Kasalukuyan silang kumakain ng snack sa isang snack bar na malapit lang sa kanilang school. Ayaw sana nyang sumama dito. Pero, kailangan na nyang matapos ang interview nya dito. Malapit na ang deadline nya.
Magkaharap silang naupo nito. Isang orange juice lang ang inurder nya. Ayaw nyang magastusan ng malaki ng lalaking kaharap. Baka magkaroon pa sya ng utang na loob dito.
“Are you sure yang lang ang oorderin mo?” tanong nito.
“Oo. “ matipid nyang sagot.
“Bakit?” may kakulitan talaga ito.
“Hindi ako nagugutom.” Mas pinili nyang sabihin.
“Okay.” Saka nito kinain ang inorder nitong hamburger.
At ang nakakainis, mukha pang ipinakita nito sa kanya na sarap na sarap ito sa kinakain nito. Kinalma nya ang sarili. Hindi sya magpapadala dito. Kahit pa sabihin, gutom talaga sya.
“Hindi na ako magpaligoy- ligoy Kiefer---“ lumanghap sya ng maraming hangin. Mabuti nang masimulan na nya ang pakay nya dito at nang hindi na magsangga ang mga landas nila.”Alam mo naman siguro ang totoong dahilan kaya kita hinintay diba?!
“Oo naman. Kailangan mo ako. At kailangan- kailangan mo talaga ako ngayon.” may pilyong ngiti na nakasungaw sa mga labi nito.
Pinigilan nya ang sarili na mapataasan ito ng kilay.
Imbes pansinin ang kapreskuhang nito. Kinuha nya ang bag nya at binuksan iyon. Kinuha nya ang isang maliit na notebook kung saan doon nakasulat ang mga dapat nyang itanong dito, saka kumuha din sya ng ballpen.
“Marami akong itatanong sayo, sana naman sagutin mo ng maayos.” Panimula nya sa pakay nya dito.
“Name?”
Napatawa yata ito sa unang tanong nya.
“Anong nakakatawa?" Kunot- noo na tanong nya dito.
“C’mon Yvanna—kilala mo na ako.”
“Sagutin mo parin ako. Lahat ng itatanong ko sayo—dapat sagutin mo ng maayos.” Buo ang boses nya.
“Fine.” May halong pagsuko ang boses nito. “My name is Kiefer Del Fuengo. I live in-----“
“Pangalan mo lang ang itinatanong ko.” putol nya sa ibang planong pang-iinis nito sa kanya.
“Oo nga pala----“ he chukled. “Next question please!”
“Where do you live?”
Tumawa ito ng malakas sa sunod nyang tanong. Kunot- noo syang tumingin dito. Mukhang pinaglalaruan sya nito.
“I was about to answer that kanina—pero pinigilan mo ako.”
Hindi na nya napigilan ang pagtaas ng kilay.
“Yon tanong ko lang ang dapat mong sagutin Kiefer.” Kaswal na tanong nya dito.
“Okay fine.”
At nagpatuloy pa sya sa interview nya dito na sinagot naman nito ng mabuti kahit papaano. At habang nag-iinterview sya dito, isa sa napatunayan nya na totoo. Sadyang may pagkamayabang ito.
“Siblings?” itinanong parin nya kahit alam na nya na nag-iisang anak lang ito.
“I have 3.” Nakangiting sagot nito.
Nainis yata sya. Sinunggaling talaga ito.
“C’mon Kiefer—please be honest! Alam na alam kaya ng lahat na nag-iisang anak kalang.”
“Baby—I’m not lying. You didn’t specify what kind of siblings kasi. First, I have two supposed to be brothers. Pero, namatay sila pareho nung isinilang sila. So, technically, they still my brothers kahit wala na sila sa mundo.” Mahabang paliwanag nito, may kung anong nakasungaw na emosyon sa mga mata nito. May soft spot pala itong nakatago. “And I have a sister—she’s adopted. Actually, hindi paman sya officially na-adopt ng parents ko, but she will be soon. At kapatid ang tingin ko sa kanya.” ngumiti ito. “Nasa Grade 7 nga sya ngayon dito sa EIS, at kamukha ko sya—para talaga kaming totoong magkapatid.”
Napatitig tuloy sya dito sa sinabi nito. Mapagmahal pala ito sa kapatid kahit heartbreaker ito. Siguro masarap itong maging kapatid kaysa maging boyfriend.
“Masarap ka pala maging kapatid.” Hindi nya alam kung bakit nasambit nya.
“Masarap din akong maging boyfriend.” May halong pagmamayabang ang boses nito.
Sobra yatang pagtaas ng kanyang kilay.
“I think being you as a brother is better.”
Napatawa na naman ito sa kanyang sinabi.
Uminom muna sya sa orange juice saka nya ipinagpatuloy ang ibang itatanong nya dito.
“Who is your crush kung meron man?” tanong na naman nya.
“Meron nga—kakilala lang namin. Yvanna Cabello.” Diretsong sabi nito.
“Hindi ako nakikipagbiruan sayo Kiefer.” Hindi na nya naitago ang inis.
“So am I.”
She exhaled a lot of air. Kinalma nya ang naiinis na sarili.
“Hindi naman ito importante. Wala ka nalang crush. Ilalagay ko nalang dito many to mention.”
“That’s wrong baby--- nagsisinunggaling ka na dyan.” May panunudyo ang boses nito.
Laking mata na nakatitig sya dito.
“Hindi pwedeng ilagay ko ang pangalan ko dito Kiefer dahil ako ang gagawa nito. Walang maniniwala sa akin—baka sabihan pa akong hibang.” Mahabang paliwanag nya dito.
Sa totoo lang—inis na inis na sya sa laging pagtawag nito sa kanya ng baby. Pero, hindi nya ito pwedeng kontrahin dahil hindi pa sya tapos sa kailangan nya dito.
“Okay. ” Matipid na sagot nito.
“Ideal girl mo?” tanong na naman nya.
“Yon katulad mo.”
Talagang gusto na nya itong bugahan ng apoy.
“Sabi ko—sagutin mo ako ng maayos dahil hindi ako nakikipagbiruan sayo.”
“Sinagot lang naman kita ng tama.”
Inis na inis na tingin ang iniukol nya dito.
Sa wakas natapos din ang interview nya dito—kahit pa madalas ang pagkulo ng kanyang dugo sa klasi ng pagsagot nito. Salamat naman at hindi na nya ito kailangan pakisamahan. Pwede na nya itong iisnabin pag magkakrus ang mga landas nila.
Kasalukuyan silang patawid sa daan. Kalalabas lang nila sa snack bar. Nasa loob ng EIS ang kotse nito. Habang sya naman, sa labas sya ng gate ng school campus nila susunduin ng papa nya. Sa kabilang lane kasi ang school campus nila.
“Alam mo ba Yvanna—swerte talaga sa akin ang babaeng magiging girlfriend ko. Sadyang maasahan ako sa lahat ng pagkakataon.” Simula na naman nito sa pagmamayabang nito.
Hindi naman ito nanligaw sa kaya pero sadyang mahilig itong magpalipad- hangin. At alam naman nyang hindi ito seryoso. Sadyang napili lang syang pagkatuwaan nito. She wonder kung darating ba ang panahon na magseryoso ito sa babae.
“Really?” hindi sya naniniwala.
Hindi sila agad nakatawid kasi may dalawang malaki na sasakyan ang sunod- sunod na dumaan.
“Oo naman.”sagot nito. Hindi nya alam kung anong ekpresyong ng mukha nito. Hindi kasi sya nakatingin dito. “Gentleman kasi ako. Safe na safe ang babae basta kasama ako. Hindi ko sila pababayaan. “ dagdag nito sa kayabangan nito.
Pero, hindi nya pinansin kasi may mga kaklasi syang nakita sa ‘di kalayuan. Kumaway ang mga ito sa kanya, kaya sinuklian din nya ang kaway ng mga ito. May panunukso pa ang mga tingin ng mga ito. Kaya lihim syang nainis. Ayaw na ayaw pa naman nyang may mag-isip na masama tungkol sa kanila ni Kiefer Del Fuengo. Baka pag- isipan pa ng mga ito na sya ang next victim ng mayabang na si Kiefer.
Kunot- noo syang napalingon kay Kiefer sa likuran nya, tumahimik kasi ito bigla. Pero, paglingon nya, ni anino nito hindi nya nakita. Palinga- linga sya kung nasaan na ito.
Umusok yata ang ilong nya na nakita na nasang kabilang lane na ito.
“Hey—nandyan kapa? Akala ko sumunod ka sa akin.” Nakangiting sigaw nito, may pakaway- kaway pa ito sa kanya.
Pilit syang pangiti- ngiti.
Ang hambog at presko talaga ng lalaking ito. Kasasabi lang nya kanina na safe ang babae pag kasama sya. Paano ko naman sya paniwalaan kung kahit sa pagtawid lang sa daan—hindi nya ako kayang protektahan. Talagang hindi gentleman ang Kiefer na ‘to.
Lihim na ngit-ngit ng kanyang isip habang tumatawid. Nakangiti pa itong naghintay sa kanya. Gustong- gusto na nya itong sapakin. Kahit ubod pa nito ng guapo.