Salamat nga pala sa mga nagbabasa dito kahit simple lang ang mga kwento, at hindi gaanong attractive..hehehehe.. Godbless sa inyo! Pampagoodvibes lang talaga ito.
--
--
Kasalukuyan nasa educational supply sya ng isang mall—may bibilhin kasi sya na mga materials para sa project nya. Kasalukuyan na syang nasa 3rd year college. Napako ang tingin nya sa section ng mga magazine at dahil na-curious sya sa nakasulat sa ibabang bahagi ng cover nito, wala sa loob na lumapit sya dito at binuklat iyon. Dumiretso sya sa horoscope section at binasa ang nakasulat sa zodiac sign na Aquarius at nanlaki ang mga mata nya sa nabasa. Padabog nyang ibinalik muli ang magazine sa pinaglalagyan nito at kinalma nya ang sarili. Paano kung magkatotoo ang nakasulat doon? Ang sumulat pa naman nung ay isang fortune teller na proven na raw ang ability na mag-foresee ng future.
Nakakatakot ang nakasulat sa kanyang kapalaran.
Saka nya tinalikuran ang stall na medyo lumilipad ang isip.
“Oops!Careful—“ maagap na nahawakan ng matangkad na lalaki ang mga braso nya para hindi sya matumba. Paglingon kasi nya, nabangga ba naman sya dito. Napaangat sya ng mukha, at nagkasalubong ang paningin nila ng lalaking kilala nya.
“Loraine?—“ paniniguro na sambit nito.
“Jack?—“ paniniguro din nya.
-----
“Nung isang linggo halos sinaniban kana ng espirito ng kalungkutan at pagmamakdol, dahil sa nabasa mo sa isang magazine.” Puna ni Zac sa kanya. Kasalukuyan itong nagluluto ng dinner nila. Well, madalas naman talagang ito ang nagluluto, mas marunong kasi itong magluto kaysa sa kanya. Habang sya ay nakaupo lang, na abot tainga yata ang ngiti. “Bakit ang saya mo ngayon?” nakangiti ito sa kanya. These past months ay hindi na ito masyadong nagsusungit sa kanya. Kinakausap narin sya nito habang nakangiti.
“Kasi hindi na magkatotoo ang prediction sa akin—magkakaboyfriend na ako!” masaya nyang sambit.
“Ano? Anong boyfriend?”awang labi na tanong nito.
“Duh!—kasintahan, syota, ano paba?”
“Sino naman lalaking yan? Baka kung saan- saan mo lang yan nakilala.” pagalit na sambit nito, pero wala syang pakialam. Lagi naman itong nakikialam sa lovelife nya. Sobrang higpit pa nga nito.
“Naalala mo si Jack? Yong ultimate crush ko noon.”
Tila wala sa loob na napatango ito.
“Hindi ko naikwento sayo na nagkita nga pala kami ng araw na yon, at niyaya nya ako sa isang coffe shop, napag-alaman ko na sa UP pala sya nag-aaral, BSCE din ang course nya, katulad mo. Mula nung, lagi na syang nagtetext at tumatawag sa akin. At niyaya nya akong mamasyal, sa tingin ko liligawan na nya ako.” masayang kwento nya dito.
“Mamasyal lang—liligawan agad.”
“Dapat talaga nya akong ligawan.”
“Bakit ba desperada kang magkaroon ng boyfriend ha?” tila nairita na ito.
“Alam mo naman ang nabasa ko sa isang magazine diba, na pag sasapit daw ako sa edad na 19 at NBSB parin ako. Hindi na daw ako makakita ng forever ko. Ibig sabihin hindi ko na ma-experience ang mahalikan.” Medyo may pagkapilya talaga ang bibig nya. Hindi talaga sya conservative kung magsalita. Lumaki kaya sya na ang mga kasama ay mga bakla. “At saka isang buwan nalang at mag 19 na ako.”
Umasim ang mukha nito sa kanyang sinabi.
“Bakit kaba naniniwala sa mga hula- hula na yan? No one can predict our future, tayo ang gumagawa ng future natin.” Saka sya tinalikuran nito at ibinalik ang pokus sa pagluluto.
“Kahit na—paano kung magkatotoo? Ibig sabihin, I will die virgin.”
Napalingon ito sa sinabi nya.
“Loraine—ano ba yang bibig mo?” reklamo nito. Para naman hindi na ito nasanay.
“Wag ka nang komontra Zac—basta magkikita kami sa Sabado sa Pavilion Garden.”
Pilit itong nahinang napatawa.
“Ang cheap naman ng date ninyo.” Talagang nang-iinsulto pa ito.
“Excuse me!—memorable kaya ang date namin.” Kinikilig pa na sabi nya. “Hindi mo ba naalala? Doon tayo laging namamasyal noon nina Elisse at Brat.” Paalala nya dito sa mga masasayang alaala nilang apat. Pero medyo hindi na sila masyadong nakapamasyal doon, mula nang umalis si Brat. Maliban kasi na busy na sila, parang kulang na kasi, wala nang partner si Elisse. “At saka sinabi ko sa sarili ko mula ng una tayong pumunta doon, na doon kami mag-aaminan ng feelings namin ng lalaking maging forever ko.” sabi nya na tila nangangarap lang. At sana si Jack na ang kanyang Mr. Right.
“Ewan ko sayo.” saka sya tinalikuran nito.
Nanlalaki ang mga mata nya ng nakita ang niluluto ni Zac, ito ang favorite nya. Masabaw na adobong manok at masarap magluto si Zac nito. Ito pa ang naghahanda ng mapagkainan nila. Well, talaga naman may pagkatamad sya sa mga gawain bahay. Halos bini- baby kasi sya ng momshie at papsie nya.
“Wow—my favorite!” masayang bulalas nya. Umupo ito sa harapan nya. “I love you Zac!” nakangiting sabi nya dito.
Again, walang ekspresyong ang mukha nito.
Hindi na sya makapaghihintay, at agad nyang tinikman ang luto ni Zac. Sadyang may pagkamatakaw pa naman sya, lalo’t- lalo na kung si Zac ang nagluluto. Napaka- perfect talaga ng kanyang bestfriend.
“Ah Zac---“ napatigil ito sa akmang pagsubo at napatingin sa kanya.
“Bakit na naman?” tila may inis ang boses nito. Pero, hindi nya pinansin.
“Mukhang masyadong naman maalat itong niluto mo ngayon—“pagrereklamo ny
“Wag ka nang magreklamo kasi ginugulo mo ako habang nagluluto.”
Tinaasan nya ito ng kilay. Ipinagpatuloy naman nito ang pagsubo. Napansin nya ang pag-ismid nito ng natikman na nito ang adobong niluto nito.
“See sinabi ko sa------“
“Kumain ka nalang dyan.” Putol nito sa sasabihin nya.
Kaya no choice sya—I mean silang dalawa, at napilitan kainin ang niluto nito. Pero maya’t- maya lang--
“Alam mo open pa ngayon ang Eduardo’s kitchen.” Ani nito.
Nakuha naman nya ang nais ipakahulugan nito. Favorite nilang kainan ang Eduardo’s kitchen dahil sa masarap na barbeque at litson doon. At malapit lang ito sa apartment nila.
“Tayo na.” nagpasiuna syang tumayo, sumunod naman ito sa kanya.
-----
Dahil kaya lang naman lakarin ang Eduardo’s Kitchen, kaya napagpasyahan nila pareho na maglakad nalang. Para mapawisan din sila ng kunti. Nakakapit pa sya sa bisig nito. Well, ganito naman sila lagi basta naglalakad.
“Nasabi mo na ba sa momshie at papsie mo ang tungkol sa plano natin?” tanong nito sa kanya while naglalakad sila.
“Hindi pa.” sabay iling nya.
Napahinto ito sa paglakad at bahagyang inilingon ang mukha sa kanya.
“Bakit hindi mo pa nasabi? Dapat mas maaga, malaman na nila.” reklamo nito.
Ang plano nila, and again ito lang naman ang nagdesisyon. Na pagkatapos nya sa pag-aaral dito, kukuha agad sya ng board exam, then susunod sya nito sa state at doon din sya mag-aaral ng masteral. At magkasama na naman sila sa isang apartment. Bata palang sya, sinunod nya halos lahat ng desisyon nito para sa kanya, hindi dahil hindi sya makareklamo kundi dahil naniniwala sya na para iyon lahat sa ikakabuti nya. Hindi lang nya ito bestfriend kundi parang kuya na rin nya ito.
“Sige sasabihin ko, one of these days.” Nakangiting sabi nya dito saka binawi nito ang paningin mula sa kanya at humakbang uli.
“Sakto at mahigit sa apat na taon ako doon—tapos 2 years lang ang masteral. Sabay na tayong uuwi dito.” Ani nito.
“Okay.”
“At yon pangarap nating dalawa na magkasama sa trabaho ay tutuparin talaga natin. I am your Civil Engineer and you are my Architect.”
Napangiti sya sa sinabi nito. Lagi talaga nilang sinasambit ang mga katagan na ito, lalo’t- lalo na kung nahihirapan na sya sa kursong kinukuha nya. Ang pangarap na maging Architect ni Zac balang araw ang isa sa mga dahilan kaya nagpursige sya sa pag-aaral.
“Yes. I am the designer and you are the creator.” Napansin nya ang pangiti nito.
Pangarap nilang magkasama habang buhay ni Zac, kahit magkakaroon na sila ng mga sari- sariling pamilya pagdating ng araw. Magbestfriend parin sila nito.