Mula sa kweba, napagpasyahan nila pareho ni Bret na maglakad- lakad muna at bibisitahin ang mga kasalukuyang kinu-construct ng mga trabahante.
Papunta sila ni Bret sa vacation house na kinu-construct nang nakita nya si Zac, nagbibigay ito ng mga instruction, naka- hard hat pa ito.
Parang gusto nya tuloy isiksik muli ang sarili kay Bret. Of course, inaasahan na nya na malaki ang chance na magkikita sila nito dito, pero hindi naman iyong ang ikinaputla nya kundi ang hindi maipaliwanag na titig nito sa kanya. Mukhang galit ito.
Nagkabatian muna ang magpinsan, bago bumaling sa kanya si Zac.
“Bakit ganyan ang ayos ninyong dalawa?” tanong nito sa kanila ni Bret na sa kanya nakatingin.
“Galing kasi kami sa kweba ni Loraine--- tama ka maganda ang nasa loob.” Nakangiting sabi ni Bret. “Nag-eenjoy nga kami ng sobra ni Loraine.” Muntikan na syang napapitlag nang hinawakan bigla ni Bret ang kanyang kamay.
Awtomatikong napatingin si Zac sa kanyang kamay na hawak ni Bret. Para itong galit.
“Can we talk?” ani ni Zac na sya ang tinutukoy.
-----
“Ano ba ang pag-uusapan natin Zac?” naiiritang tanong nya dito.
Paano ba kasi hinila sya nito at dinala talaga sa bungalow house na tinirhan nila noon. Padabog pa nitong isinara ang pinto nang tuluyan na silang nakapasok sa loob.
“May problema na naman ba tayo ngayon, Loraine?” tila galit na tanong nito.
“Problema? Wala naman.” Kaswal na sagot nya.
“Wala?!” napataas yata ang kilay nito. Mukhang galit talaga ito.“These past days, I mean weeks, naramdaman ko na tila iniiwasan mo na naman ako.” nagdaramdam na sambit nito.
“Hindi kita iniiwasan Zac. Naging busy lang ako bigla." Pagsisinunggaling nya. Hindi na nga syang tumatanggap ng mga project dahil sa plano nyang pagresign maybe two months from now.
“Really?” paniniguro nito. “That’s not what I see it kanina. Nung niyaya kita na pumunta dito, dahil ipapakita ko sayo ang loob ng kweba, tumanggi ka, kasi sabi mo hindi ka mahilig pumasok ng kweba, pero malaman ko nalang na doon kayo galing ni Bret. At kaninang umaga, niyaya kitang pumunta dito, pero sabi mo may gagawin ka kaya hindi ka pwede pumunta dito, pero nandito ka na naman at magkasama na naman kayo ni Bret.” tila panunumbat na sambit nito. “Ano ba kayo ng pinsan ko? Sya na ba ang bago mong bestfriend? O boyfriend mo na si Bret?”
Nakadama sya ng irritasyong na klasi ng pagtatanong nito.
“Wala kanang pakialam dun, Zac. Hindi mo yon concern.” Totoo naman ito. Hindi nga sya nakikialam sa mga ginagawa nito. Hindi nga nito ipinakilala sa kanya ang fiancée nito.
“Damn it!” galit na bulyaw nito. Nakadama sya ng bahagyang takot sa kakaibang galit nito ngayon. Ngayon lang nya ito nakita na ganito kagalit. “Alam mo ba kung ano itong mga ginagawa mo sa akin, Lorraine? Mula nung umalis ako dito sa Pilipinas, bigla ka nalang nagbago. You didn’t even followed me there in state, as we planned bago ako umalis. You didn’t give me any valid reason, instead nagsisinunggaling kapa sa akin.” Simula ng panunumbat nito sa totoo. Lakas loob nyang sinalubong ang mga titig nito. “You even stop our communication with each other. Don’t you know how much pain it causes me? You didn’t explain to me, basta’t basta mo nalang inilayo ang sarili mo sa akin. I really miss you. God knows, how much. I never cared anyone in my life the same way as I do to you.” Naramdaman nya ang pamamasa ng kanyang mga mata. Kasalanan naman talaga nya. Totoo naman yon, nasaktan din naman nya ito pero kailangan nyang gawin iyon. “When I came back here, I’m so excited kasi makikita na kita muli pero hindi kana naman dumating sa welcome dinner sa akin. Binabalewala mo na naman ako. At hindi mo pa ako pinapansin sa kasal nina Brat at Elisse. Pero mahal na mahal kita at napakahalaga mo sa akin---“ alam naman nyang bilang kaibigan lang ang sinabi nito na mahal sya. “----kaya binabalewala ko lahat ng ginagawa mo sa akin. I just want to win you back. I thought I am. Pero ngayon, iniiwasan mo na naman ako. May problema ba tayo?”
Mabilis nyang pinunasan ang luha bago pa tuluyang magbagsakan ang mga iyon.
“We can’t back the way we are before, Zac.” Sa wakas naisambit na nya.
“Why? Dahil ba meron kanang Bret at balewala na ako sayo."
“It’s not that—walang namagitan sa amin ni Bret. Yes, he’s courting me but he’s still not my boyfriend.Hindi yan ang dahilan----“
“He courting you? At plano mo syang sagutin kaya iniiwasan mo ako.”
“That’s not the reason Zac—“
“Then, tell me why?” bulyaw nito na nagpalaki ng kanyang mga mata. Ngayon lang sya binulyawan nito. At ngayon lang sya natakot nito.
“Years passed, Zac at malalaki na tayo—hindi na tayo tulad ng dati. We can’t keep the kind of relationship that we had. I can’t hug you anytime the same way as before. I can’t lend in your back anymore. Hindi mo na ako pwedeng kilitiin kahit kailan mo gusto, lahat ng mga ginagawa natin noon—ay hindi na natin pwedeng gawin ngayon.” simula nya sa pagpapaliwanag nya dito na sana naintindihan nito, dahil kahit sya ay hindi nya alam kung paano ipaliwanag ang lahat. “ We’re grown up now and things are so complicated.”
“What makes it complicated, Loraine?” hindi na masyadong galit ang boses nito.
Bakit ba hindi makuha nito ang nais nyang ipakahulugan?
Ikakasal na ito at maiiwan syang luhaan. Ano bang balak nito sa kanya kung mag-asawa na ito. Na may asawa na ito at sya nandun parin lagi sa tabi nito.
“I- love you Zac!” katotohanan na gusto nyang maintindihan nito. Sana maintindihan nito ang ibig sabihin ng pag- I love you nya dito.
Ngunit hindi man lamang ito nabigla sa sinabi nya, para lang kaswal na pagsabi nya sa mga katagan na yon. Hindi nga nito naintindihan ang lahat.
*Then, what’s the problem of that----” nakangiting itong lumapit sa kanya. Napaatras sya ng wala sa oras, hanggang sa dingding na ang nasa kanyang likod. Nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya, iniharang nito ang kamay sa magkabila nyang gilid. Napaangat sya ng mukha dito, nagkatama ang mga paningin nila, dahil nakayuko ito sa kanya. “----when I feel the same way, too?”
Gusto nyang maiyak. Bakit ba hindi naintindihan nito? Na ang tinutukoy nyang nararamdaman dito ay higit pa sa isang kaibigan.
“Zac, you don’t un--------“
Natigil sya sa pagsasalita nang pabiglang siniil ng halik nito ang kanyang labi. Sandali lang syang napatulala sa ginawa nito.
Because when he started to plunged his tongue inside her mouth, hindi na nya napigilan ang sarili, at tinugunan nya ang maalab na halik nito sa kanya, with the same intensity as he do.
Napayakap ang mga braso nito sa kanyang baywang, napakapit sya sa balikat nito. Mas lumalim pa ang halikan nila, mas hinapit pa nito ang kanyang baywang. She lost her control. Hindi na makapag-isip ng matino ang kanyang isip. Nalulunod sya sa mga halik nito at hindi nya gustong umahon.
She's totally lost when his mouth left his lips as it travelled down to her neck, down until to her chest. Para silang nagliliyab na baga sa sobrang init na nadarama. She almost mindless nang may naalala sya, may finance ito at bestfriend nya ito. Hindi sya mahal nito tulad ng pagmamahal nya dito. With all her force, pabigla nya itong naitulak. Napalayo naman ito sa kanya ng bahagya, tila nagulat pa ito sa kanyang ginawa. Nagtatanong ang mga mata nito sa kanya.
“D- Don’t follow me.” Nanginginig nyang sambit. Saka agad na nilayasan ito. Hindi nya ito nilingon, dahil ayaw nyang makita nito ang kanyang luha.
Puno ng luha ang mga mata nang tinahak nya ang daan patungo sa speed boat ni Bret. Dapat hindi sya magpapadala sa emosyon nya. She have to be wise.
Bata palang sya, sinabi na nya sa kanyang sarili na hindi sya tutulad sa kanyang ina. Her mother loved her bestfriend, pero hindi natugunan ng daddy nya ang damdamin ng kanyang mommy, iba’t- ibang babae ang minahal ng daddy nya, at dalawa doon ay kadugo ni Zac, his aunt Yumi ang his mommy Haylee. Hindi sinasadyang may nangyari sa daddy nya at sa mommy nya, at that time soon to be married na ang daddy nya. Nagbunga iyon.
Akala ng mommy nya na kaya nito ang lahat, but when her mother is just 7 months old pregnant of her, bigla nalang ito nagpapadala sa damdamin nito, her mother took her own life using a blade. Kaya nung dinala ang mommy nya sa hospital, the doctors right away perform an emergency cesarian to her mother. Her mother didn’t make it. She is alive and have to stay in a hospital for more than a months.
Hindi sya dapat tutulad sa kanyang mommy. She have to be strong at hindi nya hahayaan ang sarili na magpapadala sa kanyang emosyon.
-
-
4 episodes nalang guys, bukas ko nalang tapusin, may biglaan mga bisita na dumating. Salamat.