“Hi Suzette!” bati nilang dalawa ni Alissa kay Suzette, nakita nila itong nakaupo sa ibabang bahagi ng school gym. Ang plano nila ay kaibiganin nya si Suzette while kakaibiganin naman ni Aldrine si Clyde. Saka nila isagawa ang next plan nila.
Napamaang si Suzette. Hindi kasi sila nagpapansinan nito. Kasi maliban sa may pagkasuplada ang babae, nagseselos din kasi sya dito.
“Are you talking to me?” tila may pagkamaarte pa ang boses nito.
Obvious ba?May iba bang Suzette dito.
“Yup.” Pinilit nyang ngumiti. Kahit papaano, mas maganda naman sya dito. Isa kaya syang Del Fuengo, pero bakit kaya no pansin ni Clyde ang beauty nya.” Can we sit beside you?”
Tumango ito.
“Nag-iisa ka yata.” Si Alissa na nagtanong. Nahalata kasi nito ang lihim nyang pagka-inis sa babae. Bakit ba sya na- insecure kay Suzette? Maliban sa mas maganda naman sya dito, matalino din sya at matangkad. Pero ito, maliban sa magandang boses nito, wala na itong ibang bagay na mas lamang sa kanya. Dahil siguro sa isipin na ito ang karibal nya kay Clyde.
“Yah. Umuwi na kasi ang mga kaibigan ko. Kayo, anong kailangan 'yo sa akin.” Diretsong tanong nito.
“Wala lang—gusto lang namin makipagkaibigan ni Alissa sayo. “nakangiti syang sumagot dito.
Ngumiti din naman kahit papaano si Suzette.
----
----
"Ano ba ang gusto mong kanta?”tanong sa kanya ni Clyde.
Pareho silang nagtagumpay ni Aldrine sa 1st plan nila. Halos dalawang linggo na mula ng pinansin- pansin sya ni Clyde. Hindi lang basta- basta na pagpansin nito sa kanya, kasi madalas syang kinakantahan nito. Kaya mas lalo tuloy nahulog ang loob nya dito.
Kasalukuyan silang nasa school park nito na nakaupo sa bermudahan. Tulad ng nakagawian nito, lagi itong may dala na gitara.
“Kahit na ano. Wala naman akong specific na gustong kanta. Kahit anong kanta, basta ikaw ang kakanta, ok na sa akin".
“Really?” ngumiti ito. Hindi din nya naitago ang lapad ng ngiti nya.
Tumango sya.
“Sige na nga—ano bang kantang bagay sayo.” tila nag-isip pa ito. Mas lalo yata itong gumugwapo sa paningin nya.
Maya’t- maya tumugtog na ito, saka kumanta…
----
Beautiful girl, wherever you are
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again.
You said "hello" and I turned to go
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again.
It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone.
Whenever you are, I fear that I might
Have lost you forever like a song in the night
Now that I've loved again after a long, long while
I've loved again.
Beautiful girl, I'll search on for you
'Til all of your loveliness in my arms come true
You've made me love again after a long, long while
In love again
And I'm glad that it's you
Hmm, beautiful girl.
Nakatitig lang sya dito hanggang sa natapos ang kanta nito. Pakiramdam kasi nya, dedicated nito sa kanya ang kinanta nito.
“Do you like it?”nakangiting tanong nito.
“Oo! Ang ganda talaga ng boses mo.” hindi nya mapigilan mapabulalas.
“I’m glad you like. So kumusta na kayo ni Aldrine?” tanong nito na napakunot- noo sa kanya.
“Bakit mo naman naitanong?”
“Lagi kasi kayong magkasama. Akala ko manliligaw mo sya.”
“Hindi ha!” tanggi nya agad. Baka liligawan sya nito. Kaya lang nagdadalawang isip ito. Kasi akala nito na nanliligaw sa kanya si Aldrine. “He is just a friend.”
“Akala ko manliligaw mo.” ani nito saka tumitig sa kanya.Kinakabahan tuloy sya.”Alam mo Clouie—noon paman napansin na kita kaya lang nagdadalawang isip ako na makipag-usap sayo, kasi isa kang Del Fuengo. Parehong sikat ang kuya at kakambal mo.” seryoso ang mukha nito. Kinalma nya ang nagwawalang puso. Kung liligawan nga sya nito ngayon, hindi na sya magpapakipot pa.
“Clouie---“
Natigil ito sa pagsasalita ng mukhang may nakita ito. Napalingon sya sa kung saan ito nakatingin. Sumalubong sa paningin nya sina Aldrine at Suzette. At mukhang naghahalikan ang mga ito. Ang lapit kasi ng mukha ng mga ito.
Lihim syang napangiti. Akala ba naman nya na torpe si Aldrine. Mukhang hindi naman.
Tumikhim ito. Saka lang nabalik ang pokus nya dito.
“Can I ask you for a date?” tanong nito sa kanya. “Pwede natin isama sina Aldrine at Suzette, para double date.”
Napangiti sya. Mabuti ngang isama nya si Aldrine. Sigurado kasi syang na hindi sya papayagan ng daddy nya kung mag-isa lang sya. At least, hindi mababagot si Aldrine. Kasama naman nito si Suzette.
****
****
“Ikaw ha! Akala ko ba torpe ka.” May panunukso ang titig nya kay Aldrine. Kasalukuyan silang nasa kotse, hindi pa nito pinatakbo ang kotse.
Tila inosente pa ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Maya’t- maya lang napangiti ito, saka napailing- iling. At pinaandar na nito ang sasakyan.
Mukhang napakasaya nito. Ang lapad kasi ng ngiti nito.
“So, kayo na ni Suzette?”hindi nya mapigilan mag-usisa. Masaya sya para sa kaibigan.
“Hindi pa.” nakangiting sagot nito. “Pero, mukhang malapit na.” sandali itong napalingon sa kanya.”Kayo ni Clyde?”
Kinikilig sya para sa kanilang dalawa ni Aldrine.
“Hindi pa. Pero malapit narin.
“Congratulation sa atin dalawa.” Si Aldrine.
Ngiti lang ang isinagot nya dito.
“Indeed.” Sobrang saya nya. Ganito pala pag inlove.