TPLY 7

1004 Words
You may now kiss the bride!” sabi ng judge na nagkasal sa kanila ni Kyle. Napaharap si Kyle sa kanya. Hindi nya alam kung dapat ba nyang ipasalamat ang nangyayari sa kanila ngayon. Halata kasi na napipilitan lang si Kyle. Walang emosyon ang mukha nito at mabilis lang syang hinalikan sa labi. Nagpapalakpakan ang mga kunting tao na naging saksi sa simpleng kasalanan nilang ito ni Kyle. Sabay silang napaharap ni Kyle sa mga ito. Ang mommy at daddy ni Kyle, kahit nakangiti pa ang mga ito sa kanya, hiyang- hiya parin sya sa mga ito. Dumalo din naman ang antie Milagros nya bilang guardian nya, pero hindi kasiyahan ang nababasa nya sa mga mata nito kundi galit. Ang tanging inimbita nya sa kasalan ito ay ang bestfriend nyang si Clouie, kasama nito ang kaibigan nito na si Aldrine. Mabilis ang lahat ng mga pangyayari at hindi parin sya makapaniwala hanggang ngayon na asawa na nya si Kyle. Pagkatapos nang may nangyari sa kanila ni Kyle, pinilit nila pareho na maging kaswal parin sa isa't- isa. Paminsan- minsan na ito umuuwi sa malaking bahay at nahalata nya na iniiwasan na sya nito. Halatang pinagsisihan nito ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala naman syang planong panagutin ito sa nangyari, pero ilang araw na ang nakakalipas, bigla nalang syang nahimatay, agad syang dinala sa malapit lang na clinic. Doon napag-alaman na buntis pala sya. Nagbunga ang isang gabi na hindi sinasadyang may nangyari sa kanila ni Kyle. Ayaw sana nyang aminin sa mga magulang ni Kyle na ang anak ng mga ito ang ama ng ipinagbubuntis nya, pero si Kyle ang kusang umamin. Pinagutan sya nito, dahil ayaw nitong maging bastardo ang maging anak nito. ------ “Hey, what's that face?” tanong sa kanya ni Clouie, kasalukuyan silang nasa labas ng malaking bahay. Nagpahanda naman kahit papaano ang mga magulang ni Kyle at nagkaroon din naman sila ng mga bisita. Pero, ang kasal nila ngayon ay hindi katulad ng ibang kasal na napapanood nya sa mg video na nakikita nya o sa mga magazine na nababasa nya. Alam nyang hindi sya mahal ni Kyle tulad ng pagmamahal nya dito, kaya hindi na sya dapat umasa na magiging normal ang lahat. Bata pa sya, pangarap na nyang maging wedding planner at magkaroon ng mala- fairytale na kasal. Pero, aanhin naman nya ang mala- fairytale na kasal kung hindi nya mahal ng mapapangasawa nya. Kaya kahit malayo sa ganun ang kasal nila ni Kyle, naisip nyang mas mabuti pa ang ganito, kasi sa lalaking mahal sya ikinasal. Perfect sana ang lahat, kung minahal din sya nito. “Alam mo naman na napipilitan lang si Kyle na pakasalan ako, diba?” malungkot kong sambit. “Mabait ang cousin ko Alissa. Magiging mabuting asawa sya sayo at ama sa anak ninyo." She has no doubt of that. Pero paano nya pakisamahan ang taong hindi sya mahal? “Tama ka Clouie.” Pilit syang ngumiti sa kaibigan. “Hey—don’t be sad! This is supposed to be your happiest day. Baka naman lalabas na nakasimangot ang future inaanak ko.” tinamisan nito ang ngiti sa kanya. “Thank you Clouie!Thank you that you always there for me.” tulong luha nyang sambit pero pinahid nya agad ang kanyang luha. “Of course, were bestfriend, diba! And I’m always here for you. Kung kailangan mo ako, lagi akong handang tumulong sayo.” ---- “Congratulation in your wedding!” bati sa kanya ng Zaith nang nagkasalubong sila nito. Hlilaw itong ngumiti. “Salamat.” Matipid nyang sagot. “Are you happy?” seryosong tanong nito. Napatitig sya dito. Hindi nya alam kung paano sagutin ito. “Do you love my cousin?” ibang tanong na naman nito kahit hindi pa nya nasagot ang unang tanong nito. “I- I love Kyle, Zaith!.” Mahinang sabi nya dito, baka may makarinig pa sa kanilang iba. Mataman itong nakatingin sa kanya. “C-Can I hug you for the last time?” Napatitig sya dito. Hindi alam kung pagbibigyan ito. “Please!” may halong pakikiusap ang boses nito. Bumugtong- hinga muna sya. Saka sya tumango. At binigyan nga sya nito ng yakap pangkaibigan. ------ “Masaya kana?” galit na sambit ng kanya antie Milagros . Kasalukuyan syang nasa loob ng kwarto nya, inayos nya ang mga gamit nya para mailipat na ito sa kwarto nila ni Kyle. Sinundan pala sya nito. Maang syang napatingin dito. Napakunot- noo sya. Hindi nya ito maintindihan. “Ngayon ko lang mas napatunayan na matalino ka pala.” Mapait itong napangiti. “Akalain mo yon, ang plano namin ni Savanah, ikaw ang tumuloy. Ano ang pakiramdam na isa kanang ganap na Del Fuengo ngayon? May paguilty- guilty kapa. Talagang magkatulad kayo ng mama mo, mang-aagaw!” Nasaktan nya sa sinabi nito. Pero tinigasan nya ang loob. “Antie, hindi ko planado ito. Wala po---“ “Anong hindi planado? Sinamantala mo ang pagkakataon na nagdadalamhati si Kyle.” Hindi na naitago nito ang galit. “Sinamantala mo ang kahinaan nya. Sabi ko na nga ba, ang taas talaga ng gusto mong liparin. Pero tandaan mo ito, kung ano ang ikinataas ng nilipad mo ngayon, sya din ang ikakabagsak mo.” Mariin na makahulugan na sabi nito. “Antie—please po!” namamasa na ang kanyang mga mata. “Magkadugo po tayo at----“ “H- Hindi ka magiging masaya Alissa. Dahil sa bawat araw na magkasama kayo ni Kyle—mararamdaman mo na wala kang halaga sa kanya. Mas lalo mong maramdaman na kailan man hindi ka nya kayang mahalin katulad ng pagmamahal nya sa pinsan mo, na inagawan mo. Wala syang ibang mamahalin, tulad ng pagmamahal nya kay Savanah. Araw- araw mong mararamdaman ang pagmamahal nya kay Savanah!” huling sinabi nito saka padabog itong lumabas mula sa kanyang kwarto. Tuluyang naglaglagan ang kanyang luha nang wala na ang kanyang antie. What is the price of loving Kyle? Handa ba talaga sya? -- -- -- Sorry sa mga error, hindi ko na inedit..salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD