“I’m so happy at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin sayo Alissa.” Nakangiting sabi sa kanya ng mommy ni Kyle na si Shay. Magkatabi silang naupo sa backseat ng kotse, habang ang asawa naman nito ang nagmamaneho.
Kanina dumating ito sa shop ng antie nya, humingi ng tawad ang mga ito sa kanya dahil sa nangyari noon. Akala nya, galit parin sya sa mga ito. Pero nang nakita nya ang mga ito kanina, narealize nya, na hindi pala talaga sya galit sa mga ito kundi nagtampo lang. At nung nakita nya sa mga mata ng mga ito ang pagsisisi, bigla nalang nawala na parang bula ang lahat ng mga hinanakit nya. Naalala pa nya, mula nang dinala nya ng nanay nya sa bahay ng mga ito, ay napakaganda na ng pakikitungo ng mga ito sa kanya. Itinuring syang anak ng mga ito. Lalo na’t pumunta ang nag-iisang anak na babae ng mga ito sa state. Naalala daw kasi ng mga ito si Mika sa kanya.
Nung namatay ang mama nya, plano pa ng mga ito na ampunin sya pero hindi pumayag ang antie Milagros nya. Ang antie Milagros kasi nya ang nagsisilbing guardian nya. Lihim pa syang nagpasalamat noon, kasi ayaw nyang maging kapatid si Kyle. Nung ikinasal naman sila ni Kyle, laging nakaalalay ang mga ito sa kanya at excited pa ang mga ito sa ipinagbubuntis nya. Hindi man nya naintindihan kung bakit naging peke ang kasal nila ni Kyle pero naisip nyang kalimutan na ang mga bagay na yon. Nakapagsimula na sya muli. Hindi man nya makakalimutan ang kangyang mga anak. Mas pinili narin nya ang magpatawad.
Nung nagkaayos sila ng mga ito kanina, inimbitahan agad sya ng mga ito na magdinner sa mansion. Ayaw sana nyang pumayag pero nahabag sya ng nakita ang pagsusumamo sa mga mata ng mommy ni Kyle. Sobrang malapit pa naman sya dito.
-----
“You’re so pretty, Alissa.” Ani sa kanya ni Mika, pumunta din ito sa family dinner, kasama nito ang asawa nito na Zandro ang pangalan, at ang isang taon na anak na lalaki ng mga ito, na ngayon ay ang yaya muna ang nagbabantay.
Kasama nila sa dinner ang mommy at daddy nito, at ang mga kapatid ng mga ito na si Lee at ang inaasahan narin nya na si Kyle. Katabi ni Mika ang guapong asawa nito na malapad din ang ngiti sa kanya. Wala masyadong alam si Mika sa mga nangyayari noon, dahil nasa state pa ito noon. Nginitian nya ito.
Sa totoo lang, para syang sinasakal ngayon na kaharap nya si Kyle. Bigla tuloy nyang pinagsisihan kung bakit pa sya sumama sa mga magulang ni Kyle? Pero, matalo na naman sya sa kanyang puso, mas nanaig ang respeto at pagmamahal nya sa ina ni Kyle na minsan narin nyang ina.
“Alissa, alam mo ba na si Kyle ang nagluluto ng mga kinakain natin ngayon.” may pagmamalaki pa ang boses ng mommy ng mga ito. “Nang nalaman kasi nya na pupunta ka dito ngayon, umuwi agad sya dito at nagpresenta na magluto.”
Kahit hindi sabihin nito, alam na alam nyang si Kyle ang nagluluto kasi naalala pa nya ang timplada nito. Lihim syang napasulyap sa bungad ni Kyle at saktong nagkatama ang mga paningin nila. Nakatitig kasi ito sa kanya.
“Do you like it?” tanong sa kanya ni Mika.
“A-Ah. Oo.” Mas pinili nalang nya ang sabihin ang totoo. Ngumingiti ang mga kaharap.
“Mukhang mas sumarap ang luto mo ngayon big Bro.” ani pa ni Lee. Close din sila nito noo, isang taon lang kasi ang tanda nya dito noon.
“Oo nga. Mukhang inspirado ka sa pagluluto mo ngayon.” Nakangiting sabi pa ni Zandro na kay Kyle nakatingin. Parang may nais pa ipakahulugan ang mga titig nito.
“Sinabi nyo pa.” ani ni Kyle na sa kanya nakatingin. “Isang tao lang naman talaga ang inspirasyon ko mula pa noon.” Makahulugan sabi nito na sa kanya talaga nakatingin. Lihim nyang naikalma ang sarili. Nang nakita nya ito sa Villa Del Fuengo, mga dalawang araw na ang nakakalipas, hindi na naman ito nawala sa kanyang isip. Pero, hindi kasama sa pagpapatawad nya sa mga taong nakagawa sa kanya ng pagkakamali ay ang pasusukin muli si Kyle sa kanyang buhay. Matagal na nyang tanggap na hindi sila ni Kyle ang para sa isa't- isa.
“Baby—“ ani ni Zandro sa asawa. “Hindi kaba na-inspired sa kaguapuhan ko kaya hanggang ngayon, hindi ka parin marunong magluto?” tanong nito na halos nagpatawa ng lahat. Silang dalawa lang yata ni Mika ang hindi natatawa.
“Tumigil ka dyan! Pinalakihan ni Mika ng mga mata ang asawa. “Wag kang mayakap- yakap sa akin ngayon gabi.”
Mahinang napatawa si Zandro, saka may ibinulong kay Mika. Napansin nya ang lihim na pagkurit ni Mika sa asawa. Inggit na inggit tuloy sya sa mga ito. Ang sweet ng mga ito. Mukhang mahal na mahal ang isa't- isa. Darating pa kaya ang araw na may lalaking magmamahal sa kanya ng tapat sa kabila ng naging nakaraan nya, at kung meron man, sana masuklian din nya ang pagmamahal nito. Ayaw din naman nyang tumandang mag- isa.
-------
Tahimik lang sila pareho ni Kyle sa loob ng kotse nito. Ito kasi ang nagpresenta na ihatid sya sa shop ng antie nya. Napagpasyahan kasi nya na doon na magpalipas ng gabi.
“Ah—“putol ni Kyle sa katahimikan. "C- Can I invite you for tomorrow?”
Napatingin sya dito. Nasa pagmamaneho ang pokus nito.
“Sorry!—“ tanggi nya agad dito. “--- I can’t.”
Napalingon ito bigla sa bungad nya.
“Bakit?”
“Busy ako Kyle. Alam mo naman siguro na ako ang wedding planner nina Zac at Loraine.” Kaswal lang na sabi nya dito. “At saka, wala naman dahilan para imbitahan mo pa ako, diba?!” diretsong sabi nya dito.
“I just want to invite you, may cooking contest akong pupuntahan tomorrow.” Pagpapaliwanag nito.
“Goodluck then.” Maikling sabi nya dito. Saka itinuon nya ang pokus sa labas ng bintana.
“Where have you been, Alissa?” maya’t- maya, hindi napigilan itanong nito.
“It doesn’t matter.” Sarkastik na sagot nya dito.
Narinig nya ang pagbugtong- hininga nito.
“Please Alissa—I just want to know, what happened to you for the past 6 years.”
Nakadama sya ng irritasyong dito.
“Why would you want to know?” nahaluan nya ng galit ang boses.
“Please—just tell------“
“Can you please, stop asking for anything.” Putol nya sa kahit anong sasabihin nito. “If you’re not going to shut your mouth, ibaba mo nalang ako dyan sa gilid.”
“Ok. I’m sorry!” mabanaag ang lungkot sa boses nito.
At balik katahimikan na naman sila. Buti naman at hindi ito nag-usisa ng kahit ano’t- ano. Lihim na napanatag ang loob nya ng nakita nya na malapit na sila sa pupuntahan.
“See you around, Alissa.” Sabi nito bago sya tuluyan lumabas mula sa kotse nito. Hindi nya ito pinansin, at kaswal lang ang mukha nya na lumabas mula sa kotse nito.
Of course, alam naman nyang magkikita pa sila nito. Handa naman sya lahat ng oras dito.