TPLY 8

1063 Words
Tama nga ang sinabi ng antie Milagros nya. Hindi naging madali para sa kanya na pakisamahan si Kyle. Mula nang ikinasal sila nito, hindi na sya masyadong pinapansin nito. Lihim tuloy nyang hiniling na sana hindi nalang nangyari ang lahat. Maganda pa sana ang samahan nilang dalawa. Kung dati lagi itong umuuwi ng San Bartolome at makikipagkwentuhan sa kanya ng kung ano’t- ano. Ngayon malimit na itong umuuwi. At kung uuwi naman ito, hindi din sya masyadong pinapansin nito. Kung papansinin naman sya nito, ay tungkol lang sa mga ipinagbubuntis nya ang tinatanong nito. Hindi na nga ito masyadong nagkwento sa kanya tungkol sa pag-aaral nito at hindi narin sya kinukulit nito para tikman ang mga bagong recipe nito. Aaminin nya, namimiss nya ang dating Kyle. Namimiss nya ang mga tawanan at kulitan nila. Pero, anong magagawa nya. Halata naman na iniiwasan sya nito. Halata naman na hindi nagugustuhan nito na maikasal sa kanya. “The babies are now 25 weeks old.” Ani ng doctor sa kanya. Kasalukuyan syang nag- undergo sa isang ultrasound. “They are both fine, the placenta is fine, the fluid—walang problema sa pinagbubuntis mo.” nakangiting sabi ng doctor sa kanya. Napatingin sya sa bungad ni Clouie, ito ang kasa- kasama nya sa tuwing pupunta sya sa doctor para magpa-prenatal check- up. Kung wala naman ito, dahil may pasok din ito sa paaralan, ang mommy ni Kyle ang kasama nya. Pagkatapos ng first semester, huminto din sya sa kanyang pag- aaral dahil sa kanyang kalagayan. Pero, mag-aaral din naman sya muli sa susunod na taon.“Alam mo na ba ang gender ng babies?” tanong ng doctor. “Hindi pa po Doc.” Ngumiti ang doctor. “They are both male.” Ani nito. Oo. Kambal ang ipinagbubuntis nya. Nasa lahi na talaga ng mga Del Fuengo ang kambal. Magkakambal nga sina Clouie at Zaith. ------ “Alam mo, mas mabuti siguro kung ipa 3D ultrasound natin ang babies, para makita natin kung sino ang kamukha.” Excited na sabi ni Clouie. Naglalakad na sila patungo sa parking lot ng hospital. Kasunod lang ang tahimik na si Aldrine sa kanila. Talagang lagi itong kasama ni Clouie. Ito na yata ang nagsisilbing driver nila kahit saan sila magpunta. “Pwede na ba yon? Makikita naba natin?” hindi nya mapigilan ang mapangiti. Lihim nyang hiniling na sana parehong kamukha ni Kyle ang magiging anak nila. “Oo naman—yong kakilala ko nga, 23 weeks pa yong ipinagbubuntis.” tila seryosong sabi nito. “Pero nung lumabas naman ang baby, hindi naman kamukha sa lumabas sa 3D.” saka ito mahinang napatawa. Napatawa narin sya ng bahagya sa sinabi nito. Hindi palabiro si Clouie, kaya alam nyang bumanat lang ito ngayon, para lang siguro pasayahin sya. Kahit kasi nakangiti sya, hindi parin nya maitago ang lihim na kalungkutan na nadarama. “Siguro kailangan munang 28-30 weeks yon baby sa tiyan—bago ipa 3D.” ani naman ni Aldrine. Tahimik na tao si Aldrine, hindi ito palasalita. Pero, magaling itong magpatawa kung nasa mood ito. Napalingon si Clouie dito. “Sinong nagsabi sayo?” tanong ni Clouie. “Hula ko lang.” ani nito. “Manghuhula kana ngayon.” napatawa si Clouie, saka tinalikuran ito muli ni Clouie, at ibinalik muli ang pokus sa paglalakad. “Siguro, palalakihin muna natin ng kunti sina babies sa tummy mo.” pasimple pang hinaplos nito ang maumbok nyang tiyan. Habang nasa byahe sila pauwi, nanatili syang tahimik. Mabuti naman at hinayaan sya ni Clouie na mananatiling tahimik, at hindi sya kinakausap- usap nito. Wala talaga sa mood nya ang makikipag- usap sa kahit sino ngayon. Hindi nya makakalimutan ang huling sinabi ni Kyle sa kanya nung nagka- usap sila nung huling uwi nito dito sa San Bartolome. Aksidente ang nangyari sa ating dalawa, Alissa. Naintindihan mo naman siguro ako kung hindi ko nagugustuhan ang pagpapakasal sayo, kahit pa ako mismo ang nagsabi na pakasalan ka. Alam mo naman siguro ang dahilan. Gusto kong humingi ng tawad sayo dahil natali ka ng maaga sa akin. At pasensya na rin kung hindi pa tuluyan nag sink- in sa akin na may asawa na ako. At ikaw pa ang naging asawa ko. Ni minsan, hindi ko naisip na maging asawa ka. Mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita. Sa totoo lang, nasaktan sya sa mga katagan na naririnig nya mula kay Kyle. Pero, kailangan nyang balewalain ang mga iyon kahit masakit para sa mga anak nya. Sana balang araw, matanggap din ni Kyle na asawa na sya nito. Sana mamahalin din sya nito na tulad ng pagmamahal nito kay Savanah. Kumusta na kaya ngayon si Savanah? Wala na akong balita sa kanya. Hindi na din kasi ako kinakausap ng antie Milagros ko mula ng ikinasal kami ni Kyle. Isa pa ito sa dagdag sakit sa aking puso. Sina Antie Milagros at Savanah nalang ang natitira kong kilalang kamag- anak. At aaminin ko, mahal ko ang antie Milagros ko, kahit hindi maganda ang trato nya sa akin. sa kanyang isip. Napahinto ang kotse dahil sa bahagyang traffic. Pinalinga nya ang kanyang mga mata sa labas, at napatigil sya nang may nahagip ang kanyang paningin. Para kasing kotse ni Kyle ang nakita nya. Kilalang- kilala nya ang kotse ni Kyle, at hindi sya maaring magkamali, alam nyang kotse ni Kyle ang kanyang nakita. Pero, paano? Nasa Manila ito dapat ngayon. Weekdays ngayon, may klasi pa ito. "Alissa, are you okay?" tanong ni Clouie sa kanya. Napatingin sya dito. "Sa tingin ko kasi, nakita ko ang kotse ni Kyle." hindi nya mapigilan sagot. Kunot- noo si Clouie. "Baka naman umuwi sya dito sa San Bartolome at sinundan nya tayo. Saan mo ba nakita at puntahan natin?" Itinuro nya naman kung saan nya nakita ang kotse ni Kyle. "Sinundan tayo? Coffee shop yan, hindi naman yan hospital." si Aldrine. "Ikaw talaga, baka uminom lang sandali ng kape. Pwede naman yon." si Clouie. "Okay." Hindi nya pinansin ang usapan nina Clouie at Aldrine, dahil kinakabahan sya. At hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan ng ganito. Tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Kinuha nya ito mula sa kanyang bag at agad na binasa ang mensahe na dumating. Muntik na nyang nabitawan ang kanyang cellphone sa kanyang nabasa. Hi cousin, I'm back. And guess who, kung sinong kasama ko ngayon. Until now, akin parin sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD