MBCG 4

1158 Words
Lover of my soul I want to tell you Only you have all of me I cannot contain my adoration I'm in love so desperately No one is as lovely as you are There is no one else who has my heart Jesus you have me completely Every breath I breathe I am absolutely in love Jesus I am yours forever All of me surrenders I am absolutely in love with you Down upon my knees I'm lost in worship Humbled by your majesty What is there to say But how I love you Thank you for forgiving me No one is as lovely as you are There is no one else who has my heart Jesus you have me completely Every breath that I breathe I am absolutely in love Jesus I am yours forever All of me surrenders I am absolutely in love with you Sumalubong agad sa amin ni Aldrine nang pumasok kami sa room ng school club kung saan membro ako. Ang kumakanta nito ay mga estudyante na membro din ng club, may mga nag-gigitara din at nagda-drum. Nung sinabi nya dito na isasali nya ito sa school club kung saan membro sya, pumayag agad ito. "Ano ba talaga itong club na sinalihan mo?” kunot- noo na tanong ni Aldrine sa kanya. "IES Campus Ministry.” Maikling sagot nya, saka nya ito iginiya sa gitnang bahagi ng mga upuan. Napangiti sya ng nakita nya si Alissa, ito ang bestfriend nya at magkasama sila nito dito sa club. Sa bahay ng tito Karl at tita Shay nakatira si Alissa. At ang tita at tito narin nya ang nagpapaaral nito. Anak kasi ito ng Yaya ng mga anak ng tita at tito nya. “Alissa—si Aldrine nga pala. Aldrine is Alissa.”pagpakilala nya sa dalawa. Nagkangitian lang ang dalawa. Saka sila umupo sa tabi ni Alissa. Pinagitnaan siya ng dalawa. “Hindi yata ako bagay dito. Hindi mo naman sinabi na ito pala ang club na sinasalihan mo.”bulong sa kanya ni Aldrine. “Wag ka ng magreklamo. This is for your own good.” Bulong nya kay Aldrine. Hindi na ito nagsasalita. “Nyan ba ang nagligtas sayo? Na sinabi mong bodyguard mo na ngayon.” bulong sa kanya ni Alissa. Napatingin sya dito saka sya tumango. Napangiti ito. “Guapo ha!” bulong na naman nito. Inilapit din nya ang bibig sa tainga nito. “Akala ko ba, walang ibang guapo sa paningin mo kundi si Kyle lang. Kaya hindi mo pinapansin ang pagpapacute sayo ng kakambal ko.” mahabang bulong nya dito. Si Kyle ay pinsan nya, anak ito ng Tito Karl at tita Shay ko. Tila namilog naman ang mga mata nito ng narinig ang pangalan ng pinsan nya. Kahit pa sabihin na may girlfriend na si Kyle at sa malas, ang pinsan pa nito ang girlfriend ng binata. Hanggang ngayon,patay na patay parin ito sa pinsan nya. “Hindi naman para sa akin,para naman sayo. Mukhang mas guapo pa sya kaysa kay Clyde.” Bulong na naman nito. Napasimangot yata sya sa sinabi nito. “Grabe ka naman kay Clyde.” Bulong din nya. Mahina itong napatawa. Tama naman 'yon, mas guapo nga si Aldrine kaysa Clyde. Pero si Clyde kasi ang crush na crush nya mula pa noon, kasi picture perfect ito sa lalaking pinangarap nya. Mabait at talented. Napakaganda pa ng boses nito. “Aldrine—Aldrine!” puna nya kay Aldrine. Marahang kasing nito naipikit ang mga mata. Mukhang inaantok na ito. Masyado kasi syang nag-enjoy sa pakikipagkwentuhan kay Alissa kaya bahagya nyang nakalimutan si Aldrine. Ibinuka naman nito agad ang mga mata. Kahit pa siguro nasa banyo ito, basta sinusumpong ito ng antok, nakakatulog talaga ito. Antukin talaga ito at mahilig matulog. “Matagal paba?” reklamo nito sa kanya na mahina lang ang boses. “Wag kang magreklamo dahil kakanta na ang crush ko.” mahinang sabi nya dito. Nawala bigla ang antok nito ng narinig ang sinabi nya. “Talaga? Sino dyan ang crush mo.” nakangiting tanong nito. “'Yan kakaupo sa gitnang bahagi at may dalang gitara. 'Yan kulay black ang suot na T-shirt.” Kinikilig na sabi nya dito. Pasimpleng tumingin ito sa kung sino ang tinutukoy nya. May panunukso ang titig iniukol nito sa kanya. Pasimple nya itong kinurit sa tagiliran. Mahina itong napatawa sa ginawa nya. Hanggang sa tumahimik na sila pareho. Hindi na nya katabi si Alissa, kasi pinuntahan nito si Savanah at si Kyle, nag-aaway daw ang dalawa. Para syang nanaginip habang nagsimula nang tumugtog sa gitara si Clyde, isang worship song ang kinanta nito, ka-duet nito si Suzette, may maganda din boses ito na katulad ni Clyde. Bago lang si Suzette sa club nila. Pero, agad itong nakapalagayan ng loob kay Clyde, dahil parehong magaling kumanta ang mga ito. Maganda din naman si Suzette. “Sino 'yan kaduet ng crush mo?” maya’t- maya tanong ni Aldrine sa kanya. “Suzette ang pangalan nya.” “Suzette.” Patango- tango pa ito. “Don’t tell me, nagka-crush ka agad kay Suzette.” May panunukso ang tinig nya. Ngumiti ito. “Pwede rin. Medyo may hawig kasi sya kay Dianne.” Napatitig sya dito. Siguro hindi pa ito naka-move on sa ex-girlfriend nito. ----- ----- Mabilis na lumipas ang mga araw, halos tatlong buwan na mula ng nagsimula ang pasukan. Medyo nakasanayan narin ni Aldrine ang pagsama- sama nito sa kanya sa campus ministry. Nagka- crush kasi ito kay Suzette, pero hanggang pagpapacute lang naman silang dalawa kay Suzette. “Alam mo ba narinig ko na mukhang liligawan ng crush mo ang crush ni Aldrine.”ani ni Alissa sa kanila. Kasalukuyansilang nasa school canteen. Noon, silang dalawa lang ni Alissa ang magkasama pero ngayon, kasa- kasama na nila si Aldrine. Lagi kasing nakasunod sa kanya si Aldrine. Hindi naman sya naiirita dito. Alam naman nya na pinuprotektahan lang sya nito. Lihim nga syang naawa dito. Hindi tuloy ito nagkaroon ng mga barkada dahil sa kanya. Hindi nya alam kung sadya ba itong hindi mahilig sa barkada o dahil masyado lang naagaw nya ang atensyon nito. “Ano?”laking mata na tanong nya. “Kanino mo narinig?” “Sa mga kasama natin. Mukhang matagal na daw na nagkahulugan ng loob ang dalawa.” Lumungkot yata ang mukha nilang dalawa ni Aldrine sa narinig. Mula pa nung Grade 7 sya, crush na crush na nya si Clyde. “Dapat na siguro magtutulungan na tayong dalawa.” Ani ni Aldrine sa kanya. Kunot- noo silang napatingin ni Alissa dito. “What do you mean?” sya ang nagtanong. “Dapat hindi tuluyan magkagustuhan sina Suzette at si Clyde. Gawin na natin ang 1st move natin.” “Anong 1st move?” mas lalong kumunot ang noo nya. Saka nila pinag-usapan tatlo ang tungkol sa plano ni Aldrine. Mukhang tulad nya, ayaw din ni Aldrine na tuluyan magka- inlaban sina Clyde at Suzette. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD