Napansin nya ang sobrang panlalaki ng mga mata ni Aaron sa sinabi nya. Hindi talaga maitatago ang kasiyahan nito dahil sa dala nya. Talagang ito lang ang may lakas na loob para kainin ang mga iniluto nya.
At alam nyang, sarap na sarap ito sa mga iniluto nya. Dahil kung hindi, bakit lagi nitong kinakain ang dala nya? At bakit, laging nanlaki ang mga mata nito sa sobrang kasiyahan?
Bumalik sya sa kinatatayuan nya kanina.
“Kumain kana.” masayang sabi nya dito. Saka nya kinuha ang dala at binuksan yon.
Hindi na sya makapaghihintay na kainin nito ang pinaghihirapan nya. Mukha pa naman itong excited.
“H-Hindi kana sana nag-abala, sweetheart. Nakakahiya naman.”
Ani nito, na medyo inayos na ang pagkakaupo. Siguro, hindi na ito nilalamigan. Ang humble talaga nito. Ang perfect talaga nito.
“It’s okay. Alam ko naman na namiss mo itong luto ko. Dahil, hindi na tayo masyadong nagkita.”
Ang sarap talaga ng pakiramdam nya habang inihanda sa mesa ang dalawang putahe na dala nya. Ang bango- bango pa nito. Sa totoo lang, hindi sya kumakain ng mga iniluto nya, kasi hindi sya nasasarapan. Si Aaron lang talaga ang nasasarapan nito.
Nang tuluyan na nyang naihanda ito sa harapan ni Aaron. Agad syang umupo sa isang upuan sa harap ng mesa nito.
“Kumain kana.”
“Nakakahiya naman. Hindi pa kasi ako nagugutom.”
“H-Ha! H-Hindi kapa nagugutom.”
Lumungkot ang mukha nya na nakatingin dito. Parang may pagkabahala ang mukha nito, saka nito hinawakan ang kubyertos na dala rin nya.
“B-But don’t worry, pwede ko parin itong kainin.”
Ngumiti ito. Sabi na nga ba nya, hindi sya kayang tiisin nito. Mahalaga kasi sya dito. Sya kasi ang sweetheart nito.
Tila nahihiya pa itong sumubo. Alam naman nyang nahihiya lang ito. Ganito naman ito, basta dadalhan nya ito ng pagkain. Lagi itong nahihiya.
Mahina itong ngumuya, tila linamnam talaga ang sarap nang niluto nya.
Naitukod tuloy nya ang dalawang siko sa mesa, habang nasa magkabilang pisngi naman nya ang mga palad. At tila nangangarap syang nakatingin dito.
“Masarap?”
Malambing nyang tanong dito, pagkatapos nitong sumubo.
“Oo—ang sarap.”
Tila nahihiya pa itong ngumuya. Talagang sarap na sarap ito sa kinain nito kasi ang tagal naman nitong lumunok. Sa wakas nailunok narin nito ang kinain nito.
Parang naluluha pa ito sa sobrang sarap ng dala nya.
“N-Nakakahiya naman. T- talaga bang para sa akin ‘to lahat.”
Napansin nya ang pagkautal nito. Hindi nya mapatanto kung dahil sa nasarapan ito sa dala nya o dahil sa kagandahan nya.
“Oo. Para talaga sayo yang lahat. Wag kanang mahiya.”
Pinupungay- pungay nya ang mga mata. Napanganga ito. Siguro dahil mas nagiging cute sya sa paningin nito.
“K-Kakainin ko ito lahat?!”
Nakangiti syang napatango. Nanlaki na naman ang mga mata nito.
“K-Kumain karin. Sabay nalang tayo.”
Mas lalo syang kinilig. Sabi na nga ba nya, gusto nito na makasabay sya sa pagkain. Pero, hindi talaga nya kayang kainin ang mga dala nya.
“Ikaw nalang. Nabubusog na ako habang nakatingin sayo. Kumain kapa.”
--------
--------
Oh no! Anong klasing torture ito?
Gusto na yata ni Aaron na masuka sa kinakain nya. Pero, hindi nya magawang magreklamo dito kasi baka maiyak ito. Si Aaliyah talaga ang naalala nya pag iiyak ito.
Dreamy eyes pa itong nakatingin sa kanya. Alam naman nyang nagpapacute ito sa kanya. Cute naman talaga sa paningin nya ang batang ito.
Gusto na yata nyang maiyak habang kinakain ang mga dinadala nito. Pangiti- ngiti pa sya habang nakatingin dito. Mukhang napakamanhid nito. Hindi talaga nahalata nito na napipilitan lang sya. Bakit naman kasi napaka- gentleman nya?
“Aaron, babalik ako dito bukas. Don’t worry, dadalhan kita uli ng mga iniluto ko.”
Nakangiting sabi nito na muntikang na nyang ikinahulog mula sa kinauupuan. Parang ayaw na yata nyang bumalik dito.
--------
--------
"Girlfriend? Wala naman akong nabalitaan na may girlfriend sya ngayon.” ani sa kanya ng kaklasi at bestfriend narin nyang si Alexa. Kasalukuyan silang naglalakad nito patungo sa classroom nila.
Malapit lang ang bahay nito sa bahay ng mga Zalmeda, kaya dito sya laging nakisagap ng balita tungkol kay Aaron. Isa pa, pinsan nito ang binata. Actually, hindi pa naman official na pinsan nito ang binata, hindi pa kasi ito legal na adopted ng tito at tita ni Aaron.
Ang lapad ng ngiti nya sa narinig. Alam naman nyang playboy si Aaron, at hindi ito nauubusan ng girlfriend. Okay lang naman sa kanya kung papalit- palit ito ng girlfriend. Magiging girlfriend din naman sya nito balang araw. At plano na nyang magtapat ng pag-ibig sa binata. This is her chance kasi wala na itong girlfriend.
“Really?”
May paniniguro ang boses nya.
“Wala syang naikwento sa akin. Para sigurado, magtatanog nalang ako kay Kuya Kiefer.”
Nakangiti ito. Ang tinatawag nito na kuya Kiefer ay ang tunay na pinsan ni Aaron. Anak ito ng adopted parents nito.
Napangiti din sya. Talagang maaasahan nya ito sa lahat ng oras. Kahit naman hindi nya masabi na supportive ito sa kabaliwan nya kay Aaron. Lagi kasi ipinaalala nito sa kanya kung ano ang status ni Aaron. He is the most playboy of the 3rd generation Del Fuengo Clan.
Napatigil sya na tila nangangarap nang narinig nya ang tugtugin na Mr. Dreamboy mula sa kanyang cellphone. Nakikinig kasi sya ng music pero hininaan lang nya ang volume para makapag- usap parin sila ng maayos ni Alexa.
Ang isip ko'y litong-lito
Di ko alam ang gagawin
Hirap ako sa paghuli nang 'yong pansin
Kapag nasasalubong ka
Dibdib ko'y kakaba-kaba
Pati ang tuhod ko'y nanlalambot na rin
Hayan na nga't sumulyap na ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala
Ha ha ha
Mr Dreamboy Mr Dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo
Mr Dreamboy Mr Dreamboy
Lagi kang nasa panaginip ko
Doo'y kinakausap ka
At sweet na sweet kang talaga
Medyo may holding hands pa nga
Parang ayoko nang magising pa
Heto ako't litung-lito at di alam ang gagawin
Buong maghapon ay nangangarap ng gising
Ini-isip isip kita ang charming mong mga mata
At ang iyong ngiting walang kasing galing
Hayan na nga't sumulyap na ang mapupungay mong mata
Kasalanan ko ba ang mapatulala
Ha ha ha
Mr Dreamboy Mr Dreamboy
Ano kaya ang nasa isip mo
Mr Dreamboy Mr Dreamboy
Lagi kang nasa panaginip ko
Sana'y masabi ko sayo ang nakatagong lihim ko
Ikaw ang tanging dreamboy ko
Hindi nya napigilan ang sarili na mapasabay sa kanya at may pasayaw- sayaw pa sya.
---
Laking mata naman nakatingin si Alexa sa matalik na kaibigan na si Nicolle. God! Para na itong may sayad.