LMB 24

1220 Words
Ilang araw nang hindi sila nagpapansinan ni Zac. Pagkatapos ng huling nangyari sa kanila sa Isla, wala na syang lakas na loob para kausapin pa ang kaibigan. Para sa kanya mas naging komplikado ang lahat. Effective na in one month ang resignation letter nya, at nasabi narin nya sa kanyang momsie at papsie ang plano nyang pumunta sa ibang bansa. Hindi lang ito para sa pangarap nya kundi para narin maiwasan nya si Zac. Kailangan na nyang putulin ang kahit anong kaugnayan nya kay Zac na nabuo mula nung nagmulat sya sa mundo. Masakit man gawin pero kailangan. Pag may asawa na ito, iba na ang maging priority nito sa buhay at hindi na sya. Nakaupo sya ngayon sa kanyang swivel chair. Busy sya sa pag- aaral sa isang blue print na huling maging project nya nang naramdaman nya ang pagbukas ng pinto ng kanyang maliit na opisina. Agad syang napaangat ng mukha. At naramdaman nya agad ang matinding kaba na si Zac ang iniluwa sa pinto. Hindi maganda ang hilatsa ng mukha nito. "What is this?" tanong nito sa kanya sabay lapag ng isang papel sa kanyang mesa. Ito ang kanyang resignation letter. "That's my resignation letter, Zac." ikinubli nya ang nadaramang takot. "Bakit ka magre- resign, Lorraine? Dahil ba sa akin?"may pagtatampo sa boses nito. "It's not you, Zac. It's me." totoong sagot nya dito. Hindi naman talaga si Zac ang may problema, kundi sya. Sya ang natutong umibig dito. Sinira nya ang pagkakaibigan nilang dalawa. "I will be going to Canada, Zac. Gusto kong subukan ang talento ko doon. This is my dream, Zac. After sa Canada, baka pupunta din ako sa ibang bansa, to explore my talent also." Sinalubong nya ang kakaibang titig nito. "Paano na ako, Lorraine? Paano na yon pangako natin sa isa't- isa na magkasama habang buhay? Kinalimutan mo na ba yon? Paano mo yon nagawang kalimutan?" Bumugtong- hininga sya. Sabay kalma nya sa kanyang sarili. "You know that we can't be together forever, Zac. Hindi na tayo tulad noon. Hindi na tayo mga bata na nangangako sa mga bituin na magkasama at walang iwanan. You going to have your own life, na hindi na ako kasama." he will be married soon, at iba na ang buhay na tatahakin nito. Okay lang naman sa kanya kung ninang nalang sya ng mga anak nito pero ayaw nyang mas lalong masaktan na makita itong ibang babae ang kasama. "I have my own life too, Zac. Gusto kong subukan mabuhay na mag- isa, na hindi ka kasama. Gusto kong magsimula na ako lang." Kanina pa nya gustong maiyak pero pinigilan lang nya ang nagbabantang luha. "Hindi mo pa ba yan nagawa sa ilang taon na nandun ako sa stage." Ani ni Zac saka ito tumalikod at humakbang ito palabas. Napapitlag sya nang pabalibad nitong isinara ang pinto. Saka tuluyan nagbagsakan ang kanyang luha. Hindi pa nga sya nakaalis pero nami- miss nya agad si Zac. Naninikip ang kanyang dibdib sa isipin na wala na ang kanyang bestfriend. --- Nasa loob sya ngayon ng kanyang kotse habang binabaybay ang daan pauwi sa kanyang condo unit. Napagpasyahan nyang makinig ng music para makalimutan sandali ang pinapasan nya ngayon pero mas lalo naman syang naiiyak dahil sa musika. - A million times or more I thought about you The years, the tears, the laughter, things we used to do Our memories that warm me like a sunny day You touched my life in such a special way - Unting- unti bumabalik sa kanyang gunita ang masasayang alaala nilang dalawa ni Zac. Ang mga panahon na karamay nila ang isa't- isa. Si Zac lang at sya..... - I miss the way you ran your fingers through my hair Those crazy nights we cuddled in your easy chair Oh no, I won't let foolish pride turn you away I'll take you back whatever price I pay - Sinubukan nyang ibalik ang lahat sa normal pero hindi pala ganun kadali. Sumugal sya at mas lalong nasugatan ang kanyang puso. Akala nya kaya nyang masaktan pa pero hindi. Kahit pa ibaba nya ang kanyang pride, hindi din naman sya magawang mahalin ni Zac na higit pa sa isang kaibigan. - Old friend It's so nice to feel you hold me again No, it doesn't matter where you have been My heart welcomes you back home again - Remember those romantic walks we used to take You held my hand in such a way my knees would shake You can't imagine just how much I've needed you I've never loved someone as I loved you - Sunod- sunod ang pagpatak ng kanyang luha. Ang sakit! Napakasakit! - Yes, I've tried to live my life without you Knowing I had lost my closest friend And though I fell in love from time to time Knowing I would never find the kind of love I had when you were mine - Si Zac ay ang pag- ibig na kailanman hindi naging sa kanya, at hindi magiging kanya habang buhay. Kaya tama lang ang desisyon nya na lumayo na. - - Nasa loob na sya ngayon sa kanyang condo unit. Katatapos lang nyang ayusin ang kanyang sarili para matulog na nang nakarinig sya ng malakas na pagkabulabog sa labas na parang may natutumba. Humakbang sya palapit sa pinto at binuksan iyon. Halos madurog ang kanyang puso sa nakita. Si Zac nakahandusay sa bungad ng pinto ng unit nito. Bukas ang pinto ng unit nito at mukhang hindi na ito nakaabot sa loob. Mabilis syang nakalapit kay Zac at amoy na amoy nya ang alak sa hininga nito.Lasing na lasing ito. Kahit nahihirapan ay mabilis nyang inalalayan si Zac at pagkatapos ilang beses na natutumba silang dalawa ni Zac ay sa wakas tuluyan narin nyang naihiga si Zac sa kama nito. Aalis na sana sya nang bigla syang hinila ni Zac kaya napahiga sya ng walang oras sa kama nito, at hindi sya nakaalis agad dahil agad syang pinailaliman ng malaking katawan nito. "Z- Zac!" sinubukan nyang itulak ito pero para itong pader na hindi nya matinag. "My love. I miss you." gusto nyang maiyak dahil alam nyang napagkamalan na naman sya nito. Ilang segundo lang ay natawid nito ang pagitan ng kanilang labi. Gusto nya itong pahintuin sa ginagawang paghalik sa kanya. Pero agad syang nagpatalo sa bugso ng kanyang puso at natagpuan nya ang kanyang sarili na nakipagpalitan ng halik dito. Ngayon lang to. Gusto nyang may babaunin na alaala mula sa kanya pinakamamahal na kaibigan. Natagpuan nalang nya ang kanyang sarili na isinuko lahat dito. Ang kanyang puso pati na ang kanyang pinakaiingatang kadalisay. Sabay sila ngayon ni Zac na sumasayaw sa musika na sila lang ang nakakarinig. Masakit sa simula pero habang tumatagal ay pasarap na pasarap. Nababalot ng ungol nila ang katahimikan ng buong kwarto. Bawat haplos ni Zac sa hubad nyang katawan ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Bawat labas masok ng pagk*lalaki nito sa loob ng kanyang pagk*babae ay tila literal na nagdadala sa kanya sa langit. Nang natapos na ang lahat at pagod na nakatulog si Zac sa kanyang tabi, tuluyan napatulo ang kanyang luha. Hindi nya pinagsisihan na naisuko nya ang kanyang pagk*babae sa mahal na kaibigan, napaiyak sya sa isipin na bukas, makakalimutan din ito ni Zac at kailanman, hindi na din nito maalala ang gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD