(Kiefer and Yvanna Story)
From: Del Fuengo Clan, 3rd generation
-
-
Napalanghap ng maraming hangin si Yvanna ng tuluyan na nyang tinahak ang daan patungo sa opisina ng namamahala sa isang malaki at sikat na restaurant, ang “Deliciously”.
Hindi naman nya lubos akalain na sa paglipas ng sampung taon, makakasalamuha at nakaharap nya muli ang isang lalaki na lihim nyang kinaiinisan noon.
Well—sino nga ba ang tinutukoy nya? Si Kiefer Del Fuengo—at bakit sya naiinis dito? Iyon ay sa madaming kadahilanan.
Ayaw na ayaw pa naman nyang makaharap muli ang binata. Kung hindi lang kailangang- kailangan, never nyang pupuntahan ito dito ngayon o kahit makaharap man lamang ito ng ilang segundo. Pero, walang syang choice kundi pakisamahan at harapin ang binata uli. Definitely, this is one of the worst day of her life.
Pero, ano nga ba ang kailangan nya sa binata? Kasalukuyan kasi syang isang field writer ng isang sikat na business magazine. Mga taong naging successful sa business ang madalas e-feature ng magazine nila.
Well—ang ama naman talaga ni Kiefer ang founder ng “Deliciously”, pero sa pagkakaalam nya, ito ang nagbukas sa ilang branch ng “Deliciously”, pati na nga ang branch nito na nasa isang cruise ship na pag-aari parin ng angkan nito.
At isa nga si Kiefer ang napili ng management na e-feature nila. At sa malas, sya pa ang napili para mag- interbyu dito.
At dahil, hindi basta- basta ang haharapin nya ngayon, kaya nakipag-set sya agad ng business meeting sa secretarya nito.
“Good afternoon maam!” nakangiting bati sa kanya na sa tingin nya sekretarya ng binata.
“Good afternoon.” Nakangiti sya. “I have a meeting of Mr. Kiefer Del Fuengo.” Hindi na sya nakipagligoy- ligoy pa.
“May I know your name maam!”
“Ms. Yvanna Cabello.” Pormal na sagot nya.
“For a while, maam.” Ani nito, may dinayal ito sa auditibo . “Sir, Ms. Cabello is here.” narinig nyang sabi nito. Natahimik ito mukhang may sinasabi ang nasa kabilang linya. “Yes Sir.” Huling sinabi nito saka ibinaba ang telepono.
Pormal na ngumiti, habang napabaling sa kanya ang secretarya. Tumayo ito.
“Follow me, maam.”
Sumunod naman sya dito. Lihim nyang pinalinga- linga ang mga mata sa paligid. Sa totoo lang, nagugustuhan nya ang interior ng loob. Halata ang karangyaan meron ang may-ari.
Well, isa nga naman multi- billionaire ang angkan Del Fuengo.
Sunod- sunod ang pagkalma nya sa kanyang sarili nang tuluyan nyang nakita ang ayaw sanang makita na binata. Ang lapad pa ng ngiti nito sa kanya.
Agad naman nagpa-alam ang sekretarya.
“Yvanna—baby! What sa surprise?!” may pabuka- buka pa ito ng braso na nalalaman.
Pinigilan nya ang pagtaas ng kilay dahil sa sinabi nito.
“After of many years, I still can’t believe that you miss me.” May pagkamayabang ang boses nito.
Pinilit parin nyang ngumiti dito. Hambog talaga ito! Alam naman nito kung ano ang ipinunta nya dito. Pero, hindi nya ito pwedeng susupladahan, may kailangan sya dito.
“Maybe!” mas pinili nyang isagot. “But, I hope that your secretary already informing you the real reason why I am here.” paalala nya dito na mali ang inakala nito.
Napatawa ito ng mahina sa kanyang sinabi. Nakakahina yata pakinggan ang tawa nito. Lalaking- lalaki kasi. Buti nalang, alam na alam nya ang reputasyon nito pagdating sa mga babae, kaya immune na sya dito.
Well—hindi lang naman tawa nito ang nakakahina, pati na yata ang taglay na kaguapuhan nito, at ang machong- macho pangangatawan nito. Sa madaling salita, makalaglag panty parin ang taglay na karisma nito. Buti nalang hindi sya nagpapanty—I mean, immune pala sya dito.
“Have a sit!” naging pormal naman ang mukha nito. Sabay pa inilahad ng isang kamay nito ang upuan na nasa harapan bahagi ng mesa nito.
“Thank you!” pinili nyang maging pormal dito. After all, kailangan nya itong pakisamahan ng mabuti.
Umupo naman ito sa swivel chair nito. Saka mataman na nakatingin sa kanya.
Lihim syang napalanghap ng hangin. Hindi sya dapat magpadala ng bugso ng damdamin.
“Well, Mr. Del Fuengo---“ she paused. “Hindi na ako magpaligoy- ligoy, I am here to make some interview with you, if you don’t mind.” Pormal ang mahinahon nyang boses.
“How many years?” kaysa sumagot ito. Iba ang lumabas sa mga labi nito.
Kunot- noo syang napatingin dito.
“How many years passed since huli tayong nagkita?” revised nito sa tanong nito. Nakatitig parin ito sa kanya.
“10 years.” Matipid nyang sagot. “Well—balik sa sinabi ko ka----“
“10 years.” May patango- tango pa ito. “How are you?”
Itinago nya ang lihim na inis. Imbes kasi na sya ang magtanong, ito naman ang nagtatanong sa kanya.
“I’ m fine.” Matipid nyang sagot.
Ngumiti na naman ito.
“Wala kabang itatanong sa akin?” ani nito.
“Well—marami talaga akong gustong itanong sayo.” saka akmang bubuksan nya ang dalang bag, para kunin sana ang notebook nya na sinulatan nya sa dapat mga itatanong nya dito.
“What I mean—tanong pangkaibigan. Hindi bahagi ng trabaho.” Natigil sya sa ginagawa at napatingin sya dito.
Kung close pa siguro sila, baka kanina pa nya itinanong dito ang mga bagay na gusto nyang itanong.
Pero, mas pinili nyang kaswal na sakyan ito.
“How are you?” tanging nasambit nya.
Napatawa na naman ito.
“Inulit mo lang yata ang tanong ko kanina. Well, I am fine also.” He grinned. “Wala ka na bang ibang gustong itanong sa akin?”
“Do you have a girlfriend?” nabigla yata sya sa tanong nya. Bakit ba ito ang lumabas sa kanyang bibig?
Kumurba ang kakaibang ngiti nito sa labi.
“Nope. Single and available parin.” Napansin nya ang paghagod ng tingin nito sa buong mukha nya. Lihim tuloy syang napalunok. “How about you? Do you have a boyfriend? O asawa?”
“Soon to be married.” Pagsisinunggaling nya, baka pag-iisipan pa sya ng masama nito, tulad noon.
Sa totoo lang, at 25, hindi na nya nasubukan ang magkaroon ng boyfriend. Ito ay dahil takot syang masaktan at baka hindi nya makayanan.
Ilan kasi sa mga kapamilya at kakilala nya ay nakakagawa ng mga hindi kanais- nais na bagay dahil sa pagkasawi sa pag-ibig. Isa na dito ang ina nya, na nagpakamatay dahil nasawi sa pag-ibig ng kanyang ama.
Pero, lumaki naman sya sa isang mapagmahal na mga magulang kahit pa ampon lang sya ng mga ito.
“That’s good! He must be a very lucky man.” Nakangiti parin ito.
“Indeed.” Matipid na tugon nya.
Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila.
“By the way---“ basag nya sa katahimikan. “—can I start my interview now?”
“Okay.” Matipid na sagot nito.
Saka nya kinuha mula sa kanyang bag ang isang maliit na notebook. Nakasulat dito ang mga bagay na pwede nyang itanong dito.
“By the way---“ ani nito, dahilan na napaangat sya muli ng mukha dito. “---nasabihan ka na ba ng management mo, na hindi ako basta't basta nagpa- interbyu?
Kunot- noo sya. Anong ibig sabihin nito?
“If you want to know something about me Yvanna—kailangang mo akong samahan sa mga ginagawa ko for 1 month. Ayaw ko kasing makuha lang ng isang tao ang isang bagay na ganun lang kasimple—I am a businessman, remember?” he paused, saka ngumiti pa ito. “Alamin mo ang mga bagay na gusto mong malaman in your own ways.”
Pinigilan nya ang pag-usok ng ilong sa sinabi nito. Sabi na nga ba nya, talagang pahihirapan pa sya nito. Wala talaga itong hiya. May malaki na nga itong kasalanan. Hanggang ngayon hambog at presko parin ito.
Pero, pinilit parin nyang ngumiti.
“Of course. The pleasure is mine, Mr. Del Fuengo.”
“Call me Kiefer anyway—“ sumungaw na naman ang kakaibang ngiti nito. “—para naman tayong walang pinagdaan.”
May kung ano sa boses nito na mas lalong ikinanulo ng kanyang dugo.