Nasa may beranda sya ng bahay, nakatingin sa malayo, nagmuni- muni at nag-isip. Pero, natigil din sya sa ginagawa nang----
“Loraine—“untag sa kanya ng lalaking kadadating lang. Napatingin sya sa bungad nito.
“Jack!” hindi makapaniwalang sambit nya.
“Naalala mo yon pinag-usapan natin kahapon? Pwede na tayong pumunta doon.” Nakangiting sabi nito.
Oo nga pala. Naalala na nya.
“Sure. Hintayin mo muna ako sandali.” Ngunit bago pa sya napasok sa loob ng bahay para magbihis, bigla na naman syang natigil ng---
“Loraine---“ untag na naman sa kanya ng isa na naman lalaki na dumating.
Napalingon na naman sya dito. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki.
“Bret, anong ginagawa mo dito?” hindi nya mapigilan magtanong.
“Naalala mo ba yon napag-usapan natin nung isang araw, na papasukin natin ang kweba. Tayo nah.”
Oo nga pala. Naalala na naman nya. Awang bibig syang napatingin sa dalawang lalaki. Naguguluhan sya kung sino sa dalawa ang kanyang sasamahan.
Ang gwa- gwapo ng mga lalaking ito. Kopido, sana kasing nipis nalang ng pana ang ginamit mo sa akin nung pinana mo ang puso ko para kay Zac, sa mga pana na ginamit mo nung pinana mo ang puso ko para sa mga ito noon.
Palipat- lipat ang tingin nya sa dalawang lalaki. Sino kaya sa mga ito ang sasamahan nya?
Bago paman sya nakapagdesisyon, may dumating na naman na---
“Good morning!” nakangiting sabi ni Zac, nakasakay ito ng kabayo at nagpalipat- lipat ang tingin nito sa dalawang lalaki. Nagkatinginan naman sa isa't- isa Ang tatlong lalaki. Saka nito ibinalik ang paningin sa kanya. “Available na ang mga kabayo ngayon--- tayo na, mangangabayo na tayo!”
Palipat- lipat ang kanyang tingin sa tatlong lalaki. Gosh! Talagang kakaiba ang dating nitong hindi obvious na beauty nya.
“Ah—eh—ih—oh—uh—“ wala sa loob na sabi nya.
Tulala naman ang tatlong lalaki na nakatingin sa kanya.
Lord naman, bakit naman tila pinag-aagawan ako ng tatlong lalaki na hindi naman nanligaw sa akin. Anong klasing emotional torture ito? Ang guapo ng mga ito at ang hot pa.
-------
Nagkatinginan sila ng lalaking kaharap ngayon. Sinalubong nya ang mapanuksong titig nito sa kanya.
“Anong problema mo?” tanong nito
“Pinag-aagawan ako ng tatlong lalaki.” Diretsong sagot nya sa tanong nito.
Tila hinagod pa nito ng tingin ang kanyang mukha.
“Really?” tila hindi makapaniwala na sambit nito.
Nakaka- insulto na ang lalaking ito, ha! Hindi nga pang- diyosa ang ganda nya, pero maganda naman sya kahit papaano. Hindi nga lang ubod ng ganda, pero ubod naman sya ng cute at talented.
“Wow—sino naman ang mga lalaking ito?” hindi mapigilan isambit ni Elisse. Kasalukuyan nilang kaharap si Dr. Heart. Pagkatapos agad ng bakasyon nila ni Zac sa isla, niyaya nya si Elisse na pumunta kay Dr. Heart dahil may ikokunsulta sya dito.
Inis syang tumango.
“Well—hindi naman yon nakapagtataka.” Nakangiting sabi ni Dr. Heart kaya nabawasan ang kanyang inis dito. “Iba nga naman ng dating ng cuteness mo.”matamis itong ngumiti sa kanya. “So nandito kaba para magpatulong sa akin para malaman kung sino ang mas matimbang sa kanilang tatlo?"
“Hindi.”seryosong sagot nya dito. Totoo naman yon, iba talaga ang ipinunta nya dito.
“So, anong ipinunta mo dito?”
“I am inlove----“
“You’re inlove? Kanino?” tila kinikilig talaga si Elisse, kung alam lang nito na hindi naman nakakakilig ang nangyari sa kanya.
“So, anong problema dun?” kunot- noo na tanong ni Dr. Heart.
“I am inlove with my bestfriend.” katotohanan na tinatago- tago nya sa loob ng mahigit sa apat na taon.
“You’re inlove with Zac?” hindi makapaniwalang sambit ni Elisse.
Napatango sya.
“Bago pa sya umalis papunta sa state, napana na ni kopido ang puso ko para sa kanya.”
“Ano? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” may halong tampo ang boses ni Elisse.
Talaga naman hindi nya sinabi kay Elisse dahil ayaw nyang may makakaalam sa tinatago nyang damdamin para sa kanyang bestfriend, habang ito masyadong open sa kanya sa feelings nito kay Brat. Siguro, kaya sya pinaparusahan ngayon dahil masyado syang unfair kay Elisse, habang si Elisse naman ay ikinasal na sa lalaking mahal na mahal nito na si Brat.
“I’m sorry—ayaw ko kasing may makakaalam sa damdamin ko kay Zac. Ayaw kong masira ang friendship namin na binuo namin since I was born.” Mahabang sabi nya kay Elisse, mukhang naintindihan naman sya nito dahil nakita nya ang maaliwalas na tingin na iniukol nito sa kanya.
“Pwede ko bang malaman kung ano ang problema mo sa Zac na ito.” ani sa kanya ni Dr. Heart.
“The saddest thing can happen is when you fall inlove while other wants nothing more than friendship.” Makahulugang sambit nya.
‘So, you’re inlove with your bestfriend na sinasabi mong kaibigan mo mula pa nung isinilang ka. So, namulatan mo na sya na bilang bestfriend mo at mukhang hanggang pagkakaibigan lang ang tingin nya sayo.” paniniguro nito, napunto nito ang katotohanan.
“We spent a lot of memories together, halos hindi na nga kami mapaghiwalay. He never had a chance para maging sobrang close sa kapatid nyang babae, dahil mas lumaki kami magkasama pareho. Nung narealize ko na mahal ko na pala sya more than friend, papaalis na sya nung papunta sa state. Nung nasa state na sya, I try to distance myself to him, I did not answer his chat and calls often, hindi ko rin tinupad ang plano namin na susundan ko sya doon. Hanggang sa tuluyan kong tinapos ang ugnayan naming dalawa. I just want to move on from him, dahil sa paglipas ng mga taon, hindi parin sya maalis- alis sa puso ko. Nung bumalik sya, tila lagi naman syang nakasunod kahit saan ako magpunta, laging ipinaalala ang mga bagay na ginagawa namin noon, ang mga pangarap namin. Just recently, we try to regain our friendship. Sya ang nakikipag-ayos sa akin. I took a chance kahit ano pa ang maging kabayaran nito sa bandang huli. I just want to take back my bestfriend. I miss him. I love him like I never love anyone in my life.”
“Then, what’s the problem of that?” kunot- noo na tanong nito. “It seems that your bestfriend loves you too.”
Mapait syang ngumiti.
“He will getting married soon.” Masakit na katotohanan na hindi nya napigilan sambitin.
“Ikakasal na si Zac?”laking mga mata na tanong ni Elisse. Napatango sya.
“Meron syang babae na minahal mula pa noon—at pinangakuan nya ito na pakakasalan balang araw.” gusto na yata nyang umiyak sa sinabi. “At ito na tamang panahon para tutuparin nya ang pangako dito.”
“Well---“ tila may halong pagsuko ni Dr. Heart. Saka ito napagbugtong- hininga. “Loraine—there are things in life, that we don’t want to happen but have to accept. Things we don’t want to know but have to learn. And people we can’t live without but have to let go.” ani nito. “Sometimes we have to let go of someone who matters to us—not because we have to, but because it’s the right thing to do.” nakatitig sya dito. “Hindi ko sinabi sayo na madali, hindi ko rin sinabi sayo na agad- agad. Take things slowly. You can regain your friendship to him but not to the extend, na katulad parin kayo ng dati. Distance your self from him hanggang sa masanay ka na ng kunti, saka mo dagdagan ang distansya mo hanggang sa masanay ka ng masanay. Do this for yourself. You can’t love someone who can’t love you back kahit pa sabihin na bestfriend mo pa ‘to. You deserve someone better. You will find your forever, soon.”