Kasama nya si Bret, nasa Pearl Island sila. Kailangan pa din kasi nya ang pumunta dito paminsan- minsan, para makita ang development ng project. Natapos na nya ang pagdedesign ng mga structure ng island. Tapos narin si Bret sa paglalandscape nito.
Mahigit dalawang buwan na mula ng pumunta sila ni Elisse kay Dr. Heart. Nung una, nagdadalawang isip pa sya na sundin ang advise nito. Kahit naman tama ito at may ipinunto ito. Patuloy parin ang pakikilapit nya kay Zac, ito naman kasi ang kusang inilapit ang sarili sa kanya.
Ang hirap kasi iwasan ni Zac, maliban kasi na magkasama sila nito sa trabaho at client pa nila ito sa Pearl Island Project, hindi din nya kasi ito kayang tiisin, bilang bestfriend at bilang lalaking mahal na mahal nya.
Sweet na sweet ito sa kanya, na para bang napakahalaga nya. Well, talaga naman kahit noon, mahalaga talaga sya dito. Wala naman problema dito, sya lang naman ang may problema.
Umaasa na sana sya na mahal din sya nito ng higit pa sa isang kaibigan dahil lagi naman syang sinasabihan nito na mahal sya nito, kung hindi lang nagising sya sa isang katotohanan isang buwan na ang nakakalipas.
-
(Flashback)
Papasok na sya sa opisina ni Zac, may usapan kasi sila na sabay ng maglunch. Well, talagang sabay naman silang maglunch lagi. Sabay nga silang kumakain nito mula umaga hanggang gabi. Malapit nang maging isang buwan ang pagre-regain nila sa friendship nila. At sa loob ng isang buwan na yon ay ang hindi maipapaliwanag na sweetness sa kanya ni Zac. Binabaliwala nya ang advises ni Dr. Heart, dahil mahal nya ito, at hindi nya kayang lumayo dito. Hindi nga nya kayang lumayo dito nung kaibigan pa ang tingin nya dito, lalo na ngayon na buong puso nya ay pag-aari na nito. Wala syang pakialam sa maging consequences nito sa kanya.
Ngunit natigil sya sa akmang pagpasok nya sa opisina nito nang narinig nyang may kausap ito sa cellphone nito.
“Hello honey—of course tapos na ang design ng vacation house. – wedding gift sana iyong sayo, pero nalaman mo. Bakit ba ang daldal ng mga kakilala mo dyan. Uuwi ka dito sa Pilipinas? Wow, I can’t wait. Of course I miss you too. Don’t over stress yourself, baka papangit ka sa kasal. I think, kakausapin ko muna ang tita ko for your wedding dress. Sobrang excited mo naman. Of course, I am exciting too.”
Napatulo ang luha nya bigla sa narinig. Honey? Vacation house? Ang pinag-uuasapan ba na vacation house ng mga ito ay ang deni-design nya at kasalukuyan nang kinu-construct ngayon? Wedding gift pala ni Zac ito sa babaeng mahal nito. At nag-uusap na pala ang mga ito sa kasal nito. May fiancée na pala si Zac?
Bakit hindi man lamang sinabi sa kanya ni Zac na ikakasal na ito? Akala ba nya bestfriend nya ito? Hindi nya kayang harapin si Zac, habang halata pa ang pamumula ng kanyang mga mata. Kailangan nyang kalmahin ang sarili. Agad syang umalis mula sa opisina nito.
----
“This is good, I love the design!” nakangiting sabi sa kanya ng isa nilang client na si Mr. Rodrigo, habang ipinakita nya dito ang blueprint. Sya ang napili na architect nito para sa isang commercial building na plano nitong ipatayo. Kasama din nila si Jack, tito kasi ito ni Jack. At si Jack ang nagrecommend sa kanya dito. Ito ang civil engineer ng project. Ibig sabihin kailangan din nilang magsama nito paminsan- minsan for the project development. Kasalukuyan silang nasa isang pormal at business place na restaurant.
“Sabi ko sayo tito, talagang magaling si Loraine.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Magkatabi sila nito. These past days, tila nagpaparamdam ito sa kanya na parang liligawan sya nito. Pinakisamahan naman nya ang pagpaparamdam nito sa kanya, lalo pa’t unting- unti na nyang iniwasan si Zac ngayon.
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng narinig nya na kausap ni Zac ang kanyang fiancée. Nagising agad sya sa isang akala nya magandang panaginip, na nagiging bangungot lang sa bandang huli. Narealize kasi nya na hindi pala nya kaya na makita itong may pinagtutuunan ng pansin. Na may ibang babae itong pinahalagahan na higit pa sa kanya. Dumistansya sya ng paunting- unti kay Zac, pero hindi nya ipinahalata nito iyon.
Maya’t- maya lang, naagaw ang kanyang pokus nang nakita nya ang isang pamilyar na lalaki na tila masayang nakikipagkwentuhan sa isang napakagandang babae. Mukhang chinita pa ang babae. Mga babaeng gustuhin nito. Naalala pa nya noon puro chinita ang mga girlfriend nito. Tila sweet na sweet pa sina Zac at ang babae, kasi ang tamis ng ngitian ng mga ito. Mukhang ang pokus ng mga ito ay ang isa’t- isa lang. Hindi kasi sya napansin ni Zac na nandito rin sya sa restaurant ito. Baka ito ang fiancée ni Zac. Kailan kaya ito ipakilala ni Zac sa kanya? Gusto na yata nyang maiyak.
“Are you okay?” pag-alala na tanong sa kanya ni Jack.
“I’m fine.” Pinilit nyang ngumiti.
Maya’t- maya lang nag-uusap na sila ng masinsinan tungkol sa project. Pinilit nya na e-focus ang sarili sa pinag-uusapan nila ng mga kaharap pero paminsan- minsan, hindi din nya maiwasan na lihim na mapamasid sa bungad nina Zac at ng babae. Mukhang nasa babae lang talaga ang pokus ni Zac.
(End)
-
Hindi lang isang beses nyang nakita si Zac at ang babae na magkasama, kundi tatlong beses pa. Lihim tuloy syang nagtampo sa kaibigan kasi hindi man lamang nito magawang ipakilala sa kanya ang fiancée nito. Pati pangalan nito ay hindi man lamang kayang sabihin sa kanya. Kaya napagpasyahan nya ang isang desisyon.
Aalis sya ng Pilipinas, tatapusin lang muna nya lahat ng project na nakatuka sa kanya, saka sya mag-resign. Pupunta sya sa Canada. Matagal na syang nililigawan ng isang malaking architectural company na nandoon. Kilala ng papsie nya ang CEO ng kompanya, at nakita nito ang mga ilang sa kanyang design at nagustuhan ito ng CEO. Tatanggapin nya ang offer. Gagawin nya ito para tuluyang maka move-on mula kay Zac. She needs a fresh start. A start na malayo sa lugar na magpapaalala sa kanya kay Zac. Wala pang nakakaalam sa plano nya pati na ang kanyang mga magulang.
----
“Kahit maliit lang ang cave, maganda nga naman pala inside.” Nakangiting sabi ni Bret kanya, kalalabas lang nilang dalawa ni Bret mula sa kweba. Matagal na syang kinukulit nito na pumasok sa loob ng kweba at ngayon napagpasyahan nila pareho na pasukin ito. Nagtatawanan pa sila sa loob. Talagang masaya kasama si Bret. Mula pa nung naging close sila, kasalukuyan silang nasa 2nd year high school nito, talagang puro tawanan lang sila pag magkasama.
“Oo nga. Kung alam ko lang, sana noon pa kita pinagbigyan na samahan ka dito.” hindi ito ang unang beses na kinulit sya nito na samahan itong pumasok sa isang kweba. Ang una nilang pinasok ay isang kweba na nasa Palawan.
“Come here!” inilahad pa nito ang kamay sa kanya. Paakyat kasi sya sa malaking bato. Nakangiting naman syang tinanggap ang kamay nito.
“We’re always have an adventure together Loraine. Thank you at lagi mo akong pinagbibigyan sa mga kabaliwan ko.” nakangiti ito. Well, talagang mahilig ito sa mga kweba. Science genious kasi ito. Mahilig ito sa mga biology.
Nginitian lang nya ito.
“I just hope that one day, we will level up our friendship.” Makahulugang sabi nito.
“H-Ha.” Napatingin sya dito. Nagkatama ang mga paningin nila. Lagi kasi itong nagpalipad- hangin sa kanya.
“Alam mo naman mula pa noon, ikaw na ang ideal girl ko, pero lagi mong isiningit sa akin ang friendship natin. Kaya hindi tuloy kita maligawan.” Mukhang seryosong sabi nito. “What if, I will tell you that I love you more than a friend?”
“Bret!” tanging nasambit nya. Wala naman problema kay Bret. Malaki nga ang pagkahawig nito kay Zac. Kaya nga crush na crush nya ito noon.
Nung niligawan naman sya nito noon, para sa kanya bata pa sya para pumasok sa isang relasyon kaya nanatili nalang silang friends. Nung nagpaparamdam naman muli ito sa kanya, pagmamay-ari na ni Zac ang kanyang puso. Ayaw nyang gawin panakip- butas ito, dahil pinsan ito ni Zac at kababata at kaibigan din nya ito. Halos sabay din nya itong lumaki.
“It’s okay—“ nakangiti ito. “Hindi mo naman kailangan sumagot ngayon. I’ll give you time. But please, wag mo naman gamitin ang friendship natin para hindi mo tanggapin ang pag-ibig ko sayo. I just want to know the truth.”
-
-
-
later na ang iba......