Kasalukuyang na naman silang pumunta ng daddy nya C&A carshop, may mahalaga daw pag-uusapan ang mga ito at ang ninong Aldrine nya.
Hindi sya umaasa na makikita si Aaron ngayon dito. Araw kasi ngayon ng byernes at alam nyang nasa Manila pa ang binata. Nababagot na sya sa paghihintay sa daddy nya nang may nakita syang kotse na huminto sa labas ng shop. Lumabas mula sa kotse si Kiefer at napangiti sya dahil kasama nito si Alexa. Agad syang lumabas mula sa shop.
“May ipapatingin lang si Kuya sa kotse nya. Wala syang pasok ngayon.” ani sa kanya ni Alexa nang nag-usisa sya dito.
“Ganun ba?”
Nagpalakad- lakad sila nito sa loob ng showroom. Hindi pa masyadong kalakihan ang showroom at tatlong sasakyan palang ang naka-display doon. Maya’t- maya lang, napatigil sila bigla ni Alexa na tila may kumakanta sa isang room na naroon. Agad silang sumilip ni Alexa kung sino ang kumanta.
Kaya pala napakaganda ng boses ng kumanta, kasi si Aaron pala ang pakanta- kanta habang nakatingin sa cellphone nito. Nakaupo ito sa isang silya habang nakapatung ang dalawang paa sa mesa. Hindi nya lubos akalain na nandito ngayon ang binata. Kumpleto na yata ang araw nya.
Napakaperfect talaga nito. Pati boses nito ay tila anghel sa kanyang pandinig.
“Ang ganda pala ng boses ni Aaron.” Tila nangangarap na sabi nya. Hindi nagsalita si Alexa, kaya napatingin sya dito.
Napakunot- noo sya, dahil sobrang panlalaki ng mga mata nito. Tila umikot- ikot pa ang natural bilog na mga mata nito. Mukha itong hihimatayin.
“Alexa, are you ok?”
Hindi nya mapigilan magtanong.
“Galit ba si Aaron sa mundo.” Sagot nito. “Umalis na tayo dito, baka tayo pa ang mapagbungtungan ng kanyang galit. Mukhang may kagalit sa cellphone nya.”
Mahina syang napatawa.
“Anong kagalit dyan! Mukha naman ang saya nya. Ang ganda pala ng boses nya.”
Tila kinikilig na sambit nya.
“Maganda?!”
Nakangangang tanong nito.
Maya’t- maya lang.
“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Ani ni Kiefer kay Alexa nang nakalapit na ito sa kanila. “Teka---“ napakunot-noo pa ito. “May kinakatay ba dyan sa loob?”
Ang tinutukoy nito ay ang kwartong sinisilip nila ni Alexa, kung nasaan si Aaron.
“Mukha nga kuya.” Ani naman ni Alexa.
Sumilip din si Kiefer sa loob.
“Pinsan ko lang pala. Akala ko baboy na k*****y. Mukhang si Gavin lang ang may talent sa pagkanta sa aming magbabarkada na pinsan.”
Lihim syang napaismid. May talent din kaya si Aaron sa pagkanta. Ang ganda kaya ng boses nito. Hindi palang siguro nadiscover ang klasi ng boses nito.
Hindi din naman masyadong nagtagal sina Alexa at Kiefer. Ngayon, nag-iisa na naman sya.
Ano kaya ang gagawin nya para mapansin sya ngayon ni Aaron? Napagpasyahan nya na balikan ito sa showroom.
Nang nakapasok na sya sa loob ng showroom, agad nyang tinungo ang kwarto kung saan naroon ang binata. Pero, wala syang Aaron na nakita.
Saan kaya sya? Baka umuwi na, sayang naman. Hindi man lamang ako nakapagpa-cute sa kanya ngayon.
--------
--------
Kalalabas lang ni Aaron, mula sa comfort room ng showroom nang nakita nya si Nicolle na tila sumisilip sa kwartong pinanggalingan nya kanina. Syempre, alam nyang sya ang hinahanap nito.
Kailangan nyang bumalik sa kwarto kasi nandun pa ang ilang gamit nya. Pero, ayaw nyang magpakita sa babae. Baka ano na naman kababalaghan ang gagawin nito sa kanya.
Agad nyang isiniksik ang sarili sa isang gilid. Medyo, walang katao- tao dito, dahil nasa main showroom nila ang mga tauhan. Ano kaya kung takutin nya ito para umalis na ito? Napangiti sya sa isipin iyon.
“Ssh…Ssh…” mahinang sipol nya dito. Pero, wala syang planong na magpakita dito.
--------
--------
Napalingon- lingon si Nicolle, mukha kasing may sumipol sa kanya. Pero, wala syang nakitang tao. Wala naman sigurong multo sa lugar na ito. May sumipol na naman uli. Tumatayo na yata ang mga balahibo nya. Baka may multo nga dito, at kinuha ng multo si Aaron.
Lord, kung may multo man dito. Okay na sa aking na kinuha nya si Aaron. Wag lang nya akong idamay. Sa kanya nalang si Aaron. Mas mahalaga ang buhay ko kaysa buhay ni Aaron.
May sumipol na naman. Para pang galing sa hukay ang pagsipol nito. Kaya paunti- unti syang humakbang paalis sa pasilyong ito. Napasandal sya sa dingding, pero agad din syang napatakbo nang tila may mga kamay na tumapik sa kanya. Pero, sa malas, nadisgrasya tuloy sya. Natapilok kasi sya.
-------
-------
Ang lapad ng ngiti ni Nicolle. Blessing in disguise pala ang multo, kasi ngayon naka-piggy back sya kay Aaron. Buti na lang, dumating ito at iniligtas sya mula sa multo.
“Masakit paba ang paa mo?”
May halong pag-alala ang boses nito.
“Oo. Ang sakit parin. Mukha hindi ko pa kayang maglakad.” Pagsisinunggaling nya. Hindi talaga masakit ang paa nya.
“Saan ba kita pwedeng ihatid?”
Nag-isip sya. This is her chance para makasama ng matagal ang binata.
“Sa bahay namin.”
Diretsong sagot nya. Hindi na sya nagpaligoy- ligoy pa.
“Sa bahay nyo? Wala kabang kasama sa pagpunta dito?”
Hindi makapaniwalang sambit nito. Mas iniyakap pa nya lalo ang braso sa leeg nito. Pinigilan nya ang sarili na amuyin ito. Baka, mas mahalata pa nito na patay na patay sya dito.
“Wala eh! May pinuntahan lang ako dito sandali. But since, hindi na ako makalakad. Siguro, hindi na ako makauwi sa amin.”
Hinaluan pa nya ng hikbi ang boses. Sa totoo lang, nagsisinunggaling talaga sya. Kasama nya kasi ang daddy nya. Ete-text lang nya ang daddy nya at sabihin dito na mas nauna na syang umuwi dito.
-------
Sobrang guilt ang nadarama ngayon ni Aaron. Dahil sa pananakot nya kay Nicolle, nadisgrasya tuloy ito. Nung nakalapit kasi ito sa gilid na pinagtataguan nya, agad nyang tinakip ang balikat nito. Para mas lalo itong matakot. Hindi naman nya lubos akalain na matapilok pala ito sa sobrang takot, kaya ngayon, kailangan na naman nya itong pakisamahan.
Mukhang umiiyak pa ito, kasi narinig nya ang paghikbi nito. Kainis, si Aaliyah na naman ang naalala nya.
May date pa naman sila ngayon ng manliligaw nya. Isang linggo na syang walang girlfriend. At ngayon, may isa na naman babae na gustong maging boyfriend sya. Maganda at sexy naman ito, kaya pagbibigyan nya. Ete- text nalang nya ito. Mukhang kailangan muna nyang ihatid si Nicolle sa bahay nito.
Wala pala itong kasama at hindi pa ito makalakad dahil sa ------- kasalanan nga nya.
“Ok. Ihahatid nalang kita.” Galing lang sa ilong na pagkakasabi nya. Guilty na guilty talaga sya.
At dahil hindi sya nakatingin kay Nicolle, kaya hindi nya alam na ang lapad ng ngiti nito dahil nagawa syang lukuhin nito.
---------
---------
Dream come true na yata ito para kay Nicolle. Nakasama nya ngayon sa kotse si Aaron at ihahatid sya nito sa bahay nila.
“Aaron, salamat talaga sa pagligtas mo sa akin mula sa multo. Ikaw talaga ang tagapagligtas ko dito sa lupa."
Nilambingan nya ang boses.
“Ah.Oo. Walang ano man.” Sagot nito.
Nasa pagmamaneho ang pokus nito. Mukhang hindi ito mapakali. Siguro, hindi ito kumportable ngayon at magkasama sila. Siguro may crush din ito sa kanya. Kaya nga sya tinatawag na sweetheart nito. Wala naman itong endearment sa mga girlfriend nito, sa kanya lang naman. Kaya mas mahalaga parin sya dito.
“Hindi ko kasi alam ang papunta sa inyo. Ituro mo nalang. Asan ba ang bahay nyo?”
Sunod- sunod na tanong nito.
“Nasa San Rosario.”
Napahinto nito bigla ang kotse dahil sa sinabi nya.
“Ha? Nasa San Rosario kayo nakatira?
Hindi makapaniwala na sambit nito. Well, medyo may kalayuan nga naman ang San Rosario sa San Lazaro. Kasalukuyan pa silang nasa San Lazaro ngayon at dadaan pa sila sa San Bartolome. Medyo mahaba pa naman ang San Bartolome.
“Oo. I’m sorry talaga. Sobrang p*******t kasi talaga ng paa ko. Susunduin na sana ako ni daddy, pero nae-text ko na sa kanya na ihahatid mo na ako sa bahay namin.”
80% lie, 20% truth na pagkakasabi nya. Itinext naman talaga nya ang daddy nya. Sinabi nya kasi dito na umuwi na sya, hindi na nya ito nahintay. At syempre, ipinagmalaki nya dito na inihatid sya ni Aaron.
Kainis, sad emoji lang ang reply nito sa kanya.
“Ok.” napalanghap ito ng hangin. Saka pinaandar nito muli ang kotse.
-------
Pinagsisihan talaga ni Aaron kung bakit naisip pa nyang takutin si Nicole, kaya sya ngayon ang nagdusa. Ang layo pa naman ng San Rosario. May mahalaga pa naman syang lakad ngayon.
Ayaw din nyang hindi tuluyang ihatid ito at ipasundo nalang ito sa ama nito. Nasabi na pala nito sa daddy nito na ihahatid nya ito. Kung hindi nya paninindigan ang paghatid nito, baka sabihin pa ng daddy nito na hindi sya gentleman.
Akala pa talaga nito na iniligtas nya ito. Kung alam lang nito na sya talaga ang nanakot dito.
“Nakakahiya naman masyado itong ginawa mo sa akin Aaron. Salamat talaga! Ang perfect mo talaga.”
Ani nito. At kahit hindi sya nakatingin dito. Halatang- halata sa boses nito ang kilig.
Buti nalang sinabihan sya nitong perfect, at least gumaan ang pakiramdam nya.
Later….
Ang luwag ng pakiramdam ni Aaron nang nakapasok na sila sa bungad San Rosario. Sa wakas, matatakasan na nya ang madaldal na si Nicolle.
Oo. Walang tigil kasi ito sa kadadaldal sa kanya, habang tinahak nila ang daan pahatid sa bahay nito. Ayaw na ayaw pa naman nya sa mga masyadong madaldal, kasi nasasapawan ang kadaldalan nya. Sa malas, hindi nya madaldalan si Nicole kasi bata ito at hindi ito maka-relate sa gusto nyang topic. Pambatang topic lang ang alam nito.
“Pumasok karin sa loob.” nakangiting sabi nito. “Dito ka nalang maghahapunan sa amin. Don’t worry ipagluluto kita.”
Ani nito na nagpalaki ng mga mata nya. Ang malas talaga nya. Parang torture na nga sa kanya ang paghatid dito. Ngayon, ipagluluto pa sya nito.