“Jack!—“ hindi makapaniwalang sambit ni Loraine, nang nakita nya kinaumagahan ito. Nakatayo ito sa bungad ng tulay na nagdudugtong ng Hidden Peal Resort (HPR) at nitong Pearl Island. Kasalukuyan palang kinu- construct itong tulay. Nagjojogging sya ngayon.
“Loraine!—“ hindi din ito makapaniwala na nakita sya. “Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito?”
“Kasalukuyan akong nasa islang ito ngayon, pinag-aaralan ko kasi ang lugar. Ako kasi ang architect dito."
“Wow—so balang araw ang makikita ko dito ay ang mga design mo.”
Nakangiti syang tumango. “So, I guess, you are the engineer.” Pansin kasi nya sa suot na hard hat nito.
“Oo. Yon construction company namin ang nakakuha sa bidding."
Oo pala. Naalala pala nya na nakita nya ang logo ng BridgeStone noon papunta palang sila ni Zac dito.
“That’s good.”
Akmang tatalikuran na nya ito ng bigla itong nagsalita.
“By the way—gusto mong sumama sa akin bukas, ipapakita ko sayo ang construction sa ilalim ng bridge na ito.” sabi nito na nagpalaki ng kanyang mga mata. “Wag lang ngayon, kasi ginamit yon pwedeng sakyan natin.
Masaya syang napatango. Excited syang makita ang construction sa ilalim para mas mapatibay pa ito.
“Ako nalang ang pupunta sayo, kung okay na.. Saan kita pwedeng puntahan?” nakangiting tanong nito.
“Diretsuhin mo lang ang daan ito, may makikita kang isang bungalow house.”
“Okay.” Nakangiti ito. Saka sya nakangiting nagpaalam dito.
-----
Wala naman silang masyadong ginagawa ni Zac sa buong araw, kaya ang ginawa nya ay sinimulan na nyang magdesign sa autocad ng gustong maging feature ni Zac sa pinangarap nitong Vacation House. Ang sakit naman isipin na sya ang magdedesign ng bahay na tirhan nito at ng asawa nito. Pero, masaya parin sya sa isipin na naging bahagi parin sya sa buhay ng mga ito.
Kinagabihan, maya’t- maya pagkatapos nilang maghapunan ay napagpasyahan muna nyang lumabas mula sa bahay. Nakaupo sya sa buhanginan habang nakatingin sa dagat. Sa tingin nya, it’s already 8:00 pm. Hindi naman madilim dahil sa liwanag sa labas ng bahay at dahil maliwanag din ang buwan.
“Kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala.” Napaangat sya ng mukha ng narinig ang boses na yon. Si Zac nakangiti sa kanya. Saka ito umupo sa kanyang tabi. Ibinalik nya ang paningin sa tubig dagat. “Anong iniisip mo?”
“Nagpapahangin lang ako.” malapit sa totoo na sabi nya. Pero ang mas totoo, may mahalaga talaga syang iniisip. Iniisip nya kung paano magsimulang muli pag tuluyan ng mawala si Zac sa buhay nya.
Napa- angat ito ng mukha, nakatingin ito sa mga bituin.
“Naalala mo ba noon, lagi tayong nanonood ng mga bituin doon sa tree house sa villa. Minsan pa nga, galit na galit ka sa akin kasi kaysa samahan ka sa panonood, nakahiga lang ako habang naglalaro ng mobile legend.”panimula nito.
“Kasi hindi ka talaga mahilig mag- star gazing, kasi sabi mo ang baduy- baduy.” Nakatawa syang dinagdagan ang sinasabi nito. Napatawa rin ito.
“At habang nasa Manila tayo, reklamo ka ng reklamo dahil walang mga star, dahil sa mga liwanag na galing sa malalaking building.”
“Kaya ang ginawa mo para hindi sumasakit ang ulo mo sa karereklamo ko, nilagyan mo ng glow in the dark na mga hugis star ang kwarto ko.” nagtawanan na naman sila. Napatingin din sya sa mga bituin. Ang saya naman alahanin ang mga masasayang alaala nila ni Zac noon.
“Noon mga bata pa tayo, lagi pa akong nangangati dahil sa higad, kasi lagi mo akong kinukulit na pumasok sa hardin ni mommy, at sa tuwing makakita ka ng higad, talagang ako ang pinahaharap mo.”
“Galit na galit ka sa akin, pero pinatatawanan lang kita kasi namumula ka at para kang sumasayaw sa kati.” Lihim syang natatawa.
“Oo. Tapos, tinutukso mo akong negr0 pag namumula ako.” napatawa ito, sinabayan nya ito. Hindi naman talaga ito maitim. Golden tan ang balat nito. Talagang pilya lang sya at gusto talaga nya itong inisin. Mas gumugwapo kasi ito habang inis na inis ito. Naalala nya mula pa noon, picture perfect ito sa lalaking gustuhin nya. Walang nakahihigit dito sa kanyang paningin.
“Madalas mong pasimpleng sinusuklay- suklay ang buhok ko sa daliri mo pag nagpapahinga ako sa paglalaro ng basketball dahil sabi mo minus points sa mga chix.” Mahina itong napatawa.
“ At ikaw naman, sinusuklay mo ang buhok ko, bago tayo tuluyan lumabas sa kotse mo dahil mula sa bahay hanggang sa school, hindi pa ako tapos sa pagsusuklay dahil sa kadaldalan ko.” nakatawa sya.
“Kasi naman, talagang ang tagal mong gumising at higit pa dun, nag-eemote kapa sa banyo. Kaya pagdating ko sa bahay ninyo ay hindi kapa tapos sa pagsusuklay ng buhok mo.” Nagtawanan pa sila.
Saka ito bumugtong hininga. Napatingin sya dito. Nagkatama tuloy ang paningin nila, kasi nakatingin pala ito sa kanya.
“Loraine—“ mahinang sambit nito sa pangalan nya. “I miss the time na nagkikilitian tayo kasi pareho tayong may kiliti, the time when you lending your head on my shoulder, sa mga panahon halos mabibingi ako sa kadaldalan mo. Yon mga panahon na binabaliwala mo ang inis ko, kasi patuloy ka parin sa pang-aasar sa akin. Yon mga panahon na inutos- utusan mo akong magluto kasi wala ka naman talagang talent sa pagluluto pero ang hilig mong kumain. I miss everything that we had before. I miss those teary moment that we had, the laughter that we share, all that we had together. I miss you Loraine.” Madamdamin sabi nito na sa kanyang mga mata nakatingin.
“Zac---“ hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito. Kung alam lang nito kung gaano nya ito namiss. Everything about him. Everything that they had together.
“I never have been with any woman in my life the same way as I did to you. Ever since, ikaw na pinahalagahan ko ng sobra. Halos buong buhay natin ay magkasama tayo, even our dreams linked with each other. Para tayong itinali sa isa’t- isa na ‘pag wala ang isa ay kulang tayo.”
Gusto nang tumulo ng kanyang luha sa sinabi nito. Totoo naman yon, hindi nga halos kumpleto ang araw nya pag hindi ito nakita. Kaya nung pumunta ito sa state, pinilit nyang mamuhay ng mag-isa na wala ito. Lalo pa’t idinistansya nya ang sarili mula dito.
She miss him, gusto nya itong tawagan, ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili. Nung nakita nya ito muli sa simbahan sa kasal nina Elisse at Brat, parang gusto nya itong yakapin, pero hindi pwede. Sa pag-iiwas nya dito, nasira tuloy ang friendship nila.
“I want you back, Loraine. Same way as before. I want to regain our friendship. Because that’s one of the thing that keeps me going.” Madamdamin sabi nito sa kanya.
“Zac—I want you back also.” Hindi na nya napigilan ang sarili na sambitin ang katotohanan. “I love you Zac!” sinambit nya. Pero sa pagkakataon ito, hindi na bilang kaibigan pero wala naman itong alam sa tunay na damdamin nya para dito. Mag-eenjoy muna sya habang kasama pa nya ito. Mamaya na sya magmove on mula dito ‘pag ikinasal na ito.
“I love you too, Loraine!” nakangiting sabi nito na sa mga mata nya nakatingin.
For the first time, nakarinig sya ng katugon mula dito pero alam naman nyang walang malalim na kahulugan iyon. Mahal din sya nito bilang kaibigan. Kaibigan lang. Dapat maging masaya na sya, dahil kahit papaano, may halaga pala sya dito. Dapat hindi na sya aasa ng higit pa dun. She have to win him back, back to her life kahit bilang kaibigan lang. She wants him back whatever price she have to pay.
Maya’t- maya lang tumayo ito.
“Halika ka!” nakangiti ito, sabay lahad ng kamay sa kanya.
Kunot- noo sya napatingin dito.
“Maglakad- lakad lang tayo sandali sa dalampasigan” nakangiti talaga ito.
Tinanggap nya ang kamay nito na inilahad sa kanya. Hanggang sa naglakad- lakad na nga sila sa dalampasigan. Nakakapit pa sya sa braso nito ng tulad lang noon.
Sa ilalim ng mga bituin, under the moonlight, kasama nya ang lalaking mahal nya kahit kaibigan lang ang tingin sa kanya. She will never forget this night.
Maya’t- maya lang huminto ito, hindi nya napaghandaan ang susunod na gagawin nito, pabiglang syang kiniliti nito sa baywang nya, napatawa tuloy sya sabay hiyaw.
“Zac—“ saway nya dito.
Nakatawa ito. Saka nito inilayo ang sarili sa kanya. Inis nya itong tinignan.
“Gusto mong gumanti? Sige, hulihin mo ako.” nakatawang sabi nito, saka ito tumakbo.
“Zac---“ inis syang sinundan ito. At puno ng tawanan nila ang gabi na yon.
---
---
Epupush kong ibagsak lahat ng matitirang chapter mamaya, para hindi na kayo mabitin...may part 2 pa ang mga labahin ko, hehehehe..laba muna ako.