“Hi Clouie!” napalingon si Clouie ng may nagsasalita sa likuran nya. Napasimangot yata sya na si Landon iyon, ang kanyang nakakainis na masugig na manliligaw. Anak din ito ng isa sa kabarkada ng daddy nya.
“Anong ginagawa mo dito?” kasalukuyang nyang tinahak ang daan patungo sa batis.
Kaya sya tumakas sa kanila kasi nakita nya ito na dumating, kasama ang daddy nito.
“Sinusundan ka!” ngumisi ito.
Medyo nakaramdam pa sya ng takot. Alam nya kasi na may pagkabastos ang lalaking ito. Pero kinalma nya ang sarili. Palinga- linga sya, sila pa naman lang dalawa ang nasa liblib na bahagi na ito ng Villa Del Fuengo.
“At bakit mo naman ako sinusundan?" Kunot- noo nyang tanong.
Hindi ito sumagot. Nakangisi lang ito na humakbang palapit sa kanya. Napaatras sya. Sobrang kaba na ang nadarama nya.
“Wag kang lumapit sa akin. At sisigaw ako.” pananakot nya dito.
Napatawa ito ng malakas sa sinabi nya.
“Go on! Sa tingin mo ba, may makakarinig sayo? Bising- bisi kaya ang daddy mo ngayon, at ang mommy mo naman ay wala, tapos wala din ang mga kapatid mo. Sa tingin mo, sino kaya ang mapadaan dito ng hindi sinasadya.” mahabang sabi nito na nakangisi pa. Paatras na paatras lang sya. “Inis na inis na ako sayo—kung hindi kita madadala sa santong ligawan, dadalhin kita sa santong pilitan.”
Nanginginig sya sa takot sa narinig nya mula dito.Tatakbo na sana sya, pero biglang nahawakan nito ang pulsuhan nya.
“Bitawan mo ako!” buo pero may takot ang boses nya.
“Don’t worry—pakakasalan naman kita. Sadyang patay na patay lang ako sayo at sa akin kalang.” hinila sya nito. Nagpupumiglas sya. Pero malakas ito.
Isa pa, anong laban ng isang 15 years old na babae sa isang 20 years old na lalaki? Aside from that, malaking tao ito.
“Bitawan mo ako please, Landon…” may halo ng pagmamakaawa ang boses nya. Napaiyak na sya.Kahit ano kasing klasi ng pagwawala at pagpupumiglas nya, sadyang hindi nya kaya ang lakas nito.
Pero hindi pinansin nito ang pagmamakaawa nya. Hanggang sa tuluyan na syang nadala nito sa damuhan, pabigla syang itinulak nito, napaupo sya.
“Landon-please! Mag-usap muna tayo.” Humahagulhol na sya.
Ngumisi lang ito. Mas natakot sya ng hinubad nito ang t-shirt nito.
“Wala ka ng kawala sa akin ngayon Clouie--- akin na aking kana.” akmang dadaganan na sya nito, pero pabigla nya itong natadyakan sa harapan nito. Kaya napasapo ito. Nagmadali syang tumayo at akmang tatakbo na, pero nahawakan na naman sya nito.
“Ginagalit mo ako masyado Clouie—but don’t worry sarap ang mararanasan mo ngayon.”
Pabigla syang inihiga nito sa damuhan, nagpupumiglas sya. Kamot at tadyak ang ginawa nya dito. Pero sadyang maraming beses na malakas ito kaysa sa kanya. Napansin nya na tuluyan na syang nadaganan nito. Napapikit sya, habang umiiyak.
Napadilat din sya maya-maya ng napansin nya na tila may nag-aaway. At sumalubong sa paningin nya, ang nagsusuntukan na sina Aldrine at Landon. Agad syang napatayo.
“Aldrine!” napatakbo sya kay Aldrine, mukha kasing dehado ‘to.
Mas malaking tao kasi si Landon kaysa dito.
Akmang tutulungan nyang makatayo si Aldrine pero nagsalita ito.
“Umalis kana Clouie--- tumakbo ka.” Nagdadalawang isip sya kung susundin ba ito.
“Wag kang makialam dito pare, kung ayaw mong mamatay.” Galit na sabi ni Landon, saka may kinuha na isang pocket knife.
“Adrine!—“ palapit sya kay Aldrine, nanginig sya sa takot.
“Please Clouie—tumakbo kana!” tila may halong pagmamakaawa ang boses nito. Nakatayo na ito at nilapitan ito ni Landon, at sasaksakin na ito ng dala nito. Buti nalang nakailag ito.
“Ald-----“ takot na takot na sya.
“Clouie—tumakbo kana!” tila may halo ng galit ang boses ni Aldrine.
Nagdadalawang isip sya. Pero sa bandang huli, sinunod nya ang sinabi ni Aldrine.
**
**
“Walang hiya nyang anak mo pare—muntikan na nyang gagahasain ang anak ko.” galit na galit na sabi ng daddy nya, pagkatapos nitong suntukin si Landon. Nasa pulis station na sila. Nakatakas si Landon, pero nahuli din ito ng mga pulis.
Nung tumakbo kasi sya, nakasalubong nya ang kuya Zac nya at si Loraine na papunta sa batis, nung nalaman ng kuya nya ang nangyari, agad itong tumakbo para tulungan si Aldrine, habang inakay naman sya ni Loraine, pabalik sa bahay nila, nung nakita nya ang daddy nya na kausap ang daddy ni Landon, nanginginig na sya sa takot, kaya si Loraine na ang nagpapaliwanag sa naintindihan lang nito.
Addict pala si Landon.Masyado pala itong nalulung sa druga.
Hindi naman nasugatan ang kuya Zac nya, si Aldrine ang napuruhan. At nasa hospital ito ngayon.