TPLY 10

1034 Words
Kasalukuyan tinahak ni Alissa ang daan patungo sa flower shop ng kanyang antie Milagros. Nagtetext kasi ito sa kanya na kailangan sya nito dahil may lagnat ito. May mahalagang nilakad si Kyle kaya hindi sya nasamahan nito. Inihatid lang sya ng family driver pero nagpaiwan sya dito. Tatawagan lang nya ito kung magpapasundo na sya dito. Kahit malaki na ang kanyang tiyan, nasa 7 months na ang kanyang dinadala, pero malakas pa naman sya. Mukhang masama nga ang pakiramdam ng antie nya dahil hindi ito nagbukas ng shop. Kawawa naman ito. Wala pa naman mag-aalaga dito na iba. Sya nalang kasi ang natitirang malapit na kamag-anak nito. Narealize nya na mali lang ang kanyang nakita nung sa coffee shop na magkasama sina Kyle at Savanah, kasi hindi naman nya nabalitaan na umuwi na si Savanah, at mahigit na sa isang buwan ang nakakalipas pagkatapos ng aksidenteng iyon. Nung isang araw ay pinuntahan sya ng kanyang antie Milagros sa malaking bahay at nakipag-ayos ito sa kanya. At syempre dahil, sila nalang dalawa ang magkakasama kaya pinatawad nya agad ito. At saka mahal din nya ito. Nasa bungad na sya pinto ng shop ng kanyang antie. Tinangtiya nya kung naka-lock ba ang pinto, pagpihit nya sa seradura, napansin nya na hindi naman pala naka-lock iyon. Kaya mabilis nyang binuksan ang pinto, pero nanlaki ang kanyang mga mata sa sumalubong sa kanyang paningin. Agad naman napalayo sa isa’t- isa ang dalawang tao na nahuli nyang naghahalikan. “Alissa---“tulalang sabi ng lalaki na tila hindi pa ito makakilos. “Hi cousin, mabuti naman at nandito ka.” Nakangiting sambit ni Savanah sa kanya. “Alissa, honey—let me ex---“ “Kyle, darling—ako na ang magpapaliwanag sa pinsan ko.” “Savanah—stay away!” bulyaw ni Kyle kay Savanah. Tulala syang napatingin sa dalawa. Magkahalong pagod at sakit ang nadarama nya ngayon. Bahagya nyang naramdaman ang p*******t ng kanyang puson pero nilabanan nya ito. Hindi sya halos makakilos at blurred ang kanyang paningin. Naramdaman nya ang mainit na likido na lumabas mula sa kanyang mga mata. Akmang lalapit na sana sa kanya si Kyle nang--- “C’mon Kyle--- bakit mo pa pahihirapan ang pinsan ko? Bakit ba hindi mo nalang sya palayain? Hindi mo naman sya mahal.” Ani ni Savanah, pinigilan pa nito ang braso ng lalaki, saka humarap kay Kyle. “Pinagsisihan ko ang nagawa ko sayo. I realize na mahal na mahal parin kita. Salamat at hanggang ngayon mahal mo parin ako. Salamat at hanggang ngayon hinihintay mo parin ako. Siguro, panahon na para aminin natin kay Alissa ang totoo. Hindi kaba naawa sa pinsan ko? Dahil ako, awang- awa ako sa kanya." “Savanah—ano bang pina----“ “Why don’t you tell her Kyle? Why don’t you tell her na ako lang ang tanging babae na kaya mong mahalin? Sobrang sakit nga na nahuli nyang naghahalikan ang mga ito, ngayon para syang binalatan ng buhay dahil sa sinabi ni Savanah. Hindi nya napigilan ang tuluyan paglaglagan ng kanyang mga luha. Hindi sya makakilos. Hindi sya makapagsalita. Naninikip ang kanyang dibdib. Nanginig ang kanyang kalamnan. Mas lalong sumasakit ang kanyang puson. “By the way cousin---“ hinarap sya ni Savanah. “—may ipagtata-----“ “Savanah, stop that!” ---bulyaw ni Kyle “ Alissa, honey—are you okay?” Hindi sya makasagot. Napahawak sya sa pinto. Parang nanghihina sya. “Why should I stop Kyle! Ayaw kong gawin mong panakip butas ang aking pinsan.” Galit na sambit ni Savanah at hinarangan nito si Kyle sa akmang paglapit ni Kyle sa kanya. “Bakit ayaw mong aminin sa kanya ang totoo? Na hindi naman talaga kayo mag-asawa. Na peke lang ang kasal ninyo. Na niloko mo lang sya at ng buo mong pamilya. Na wala -----“ “Stop it! “ itinulak ni Kyle si Savanah. Muntikan na itong matumba kung hindi lang ito nakapagbalance. Kahit hindi na malinaw ang pag-iisip nya pero malinaw sa kanya ang ibig sabihin ni Savanah. Hindi sila totoong mag-asawa ni Kyle. Parang bomba iyon sa kanyang pandinig. Parang lahat ng sakit sa mundo ay nasa kanya ng mga sandali iyon. Sobrang p*******t na ng puson nya. Sobra na ang panghihina at panginginig nya. “Kyle!” hindi makapaniwalang sambit ni Savanah. “Alissa—Alissa---“ sambit ni Kyle na napatingin ito sa ibabang bahagi nya. Nasundan nya ng tingin ang tinitignan nito at nakita nya doon ang maraming dugo na dumaloy sa kanyang hita. “Oh my God! Alissa---“ Huling narinig nya, bago sya tuluyan nawalan ng malay. ----- Gaano ba kasakit ang mawalan? Gaano ba kasakit sa isang ina na makita ang kanyang mga supling ngayon na nasa loob ng isang kahon? Lahat ng pangarap nya para sa kanyang mga anak ay parang bula na naglaho. Masakit na nga para sa isang ina na dugo pa pag nakunan, sya pa kaya na buo na ang kanyang ipinagbubuntis, pwede nang isilang. Buhay pa ang isa. Narinig pa nya ito na umiiyak. Pero, pagkatapos ng ilang oras, sumunod din ito sa kakambal nito. Bakit? Masakit na nga ang isa. Bakit naging dalawa pa? Sa isang iglap, nawalan sya ng dalawang anak. Sana. Sana namatay narin sya. Sana isinama nalang sya ng kanyang mga anak. Anong saysay pa ng buhay nya ngayon? Wala na syang mga anak. Hindi nya totoong asawa si Kyle. Niloko din sya ng pamilya ni Kyle. Niloko sya ng mga magulang ni Kyle na minahal nya. Niloko sya ng mga minahal nya. At sigurado sya na pinagtatawanan sya ngayon ng kanyang antie Milagros, dahil tama ito sa sinabi nito. Kung gaano kataas ang kanyang nilipad, ganun din kalalim ang kanyang kinabagsakan. Iyak na iyak sya. Ano na ang mangyayari sa kanya? Saan sya pupunta? Wala syang lugar sa pamilya ni Kyle. Mas lalong wala syang lugar sa kanyang antie at kay Savanah. Gusto nyang isipin na lahat ng nangyari sa kanya ngayon, ay isa lamang masamang panaginip. Pero, hindi eh! Hindi nya kayang isipin, dahil ang sakit na nadarama ng kanyang puso ngayon, ay ramdam na ramdam nya. Napakasakit na parang pinipiga ang kanyang puso. --- --- (Mas masakit siguro ang next episode....)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD