TPLY 12- PRESENT

933 Words
It has been said', time heals all wounds. Hindi ako naniniwala dito. Ang sugat ay mananatili. In time, the mind, protecting it's sanity, covers them with scar tissue and pain is lessen. Pero ang sugat hindi mawawala. Hindi naging madali sa kanya ang magsimula. Nung umalis sya sa apartment nina Zac at Loraine, para syang palaboy na ang naglalakad na walang mapupuntahan. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at nanariwa sa kanyang alaala ang pangyayari na yon sa kanyang buhay. (Flashback) Naglalakad, walang mapupuntahan, yan ngayon ang nangyayari sa kanya. Hindi iniinda ang mga nakakapaligid sa kanya. Sa totoo lang, hindi na nga nya alam kung sumapit naba ang gabi o kung ibang araw naba ngayon. Malakas ang ulan ngayon, pero hindi nya alintana ang kalamigan, at wala din syang pakialam kung basang- basa na sya ngayon, pati uhaw at gutom ay hindi narin nya naramdaman. Sapagkat, namanhid na ang kanyang pakiramdam at tanging sakit nalang ang nararamdaman nya ngayon. Napakasakit. Dapat ngayon masaya syang naghihintay sa kanyang tamang kabuwanan. Sa mga susunod na linggo, masaya na sana syang nag- aalaga ng kanyang mga supling. Pero ang mga yon ay hindi na mangyayari, sapagkat, nawala na ang kanyang mga anak at kailanman, hindi na maibabalik pa ang mga ito. Bakit ba napakalupit ng tadhana sa kanya? Lahat ng mamahalin nya ay kinuha mula sa kanya. Ang kanyang ama, ang kanyang lolo't Lola at ang kanyang ina, ngayon naman, ang dalawa pa nyang anak. Ang mga anak na nakita nga nya ng buo, nakita nga nya ang hitsura pero hindi naman nya mayayakap, hindi nya nahawakan at kailanman hindi nya maririnig na umiiyak, at tinawag syang mama. Tapos ang kaisang- isang lalaki na minahal nya ay hindi pa sya magawang mahalin. Hindi na nga sya minahal, niloko pa sya. Sana, hindi nalang sya pinakasalan ni Kyle kung pekeng kasal lang din ang kasal na kayang ibigay nito sa kanya. Umakyat sya sa railings ng tulay na dinaanan nya ngayon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Wala naman din saysay ang kanyang buhay. Dapat siguro sundan nalang nya ang kanyang mga anak sa kanilang buhay at baka doon, maranasan nya ang kasiyahan na dulot ng pagiging isang ina. Baka doon mayakap at mahalikan nya ang kanyang mga anak. At baka doon, sasaya narin sya. Sana mapatawad sya ng panginoon kung gusto nyang kitilin ang kanyang buhay. Biyaya ang isang buhay, pero hindi ang sa kanya, dahil hindi na sya sasaya kailanman. (End) Hindi natuloy ang plano ko noon, sapagkat may isang matandang palaboy ang nagligtas sa akin. Naging palaboy sya sapagkat wala na syang pera para makauwi sa Cebu. Gamit ang pera ko, umuwi si Aling Crisanta sa Cebu at sumama ako sa kanya. Doon na ako nagsimula muli at itinuring kong Lola si Crisanta, pero pagkatapos ng dalawang taon, namatay din sya kaya namuhay na naman ako na mag- isa. ------- Mula sa loob ng kanyang kotse, pinagmamasdan ni Alissa ang isang matandang babae. Hindi paman ito masyadong matanda pero mukhang nanghihina na ito. Ang dating makukulay na flower shop, ngayon wala na halos laman. Ang dating nakapostura na babae, ngayon putla- putla na sa kanyang paningin. Bahagya nang pumuti ang mga buhok nito. Maya’t- maya lang napagpasyahan na nya ang lumabas mula sa kotse. Nang nasa bungad na sya ng pinto ng dating flower shop, agad nyang binuksan ang pinto. Hindi sya napansin ng babae na kanina pa tinitigan. “Antie---“ mahinang sambit nya. Napalingon ito sa bungad nya. Mariin itong tumitig sa kanya. Na tila sinisiguro kung tama ba ang nakita nito. “Alissa?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Kumusta napo kayo?” Napansin nya ang tila pamumula ng mga mata nito. Saka ang pagtulo ng mga luha nito. Galit sya dito pero hindi nya ito kayang kamuhian, hanggang sa na-realize nalang nya isang araw na awa na ang nadarama nya para dito. One year ago, nalaman nya sa isang kakilala na may sakit pala ito at wala nang nag-aalaga nito, kaya pasimple nyang pinagdadalhan ito ng pera pero hindi sya nagpakita dito. Ngayon lang kasi sya bumalik dito sa San Bartolome, pagkalipas ng anim na taon. Humakbang ito palapit sa kanya. Pagsisisi ang nakikita nya sa mga mata nito. “Alissa—“ mangiyak- ngiyak na sabi nito saka sya niyakap. Nakatayo lang sya at hindi sya makakilos. Tila sya naninigas. “Nasa Germany si Savanah--- nakapag-asawa muli sya doon.” Kwento sa kanya ng antie nya. Magkaharap silang naupo nito sa table set na nasa gilid na bahagi ng shop nito. Umiinom sya ng kape, ipinagtimpla kasi sya nito. Habang ito naman ay nakaupo lang. “Wala na akong halos balita sa kanya, mahigit na sa limang taon na hindi na nya ako binalikan dito.” may lungkot sa mga mata nito. “H- Hindi ba sila nagkabalikan ni Kyle?” itinanong parin nya dito, kahit alam na nya. Matagal na itong nasabi sa kanya ni Loraine, nung nagkita sila nang hindi sinasadya sa kasal ng isang kaibigan. “After everything that happen—mahirap ng ibalik lahat, Alissa.” Tila may pait sa boses nito. “Hindi din naman tinanggap muli ni Kyle si Savanah. Masyadong nasaktan si Kyle sa mga nangyayari." Napatitig sya dito dahil sa sinabi nito. Kyle is in pain?! Oo nga naman pala. Nawalan pala ito ng mga anak. “Alissa----“ hinawakan nito ang dalawang kamay nya na nasa ibabaw ng mesa. “—may sasabi------“ Natigil ito sa pagsasalita nang may bumukas sa pinto at sabay silang napalingon nito. At namutla sya ng nakilala ang dalawang tao na dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD