MAE 1PAST

1136 Words
Hi guys, ang story na ito ay simple lang na tulad ng mga naunang, pampagoodvibes lang at pampakilig. Don't expect na masyadong drama ito na tulad ng TPLY. Salamat. - Lihim na nangingit ang loob ng 15 years old na si Yvanna, natupad nga ang kahilingan nya na mabigyan sya ng malaking project ng school magazine nila na “School Mind Builder”, pero hindi naman nya gusto ang ibinigay na trabaho sa kanya. Ito na ang 2nd edition ng school magazine nila sa school year na ‘to. At bawat edition, meron e-feature na campus heartrob. Kadalasan nae-feature ay bahagi ng Del Fuengo Clan. Ang e-feature din ay ang mga graduating student. Sa 1st edition nila this school year ay si Gavin Del Fuengo ang campus heartrob nila. Ngayon naman ay ang pinsan naman nitong si Kiefer Del Fuengo ang napili. At sa malas, sya pa ang napili na magsagawa ng interview dito. Kasalukuyan syang nasa 4th year of Junior high. Sa totoo lang, isa syang transfer student at ito palang ang unang taon nya dito sa EIS. Nung nagsimula na ang pasukan, napagpasyahan nyang subukan ang galing sa pagsusulat ng mga feature story at nakibahagi sya sa school magazine nila.Mabuti naman at napansin ng tinatawag nilang adviser na si Mr. Gorgonio ang entry nya, kaya sya nakapasok agad. At ngayon nga, ito ang 1st big break nya bilang manunulat ng school magazine nila. Oo nga pala, sya nga pala si Yvanna Cabello. Lumaki sya na hindi nakilala ang mga tunay na magulang. Pero, kahit paman ganun, buo naman ang kanyang buhay. Inampon kasi sya ng antie nya at ng asawa nitong espanyol, walang anak ang mga ito, kaya masasabi nyang spoil na spoil sya. And take note: Legal syang ampon ng mga ito. Kaya nga Cabello ang apelyidong dala nya. Hindi naman ubod ng yaman ang pamilyang kinalakihan nya, pero lumaki sya na marangya at sunod sa layaw. At medyo may pagka spoil- brat talaga sya. Oo. Lagi kasi syang pinagbibigyan ng mga adopted parents nya, pero mabait naman sya, at sobrang magmahal sa mga taong nagiging mahalaga sa kanyang buhay. Balik sa kung anong ginagawa nya ngayon—kasalukuya pala syang nakaupo sa ibabang bahagi ng upuan sa loob ng school gym nila. Hinihintay nyang matapos ang practice ng basketball team, membro kasi si Kiefer dito, at ngayon nga, naglalaro ito. She likes silence kaya kalimitan lang sya pumupunta dito sa school gym nila. Sa totoo nga, rinding- rindi na sya sa lakas ng mga hiyawan. Well—ang pinakamagaling naman talaga na manglalaro ay si Gavin, kaya nga ito ang team captain. Pero, nakaagaw din naman ng pansin si Kiefer. Maliban kasi sa preskong nakakainis na awra nito, guapong- guapo din ito. Well, lahat naman talaga ng mga membro ng Del Fuengo Clan—ay hinihiyawan, partikular na yata ang magkakambal na Zalmeda, na sadyang nakakainlove ang mga mukha. Lihim ang pag-ismid nya ng napatingin sa kanya si Kiefer, ito ang kasalukuyang may hawak ng bola. Kumidhat pa ito sa kanya, bago tuluyan isini-shoot ang bola sa ring. Inis na inis tuloy sya. Lihim tuloy nyang naidasal na sana hindi nito mae-shoot ang bola sa ring, na hindi dininig ng panginoon. Kaya nga lumakas na naman ang hiyawan ng mga fans nito na puro mga babae. May pilyo pa itong pangiti- ngiti sa kanya. Hindi talaga nya mapigilan ang mainis ng sobra dito. Isang linggo palang ang nakakalipas mula ng nagkakilala sila nito personally, pero feeling close na ito sa kanya. Well, dahil sa sikat ang mga Del Fuengo, kaya kilala na nya ito. Pero, hindi naman sila nagpapansinan nito. Hindi din naman sya napapansin nito kung magkasalubong sila. Ngayon palang sya napansin nito nang nagkakilala na sila. Pinag-iisipan kasi sya ng masama nito. Akala kasi nito na may crush sya dito. Tama naman yon, may slight crush nga sya dito. Slight lang naman. Slight lang talaga! At sadyang pinahihirapan sya nito sa ginagawa nyang interview sana. Marami kasi itong palipad- hangin kaya hindi nya ito ma-interview agad- agad. “Anong masasabi mo sa laro ko?” nakangiting tanong nito sa kanya nang nakalapit ito sa kanya. Katatapos lang ng practice. Pilyo pa itong pangiti- ngiti, habang pinunasan ang pawis sa mukha. “Diba ang galing ko.” may halong pagmamalaki ang boses nito. “Oo.” Pilit nyang sagot pero totoo naman. Kailangan nyang pakisamahan ito. Hindi nya pwedeng ipakita dito ang nakatago nyang kamalditahan. “Kaya ba, halos hindi mo maialis ang paningin mo sa akin.” He teased na mas lalong ikinanulo ng kanyang dugo. Hindi ba nahahalata nito na nakakamatay ang tingin na iniukol nya dito kanina. Lihim nyang kinalma ang inis na inis na utak. “Bro—hindi kaba sasabay sa amin ngayon? Naghihintay na yata sa atin sina Liam at Chace.” buti naman lumapit sa kanila si Gavin, bago pa sya pumutok sa sobrang inis. “Hindi lang muna Bro—may date pa kasi ng baby ko.” nakakainis na sagot ni Kiefer. Napatingin sa kanya si Gavin, pormal ang mukha na napangiti ito sa kanya. Ang tamis yata ng ngiti nya dito. Sa totoo lang, si Gavin talaga ang ultimate crush nya pero suplado ito. Mukhang ang hirap lapitan. Well, marami naman talaga ang nagka-crush dito, hindi lang kasi ito ubod ng guapo, saksakan pa ito ng talino. Mestizo look si Kiefer habang ito naman ay may golden brown skin. In short moreno tignan si Gavin at very attractive. Well, hindi lang ito pinsan ni Kiefer, magbestfriend din ang dalawa, kahit ang layo ng personality sa isa’t- isa. Ang mga ito kasi ang magkaedad at sabay lumaki—by the way, si Kiefer pala ang nagkwento sa kanya 'yan. Palakwento kasi ang kuneho, hindi naman sinasagot ng tama ang kanyang mga tanong. “Goodluck Bro!” ani pa ni Gavin, sabay tapik ng balikat ng pinsan. “Sana, magseryoso kana.” “Bro—wag mo naman akong siraan sa harapan ni Yvanna.” May halo pang pagrereklamo ang boses nito. “Seryoso naman ako.” Mahina lang na napatawa si Gavin na sinabayan ni Kiefer kalaunan. Well—alam naman nyang hindi seryoso sa babae ang Kiefer na ‘to. Heartbreaker lang naman ang reputasyon nito sa school nila. Maya’t- maya lang nagpaalam na sa kanila si Gavin. Sumabay na ito sa dalawang pinsan nito na mga Zalmeda. “May boys out kaming magpipinsan ngayon.” ani ni Kiefer sa kanya. “Pero, mas pinili talaga kitang kasama, ganyan ako kaseryoso sa pakikipaglapit ko sayo.” may pagmamayabang na naman ang boses nito. Ang lakas talaga ng tama nito at ubod sa kapreskuhan. Kaya hindi na nya napigilan ang pagtaas ng kilay. Bagay na hindi na nakatakas sa paningin nito. Pero, pangiti- ngiti lang talaga ang manhid na lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD