MAE 3

1920 Words
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng natapos ang misyon nya kay Kiefer. At mula nung, iniiwasan na nya ito. Pero, ang nakakainis na binata, laging nakasunod sa kanya. Kahit saan sya magpunta sa loob ng campus nila, talagang nakikita nya ang mukha nito. Madalas pa ang pangiti- ngiti nito sa kanya. At syempre, taas kilay ang napala nito mula sa kanya. Kapapasok palang ni Yvanna sa classroom nya nang napakunot- noo sya. Paano naman kasi, nag-umpukan ang mga kaklasi nya sa upuan nya. “Anong meron sa upuan ko?” tanong nya ng tuluyang na syang nakalapit. Agad naman napalingon ang mga kaklasi nya sa kanya. At may panunukso at kilig ang titig na iniukol nito sa kanya. Para naman dinaanan ng hangin ang paghawi ng nag-umpukan nyang mga kaklasi. At tumambad sa paningin nya ang basket boquet ng mixed roses. Gumanda yata ang kanyang pakiramdam sa nakita. “Wow—para sa akin ba ito?” nakangiting tanong nya. “Sinong nagbigay?” Nagkatinginan ang kanyang mga kaklasi. Mukhang hindi din alam ng mga ito kung sino ang nagbigay sa kanya nito. Nakita nya na meron card kaya agad nya iyong kinuha at binuklat. “Kung gaano kaganda ang mga bulaklak na ito sa paningin mo, ganun karin kaganda sa paningin ko.”basa nya gamit ang isip nya. Lihim syang napangiti. May secret admirer na pala sya. Kalalabas lang nya mula sa classroom nya. Agad syang nagpaalam sa kanyang mga kaklasi na kasama nya. Pupunta muna kasi ang mga ito sa school gym, habang sya naman ay napagplanuhan na nya na umuwi nalang. Mas mabuti pang magmuni- muni sa bahay nila, kaysa papasakitin lang nya ang kanyang ulo sa hiyaw ng mga estudyante sa loob ng school gym. At mas lalong sakit sa ulo kung makita pa nya doon ang nakakainis na si Kiefer. Naglalakad sya sa pasilyo na malapit sa hagdaanan ng building nila ng nakita nya ang isang guapong nakakainis na lalaki. Nakasandal pa ito sa dingding na tila may hinihintay. Ang lapad ng ngiti nito. Kinalma nya ang sarili. Nagkunwari syang hindi ito nakita. At nilampasan nya ito. Nabuhay na naman ang inis nya. Kasi sinundan talaga sya nito. “I’m glad you like that!” ani nito. Sa sinabi nito, wala sa loob na napalingon sya bigla dito. Muntikan na tuloy syang nabangga dito. Sobrang lapit kasi nito sa kanya. Maagap naman nitong nahawakan ang magkabila nyang braso. “Careful!” “Don’t touch me!” mariin na sabi nya dito. “Okay…ito naman, tinulungan na nga ang suplada parin.”reklamo nito sabay bitaw sa kanya. “Ikaw naman ang may kasalanan—kung hindi ka kasi sobrang makalapit sa akin. Hindi sana ako muntikan nang nadisgrasya.” "FYI—naglalakad lang ako kasunod sayo.” pagtatanggol nito sa sarili nito. “Bakit ka ba nakasunod sa akin?” taas kilay na tanong nya dito. "Pababa din kasi ako ng hagdanan. Meron pabang ibang daanan dito?” Nakakairita talaga ang lalaking ito. Ang sarap ihulog sa hagdanan. May kapilyuhan pa naman nakasungaw sa natural flirt eyes nito. Oo—may natural na kalandian ang mga mata nito. Sa totoo lang, isa ito sa mga asset nito. Pareho ang mga mata nito sa pinsan nitong si Gavin. Kinalma nya ang sarili. “Ano yon sinabi mo kanina?” kaswal na pagtatanong nya dito. "I said—mabuti naman at nagustuhan mo ang mga bulaklak na ibinigay ko sayo.” ani nito na nakatingin sa basket boquet na hawak- hawak nya. Galing pala ito sa lalaking ito. Ang kaninang magandang bulaklak sa paningin nya, bigla yatang pumangit ngayon. Pero, mas pinili parin nyang hindi maging bastos dito. May breeding naman sya. "Salamat!” kaswal na pagkakasabi nya dito. Saka nya ito tinalikuran. Kahit hindi sya nakatingin dito. Ramdam na ramdam