Ang sarap na pakiramdam ng 15 years old na si Clouie, halos dalawang linggo palang mula ng nagsimula ang bakasyon nila, pero na- enjoy na nya ng sobra ang kanilang bakasyon.
Sabi na nga ba nya, hindi sya mababagot sa bakasyon, kasi marami naman talagang gawain sa hacienda. Hacienda Del Fuengo is her favorite place. Kahit pa marami na syang napuntahan na iba't- ibang lugar sa ibang bansa. Safe Haven kasi nya ang hacienda.
Nasa hapag- kainan ang kanyang buong pamilya. Kasalukuyang silang kumakain ng hapunan.
“Zac, kumusta ang enrollment?” tanong ng daddy nya sa kuya nya. Kagra-gradwet lang ng kuya nya sa senior high at sa Manila na ito mag-aaral ng BSCE. Halos tatlong araw ito na nandun sa Manila kasama ang bestfriend nito na si Loraine, para sa entrance exam nito at sa enrolment narin.
“It's ok dad. I've done all the things that I need to comply there, baka hindi mo na ako babalik doon.” Ani naman ng kuya Zac nya. Katabi nya itong naupo, habang nasa harapan nya ang kakambal na si Zaith. Nasa magkabilang gilid naman ang mga magulang nya.
“Mabuti naman ijo, kasi may ipakikilala kami ng daddy mo sa inyong lahat.” Ani ng mommy nya.Saka ito ngumiti sa daddy nya.
Palipat- lipat ang tingin nilang tatlo sa mga magulang nila.
Nakakunot- noo sya.
Sino naman kaya ang ipakilala ng mga magulang nila sa kanila? Sana naman hindi bagong kabayo, kasi nung huling bakasyon, may ipinakilala din ang mga magulang nila sa kanila, isang kabayo pala. Na dagdag sa collection na kabayo ng daddy n'ya.
Del Fuengo's are known as good in horse racing. All 10 members of Del Fuengo Clan, 2nd generation knows how to ride in a horse. Sinanay ang bawat isa sa sariling trainor ng mga angkan Del Fuengo.
Uminom muna ng tubig ang kanyang daddy bago nagsalita.
“Malamang, hindi nyo na nakilala ang tito Bruno ninyo, kasi mga bata palang kayo ng lumipat sya kasama ang anak nyang lalaki sa Manila. Isa sya ang mga kabarkada ko simula nung high school ako, at naging matalik na kaibigan.” Mahabang sabi ng daddy nya, saka bumaling ito sa mommy nya. “Honey, naalala mo pa si Bruno, right?”
“Of course, how can I forget? Isa kaya 'yon sa may pinakamalaking ngisi sa akin nung mga panahon na binibiro- biro nyo pa ako.”
Nagtawanan pa ang mga magulang nya.
“People, pwedeng wag muna kayong maglambingan kasi nababagot na ako sa gusto nyong sabihin.”ani ni Zaith. Medyo, may ugali kasi itong ganito. Sabi ng grandparents nya, isa daw ito sa ugali ng daddy nya na namana ni Zaith.
Napatikhim ang daddy nya. Alam nyang hindi na nito pagagalitan ang kakambal nya. Kasi sanay na sila sa ugali nito.
“Ano ba ang gusto nyong sabihin dad?” nagsalubong ang makapal na kilay ng kuya Zac nya.
“Isang buwan na ang nakakalipas na nadisgrasya ang tito Bruno ninyo, kaya lagi akong wala dito sa villa this past days, dahil binalik- balikan ko si Bruno sa hospital. Wala na syang ibang kamag- anak maliban sa nag- iisa nyang anak at ako nalang ang maaasahan nya. Bago pa sya nawalan ng buhay, naipangako ko sa kanya, na dito muna sa atin pangsamantalang patitirahin ang anak nyang lalaki, hanggang sa sumapit ito sa tamang edad at pwede ng makuha nito ang mana nito. Mga isang taon lang naman, 17 na kasi ito. Wala na kasi itong natitirang kilalang kamag-anak.” mahabang paliwanag ng daddy nya. “Actually ang batang ito ay medyo maluko din, sakit nga ito sa ulo ng daddy nito, at membro din ito ng fraternity sa pinasukan nitong paaralan sa Manila. Nakausap ko na ito, mukha naman itong matino kahit wala sa hitsura. Sana pakisamahan nyo nalang ng mabuti.”dagdag pa ng daddy nya.
“I like that—mukhang magkakasundo kami, pwede ko syang isali sa grupo ko. Kaya ba nyang makipagpatayan?" napangiting sabi ni Zaith.
“Zaith---“ pinalakihan ito ng mga mata ng mommy nya. Hindi naman basagguliro ang grupo ng kapatid nya, sadya lang itong maluko.
Napatawa si Zaith.
“Walang problema sa akin..” ani ng kuya Zac nya. “By the Clouie---“ puna nito sa kanya, napalingon ito sa kanya. “—wag kang lumapit- lapit at makikipagclose sa lalaking ito, baka pag-iinteresan kapa.” Nandito na naman itong estrikto nyang kuya.
Simangot lang ang sinagot nya dito. Hindi nga sya naging masyadong close sa mga kapatid, dahil hindi nya maintindihan ang mga ito, sa ibang lalaki pa kaya.
“Don’t worry Zac—lagot lang sa akin ang bata na 'yon. Sinabihan ko na kasi ito na may anak akong maganda na babae, at off limit ito sa kanya.” ani naman ng daddy nya. “At nangako naman ito na hindi sya nakikipaglapit kay Clouie at tutupad daw sya sa pangako nya.”
Napangiti naman sya, wala naman dapat ipag- alala ang ama at ang kuya nya, hindi naman sya makipag-close sa anak ng sinasabing barkada ng daddy nya. Hindi pa nga nya ito nakikita, hindi na nya ito nagugustuhan.
**
**
“Clouie, ito nga pala si Aldrine—“ ani ng daddy nya, ang tinutukoy nito ay ang binatilyong kasama nito. “—'yon sinasabi ko sa inyo na dito muna pangsamantalang titira sa atin.”
Kalalabas lang nya mula sa kwarto nya nang nasalubong nya ang daddy nya na may kasamang binatilyo.
Sa tingin nya, ipapakita ng daddy nya ang magiging kwarto nito. Napatitig pa sa kanya ang lalaki. Hinagod nya ng tingin ang lalaki.
Mukhang tama ang daddy nya, bad boy look nga ito. May makapal at mahabang buhok ito na nakatali sa likod. Hindi din ito nag-aahit. Medyo may pagkabalbon pa naman ito. Matangkad din naman ito, pero hindi kasing tangkad ng kuya Zac nya. May moreno din itong balat. Pero, ang nakaagaw ng pansin nya ay ang matalim na mga mata nito. Tila kasi ang daming emosyon doon.
“Aldrine—ito nga pala ang sinasabi ko sayo na anak ko na si Clouie.” Likewise ng daddy nya.
Pilit nyang nginitian ang lalaki. Napatango lang ito, mukhang hindi ito marunong ngumiti.
Mula nang dinala ng daddy nya si Aldrine sa bahay nila, napansin nya na laging nagbabantay ng daddy nya sa kanya. Kahit pa sabihin na hindi naman dapat, kasi madalas naman syang kasama ng mga grandparents nya sa hacienda.
“Salamat Aldrine---“ ani ng grandma Ysabelle nya.
Sumama kasi si Aldrine sa daddy nya ng pumunta sa manggahan, tumulong ito sa pagkakarga ng mga mangga sa pick-up. Edi-deliver ang mga ito.
Napatango lang ito. Miminsan lang nya ito naririnig na nagsasalita. At kung wala itong ginagawa, mas gugustuhin pa nito na magtago sa kahit saan. Halos dalawang linggo na itong nasa kanila. Hindi sila nagpapansinan nito.
Napag-alaman nya na mag-uunang baitang pa pala ito sa senior high sa susunod na pasukan, at sa EIS ito papaaralin ng daddy nya. Habang sya naman ay nasa Grade 10 na sa pasukan.
Napatingin si Aldrine sa kanya. Nagsalubong lang ang mga paningin nila. Nakatingin din kasi sya dito. Again, agad na binawi nito ang paningin sa kanya.
Aaminin nya, guapo ito kaya lang, hindi masyadong mapapansin kasi may balbas ito, at mukhang wala itong plano na mag-ahit.