"Sorry talaga tita at tito, ayaw talaga kayong kausapin ni Alissa. Mas makabuti po kung hahayaan nyo muna sya, ako na ang bahala sa kanya." narinig nyang sambit ni Clouie, bahagyang nakabukas ang pinto ng hospital room nya. Kinausap ni Clouie ang mga magulang ni Kyle na nasa labas ng pinto.
"Kausapin mo naman sya Clouie, ipapaliwanag lang namin sa kanya ang totoo."
"Sige po."
Nagtulog- tulugan sya, para hindi magpumilit ang mga ito na kausapin sya. Ayaw nyang makausap si Kyle pati na ang mga magulang nito. Masyadong masakit sa kanya ang mga mangyari lalo na't ang dalawang anak nya ang nawala, kaya sarado ang isip nya ngayon sa kahit anong paliwanag ng mga ito. Kahit anong paliwanag na gawin ng mga ito, nagtaksil parin si Kyle sa kanya at hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang mga anak.
Nagsimula na naman manubig ang kanyang mga mata. Hanggang kailan ba sya ganito? Nakakapagod na din ang umiyak pero hindi nya mapigilan ang mapaiyak pag maalala nya lahat ng plano nya para sa kanyang mga anak. Ilang linggo nalang ang kanyang hihintayin at tuluyan na nyang maisilang ang mga ito. Bawat prenatal check up nya, the baby is healthy. Pero bakit nawala ang mga ito? Marami naman nabubuhay na ipinanganak ng maaga. Pero, bakit sa kanya, nawala pareho?
Namatay ang isa nung ipinanganak nya dahil naubusan sya ng tubig, ang isa naman ay namatay dahil sa mga complication. Kasalukuyan na kasi syang nag- labor habang dinala sya sa hospital. Ang mas masaklap, wala si Kyle sa kanyang tabi nung dinala sya dito sa hospital. Ewan nya kung nasaan ito, pero sa tingin nya, si Savanah na naman siguro ang inuna nito.
"I know that you are awake." narinig nyang sabi ni Clouie.
Inalis nya ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha. Puno ng pagkahabag ang mukha ni Clouie habang nakatingin sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa gilid ng kama. Ginagap nito ang kanyang kamay. Hindi ito nagsasalita pero namumula ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
"I'm sorry, Alissa." Ani nito kalaunan. "Masakit para sa akin na niloko ka ng kapamilya ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa nila ito sayo. Ni- respeto ng angkan namin ang isang kasal, Alissa. Hindi ito isang laro para sa amin. Pero bakit nila nagawa ito sayo? Galit din ako. Galit na galit din ako sa pinsan ko, at sa tita at tito ko." bumitaw ito sa kanya, saka pinunasan nito ang luha nito. "Pasensya kana, imbes na palakasin ko ang loob mo, napaiyak tuloy ako. Tandaan mo, lagi akong nandito para sayo."
Tumitig ako kay Clouie. Saan man siguro ako magpunta, hindi ko sya makakalimutan. Lagi syang nandyan para sa akin.
"Clouie, help me!" sambit ko.
"Of course, ano bang tulong ang kailangan mo?"
"Itakas mo ako, itakas nyo akong dalawa ni Aldrine dito."
Tumitig si Clouie sa kanya.
-----
Tulad nga ng napag-usapan nila ni Clouie, nakuha nito ang kanyang bank book na itinago nya mabuti sa kwarto nila ni Kyle, sa mansyon ng pamilya ng lalaki. Ang pera nya sa bangko ay inipon ng nanay nya para sa kanya. Nakuha din nito ang ilan sa mga mahahalaga nyang papeles. Dinalhan din sya nito ng ilang mga damit.
“Clouie, salamat!” tulong luha nyang sambit. Kasalukuyan na nilang inihanda ang akmang pagtakas nya.
“Mamaya ka na magpasalamat sa akin kung tuluyan na tayong nakalayo dito.”
Medyo malakas- lakas narin naman sya.
Marahan muna nitong binuksan ang pinto ng kwarto, ipinalinga- linga nito ang mga mata nito, siniguro nito na walang mga doctor o nurses sa paligid. Nang nasiguro na nito, pasimple itong lumabas mula sa kwarto. Inilock pa nila ang pinto ng kwarto, para walang makapasok na kung sino agad- agad.
Ang malaking problema nalang nila ay ang nurse station na madadaanan pa nila. Dahil gabi na, kaya iilang nalang sa mga nurses ang nandun, ang iba naman ay mukhang inaantok na.
Lihim silang napangiti ni Clouie nang nakita si Aldrine na nasa nurse station, nakikipagkwentuhan ito sa mga nurses doon, nagpapa-cute pa ito. At ang mga nurses naman ay mukhang kilig na kilig naman kay Aldrine. Guapo naman talaga si Aldrine at marami naman talagang maaakit dito.
Nang nakita sila ni Aldrine, pasimple itong sumenyas sa kanila na dumaan na. Kaswal lang silang dumaan ni Alissa, hindi nga sila napansin ng mga nurses.
“Ginawa nyo ba ang sinabi ko?” tanong agad ni Aldrine sa kanila ng nakapasok na ito sa kotse nito. Napatango si Clouie.
Ang tinutukoy nito ay ang iiwan nila na bukas ang tubig sa banyo, para iisipin ng kung sinong papasok sa private room nya, na naliligo lang sya. At iiwan nakalock ang pinto ng banyo at kwarto.
-------
To Loraine and Zac:
Thank you sa pagtulog nyo sa akin at sa pagpapatuloy nyo sa akin dito sa apartment nyo. Alam ko naman na walang problema sa inyo, pero ako na ang nahihiya sa inyo, ayaw ko nang maging sagabal at pabigat sa inyo. Hindi ko dapat kayo idinamay sa problema ko. Zac, wag ka sanang ma- guilty dahil sa ginawa ng pinsan mo sa akin. Pareho kayo ni Clouie, wala kayong kasalanan. Loraine, salamat sa pag- aalaga at pagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Matuto karin sa pagluluto balang araw, pasensya kana at hindi ko na matupad ang ipinangako ko sayo na tutulungan kita. Kailangan ko na kasing umalis para makapagsimula muli. Sana, balang araw, mababayaran ko rin lahat ng naitulong nyo sa akin. Pero, sa ngayon, gusto ko munang magpaalam sa inyo.
Alissa
Itiniklop ko ang isang papel na sulat ko para kina Loraine at Zac. Pagkatapos akong itakas nina Clouie at Aldrine sa hospital, nananatili na ako sa apartment ng kuya ni Clouie na si Zac, at sa bestfriend nito na si Loraine. Hindi halos naghihiwalay sina Loraine at Zac, kaya pati ngayon na parehong nag- aaral na ang dalawa dito sa Manila, magkasama parin ang dalawa sa iisang bahay.
Ipinalinga ko ang aking mga mata sa buong kwarto na tinuluyan ko sa apartment ng dalawa, kasama ko si Loraine sa kwartong ito dahil dalawang kwarto lang naman ang nandito. Isang linggo na akong nandito. At sa loob ng isang linggo, ay saksi ang kwartong ito sa aking mga luha.
Hindi naman siguro ako masisisi kung hanggang ngayon, iniiyakan ko parin ang nangyari sa akin. Hindi pa umabot sa isang buwan lahat at kahit pa siguro umabot ng ilang taon, sigurado akong maiiyak parin ako pag maalala ko ang lahat.
Sapagkat ang puso ng isang ina ay kailanman, hindi makakalimot sa isang anak. Nawala man ang kanyang mga anak, pero buhay na buhay ang mga ito sa kanyang puso at mananatiling buhay ang mga ito dito sa kanyang puso.
Iniligpit nya ang kanyang mga gamit. Nang natapos na sya sa kanyang ginagawa. Kinuha nya muli ang isang papel at ballpen. Kailangan pa nyang sumulat ng isang sulat. Hindi pa nga sya makapagsimula, naninikip na ang kanyang dibdib, at sunod- sunod na sa pag- agos ang kanyang luha.
To Aldrine and Clouie
Clouie, gusto kong malaman mo na mahal kita. Ikaw ang nag- iisang bukod tanging bestfriend na mananatili sa puso ko saan man ako magpunta, at kailan man, hindi kita ipagpapalit sa iba. Gusto kong humingi ng pasensya dahil pati ikaw ay madadamay sa gagawin kong paglayo. Wag kang mag- alala sa akin, magiging okay din ako. Alagaan mo ang iyong sarili. Umaasa ako na maintindihan mo ang aking paglayo na hindi ipaalam sayo kung saan ako patungo. Sana balang araw, kung muling pagtagpuin ang mga landas nating dalawa, sana maibalik pa natin sa dati ang ating pagkakaibigan.
Aldrine, alagaan mo ang iyong sarili at alagaan mo narin si Clouie. Salamat sa pagkakaibigan at sa mga kamay na handang tumulong sa kahit anong oras. Hindi ko kayong makakalimutan ni Clouie.
Alissa
Agad kong pinunasan ang aking luha. Napatingin ako sa kawalan. Saan na ako patungo ngayon? Saan na ako dadalhin ng aking mga paa?
-
-
Follow- up update mamayang gabi or after the update of BFW.Thanks.