Agad silang pumasok ni Clouie sa coffee shop kung saan nakita nya ang kotse ni Kyle. At agad nyang naramdaman ang sobrang panibugho nang nakita nya si Kyle, masayang nakikipagkwentuhan sa isang babae. Napalingon sya kay Clouie, pinalinga- linga parin nito ang mga mata. Mukhang hindi pa nakita nito ang pinsan.
Hinila nya si Clouie palabas sa coffee shop, ayaw nyang makita ng kanyang kaibigan na kasama ni Kyle si Savanah. Ayaw nya na kaawaan sya nito.
"Bakit kaba nagmamadali? Akala ko ba, hahanapin natin yon pinsan ko sa loob." kunot- noo na tanong nito.
"Wag na. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Gusto ko nang umuwi." pinilit nyang ngumiti sa kaibigan para hindi ito maghinala.
"Okay." Ani nito, at sabay silang humakbang pabalik sa kotse ni Aldrine.
"Ang bilis nyo naman." tanong ni Aldrine nang nakapasok na sila sa loob.
"Sumama bigla ang pakiramdam ni Alissa." sagot ni Clouie sa kaibigan.
"Saan tayo? Balik ba tayo sa hospital?"
"Salamat Aldrine, iuwi mo nalang ako. Gusto ko lang talagang magpahinga."
Nagpasalamat nalang sya na hindi na nag- usisa ang kanyang mga kasama. Agad na nilang binabaybay ang daan pauwi.
Nasa loob na sya ngayon ng kwarto nila ni Kyle. Ayaw nyang umiyak pero hindi nya mapigilan ang pagbagsakan ng kanyang mga luha.
Kahit sandali lang nyang napagmasdan si Kyle kanina pero halata sa mukha nito ang sobrang kasiyahan habang nakatingin kay Savanah.
Masakit na nga noon. Pero mas doble ngayon.
Gusto nyang kontrontahin si Kyle tungkol sa kanyang nakita pero may karapatan ba sya? Pero, asawa sya nito. Ano bang Plano sa kanila ng kanilang mga anak? Papagitna ba sa kanila lagi ang kanyang pinsan?
Pinunasan nya ang kanyang mga luha. Pinagmamasdan nya ang utrasound result paper nya. Kung ipapakita ba nya ito kay Kyle, magbabago ba ang lahat? Mas maging matimbang ba sya dito kaysa kay Savanah?
-------
“How’s your prenatal today?” tanong sa kanya ni Kyle.
Pagkatapos nang nakita nya kanina, hindi nya inaasahan na magiliw itong magtatanong sa kanya ngayon. Naisip nya na baka nakadama ito ng guilt. Dahil nakipagkita ito sa iba, habang asawa na sya nito.
Kasalukuyan syang nakaupo sa kama, habang nakasandal sa backrest, nagbabasa pa sya ng novel. Katatapos lang maligo nito at ngayon nakasuot ito ng roba. Nakakapanibago lang talaga, pinapansin na sya nito ngayon.
“Wala naman problema.” Matipid na sagot nya. Hindi pa nya nasabi sa kahit sino kung ano ang kasarian ng magiging anak nila ni Kyle. Kahit maganda naman ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang nito,ay nahihiya parin sya sa mga ito.
Napatitig ito sa kanya.
“A—Are you happy Alissa?”
Nagulat sya sa tanong nito. Nakipagtitigan sya dito.
Tumabi ito sa kanya. Nasundan nya ito ng tingin.
“I’m sorry—if nasira ko ang kabataan mo. I am so guilty, you are supposed to have fun now with your friends.” Ani nito. Nakatitig lang sya dito. Mula ng ikinasal sila, ngayon lang sya kinakausap nito ng ganito. “Pero, inagaw ko mula sayo ang kabataan mo. Don’t ever think na wala kang halaga sa akin kaya may kalamigan ang pakikitungo ko sayo. I am just so guilty!”
Naintindihan naman nya ito. Hindi nga din madali para dito ang sitwasyon nila. Napipilitan pa tuloy itong pakasalan sya. Hindi na ito magkaroon ng pagkakataon para makasama ang babaeng mamahalin nito. Kaya patago nalang ang pakikipagkita nito kay Savanah.
“I’m sorry din Kyle! Kasalanan ko ang lahat, kung hindi sana ako nagpadala sa pag-ibig ko sayo ng gabing iyon, sana hindi ka nagdusa ngayon." nasabi narin nya na mahal nya ito.
Nakatitig lang ito sa kanya. May nabasa sya na kung anong damdamin sa mga mata nito na hindi nya maintindihan.
“By the way---“ naisip nya ibahin ang topic. “—puro lalaki ang magiging anak natin.”
“Really?” masayang bulalas nito.
Nakangiti syang tumango.
“Wow—ibig sabihin, dalawa agad ang magiging junior ko.” mukhang masaya nga talaga ito.
Biglang nawala na parang bula ang tampo nya dito. Mabait naman talaga si Kyle. Paninindigan naman siguro nito ang pagiging mag- asawa nila.
“Oo.” Masayang sabi nya.
Yumakap ito sa kanya. Nagulat sya sa ginawa nito. Pero mas nagulat sya sa sunod na ginawa nito. Pinasadahan sya nito. Hinarangan ang magkabilang gilid nya.
“K-Kyle—“ kinakabahan nyang sambit.
“I miss you Alissa—“ ani nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. Ano naman ang ikinamiss nito sa kanya? Baka yong mga panahon na masaya pa sila, dahil malaya pa ito.
Napansin nya ang unti- unting paglapit ng mukha nito sa mukha nya. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang siniil ng halik nito ang kanyang labi. Pero sandali lang yon, dahil kalaunan, tinugon din nya ang halik nito. Mula nang ikinasal sila, ngayon lang sya hinalikan nito. Maalab at mapusok ang halik nito sa kanya. Mas lumalim pa ang halikan nila dalawa ng tinugunan nya ang halik nito na kasing alab ng ginawa nito. Habang ang mga kamay naman nito ay nagsimula ng maglakbay sa kanyang malambot na katawan. Alam naman nya kung saan patungo ang halikan nila ni Kyle. At obligasyon nyang pagbigyan ito.
Kung noon una ay nasaktan sya, pero ngayon, parang nasa langit na yata sya dahil sa sarap na sarap sya sa ginawa nilang dalawa ni Kyle. Napaungol sya ng pabilis na pabilis ang paglabas masok ng pagkal*laki nito sa kanyang pagkab*bae. Habang binayo na binayo sya nito, isang musika ang naririnig nya. Ang musika sa kanyang puso.
-----
Hindi nya maintindihan yon nakita nya sa coffee shop kasi pagkatapos nung, bigla nalang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Kyle. Naging maalahanin at malambing ito sa kanya. Ano ba yon nakita nya? Sigurado syang si Kyle at Savanah yon.
Pero, iniwaglit nya yon sa kanyang isip, ang mahalaga ngayon ay okay sila ni Kyle.
Abot- tainga ang ngiti ni Kyle habang inilapit nito ang bibig nito sa kanyang tiyan. Kasalukuyan silang nasa kwarto nila, nakaupo sya sa kama habang nakasandal sa backrest sa kama nila, nilagyan pa nito kanina ng unan ang likod nya para mas maayos ang pagkakaupo nya.
“Do you think they could me hear me?” nakangiting tanong nito, iniangat ang paningin sa kanya.
“Yes. Yan ang nabasa ko at ang sabi ng OB ko.” nakangiti nyang sabi dito.
“Really?”
Nakangiti syang tumango. Ibinalik nito ang pokus nito sa maumbok nyang tiyan.
“Hello my boys—daddy is here.” simula nito. “Don’t give your mom a hard time.” Tila may halo pang lambing ang boses nito. Napangiti tuloy sya. Maya’t- maya lang, napansin nya ang paggalaw- galaw ng tiyan nya.
“Tignan mo honey—gumagalaw.” Pansin nito sa tiyan nya. Napaangat na naman ito ng paningin sa kanya. Sobrang tamis ng ngiti nito.
“See? Narinig ka nila.” natatawa nyang sambit.
“Oo nga. Kakausapin ko pa sila, dahil mukhang nakikinig talaga sila.” Saka ibinalik nito ang pokus sa kanyang tiyan.Tumigil na ang mga ito sa paggalaw- galaw. “Baby Dean and Baby Dimn—“ napangiti sya, talagang binigyan na nito ng pangalan ang kambal. “---- mom and dad love both of you very much. Magpapakabait kayo ha! Wag nyo masyadong pahirapan si mommy nyo sa labor. Alam nyo naman mahal ni daddy ang mommy nyo.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa huling sinabi nito. Tototo kaya ang sinabi nito? Pero, hindi ito sumulyap sa kanya. Kaya naisip nyang baka sinabi lang nito iyon para sa baby na nasa kanyang tiyan.
Maya’t- maya lang tapos na ito sa ginagawa nito. Tuwid na itong nakaupo, katabi nya.
“Honey—talaga bang okay lang sayo na wala ako dito ng 6 months?” tanong nito sa kanya.
Pupunta kasi ito ng America para sa isang training doon sa isang sikat na chef. At 6 months itong mawawala. Pero mamaya na ito aalis kung nakapanganak na sya.
“Okay lang—alam ko naman na matagal mo na yang pangarap.” Nakangiting sabi nya dito, nakatingin sya dito. Napatingin ito sa kanya. Nagkatama ang mga paningin nila.
“Thank you Alissa! Mula pa noon, ikaw na ang laging nakasuporta sa mga pangarap ko. Dahil sayo kaya ako mas nagpursige para matupad ang mga pangarap ko.” nakangiti ngunit seryosong sabi nito sa kanya. Saka ginagap nito ang dalawang kamay nya na nakapatung sa kandungan nya. Nakatitig ito sa kanya. “I will be a good husband—gagawin ko ang lahat para mapasaya ko lang kayo ng mga anak natin.”
Sa totoo lang lihim syang umaasa na baka mahal narin sya nito. Wala kasi itong sinabi sa kanya.
Hindi nya tuloy napigilan ang pagtulo ng mga luha.
“Hey—why are you crying?”
“Thank you Kyle! I will be a good wife, too.”
“I’m sure you are.” Saka sya ikinulong sa mga bisig nito.
Ang sarap talagang mayakap ni Kyle. Kahit hindi man sya sigurado kung mahal din sya nito. Pero, ang mga binitawan salita nito ay sapat na para mapakali ang kanyang puso. Alam nyang sabay nilang haharapin ang kahit ano paman darating sa buhay nila.
“Don’t leave me, honey!” ani nito.
“I won't.”
I will love you forever Kyle. Ikaw at ikaw lang talaga, habang buhay.
--
--
(Painful ang mga kasunod na chapter....)