. Pasimple nya itong pinanlakihan ng mata. Nakuha naman nito na hindi sya natuwa sa sinabi nito, may lihim na inis sa mga mata nito pero nakangiti parin itong bumaling kay Trixie. “What I mean—yon mga main ingredients nya ay itlog at hotdog.” Bawi ni Zac sa sinabi nito kanina.
“Really?” taas kilay pa na tanong ni Trixie.
Lihim na naiinis si Loraine, talagang kay Jack lang ang pokus ni Trixie. Ang mas nakakainis pa ay ginamitan sya nito ng kahinaan nya, ang galing sa pagluluto. Buti nalang taga- salo sa kanya si Zac, pero kahit ganun pa, talagang hindi parin na-aatract si Trixie sa guapong kaibigan nya. Mas guapo naman ng di hamak si Zack kay Jack, mas matangkad din si Zac kay Jack. And lakas kaya ng s*x appeal ng bestfriend nya, pero bakit hindi attracted si Trixie dito.
Kaya ang ginawa nya, nagpaalam sya na pumunta muna ng restroom at pasimple nyang sinabihan si Zac na sundan sya.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong sa kanya ni Zac nang tuluyan na syang nasundan nito. Nasa harap sila ng wishing well ni Kopido na nasa gitnang bahagi ng Pavilion. Dito nya planong kakausapin si Zac.
“Kainis ka!” reklamo nya dito.
“At bakit nakakainis ako, huh? Tinulungan na nga kita sa abot ng aking makakaya."
Nagsalubong na naman ang makakapal na kilay nito.
“Itodo mo kasi ang pagpapacute kay Trixie, para magkaroon kami ng moment ni Jack.”
“Ano pa ba ang ginawa ko.”
Tinaasan nya ito ng kilay. Umigting ang panga nito. At ang guapo nito tignan. Bakit ba domuble ang kaguapuhan nito ngayon?
“Loraine—halata naman na may gusto si Trixie kay Jack, kaya kahit anong gawin ko—kay Jack lang talaga sya attracted.” Paliwanag nito na may inis ang boses. Maya’t- maya lang napansin nya ang tila munting butil ng ulan, pero mahina lang naman. Kailangan na nila pumunta ni Zac sa bahagi na may bubong para hindi sila mabasa ng ulan, pero may plano pa syang gawin. Binuksan nya ang handbag nya, plano nyang kumuha ng coin, pero sa malas, wala pala syang coin.
“Zac—“ napalingon sya dito, nakatalikod na kasi sya dito.
“Bakit?” may inis sa boses nito.
“May coin kaba dyan?”
“Bakit? Anong gagawin mo?” kunot- noo na tanong nito.
“Basta—bigyan mo nalang ako.” pagmamadali nya dito dahil baka maabutan na sila ng malakas na ulan. Mula sa loob ng jeans nito, kumuha ito ng 10 pesos coin, saka padabog na iniabot sa kanya. Nakangiti syang inabot ang coin, saka tinalikuran nya si Zac, at humarap sya sa wishing well ni kopido. Saka nya inihagis ang coin sa wishing well.
“Kopido, diba assistant mo ako, dahil archer din ako. Ang hiling ko sayo ay panain mo naman ang puso ni Trixie para sa kaibigan ko na si Zac---“ wala syang pakialam kung narinig ni Zac ang sinasabi nya.
“Wag mo nga akong idamay sa mga kalokohan mo.” inis na reklamo sa kanya ni Zac, nasa tabi na pala nya ito at nakaharap din sa wishing well.
“Wag kang maingay, hindi pa ako tapos sa hiling ko.” saway nya kay Zac, sinimangutan sya nito. “—para hindi na maudlot ang lovelife ko.” tapos nya sa hiling kay Kopido.
Tuluyang na nyang hinarap ang salubong na kilay na si Zac.
“Tayo nah!” yaya nya dito, dahil mukhang palakas na ang ulan. “Mababasa na tayo.”
“Mamaya na—“ kumuha din ito ng coin. Saka inihagis iyon sa wishing well.
“Wait—hihiling ka din?” hindi nya makapaniwalang tanong. Naalala pa nya dati na sinabi nito na, kabaduyan lang yang hiling- hiling dito sa wishing well. “Akala ko ba kabaduyan lang yan.”
Hindi ito nagsalita, tila humiling nga ito na hindi nya narinig dahil mukhang ang isip lang nito ang nagsasalita. Maya’t- maya lang, mas lalo pang lumakas ang munting ulan. Pero wala syang pakialam. Dahil ang pokus nya ay nasa hiling ni Zac, interesado talaga syang malaman kung ano ang hiniling nito kay kopido.
“Zac—ano ang hiniling mo?” excited nyang tanong.
“Secret.” Kaswal na sabi nito. Saka umulan na talaga ng malakas. “ Tayo nah!” ani nito sabay hila sa kanya. Nagtatakbo sila patungo sa bahagi na may mga bubong. Bahagya tuloy silang nabasa sa ulan.
“Kainis ‘to—nababasa tuloy ako ng kunti. Ang pangit- pangit ko na, nagugusot na bahagya ang buhok ko, tapos baka haggard na ang muk----“natigil sya sa pagsasalita ng napansin nyang nakatitig sa kanya si Zac.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang hinawi ng isang kamay nito ang ilang hair strand nya na bahagyang tumakip sa kanyang mukha, saka isiniksik iyong sa tainga nya. Mas lalo yatang nanlaki ang kanyang mga mata nang unting- unti inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Hindi sya makakilos. Are he going to kiss her again? Pero tumigil din ito ng isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila.
“Yon maskara mo nasira na.”tila bulong na sabi nito. Saka nakatawang inilayo ang sarili.
“Ano?” dali- dali nyang pinunasan ang bahagi ng mata. Kainis, baka ang pangit na nya.
-----
Pangiti- ngiti sya kay Jack, kasalukuyan nilang tinahak ang daan patungo sa parking lot. Hindi na umuulan pero sadyang basang- basa pa ang buong paligid. Madulas at maputik.
Kahit papaano, nagkausap din naman sila ni Jack, pero hindi ito nakapanligaw sa kanya, dahil laging nakasunod dito si Trixie.
Magpasiuna sila ni Jack, nasa likuran nila sina Trixie at Zac, nag-uusap pa ang dalawa. Mukhang napana na ni kopido ang puso nito para sa bestfriend nya. Pero, natigil din sya, dahil ng mula sa kalayuan, parang nakita yata ng guni- guni nya si kopido na umaksyon na tila may papanain. Hindi pa pala napana nito si Trixie, at mukhang papanain na nito ang babae. Wala tuloy sa isip ang pangiti- ngiti nya habang nilingon ng bahagya sina Trixie at Zac. Mukhang magka- inlaban na ang mga ito. Wala nang Trixie na manggugulo sa kanila ni Jack.
At dahil wala sya sa tamang pag-iisip kaya hindi nya napansin ang isang malaking bato sa dadaanan nya—kaya sa malas, natapilok tuloy sya kasabay ng pagbitaw ni Kopido sa pana. Buti nalang maagap syang sinalo ng mga matitipunong bisig ni Zac, pero sa malas natakpan nya si Trixie at parang sya yata ang natamaan ng pana ni kopido. Agad syang napatingin sa mukha ni Zac, at pagtingin nya dito ay para kumikinang ito at may nagliliparan na puso sa likod nito.
Kaya parang naghugis puso yata ang kanyang mga mata. (hehehehe!)