LMB 19

1243 Words
(Flashback) - Napansin nya na tila lasing na lasing na si Zac. Mukhang malungkot talaga ito sa pag-alis nito, pero walang choice ito. Kialangan nitong pumunta sa ibang bansa para mag- aral muli doon. Maya’t- maya lang napansin nya na napatitig ito sa kanya. Naiilang sya sa titig nito na kakaiba. Pabiglang ikinulong ng isang palad nito ang isang bahagi ng kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito. Hindi sya makakilos, tila naestatuwa sya. Sobrang kaba ang kanyang nadarama. Parang may kahulugan sa loob ng kanyang dibdib. “Y- You’re so beautiful, my love!” lasing na sambit nito. Nagising yata sya sa hibang na panaginip. Wait! My love? Napagkamalan yata sya nito na ibang babae. Siguro tuluyan nang nilamon ng espirito ng alak ang katinuan nito. “Zac--- hindi ako ang my---“ “Yes, you are. Hindi mo na nahahalata ang damdamin ko sayo?" Napakasakit naman isipin na sya ang kausap nito, pero ibang babae ang gustong makasama nito. “Zac—you d---“ “Hindi mo ba nadarama ang nararamdaman ko para sayo.” buo na sabi nito pero may halong kalasingan. “I love you ever since. I never loved someone as much as I love you.” Tila totoo talaga na sabi nito. Gusto na yata nyang maiyak sa sinabi nito. Talagang wala na syang pag-asa dito. Mukhang mahal na mahal nga nito ang babaeng tinutukoy nito. “I love you not because of who you are but because of who I am when I am with you.” Tuluyang nang naglaglagan ang kanyang luha. Bakit ba kahit lasing si Zac, malinaw- linaw parin sa isip nito ang pagmamahal nito sa isang babae. “Do you love me too? The same way as I do to you?” Mas pinili nya na sakyan nalang ang kalasingan nito. Para pag nasa ibang bansa na ito at least ang nasa alaala nito ang huling gabi na kasama nito ang mahal nito. “Yes Zac, I love you very much!” hindi ito pagkukunwari na sagot nya. Talagang mahal na mahal na nya ito. Napangiti ito sa kanyang sinabi. Saka sya siniil ng halik nito sa labi. Electrified and earthshaking ang naramdaman nya. Tila sya inilipad sa kalawakan. That’s why, when he plunged his tongue inside her mouth, teasing her to respond, hindi na nya napigilan ang sarili na hindi tugunin ang maalab na halik nito. Kaya mas lumalim pa ang halik nito sa kanya. Naramdaman nalang nya ang paglapat ng likod nya sa papang, naihiga na pala sya nito. His mouth soon leave his lips as it travelled down to her neck. Parang nag-iinit ang pakiramdam nya sa ginawa nito. Hindi nya magawang pahintuin ito sa ginagawa nito. Hanggang sa pababa ang halik nito sa humpungan ng kanyang dibdib. Nawala na yata sya sa katinuan. Lalo pa sa isipin na ang mga kamay nito ay kung saan- saan na naglalakbay sa bahagi ng kanyang malambot na katawan. Tuluyan na sana nyang magpadala sa bugso ng damdamin nang--- “You’re always mine, my love!” sabi nito at plano na namang halikan ang kanyang labi. Ngunit bago pa sya mahalikan nito, pabigla nya itong itinulak. Hindi nya pwedeng ibigay dito ang sarili nya, gayun ibang babae naman ang nasa isip nito. Tila nagulat pa ito sa ginawa nya. Bago pa ito nakabawi sa pagkabigla, agad syang tumayo, saka walang lingon- lingon na nilayasan ito, habang puno ng luha ang kanyang mga mata. - (End) Mukhang lasing na lasing nga ito ng gabing iyon, dahil kinabukasan, wala itong naalala sa nangyari sa kanila. Parang kaswal lang syang hinarap nito. Akala pa naman nya noon, na pinuntahan sya nito sa bahay nya, para hihingi ito ng tawad sa hindi sinasadyang muntikan panggagamit nito sa kanyang katawan, pero, inaway lang pala sya nito dahil iniwan daw nya ito na lasing na lasing. Talagang wala sa isip nito ang nangyari. Ano paba ang aasahan nya? ---- “Pagod kana ba?” tanong sa kanya ni Zac nang malapit na sa bahay na tinutuluyan nila. “Ha?” “Sabi ko pagod kana ba?” ulit nito sa tanong sa kanya. “Sadya ka pa naman tamad maglakad.” “Medyo.” Totoong sabi nya. Nakakapagod din palang mamasyal sa isla. Hindi pa nga nila napuntahan ang ibang lugar. “Pero malapit na naman tayo.” Kung close palang sila nito tulad ng dati, baka pinilit na naman nya ito na mag piggyback sya dito. Napansin nya na nagpasiuna ito sa kanya ng kunti, then bend his knee a little. “Halika kana.” Nakangiting sabi nito. Napatulala sya sa ginawa nito. Hindi yata sya makakilos, parang napako sya sa kinatatayuan. “Loraine, halika kana. Sumampa kana sa likod ko.” may halong pag-uutos ang boses nito. Kinalma nya ang sarili. Saka sya lumunok. “A-Ayaw ko.” tanggi nya sa offer nito. “Bakit?” tuwid itong tumayo saka hinarap sya. “H-Hindi na kasi katulad tayo noon Zac—pati feelings ko sayo, nag-iba narin. Everything is different now. Hindi na natin pwedeng gawin ang mga bagay na ginawa natin noon.” Nilakasan nya ang sarili para masabi ang mga katagan ito. Mataman itong nakikinig sa kanya. “What makes it different, Loraine?” tila may pait ang boses nito. “Everything Zac—time pass and everything change.” Hindi nya kayang ipaliwanag dito ang nais nyang ipakahulugan, dahil hindi naman nya pwedeng sabihin dito na mahal nya ito ng higit pa sa isang kaibigan. “Ano bang nagbago sa atin, Loraine?”tila nagdamdam ang boses nito. Ang hirap umibig sa isang kaibigan. “Ano kasi, I me--------“ hindi na nya natapos ang ibang sasabihin ng bigla pa naman syang natapilok. “See, wala parin pagbabago Loraine.” Sabi sa kanya ni Zac habang nakasampa na naman sya sa likod nito. “Hangga’t mananatili kang lampa, talagang lagi kang naka-piggyback sa akin.” Tila may nais ipakahulugan pa ang boses nito. Nakakaiyak talaga ang sitwasyon nya ngayon. Sana bumalik na sya sa dating Lorainne. Ayaw nyang mahalin na ganito si Zac, baka matulad lang sya sa kanyang ina. --- “Salamat.” Maikling sabi nya dito pagkatapos nitong hilot- hilutin ang kanyang binti. Kasalukuyan syang nakaupo sa sofa. Tumabi ito sa kanya. “Pagod kaba?” hindi nya napigilan itanong dito. Baka nabibigatan ito sa kanya. “Medyo.” Sagot nito. “Gusto ko ngang magpahinga.” Nakangiti itong nakatingin sa kanya. “Pwede umisod ka ng kunti papunta doon sa gilid.” “Bakit?” kunot- noong tanong nya. “Basta.” Kahit hindi nya maintindihan ito ay sinunod nya ang gusto nito. Pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito kalaunan. Humiga ito sa sofa at ginawa na naman unan ang kandungan nya. “Zac—“ kinalma nya ang nagwawalang katinuan. Nakatitig ito sa kanya, hindi nya kayang salubungin ang mga titig nito. “Why don’t you massage my head? Sumasakit kasi ang ulo ko.” “O- Okay.” Kahit sobrang nerbiyos na ang kanyang nadarama pero sinunod parin nya ang gusto nito. Pumikit- pikit pa ito. Malaya tuloy nyang napagmasdan ang kaguapuhan nito. Lord, bakit nyo pinahintulutan si Kopido na panain ang puso ko para sa bestfriend ko? Miss na miss ko na ang dating asaran namin. Miss ko nang maging dating Lorraine sa kanya. Please ipabawi nyo na kay Kopido itong pana nya na nakatusok parin sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD