LMB 7

1471 Words
“Bakit ba lagi mo yang suot?” puna sa kanya ni Zac. Magkatabi silang naupo sa sofa na nasa sala ng kanilang apartment. Kasalukuyan silang nag- rereview para sa final examination nila. Ang itinatanong nito sa kanya ay ang suot nyang kwentas na may heart- shaped pendat. Lagi nya itong suot dahil ito ang regalo ni Zac sa kanya nung debut nya. "Proud ako dahil sa wakas may regalo ka narin sa akin, at saka gustong- gusto ko ito.” mahabang sabi nya saka kinuha ang aklat na nasa center table. Ito naman busy sa pagbabasa ng hindi nya maintindihan. Mahirap ang kursong architecture pero dahil sa tinutulungan sya ni Zac sa pag-aaral nya ay nalampasan nya ang dalawang taon nya sa kolehiyo. Nasa 4th year na si Zac sa kolehiyo, at sa susunod na taon ay gra-gradwet na ito sa kolehiyo. Parehong 5 years course ang kursong kinuha nilang dalawa ni Zac at kailangang ipasa sa board exam.. Plano nito na kumuha agad ng board exam, kaya sinimulan na nito agad ang pagre-review, naghahanda na rin ito in advance sa thesis nito. Pagkatapos ng board exam kung palarin maipasa, na sigurado naman sya na maipasa nito, ay pupunta din ito sa state, para sa master nito at para narin mag- aral muli. Hindi na ito nagsalita, ibinalik nito ang pokus sa binabasa. Kumuha pa ito ng papel at ballpen na tila may isini-solve. Sya din ay nagpokus na kanyang pag-rereview. Maya’t- maya lang, lumo syang napatigil. Maang itong napatingin sa kanya. “Bakit?” kunot- noo na tanong nito sa kanya. “Zac—“ she exhaled, bago nya ipinagpatuloy ang naudlot na sasabihin. “—one stone is enough to break a glass, one sentence is enough to break a heart, one second is enough to fall inlove----“ awang labi itong nakatingin sa kanya, nakipagtitigan sya dito. “—but why the hell one chapter is not enough to pass the exam.” Saka nya isinandal ang ulo sa ibabaw ng backrest ng sofa. Hindi sya nakatingin dito kaya hindi nya alam kung anong reaksyon nito sa kababaliwan na kanyang sinasabi. “Aren’t you not done yet, sa pag-eemote mo kanina sa banyo?” maya’t- maya narinig nyang tanong nito. Bahagya nyang iniangat ang ulo para tignan ito, at sumalubong sa paningin nya ang nakasalubong na kilay na si Zac. “Hindi ka parin ba tapos Zac—“ hindi nya napigilan isambit. “—kanina pa tayo nag-rereview dito.” Araw ngayon ng Sabado at napagpasyahan nila pareho na hindi muna uuwi sa San Bartolome dahil finals na nila next week. Hindi ito nagsasalita at napatitig lang ito sa kanya. Inayos nya ang pagkakaupo, sigurado pagagalitan na naman sya nito dahil sinusumpong na naman sya ng katamaran. Akmang kukunin na sana nya muli ang aklat nang bigla itong nagsalita. “Alam mo—tama ka.” Saka itinabi nito ang libro. “Mukhang kanina pa tayo nag-aaral. Kaya mas mabuting magrelaks muna tayo ng kunti.” Kaswal lang na sabi nito. Hindi nya napaghandaan ang susunod nitong gagawin. Pabigla itong humiga sa sofa at ginawa na naman unan nito ang kanyang kandungan. Well, sanay na sya dito. “Hey Loraine—“ ani nito. “Masahiin mo nga ang noo ko kasi sumasakit.” utos nito sa kanya. “Kainis ka talaga!” wala sa inis na sabi nya, habang ginawa ang sinabi nito. “Pasalamat ka mahal na mahal kita.” “Mahal mo ako?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Oo naman.” Nakatawang sagot nya. “Diba matagal mo na nyang alam? Ikaw kaya ang bestfriend ko. Don't tell me, hindi mo binigyan ng pansin ang madalas kong pagsasabi ng I love you sayo. Grabe ka talaga, Zac." Tumitig ito sa kanya. Pero agad din binawi nito ang paningin nito. Patuloy parin sya sa pagmamasahe sa noo nito, hanggang sa napansin nyang ipinikit nito ang mga mata nito. Ang guapo talaga ng bestfriend ko, kung hindi ko ito bestfriend, baka pinagnanasaan ko na ito. Buti nalang bestfriend ko ‘to. “Zac—“ mahinang sambit nya sa pangalan nito. “Bakit?”’ nakapikit parin ang mga mata nito. “Matutulog kaba?” “Hindi naman. Magrerelaks lang ako.” “Alam mo ba Zac, halos lahat ng kaklasi ko na babae—may boyfriend na.” nag-open na naman sya ng kakaibang topic dito. “And so? Ano naman yon sa akin?” Oo nga naman, wala naman itong pakialam. “Hindi naman sayo. Sa akin naman.” Napabuka ito ng mga mata. Tumigil narin sya sa pagmamasahe sa noo nito. “Bakit, ano naman yon sayo? kunot- noo na tanong nito. “Naiingit ako.” matipid nya sagot. “Kasi sila may boyfriend, tapos ako wala parin manliligaw. Sa tingin mo, pangit ba ako.” Iyon talaga ang laging itinatanong nya. Napaupo ito. Saka inayos ang sarili sa pagkakaupo sa sofa. Sumandal ito sa backrest ng sofa, saka ipinatong ang ulo sa ibabaw ng backrest. “Zac—wala ka lang bang sasabihin.” “Bakit mo ba pinuprobema kung wala kang boyfriend?” tila may halong inis sa tanong nito. “Kasi nga hanggang ngayon NBSB parin ako.” “Anong NBSB?” matipid na tanong nito. “No Boyfriend Since Birth, duh!” “Alam mo—kaysa problemahin mo yan, bakit kaya hindi ka nalang magpokus sa finals?” saka inayos nito ang pagkakaupo at kinuha nito muli ang libro nito. “Mag-aral ka kaya uli dyan?” saka binuklat nito ang libro. “Zac naman—hindi mo kasi naintindihan, kasi ikaw hindi ka nawawalang ng girlfriend. Kung hindi lang dahil sa asungot na laging nakasunod kay Jack noon, baka naging boyfriend ko na yon.” May halong inis na sabi nya. Muntikan na kasi syang niligawan ng lalaki noon, pero laging nakasunod dito ang bestfriend nito. Parang bad trip si Zac na nakatingin sa kanya. “Ibalik mo kaya ang atensyon mo sa pag-aaral.” naiirita na sambit nito. “Kaysa yon Jack ang iisipin mo.” Inirapan nya si Zac. Talagang hindi nito naintindihan ang naramdaman nya. Basta pagdating sa lovelife nya, kontrabido talaga ito, samantalang sya, kahit ayaw na ayaw nya sa mga nagiging girlfriend nito ay lagi syang naka-suporta dito. “Naiinis nga ako—baka tatanda akong dalaga.” Nagkiskisan ang mga ngipin nito. “Kanina, ang pagiging NBSB mo ang pinuproblema mo—ngayon umabot kapa sa pagiging matandang dalaga. Talaga bang problemahin mo yang ngayon?” tila nairita yata ito. “Bakit kaya ang hindi darating na finals ang problemahin mo.” saka kinuha nito ang libro nya na nakapatong sa center table. “O, mag-aral ka.”padabog itong inilagay sa kanyang kandungan. “Zac naman----“ “Fine. Kung hindi ka pa ikinasal, hindi rin ako magpapakasal.” sambit nito na ikinangiti nya. “Really?” hinaluan nya ng lambing ang boses. Tumango lang ito. Saka ibinalik nito ang pokus sa binabasa. “Hindi mo pa pakakasalan ang babaeng pinangakuan mong pakasalan balang araw?” Tumango na naman ito, habang ang pokus ay nasa binabasa. Umisod sya dito, saka niyakap- yakap ito. “Sabi ko na nga ba—mahal na mahal mo ako.” ipiniling nya ang ulo sa balikat nito. “Wag mo nga akong yakap- yakapin—nag-aaral ako. Distorbo ka talaga.” Hindi naman galit ang boses nito, kaswal lang. Pero, hindi nya ito sinunud. Saka pabigla nyang itinusok ang isang daliri nya sa baywang nito. Napasinghap ito. “Loraine!—“ saway nito sa kanya. May kiliti kasi ito sa baywang. Umandar ang kapilyahan nya. Hindi sya nagpasaway. Talagang kiniliti nya ito. “Loraine—stop!” saway na naman nito na tila matatawa na sa ginagawa nya. “I don’t!” “Talaga lang ha!” inilagay nito ang libro sa center table. “Lagot ka sa akin.” Pilyo syang tinignan nito. Mukhang alam na nya ang gagawin nito. Napatigil sya sa pagkikiliti nito. ‘Zac, mag-aral na------“ natigil sya sa sasabihin nang pabigla syang kiniliti nito sa baywang nya. Natatawa tuloy sya at parang pagiling- giling. May kiliti rin kasi sya sa baywang. “Zac—stop that!” nakatawang sabi nya. Para na kasi syang sinaniban ng sumasayaw na espirito. Tawang- tawa rin ito sa ginagawa nito. Ngunit hindi parin ito nagpasaway sa kanya, mas idiniin pa nito ang pagkikiliti sa kanya. Kaya napahiga tuloy sya sa sofa ng wala sa oras at nadaganan sya nito. Natigil ito sa pagkikiliti sa kanya. Nagkatitigan sila nito ng ilang seconds hanggang sa— “Zac---“ mahinang sambit nya sa pangalan nito. Hindi ito sumagot. Nakatitig lang ito sa kanya. She exhaled bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “---pwedeng magluto kana, nagugutom na ako. At saka ang bigat mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD