"Are you positive this time?” tila may halong kilig na tanong sa kanya ni Elisse. Nasa may beranda sila ng bahay nila ng kanyang pamilya Lagi talaga itong nandito basta uuwi sya dito sa San Bartolome. Ikinukwento nya dito na magkikita sila ngayon ng ultimate crush nya nung nasa senior high school pa sya at mukhang liligawan na sya nito this time.
Kinikilig sya tumango. Habang sinimulan ng kontakin si Brat gamit ang kanyang laptop. Actually, mukhang hindi naman sya ang pinuntahan ni Elisse dito sa kanila basta araw ng Sabado, gusto lang makausap nito si Brat. Wala kasing internet sa loob ng kombento kasi bawal.
“Hi Brat!—“ bati nya dito ng nakita na nila ang guapong mukha nito sa screen. Mukhang kagigising lang nito. “Ang guapo mo ngayon, ha!”
“Is that an insult or a compliment?” nakatawang sabi nito. Napatawa sya.
Tila kinikilig pa si Elisse. Ang lapad ng ngiti nito. “Nandito nga pala si Elisse.”
Sweet na nagbatian ang dalawa. Akmang aalis na sya para mabigyan ng privacy ang dalawa, pero nakita nya ang paghinto ng kotse ni Zac, sa labas ng gate nila. Agad syang humakbang palapit dito.
-----
“Why are you here?” tanong nya dito nang tuluyan na syang nakalapit dito.
“Bakit? Lagi naman akong nandito sa bahay ninyo.” Kunot- noo na sagot nito.
“Oo nga. Pero alam mo naman na may lakad ako mamaya. May date kami ni Jack.” Pagpapaalala nya dito.
“Alam ko. Anong oras ba kayo magkikita?”
“Mamayang 3:00 pm pa.” napatingin sya sa wrist watch nya, 1:35 pa ang oras.
“Sasamahan na kita.” Matipid na sagot nito.
“Ano?” laking mata nyang sambit.
“Sasamahan kita.”
“Paano maging date namin yon kung kasama kita.” Sarcastic na sabi nya dito. “At saka, ayaw ko ng chaperone.”
“Hindi ko kayo guguluhin—hindi kapa marunong magmaneho, mahirap mag-commute ngayon.”
‘Ihahatid ako ni Mang Celso at susunduin din nya ako.” si Mang Celso ay ang driver ng kanyang pamilya.
“Kahit na—sasama parin ako.” talagang ipinilit nito ang gusto nito at talagang mapilit pa naman ito.
“Fine. Isasama na kita, basta wag mo kaming guluhin sa date namin ni Jack..” pagsuko nya dito. Hindi din naman sya titigilan nito hangga't pagbigyan nya ito sa gusto nito.
Pagkatapos nilang inihatid si Elisse sa kombento ay tinahak na nila ang daan patungo sa Pavilion Garden. Ito ay isang pasyalan na nasa dulong bahagi ng San Bartolome, malapit lang ito sa San Bartolome Light House. Hugis simbahan ang building na napapaligiran ng mga iba’t- ibang klasi na bulaklak, sa loob ng building ay isang park, sa gitnang bahagi ng park ay malaking wishing well ni kopido. Malapit din ito sa mabato- batong dalampasigan.
“Alam mo ba Zac—sure na sure na talaga ako na si Jack na ang Mr. Right ko.” panimula nya sa pagkukwento dito.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” kunot- noo na tanong nito.
“Kasi sabi doon sa nabasa ko sa magazine, ang lucky color ko daw ay blue at alam mo ba na blue ang kulay na suot na polo shirt ni Jack nung mga araw na yon.” Kinikilig na kwento nya dito. Palakwento talaga sya. Kahit nasabi na nya ito kay Elisse kanina, ay hindi parin matigil ang bibig nya sa pagku-kwento.
Napasimangot ito sa kanyang sinabi. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagku-kwento nya, pero wala syang pakialam. Bestfriend nya ito, kaya dapat alam nito ang nilalaman ng puso’t- isip nya. Napansin nya na malapit na sila sa puputahan. Kinalma nya muna ang sarili.
“Hindi totoo ang mga horoscope- horoscope na yan.” narinig nyang sabi nito na tila may inis sa boses. Pero, wala dito ang pokus nya, kasi ngayon, tila may mga daga na naman na nagtatakbuhan sa loob ng kanyang dibdib.
“Gaano kaya kasarap mahalikan ng lalaki?” wala sa loob na tanong nya. Kung liligawan nga sya ngayon ni Jack, sasagutin nya agad ito at saka, she will grab the chance na, at hindi na sya magpapakipot na magpahalik dito.
“Bakit ba napunta sa halikan yang pag-iisip mo?”
“Ikaw naman—hinalikan mo nga yon mga girlfriend mo.” nakasimangot na sabi nya dito. “At wag mong e-deny dahil kitang- kita ng dalawang malalaking mga mata ko.”
Umasim ang mukha nito sa kanyang sinabi. Saka tila galit syang binalingan.
“Wag kang magpapahalik agad.” buo ang boses na sabi nito.
“Anong hindi? Kung magiging boyfriend ko talaga sya ngayon, I will grab the chance na, para mahalikan nya ako.”
Mas lalo yata itong nagalit sa kanyang sinabi.
“At bakit ka magpapahalik agad huh?” galit na tanong nito.
Inihinto na nito ang kotse dahil nasa bungad na pala sila ng pavilion garden. Galit itong tumitig sa kanya.
“Dahil gusto kong masubukan kung paano mahalikan.” Totoong sabi nya dito.
Tila umuusok na ang mga mata nito sa sinabi nya. Ngayon lang nya ito nakitang ganito kagalit, kahit lagi itong galit sa kanya. Ano kayang nangyari dito?
“Halik ba ang gusto mo?” galit na tanong nito.
“Ano naman sa------“
Hindi na nya natapos ang ibang sasabihin ng pabiglang hinapit nito ang kanyang batok, saka siniil ng halik nito ang kanyang labi. Sobrang panlalaki ng kanyang mga mata sa ginawa nito.
Tila may tulayang ng libong- libong bultahe ng kuryente sa loob ng kanyang katawan nang malasahan nya ang tamis ng labi nito. Ang bilis din ng t*bok ng kanyang puso na parang nabibingi na sya.
Ganito ba kasarap ang mahalikan? O sadyang masarap lang itong humalik? Para syang literal na dinadala sa langit sa masarap na halik nito.
“Ngayon na-experience mo na ang mahalikan, wag kang basta’t- basta magpahalik sa Jack na yon.”
Nanatili parin syang nanigas, parang naparalyzed yata sya at pati na ang kakayahan nyang makapagsalita ay nawala na sa kanya. Tulala syang nakatingin sa matalik na kaibigan.
Hindi pa nga nya na- exhale ang nerbiyos na nadarama nang unting- unti na naman inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha.
Anong gagawin nito? Hahalikan ba sya nito muli?