nya na nakasunod ito sa kanya. Wala syang plano na lingunin ito. Alam naman nyang hindi ito aaminin na sya ang sinusundan nito. Papalabas na sya ng gate. Lihim syang nakahinga ng maluwag nang hindi na nya naramdaman ang presensya ni Kiefer sa kanyang likuran. Sana naman, nadala na ito at hindi na sya guguluhin nito. Kasalukuyan syang naghihintay ng masasakyan na jeep o tricycle. Hindi kasi sya masundo ngayon ng papa nya kasi may pinuntahan ito at ang mama nya sa Manila. Sadya pa naman mahirap sumakay ngayon, kasi rush hour. Napapitlag sya nang may huminto na isang black car sa harapan nya. Ang kintab pa nito. Mayamang- mayaman ang dating. “Hi!—“ ani ng isang lalaki nang binuksan nito ang bintana sa bungad nya. “Hop in!” Ang lapad pa ng ngiti nito. Nabuhay na naman ang inis nya. Kahit pa sabihin napakaguapo nito tignan sa awra nito ngayon. “No. Thanks.” Tanggi nya sa offer nito. Kailan kaya sya titigilan ng Kiefer na ‘to? Mula ng nakilala nya ito personally, lagi nalang mainit ang ulo nya dahil sa pangungulit nito sa kanya. Saka sya lumakad. Mas mabuti pang iwan ito. Ngunit pinatakbo din nito ang kotse ng mabagal lang na nakasunod sa kanya. "Mahirap ang sumakay ngayon. “ ani pa nito. “Don’t worry—libre naman itong pagpapasakay ko sayo ngayon.” Mas pinili nyang hindi ito pansinin. Mas lalo lang masira ang kanyang mood kung papansinin nya ito. Ayaw na ayaw talaga nya dito. Dahil ayaw nya sa mga presko at mayabang. At mas lalong ayaw nya sa isang lalaki na may nakakagayumang karisma na tulad ni Kiefer Del Fuengo. Pero, mukhang wala talaga itong plano na lubayan sya. Alam naman nyang iniinis lang sya nito. Talagang kasiyahan nito ang makitang umuusok na sya sa sobrang inis. Maya’t- maya lang.. naramdaman nya ang malakas na pagtalisik. Kainis, wala pa naman syang dalang payong. Medyo mahina pa naman ang resistensya nya sa ulan. "My offer is still available.” Nakangiting sabi nito. Lumanghap muna sya ng hangin, saka no choice na ginawa ang isang bagay na sana hindi nya pagsisihan. Pangiti- ngiti lang sa kanya ang binata nang tuluyan na syang nakapasok sa loob ng kotse nito. Bahagya pa syang nabasa ng ulan. Paano naman kasi, agad-agad ba naman lumakas ang ulan. “If you accepting my offer right away—hindi ka sana nababasa ngayon.” ani pa nito. Hindi sya nag-abalang lingunin ito. Ang pokus nya ay nasa pag-aayos ng kanyang sarili. Inayos nya ang kanyang buhok na bahagyang nagusot at inalis ang ilang hair strand nya na tumakid sa kanyang mukha. “Don’t worry about your look—ikaw parin ang pinakamaganda sa paningin ko.” Nilakihan nya ito ng mga mata. Pangiti- ngiti lang talaga ito. Saka nito pinaandar ang kotse. "Ibaba mo lang ako kung saan pwede na akong makasakay.” Ani nya dito. Inayos nya ang pagkakaupo. “Bakit naman? Okay lang naman sa akin kung ihatid kita sa bahay ninyo.” Kaswal na sabi nito, nasa pagmamaneho ang pokus nito. “You don’t have to. Strict ang parents ko.” pagsisinunggaling nya. Hindi naman talaga strict ang mga adopted parents nya sa mga manliligaw nya. Hindi pala sya nagsisinunggaling, strict pala ang parents nya sa mga lalaking manloloko. Hindi naman nya ito manliligaw, niloloko lang naman sya nito. “Ganun ba? I’m sure naman ako basta makita nila ang lovable na kaguapuhan ko—hindi sila magagalit sayo.” kaswal lang na pagkakasabi nito. Sobra yatang pagtaas ng kanyang kilay , kahit kailan , isisingit talaga nito ang kayabangan nito. Aaminin nya, may ipagmamayabang naman ito. Mukhang masyado lang itong humble sa sarili nito, kaya hambog na sa pandinig nya. Sandaling namayani sa kanila ang katahimikan. Naagaw kasi ang pansin nya sa family picture na nasa loob ng kotse nito. Nakapatong sa may dashboard. Kaya pala ubod ng guapo ang nakakainis na binata, kasi galing pala ito sa magandang genes. Mukhang parehong may nakuha ito sa physical feature ng mga magulang nito. Pero, mas nagmana ito sa ama. Ang mga flirt eyes nito at ang mestisong look nito, ay halatang galing sa ama. Napatitig din sya sa isang babae na kasama ng pamilya, pamilyar nga sa kanya ang mukha nito. Malamang ito ang sinasabi ni Kiefer na adopted sister nito. Tama nga ito. Medyo may pagkahawig nga ito sa binata. Parang totoo ngang magkapatid ang mga ito. “Yan kasama namin, sya si Alexa—“ basag nito sa katahimikan nila. Mukhang napuna nito ang ginawi nya. “She’s my adopted sister. Actually, wala pang isang taon mula ng napunta sya sa amin. “ inihinto muna ito ang sasakyan dahil sa bahagyang traffic. Saka ito tumingin sa kanya. “Anak sya ng pinsan ni mommy, in short pinsan ko rin sya. Namatay kasi ang parents nya sa isang aksidente. “ he paused for a while. “—mula nang dumating sya sa amin, agad ko syang nakapalagayan ng loob, matagal ko na kasing pangarap na magkaroon ng kapatid. Inggit na inggit nga ako sa mga pinsan ko.” seryosong pagkakasabi nito. May nakatago pala itong kakaibang damdamin. Well--- may mga good qualities naman ito kahit papaano. Pero, heartbreaker parin ang status nito. “Magkatulad pala kami ni Alexa—“ wala sa loob na sabi nya. Hindi nya alam kung bakit nasambit nya ito. Napakunot- noo ito sa sinabi nya. “What do you mean?” Lumanghap muna sya ng hangin. Naisip nya na mabuti pang sagutin ito ng tama. May kakulitan pa naman ito. At naiinis sya sa pagiging makulit nito. “Ampon din ako.” diretsong sabi nya. Tanggap na tanggap naman nya ang sitwasyong. Mahal na mahal kaya sya ng adopted parents nya. “ Kasisilang ko lang ng nagpakamatay ang mama ko, tapos yong papa ko naman, tinakasan ang mama ko. Hindi nakayanan ng mama ko ang emotional breakdown pati narin ang postpartum depression, kaya nagawa nyang kilitin ang kanyang buhay.” mahabang paliwanag nya. Matamang itong nakatitig sa kanya. And she saw something in his eyes na hindi nya maintindihan. Pero, alam nyang nakikipag-simpatiya ito sa kanya. “I’m sorry to hear that.” ani nito saka pinaandar muli ang sasakyan. “It’s okay. Mahal na mahal ako ng adopted parents ko.” Bawi nya. Ayaw nyang kaawaan sya nito. Napansin nya ang pangiti nito. “I’m glad you are.” Hindi na nya ito sinagot. Wala sa loob na napatitig sya dito. At hindi nya alam kung bakit sarap na sarap ang kanyang pakiramdam habang nakatitig dito. Sandali itong napalingon sa kanya. Kaya nahuli tuloy nito sa akto ang ginawa nya. Itinago nya ang kahihiyan. Pasimple nyang binawi ang paningin mula dito. “Are you staring at me?” may pilyong ngiti na nakasungaw sa labi nito. “Of course not!” tanggi nya sa totoo. Baka isipin pa nito na may crush sya dito. Ito pa naman ang inakusa nito sa kanya nung unang beses na nilapitan nya ito. Kaya nga inis na inis sya dito. At naniniwala pa naman sya sa kasabihang “First impression last”. “You don’t have to deny it! Sanay naman ako na maraming babae ang nagagayuma sa kaguapuhan ko.”pangiti- ngiti lang talaga ito. “At kung isa ka sa mga dun—mas mabuti. Alam mo naman na crush kita.” Kumukulo yata ang dugo nya sa sinabi nito. Sinabayan pa ng sobrang pagtaas ng kanyang kilay. Umandar na naman kasi ang pagkamayabang nito at ang preskong awra nito. Nakangisi pa ang kunehong lalaki. Kung nakabuga lang sya ng apoy sa mga oras na ‘to, baka kanina pa ito nasusunog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD