LMB 6

1100 Words
“Wow—ang ganda mo friend!” hindi napigilan bulalas ni Elisse nang tuluyan ng natapos ang momshie Jorge nya sa pagme- make up sa kanya. Debut nya ngayon. Hindi nga nya napigilan humanga sa sarili pagkatapos syang ayusan ng momshie nya. May nakatago pala syang ganda. “Salamat!” nakangiting sabi nya dito. “Ikaw rin napakaganda mo ngayon.” totoong sabi nya dito. Napakaganda din kasi nito sa suot nitong simpleng gown. Well, sadyang natural naman itong maganda. Nginitian rin sya nito. Hawak kamay pa sila ni Elisse nag tuluyan lumabas sa hotel room nila. Nasa isang di kalakihan na hotel ang venue ng debut nya na nasa San Bartolome. Paglabas nila sa pinto, sumalubong agad sa kanya ang escort nya na si Bret. Sayang wala partner ngayon si Elisse, nasa isang bansa kasi si Brat. Doon na ito nag- aaral ng kolehiyo. “You’re so beautiful today, Loraine!” sabi nito na nakatitig sa kanya. “Ngayon lang?” biro nya dito. Mukha kasi itong seryoso. “As always.” Nakangiti ito. Saka hinawakan nito ang kanyang kamay. Kilig na kilig naman si Elisse habang nakatingin sa kanila. Alam kasi nito kung gaano nya ito ka-crush noon. Well, napakaguapo na nito ngayon. Mukhang mas lalong naging hawig ito kay Zac. Golden tan din ito, halos pareho sa lahat ng feature ni Zac maliban lang sa mga mata nito. Mas kahawig pa nga ito ni Zac, kaysa nakakabatang kapatid na lalaki ni Zac na si Zaith, kakambal ito ni Clouie. Mas kamukha kasi sina Clouie at Zaith sa ninang Haylee nya. ----- Marami syang bisita at karamihan ay mga Del Fuengo. At halos lahat ay sinasabihan syang napakaganda nya. Well, this is the 1st time na sinabihan sya na maganda ng halos lahat, kadalasan kasi nyang maririnig mula sa halos lahat ay napaka- cute nya. Well, talagang cute nga naman sya, pati na ang height nya ay cute din. Buti nalang naka-high heels sya habang nagsasayaw sila ni Bret, kasi baka hanggang kili- kili lang sya dito, tulad kay Zac. Bakit ba naman kasi, napakatangkad ng mga Del Fuengo. Mukhang nung nagsabog ng height si Lord, tulog sya kaya heto sya, ang cute nya. “Sana naman darating ang araw na pwede na kitang ligawan muli.” Ani sa kanya ni Bret. Lagi talaga itong nagpalipad- hangin sa kanya. At dahil mas lumalim ang friendship nila kaya hindi nya ito pwedeng maging boyfriend. Mas mahalaga sa kanya ang friendship nila. Kahit kailan, hindi sya magkakagusto sa isang kaibigan. Mas matimbang para sa kanya ang pagkakaibigan kahit sa ano paman. Hindi sya gagaya sa mama nya. “We're friends Bret!” nakangiting sabi nya dito. Ngumiti naman ito sa kanya. Noon, na nagkaroon sya ng crush dito, although magkakilala na sila at nagpapansinan, hindi naman masabi na close friend sila. Nagiging close lang naman sila nito dahil kadalasan partner sila sa mga kahit anot- ano project sa school noon at magkaklasi sila lagi. Kaya, binura nya ang pagkagusto nya dito dahil kaibigan na nya ito. Ang magkaibigan ay dapat magkaibigan lang habang buhay. Hindi dapat lalagpas yon sa kahit ano paman. Mabuti nalang at bestfriend lang ang nadarama nya para kay Zac, kaya hindi sya naiilang dito. Habang buhay silang magkasama ni Zac bilang mag- bestfriend, kahit pa hindi kini- claim ni Zac na mag bestfriend silang dalawa. Sya lang naman ang gumawa- gawa dito. Halos lahat sinasabi sa kanya na sila daw dalawa ni Zac ang magkatuluyan balang araw. Kinilabutan sya sa isipin ito. Hindi nya ini- imagine ang sarili na katabi sa pagtulog si Zac at -------never mind. Napailing sya. Ang sagwa ng pumapasok sa kanyang isip. Lihim na hinahanap ng kanyang mga mata si Zac. Siguro naman umatend ito kahit papaano sa debut nya ngayon, kahit wala itong hilig sa mga social gathering. Excited pa naman sya na makita nito na napakaganda nya sa gabi na ito. Hanggang tainga yata ang ngiti nya nang nakita si Zac na palapit sa kanya at napakaguapo pa nito sa suot nito. “Hi! Happy Birthday!” sabi nito sa kanya nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Sobrang tamis ng ngiti nya dito, hinihintay nya kasi na sabihin nito na maganda sya. Pero ilang seconds na ang lumipas ay wala talagang lumabas sa mga labi nito. Kaswal lang itong nakatingin sa kanya. Wala talaga syang nababasang paghanga mula sa mga mata nito. “Zac—hindi kaba nagagandahan sa akin?” malambing na tanong nya dito. Hinagod sya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Pinupungay- pungay nya ang mga mata, para mapansin nito ang cuteness nya. “Okay lang.” tanging sinabi nito. Kahit nga na sabihan syang cute ay hindi sya sinabihan nito kahit isang beses, maganda pa kaya. Kainis talaga itong si Zac. Walang sweetness sa katawan. “Saan na ang regalo mo sa akin?” mas mabuti nalang na tanungin nya ito. “Inilagay ko doon.” Turo nito sa mga nakaumpok na mga regalo para sa kanya. “Talaga, may regalo ka sa akin?” hindi makapaniwalang sambit nya. “Pinilit mo ako. Kaya napilitan akong gastusin ang pera ko." Sanay na sya kay Zac, kaya hindi na sya na-offend at nasaktan sa sinabi nito. Namulatan na nya na ganito si Zac sa kanya. Pero, hindi parin nya kayang layuan ito. Parang may tali na humihila sa kanya palapit dito, kahit pa napaka- insensitive nito minsan. Sa totoo lang, sa kanya lang naman over sa pagka- suplado si Zac. Suplado ito pero pagdating sa kanya ay sobrang- sobra ang pagkasuplado nito. Lihim nyang hinintay na yayain syang sumayaw nito. Pero nakatayo lang talaga ito katabi nya, hindi pa ito nakatingin sa kanya. Sa iba’t- ibang babae ito lihim na nakasunod. Kabe- break lang nito sa girlfriend nito. Siguro, naghahanap ito ng bagong girlfriend. Tapos na ang kanyang debut, hinahanap ngayon ang regalo ni Zac para sa kaya. This is the first time na may regalo si Zac sa kanya kaya gusto nya ito ang una nyang buksan. Inis na inis pa naman sya dito, dahil nakikipagsayaw ito sa dalawang babae kanina, tapos sya, hindi man lamang isinayaw nito. Napangiti sya ng nakita ang isang maliit na box na may nakasulat “Happy Birthday to you. From: Zac.” Kainis, wala man lamang sweet message. Excited syang binuksan ito at nanlaki ang mga mata nya sa regalo ni Zac sa kanya, ito na yata ang pinakagusto nya sa lahat ng regalo sa kanya. Sunod din nyang binuksan ang regalo ng kanyang secret admirer. Isang set ng mamahalin earings ang regalo ng kanyang secret admirer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD