“Ano kaba? Ang guapo mo nga sa suot mo.” totoong sabi nya kay Aldrine. Hindi daw ito sanay sa isinusuot kaya reklamo ng reklamo ito.
Naka-polo kasi ito at mahaba ang sleeves, habang naka black slack ito at black shoes. Bagay na bagay din dito ang necktie nito. Habang sya ay nakapink bestida, na simple lang ang habas pero pormang- porma ang maganda nyang katawan. Ngayon kasi ang double date nilang apat na kasama sina Suzette at si Clyde. At isang pormal restaurant ang napili ni Clyde na venue.
“Talaga ba? Parang ang baduy ko sa suot ko.” Gusto na yata nyang matawa sa sinabi nito. Alam naman nyang wala itong hilig sa mga pormal na damit.
“Ang guapo mo nga.” Hindi sya nagbibiro, mas lalo talaga itong gumugwapo.
“Parang gusto ko nalang magtago dito sa loob ng kotse.”
“Mr. Introvert ha! Kasama natin si Suzette.” paalala nya sa babaeng nagugustuhan nito.
Mr. introvert talaga ang tawag nya dito paminsan- minsan. Dahil may pagka- introvert naman ito.
“Oo nga pala.”
“Aldrine—how do I look?” paniniguro nya kung maganda ba talaga sya.
Napatitig ito sa kanya.
“You’re so pretty Clouie.” Seryosong sabi nito na napangiti sa kanya.
***
***
“So Clouie—ano ang status ninyo ni Clyde?” nakangiting tanong ni Suzette sa kanya.
Magkatabi sila ni Clyde. Magkatabi naman sina Aldrine at Suzette. Kaharap nya si Aldrine, habang magkaharap naman sina Suzette at Clyde.
Hindi sya makasagot. Hindi naman kasi nya alam ang status nila ni Clyde. Pasimpleng hinawakan ni Clyde ang isang kamay nya. Parang sumirko na yata ang puso nya sa sobrang kilig.
“Were in the process of getting to know with each other.” Si Clyde ang sumagot.
Napalis ang ngiti nya nang napatingin sya kay Aldrine. Hindi kasi ito mapakali. Hindi kasi ito sanay gumamit ng mga pormal utensils. Kaninang umaga, tinuruan nya ito at sinabi rin nya na sundin nalang nito ang ginawa nya. Pero, mukhang hindi parin ito mapakali. Pasimple nya na kinabig ang papa ni Aldrine, gamit din ang paa nya na nasa ilalim ng mesa. Napatingin ito sa kanya. Relaks! Iyong ang sinasabi ng mga mata nya dito. Napansin nya ang pagbugtong- hininga nito.
“Kayo ni Aldrine, kumusta na kayo?” balik tanong ni Clyde kay Suzette.
“Katulad lang sa inyo ni Clouie, kinikilala pa namin mabuti ang isa't- isa.” Si Suzette ang sumagot na nakatingin kay Aldrine. “Aldrine, are you ok?”napuna ni Suzette ang madalas pagbugtong- hininga ni Aldrine.
“Yup.” Pilit pang ngumiti ni Aldrine. “P-Pwede bang pumunta sa restroom.” Tanong ni Aldrine.
“Ok.” Ani ni Suzette. Agad naman tumayo si Aldrine. Nag-alala sya sa kaibigan. Umandar na naman siguro ang pagkamahiyain nito.
“I will go to the restroom.” Paalam nya kay Clyde. Tumango ito. Hindi naman sya pupunta sa restroom. Susundan lang nya si Aldrine.
“What was that, Mr. Introvert.” Nakangiti nyang tanong kay Aldrine nang naabutan nya ito na panay pagbugtong hininga sa isang pasilyo.
“Nakakanerbiyos pala ang date.” Tila kinalma nito ang sarili. “Lalo na pag pormal date.”
Mahina syang napatawa.
“Ano kaba? Just relaks!.” Sandali nyang pinisil ang pisngi nito. “Ang guapo mo ngayon para lang nerbyusin. At saka, alam mo naman na lagi lang akong nandito.
Lumanghap muna ito ng maraming hangin. Saka malapad itong ngumiti.
Pinauna muna nya itong bumalik sa mesa. Baka mahalata pa silang dalawa.
Balik na naman sa normal ang sitwasyon. Kasalukuyan parin silang kumakain. Hindi naman nakakalimutan ni Aldrine ang mga itinuro nya. At saka sumunod din ito sa mga ginagawa nya. Hanggang sa natapos na sila sa pagkain.
Maya’t- maya lang, tumunog ang isang sweet love songs. May ilang mga couple ang nagsasayawan. Anniversary pala ng restaurant, kasabay ng wedding Anniversary ng mag-asawa may-ari nito.
“Clouie---can I dance with you?” maya’t- maya tanong ni Clyde sa kanya. Tatanggapin na sana nya ang alok ni Clyde nang-----
“Aldrine, ayaw mo ba akong isayaw? Tanong ni Suzette. Napansin nya ang pamumutla ni Aldrine. Hindi kasi ito marunong sumayaw.
Nagkatinginan sila ni Aldrine. Kawawa naman ito kung pababayaan nya ito sa sitwasyon nito.
“Clyde—kayo lang muna ni Suzette ang sumayaw, medyo masama ang pakiramdam ko.” tanggi nya sa offer ni Clyde.
Nagkatinginan sina Clyde at Suzette.
“Ok.” Ani ni Clyde.
Agad naman pumagitna sina Clyde at Suzette sa mga nagsasayawan.
“Bakit ka hindi pumayag sa alok ni Clyde kanina? Pagkakataon muna 'yon.” Kunot-noo na tanong ni Aldrine sa kanya.
“Ang sama ko naman kung ang saya- saya ko while nakipagsayaw kay Clyde, tapos ikaw dito----“ mahina syang napatawa. May panghihinayang naman sya. “Baka himatayin kapa—“
Napatawa ito ng mahina. “I’m sorry!”
Wala silang nagawa pareho kundi ang mapatingin nalang sa mga nagsasayawan.
“Aldrine—gusto mong sumayaw?” maya’t- maya tanong nya dito.
Mula sa nagsasayawan na sina Clyde at Suzette, nabaling ang paningin nito sa kanya.
“Alam mo naman na hindi ako marunong sumayaw, diba!"
“Tuturuan kita.” Nakangiting sabi nya dito.
“Baka maapakan pa kita.” May pag-alala ang boses nito.
“Bakit aapakan mo ba ako?” nakatawang tanong nya.
“Susubukan kong hindi.” Saka ito tumayo at inilahad ang kamay sa kanya. Nakangiti syang tinanggap ang nakalahad na kamay nito. Hawak kamay sila ni Aldrine na pumunta sa dance floor.
Idinantay nya ang kamay sa balikat nito, habang nakahawak naman ang kamay nito sa baywang nya. Nagkatinginan sila sa mukha ng isa't- isa.
“See, diba tama ako—hindi naman mahirap ang sumayaw.” Nakangiti nyang sabi dito. Tapos na sya sa pagbibigay na instruction dito.
Napangiti ito.
“Pwede na akong makipagsayaw sa kahit sinong chicks.” Nakakaluko itong napangiti.
“Oo. At pwede ka narin makapang- chicks kung bawas- bawasan mo ang pagiging Mr. introvert mo.”
Napailing ito na napatawa. Mula nang nagiging close sila nito, ni minsan, hindi ito nagalit sa kanya at hindi sila nag- away nito.
Gumalaw- galaw silang dalawa. Pareho silang walang pakialam sa mga tao sa paligid. Nagkatama pa ang mga paningin nilang dalawa. Malangkit ang titig nito sa kanya. Their is something in his eyes that she can't give a meaning. Tila may emosyong doon na hindi nya maipaliwanag. Sinuklian nya ang ngiting pinakawalan nito sa kanya. Somehow, it feels so good to dance with a friend.