LMB 18

1355 Words
“They right, maganda nga talaga ang islang ito.” nakangiting sabi sa kanya ni Bret, dumating ito dito sa isla ngayon araw na to dahil sa magsusurvey ito sa buong lugar. Ito kasi ang magdedesign ng landscape ng lugar. “Nasubukan mo na bang pumasok sa cave dito?” nakangiting tanong nito sa kanya. Kasalukuyan silang naglakad- lakad sa gitnang bahagi ng isla, kung saan planong gawin maliit na park. “Hindi pa.” matipid na sabi nya. Hindi kasi sya niyaya ni Zac doon. Gusto pa naman nyang masubukan pumasok doon. “Sa apat na araw mo dito, hindi mo parin nasubukan pumasyal doon? Balita ko maganda ang maliit na batis sa loob.” Masayang sabi nito. “Nagtanong ako kay Zac kanina, sabi nya pwede naman daw akong mamasyal sa loob ng kweba. Sayang nga lang, kulang ako sa panahon ngayon. Pero babalik ako dito sa makawala—gusto mong pasukin natin?” “Sure.” Nakatawang sabi nya dito. Saka hawak kamay silang naglakad- lakad pa. Wala naman malisya sa kanya, talagang laging nakahawak ito sa kanyang kamay, lagi kasi syang inaakay nito. Kahit masyadong magkahawig sina Bret at Zac, pero magkaiba naman ang mga ito. Masyadong old- tradition mag-isip si Bret, hindi din ito playboy. Isang babae nga lang ang naalala nya na naging girlfriend nito noon, at medyo nerd pa ang naging girlfriend nito na parang si Einstein ang katalinuhan. Habang si Zac naman, talagang pang- beauty queen ang beauty ng mga nagiging girlfriend kaya nga hindi na sya umasa na mapansin nito. At isa sa mga hilig gawin ni Bret ay ang magsusuot sa kahit ano’t- anong kweba, habang si Zac, wala yatang hilig sa mga kweba. Mahilig si Zac sa kahit anong sport kaya marami itong sport na alam, pero hindi ito masyadong mahilig sa adventure, medyo maarte pa nga ito. Kaya na-experience nya ang hiking nung si Bret na ang kasa- kasama nya. At marami pa syang adventure na nasubukan na kasama si Bret. Maya’t- maya lang nakita nila si Zac na pasalubong sa kanila ni Bret, nakangiti ito pero nawala yata ang ngiti nito nang napatingin ito sa magkahawak kamay nila ni Bret. Pero hindi nya magawang bawiin ang kamay mula kay Bret, dahil sobra ito kung makahawak. "Tapos na ang pamamasyal nyo, may pupuntahan tayo." Ani ni Zac sa kanya na mukhang bad trip. "Sa higpit ng holding hands ninyo, baka magkapalit na yang mga kamay ninyong dalawa." tila pang- uyam na sambit nito. Bad trip nga si Zac. Ano kayang problema nito? ----- “So paano, pag-enjoy lang kayo dito.” nakangiting sabi sa kanila ni Zandro. Ipinasyal kasi sya ni Zac sa kabilang bahagi ng isla kung saan planong gawin riding club. Naabutan nila kanina si Zandro na tila umaalalay sa isang veterinarian habang may ini-enject ito sa mga kabayo. Sa pagkakaalam nya, isa iyong vitamins na para sa resistensya ng mga kabayo. Nung natapos na ang ginagawa nito, at nakaalis na veterinarian, ay niyaya sila nito na mamasyal sa barn. Maganda ang barn ng mga kabayo, talagang sunod sa standard ang lahat. Magaling nga sa pagha-handle ng mga kabayo si Zandro, lumalaki kasi ito na kasa- kasama ang mga ito at nag-aaral din ito tungkol sa mga kabayo. “Hindi na ako magtatagal, kagabi pa ako dito.” nakangiting paalam ni Zandro sa kanila ni Zac. “Baka aawayin na ako nito ng asawa ko. Alam nyo naman na kasalukuyan pang nasa stage ng postpartrum si Mika at hindi talaga madali ang mag-alaga ng bata.” Nakangiti ngunit mahabang sabi ni Zandro. Nasa 8 months old na ang anak na lalaki nito at sa asawa nito na si Mika. Si Mika ay pinsan ni Zac. Nginitian nila ito ni Zac. Saka sila tuluyan iniwan nito. Nasa may Barn parin sila ni Zac. “Bakit magkahawak- kamay kayo kanina ni Bret?” akala nya hindi na ito magtatanong sa nakita nito kanina, ngayon ini-open pa naman nito ang topic. “Wala yon.” Kaswal na sagot nya dito. “Talagang ganyan naman lagi si Bret sa akin. Talagang lagi kaming magkasama.” Nagsalubong na naman yata ang kilay nito sa kanyang sinabi. Galit ba ito? “I see. “patango- tango pa ito. “So, sya na ang bagong bestfriend mo?” may kakaiba sa boses nito na hindi nya maintindihan. Hindi yata nya mapigilan ang mainis sa sinabi nito. “Zac, ano ba yang pinagsasabi?” hinaluan nya ng inis ang boses. “Nevermind.” Matipid na sabi nito. Saka hinawakan din nito ang kamay nya. Pabigla syang napatingin dito. Nagkatama ang mga paningin nila. “Bakit si Bret lang ba ang pwedeng humawak sa kamay mo? tila makahulugang tanong nito. Nakakunot- noo pa ito. Tila bumalik na ang normal na si Zac. Yon Zac na tila laging galit. Hindi na nya ito pinansin. Hinayaan lang nya ito na nakahawak sa kamay nya. Gustong- gusto din naman nya ang pakiramdam na nakahawak ito sa kanyang kamay. Ang sarap kaya sa pakiramdam. Para syang nakalutang. “Plano ko pa naman sana na mangabayo tayo ngayon, ililibot kita sa buong island.” Maya’t- maya sabi nito sa kanya. At nakangiti na ito. “Kaya lang, hindi pa pwedeng gamitin ang mga kabayo dahil sa injection ng mga ito kanina, once a year lang yon ginagawa. But----“ humarap ito sa kanya. “--- sa makalawa, mangangabayo tayo.” “Don’t mind it Zac.” Pinilit nyang maging kaswal dito. “Alam mo naman na hindi ako marunong mangabayo, diba!” “Alam mo naman kung ano ang lagi kong ginagawa diba.” Tila nang-aakit na naman ang ngiti nito. Nagwawala na naman ang puso nya. Naalala nya kasi ang posisyon nila ni Zac noon habang nangangabayo sila. Nasa iisang kabayo lang sila, nakaupo sya sa unahan bahagi habang nasa likuran nya ito at nakayakap ito sa baywang nya. Minsan naman ito ang nasa unahan at sya ang nasa likuran, pero sobra syang makayakap dito. Matakutin kasi sya sa kabayo. Ang dami naman nilang masasayang ala-ala ni Zac, at ang hirap naman kalimutan ang mga iyon. Forever na nga siguro syang hindi maka- move- on mula dito. “Lagi lang akong nandito para sayo, Loraine.” Sabi nito na ikinabigla nya. Napatingin sya sa mga mata nito, at nakita nya na tila may kakaiba emosyon na nandoon. Pagkatapos nilang mamasyal sa Barn ay ipinasyal pa sya nito sa ibang bahagi ng isla. Hanggang nakarating sila sa isang tila pinakamagandang bahagi ng isla. Maputing- puti ang pinong- pino buhangin dito. May mga punong niyog pa nakakapalibot. “Dito ko nga pala planong ipatayo ang vacation house na pinangarap ko. Actually mukhang hindi naman vacation house, kasi baka madalas kami nandito ng asawa ko.” Nasaktan sya sa narinig. Bakit ba hindi nya naisip na balang araw mag-aasawa din ito at baka may girlfriend na ito, kaya naisip na nito ang magpagawa ng matirhan nito ang ng babaeng pakakasalan nito. “So, mag-aasawa kana?” kinaswal nya ang boses. Hoping na sana madulas ang bibig nito at maekwento nito sa kanya kung may girlfriend na ito. Napatingin ito sa kanya. “Oo. Magpapakasal na ako next year.” Nakangiting sabi nito. Gusto na yata nyang maiyak sa narinig. May fiancée na pala ito. “Sino naman? H- Hindi ko yata nakita na kasama mo.” hindi nya mapigilan itanong. “You will meet her soon.” Nakangiting sabi nito. “Yon sinasabi ko sayo na babaeng pakakasalan ko balang araw. Remember?” Wala sa loob na napatango sya. “Girlfriend mo na pala ang babaeng yon.” Kahit gusto na nyang maiyak. Kinaswal lang nya ang boses nya. Ayaw nyang ipahalata dito ang sobrang sakit na nadarama. “Hindi pa.” matipid na sagot nito. “Pero, malapit na magiging kami.” Tila may kasiyahan talaga sa mga mata nito. Nanliligaw pa pala ito. Mukhang mahal na mahal nito ang babaeng sinasabi nito. Naalala pa nya noon, yon huling gabi nito bago umalis ito, napagkamalan pa sya nito na ibang babae. Baka ang nasa isip nito ng mga gabing iyon ay ang babaeng gustong pakasalanan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD