Sobrang lakas yata ng paghiyaw nya. Sa ilang beses kasi na pagsubok ni Aaron, naka- 3 points din ito. Kaya nga, kung todo makahiyaw ngayon ang mga fans nito. Aaminin nya, hindi nga naman masyadong magaling si Aaron sa larong basketball. Pero, perfect na perfect parin ito para sa kanya.
Araw ngayon ng Sabado, napag-alaman nya mula kay Alexa na pumunta ngayon dito sa EIS sina Aaron, Adrian, Kiefer at Gavin. Nakikipaglaro lang ang mga ito ng basketball. Ang pinsan ng mga ito na si Tristan ang kasalukuyan team captain ng EIS basketball team. At nandito din ito ngayon.
Napatingin sya sa katabi nya na si Alexa. Nandito din ito, lagi itong sumasama sa kuya Kiefer nito. Close na close ang dalawa. Mas close nga ang mga ito, kaysa sa tunay na magkapatid na Del Fuengo.
Alam nyang rinding- rindi na ito sa hiwayan dahil tinakpan ng dalawang kamay nito ang magkabilang tainga nito.
“Ang lakas mo naman makahiyaw dyan!” reklamo nito.
“Hayaan mo nalang ako. Ipinapakita ko lang kay Aaron ang suporta ka. Alam mo naman miminsan lang sya na maka-shoot.”
Mahabang paliwanag nya. Napatawa ito sa sinabi nya.
May plano syang gawin ngayon, kaya kailangan nyang gumawa ng paraan para makausap si Aaron. Napatingin sya sa kanyang dala, marunong din syang magbake ng cupcake. At sadyang nagbake sya kanina para kay Aaron. Kasing sweet ng cupcake na ‘to ang pagmamahal sa binata.
“Tulungan mo ako. I have to talk Aaron now.” Tila bulong lang na pagkakasabi nya kay Alexa.
“H-Ha? Bakit, gusto mo syang makausap?” tila bulong lang din ang boses nito.
"Dahil, gusto kong ibigay sa kanya itong dala ko.”
Hindi nya pwedeng sabihin dito, na aaminin na nya ngayon kay Aaron ang feelings nya dito. Baka hindi pa sya tutulungan nito.
“Ah. Ok.”
Sagot nito na napangiti sa kanya.
-----------
“Kumain kayo, masarap yan!” nakangiti sabi nya kina Aaron, Adrian, Kiefer, Gavin at Tristan.
Katatapos lang ng laro ng mga ito. Kasalukuyan nyang ibinigay kay Aaron ang dala nya nang lumapit ang mga pinsan nito. At dahil hindi madamot si Aaron kay namigay ito sa mga pinsan nito ng dala nya. Mukhang ipinagmamalaki nito ang galing nya sa pagluto.
Hindi sila nakisali ni Alexa, pareho kasi silang hindi kumakain sa mga gawa nya.
Nakahawak na ang bawat isa ng cupcake. Ang ganda pa ng presentation nya.
“Wow, mukhang ang sarap nito.” ani ni Kiefer. “Pareho pala kayo ni Alexa, Nicolle. Mahilig magbake.”
Napangiti sya. Isa nga ito sa mga bagay na magkasundo sila ni Alexa. Kaya lang, pareho silang kumakain ni Alexa sa mga bini- bake ng kaibigan.
“Sweetheart, sana hindi kana nag-abala.” Ani ni Aaron sa kanya.
Nilaparan nya ang ngiti. Hindi na nabigla ang mga pinsan nito sa endearment nito sa kanya. Nasanay na kasi ang mga ito.
Saka sabay naman kumain ang mga lalaki maliban lang kay Aaron.
Nanlaki pa ang mga mata ng mga ito pagkatapos kumakagat sa hawak na cupcake ng mga ito.
“Diba, masarap?” nakangiti nyang tanong sa mga ito.
Speechless yata ang mga ito. Siguro sobrang nasasarapan ang mga ito.
“O—Oo. M-Masarap.”
Ani ni Gavin, na tila maluluha pa sa sobrang sarap ng kinain.
“Really?” hindi makapaniwalang tanong ni Aaron.
“O-Oo. K-Kaya nga kumain ka narin dyan. Nakakahiya naman, ikaw pa naman ang dinalhan ni Nicole nito.” Ani naman ni Adrian.
Ang sarap naman ng pakiramdam nya. Nasasarapan ang mga ito sa ibinibi-bake nyang cupcake. Hindi kasi nya alam kung anong lasa nito. Baka kasi hindi sya masarapan. Medyo weird pa naman ang panlasa ni Aaron. Pati pala mga pinsan nito.
Kiming- kimi pang kumagat ang mga ito uli sa cupcake. Nahihiya pa ang mga ito.
“Salamat nito, Sweetheart.” Nakangiti si Aaron. “Patikim nga!”
Saka kumagat si Aaron at tulad ng iba, nanlaki din ang mga mata nito.
“Masarap?” nakangiting tanong nya kay Aaron.
“A-Ah, oo. M- Masarap.”
Nauutal pa ito sa sobrang sarap. Ang lapad na yata ng ngiti nya.
-----------
Grabe, gusto na yatang masuka ni Aaron. Ang weird naman ng lasa ng cupcake na hawak- hawak nya ngayon. Matamis na maalat na ewan nya.
Pansin na pansin nya na tila masusuka narin ang mga pinsan nya. Napipilitan lang ang mga ito na kainin ang cupcake, ayaw na ayaw ng mga ito ang maka-offend.
Nang iniabot ni Nicolle kanina ang dala- dala nito. Agad nyang tinawag ang mga pinsan para may maka-share sya sa torture.
Ang lapad pa ng ngiti ni Nicole sa kanya.
“Ganyan ako ka-sweet, Aaron.”may lambing pa ang boses nito.
Lihim syang napangiwi.
Mukha nga. Sa isip nya.
Pinilit nyang ngumiti. Ayaw nyang maka-offend dito. At baka maiyak pa ito, at sabihan syang nang-aaway ng bata. Si Aaliyah talaga ang naalala nya sa batang ito. Kasing edad lang naman ito kay Alexa, pero bakit dalaga ang tingin nya kay Alexa? Siguro, dahil kilala na nya ito mula pa nung 5 years old ito.
“Ah, Aaron…” napansin nya ang paglanghap ng hangin nito. Mukhang may gusto itong sabihin. Ano na naman kayang kababalaghan ang naisip na gawin nito sa kanya. Madalas pa naman syang malasin pag kasama ito. “P-Pwedeng makausap ka sandali.”
----------
Sa wakas nasabi narin nya kay Aaron ang pakay nya. Nilakasan talaga nya masyado ang loob. It’s now or never.
“Oo. What is it sweetheart?” ang tamis ng ngiti nito.
Mukhang masayang- masaya ito dahil dinalhan nya ito ng snack.
“Gusto ko yong tayong dalawa lang.” namumula ang mukha nya na napayuko.
Hindi ito nagsasalita, napatitig lang ito sa kanya. Siguro napanganga ito sa kagandahan nya ngayon. Naka hairband kasi sya ngayon na may malaking laso.
“Wag kang mapatulala dyan, bro.” ani ni Kiefer.
“Oo nga. Pagbigyan mo na si Nicolle. Dinalhan ka pa naman nya ng isang napakasarap na cupcake.”ani naman ni Adrian.
Napansin nya ang lihim na ngitian ng magpipinsan.
“Oo nga.” Ani ni Gavin saka bumaling sa kanya. “Ah Nicolle, siguro, dapat madalas mong dalhan si Aaron ng cupcake. Mukhang sarap- sarap sya, eh!”
Mahinang nagtatawanan ang magpipinsan. Napansin nya na napangiwi si Aaron. Saka makahulugang tumingin ito sa mga pinsan.
“Masarap ba talaga?” Ani ni Alexa. Saka kumuha din ito ng cupcake. Akmang kakagat na ito nang—
“Stop!” pinigilan ito ni Adrian.
“Bakit?” kunot- noo na tanong ni Alexa dito. Rumihistro ang inis sa mukha nito. Mainit pa naman lagi ang ulo nito kay Adrian.
“Ah. Wala.” Sabay pa napailing si Adrian.
Kumagat nga si Alexa, napaubo ito, maagap naman itong inabutan ni Adrian ng tubig. Napansin pa nya ang pag-irap nito kay Adrian, bago tinanggap ang ibinigay nito. Hindi na sya na-offend. Pareho silang hindi weird ang panlasa ni Alexa.
Nabaling uli ang pansin nya kay Aaron. Hinintay pa parin kasi nya ang sagot nito.
“Aaron…” untag nya sa binata. Dahil mukhang lumilipad ang isip nito.
Baka naman, lumilipad ang isip nito sa kakaisip sa kanya.
“Ah.Oo.”
----------
Sa totoo lang, nagsimula nang mag-init ang ulo nya. Ang kulit- kulit talaga ng bulilit na ito. Sinabayan pa ito ng mga pinsan nya. Lagot sa kanya mamaya ang mga ito.
Napipilitan tuloy sya na pagbigyan si Nicolle dahil sa mga ito.
Kailan ko ba matatakasan si Nicolle? Kailan ba nya ako titigilan?