Halos napatingin ang lahat sa lovely bride na naglalakad sa aisle, kahit pansin ang pamumula ng mga mata nito pero napakaganda parin nito tignan sa suot nitong gown. Nakaagapay pa dito ang papsie Mike nito. Napatingin sya sa naghihintay na groom, halata din ang pamumula ng mga mata nito pero nakangiti ito habang hinihintay ang bride nito. Pero ang mas nakaagaw sa atensyon nya ay ang mahal nya na syang bestman sa kasal, napatingin ito sa bungad nya, sobrang tamis ng ngiti nito sa kanya, na sinuklian naman nya. Nakita nya na tuluyan ng nakalapit si Loraine kay Zac, tila may sinabi pa ang papsie ni Loraine kay Zac, patango- tango lang si Zac. Saka hawak kamay ang dalawa na lumapit kay Father Augustin. Hanggang sa madamdamin na natapos ang kasal. Halos lahat ay napaiyak, paano ba naman kasi parehong malapit na mga Del Fuengo ang dalawang ikinasal. Si Zac na tunay na Del Fuengo at si Loraine na tinagurian ampon ng mga Del Fuengo. Magbestfriend pero ngayon mag-asawa na.
Halos hindi na mapaghiwalay ang tinginan sa isa’t- isa ng bagong kasal habang nagsasayaw, nakisabay narin ang iba, nakita pa nya si Clouie na isinayaw rin ni Aldrine. Nakisali pa ang parents ni Kyle, pati narin ang parents ni Zac, pati na yata ang papsie at momshie ni Loraine.
“Honey, ayaw mo ba talagang sumayaw?” tanong ni Kyle, katabi nya ito. Kanina pa sya kinukulit nito.
“Wala talaga akong hilig sumayaw Kyle. Alam mo naman hindi talaga ako talented.” Nakatawang sabi nya dito. Malapit na syang bumigay sa pangungulit nito.
“Sayang naman, gusto pa naman kitang isayaw.” Pinapungay- pungay pa nito ang flirt eyes nito.
“Sige na nga!” hindi na nya ito natiis.
Nakangiti itong tumayo, saka inilahad nito ang kamay sa kanya. Nakangiti naman sya na tinanggap iyon, saka sila hawak kamay na pumunta sa dance floor. He wrapped his arms to her waist and she wrapped hers into his neck. Halos isang dangkal lang ang agwat ng kanilang mukha sa isa’t- isa. Pareho silang hindi nagsasalita, nagkatinginan lang sila sa mata ng isa’t- isa.
Oras na para ihagis ng bride and groom ang bridal flower at bridal garter, pero kaysa ihagis ang dalawa ang mga iyon. Parehong kumuha ang mga ito ng microphone.
“Loraine and I, wanted to break the tradition of the wedding na kailangan pa talagang ihagis ang bridal flower at bridal garter. Well, anyway, kahit naman sa nagdaan na kasal ng mga pinsan ko, talagang iba ang pakulo ng mga ito.” Mahabang sabi ni Zac, sobrang lapad ng ngiti ng supladong si Zac. Totoo nga talaga ang kasabihan, basta nakangiti ang puso, hindi maitatago sa ekspresyong ng mukha mo.
“Oo nga. And since, there is two individuals here who did a big part of our wedding ng pinakamamahal kong bestfr--- I mean asawa pala.” Napangiti si Loraine. Napatawa ang halos lahat sa sinabi ni Loraine, pilyong ngiti pa ang iniukol ni Zac sa asawa. “At kababalikan lang nila, kaya sa kanila namin dapat ibigay ni Zac ang bridal flower at bridal garter.”
Kinakabahan sya, mukhang silang dalawa ni Kyle ang tinutukoy ni Loraine. Nagkangitian pa sina Loraine at Zac, saka hawak kamay ang mga ito na palapit sa kanila ni Kyle na ngayon nakaakbay sa kanya. Napalingon na napaangat sya ng mukha dito. Lihim syang napangiti, ang lapad kasi ng ngiti nito sa labi.
“Para sa inyong dalawa.”
Nagpalakpakan pa ang halos lahat habang tinanggap nila pareho ni Kyle ang bridal flower at garter.
Pagkatapos ng isinuot ni Kyle ang garter hanggang sa legs nya, sabay na silang napatayo nito. May sumigaw pa ng kiss. Pero kaysa halikan sya nito, nagsalita ito.
“I would ask Loraine and Zac, if they don’t mind if I will steal their scene a little minute.” Nakangiting sabi ni Kyle, hindi nya alam kung anong plano nito.
”We don’t mind Bro—basta pagdating sa pag- ibig, suportado ka namin ng my love ko.” makahulugang pang nagkatinginan ang bagong kasal.
Saka sya hinarap ni Kyle, napansin nya na tila may kinukuha ito sa loob ng trouser nito.
“Alissa---“ pansin nya ang paglanghap ng hangin nito. “—ang iba alam ang totoo, ang iba nagtataka kung ano ba talaga ang nangyari sa atin. Pero, isa lang ang gusto kong malaman ng lahat, mahal na mahal kita Alissa.” Hindi sya nakapagsalita, nakatitig lang sya dito. Too much happiness she felt inside. “Let’s make our own fairytale together. Will you marry me, again?” sabay pakita sa kanya ng maliit na box, nang binuksan nito iyon, tumambad sa paningin nya ang isang diamond ring.
Hindi nya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa sobrang kasiyahan nadarama.
“Yes Kyle. I will marry you, again.” Masayang bulalas nya. Sobrang lapad ng ngiti nito, saka isinuot sa ring finger nya ang singsing.
Pagkatapos, pabigla syang siniil ng halik nito sa labi. Narinig pa nya ang palakpakan ng mga nakasaksi. She knows that she will be happy forever with Kyle, the only man that she loves.
“I love you” ani nito, pagkatapos ng matagal na halikan nila.
“I love you too.” Nakangiti sya.
There are situations where it is hard to decide, like giving a second chance to the person who once broke your trust and heart. To love and to trust again is a risk. But there is things that worth to fight for. And she chose to fight her love for Kyle despite the fact that she didn't know what their life ahead. She chose to take a risk with him.
Right now, paunting- unti na nyang pinatawad ang kanyang antie pati na si Savanah, kahit wala na silang balita tungkol sa kanyang pinsan at alam nyang balang araw, tuluyan din maghilom ang sugat na nilikha ng mga ito sa kanyang puso.
Kyle and Alissa are now signing off. Thank you for reading.
---------The End-------
Originally: Del Fuengo Clan, 2nd generation series 6 titled: Say you never Go
-
Nagkaroon ng isang anak na lalaki sina Kyle at Alissa, si "Kiefer", habang inampon naman nila ang nag- iisang anak ni Savanah na si "Alexa".
Sa interesado sa estoryang pag- ibig ni Alexa...tapos narin, story 2 sa book na ito. Forbidden Me and You ang title.
Next: Ang estoryang pag- ibig ng nag- iisang anak nina Alissa at Kyle na si Kiefer.
Kayo na bahala kung ipagpatuloy nyo ang pagbabasa, dahil 15 stories ang nasa book na ito.
Kung ipagpapatuloy nyo: Mababasa nyo ang estorya nina:
(Volume 2: Batch 1)- 2nd generation/ Del Fuengo Clan
Zac at Loraine
Ella at Nathan (parents of Ethan in TNW)
Bret and Monique (parents of Haven in MIS)
Pati na ang estorya ni Zaith, ang pinsan na pinagseselusan ni Kyle. Zaith at Shane.
Thank you very much.