“Ano ang gusto mong sabihin ,sweetheart?”
Tanong agad sa kanya ni Aaron nang magkatabi na silang nakaupo nito sa school park ng EIS.
Mukhang nawala bigla ang tapang nya. Hindi pala madali ang magtapat ng pag-ibig. Akala nya kanina, madali lang.
Pero ngayon at dumating na ang moment of truth nya. Napipipi yata sya.
Napatingin ito sa kanya. Hindi sya makatingin dito. Kasi nagsimula nang magwala ang mga daga sa dibdib nya.
“Sweetheart, ano nga ang gusto mong sabihin.”
Mukhang hindi na ito makapaghihintay. Lumanghap muna sya ng hangin. It’s now or never.
Nakipagtitigan sya dito. Sa kanya pa kasi ito nakatingin.
“A-Aaron, they say that feelings need to be told and express.” Simula nya. “Na kung may gusto ka sa isang tao, dapat mo itong ipaalam sa taong yon.”
Titig na titig ito sa kanya.
“Yah! I agree with you.” Mahinang pagkakasabi nito.
“Na ang pag-ibig ay minsan lang dumaan sa buhay ng isang tao. Na pag dadaan na ito, dapat sumakay kana, baka may iba pang makasakay.”
“May pinupunto kaba, sweetheart?”
Nilakasan nya ang loob. Lumanghap sya ng maraming hangin.
“I love you, Aaron!” madiin ngunit buo nyang pagkakasabi.
Ang gaan ng loob nya. Nasabi narin nya ang nakatagong damdamin nya dito.
Napanganga ito sa sinabi nya.
“You must be kidding, right?”
Tila bulong lang na pagkakasambit nito.
Nasimulan na nya, dapat lubus- lubusin na nya.
“No. I’m not. I really love you, Aaron. And I want to be your girlfriend.” Lakas loob na pagkakasabi nya dito.
Mas lalo yata itong napanganga. Siguro, mixed emotion ang nadarama nito. Madiin itong tumitig sa kanya saka ito napatawa.
“Tell me Nicolle, what kind of joke is this? Hindi laru ang pag-ibig para gawin mong biro.”
May nakahalo yatang inis sa boses nito. Gusto na yata nyang umiyak sa sobrang hiya na nadarama.
Pero, nilakasan nya parin ang loob. Kailangan mapanindigan nya ang sinasabi.
“Hindi ako nagbibiro, Aaron. I really love you and I want to be your girlfriend.” Buo ang boses nya.
Napataas ang isang bahagi ng labi nito.
“You want to be my girlfriend? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga girlfriend ko?”
Mas lalong lumakas ang kaba na nadarama nya.
“B-Bakit, ano bang ginagawa mo sa mga girlfriend mo?”
Tanong nya. Hindi talaga nya alam.
“You’re just 14, Nicolle. Young, pure and innocent. May gatas kapa sa labi. At ayaw kong tawagin akong pumapatol sa isang bata.” Buo ang boses nito.
Gusto na nyang maiyak. Para kasing binasted sya nito.
“I’m not a child, anymore!” kontra nya sa sinabi nito.
“Really? He grinned, na mas lalong naging guapo sa paningin nya. “Bakit, marunong kabang humalik?”
Nag- init ang pisngi nya sa sinabi nito. Sa tingin nya putlang- putla sya ng unti- unting inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Ang lakas ng t***k ng puso nya na parang may naghahabulan na mga daga sa loob.
Tumigil din ito ng ilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila. Sobrang panlalaki ng mga mata nya.
“See, hindi kaba handa para mahalikan.” Tila bulong na pagkakasabi nito. Saka nakangisi itong inilayo ang mukha. “I am a man Nicolle and I have needs. Paano naman kita gagawin girlfriend kung kahit halik, hindi mo kayang ibigay sa akin?”
Agad nangilid ang mga luha nya. Hindi naman nya napaghanda na ito pala ang maging katugon ni Aaron sa kanya. Siguro, kailangan na nya itong kalimutan. Mukhang hindi sya ang klasi sa babaeng magugustuhan nito.
----------
Nahabag sya ng nakita ang mga luha ni Nicolle. Hindi naman nya lubos akalain na sa edad nito, kaya nitong sabihin sa kanya na mahal sya nito. She is just a child. Sa totoo lang, sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya at nagiging girlfriend nya. Si Nicolle palang ang kauna-unahang babae na sinabihan sya na mahal sya. Pero, alam naman nyang, puppy love lang ang nadarama nito sa kanya.
Pero ngayon, kailangan nyang paganain ang loob nito. Ayaw talaga nyang makita na umiiyak ito.
Napalanghap muna sya ng hangin. Kailangan nyang mag-isip ng isang bagay para bigyan ito ng panahon na kalimutan sya.
“Ngayon, hindi muna kita tatanggapin bilang girlfriend. Pero pag sumapit kana sa edad na 18, ako na ang kusang manligaw sayo.” tanging naisip nyang sabihin. Pero, hindi naman bukal sa loob nya ang sinabi. Apat na taon pa, bago ito mag-18. Siguro naman, sa loob ng apat na yan, mawawala din ang puppy love nito sa kanya.
Sandali itong napanganga sa sinabi nya. Saka lumiwanag ang mga mata nito.
“Really?” hindi makapaniwalang sambit nito.
Napilitan syang tumango.
“At habang hindi kapa sumapit sa edad na 18. Kailangan hindi muna tayo masyadong magkita. Para, mamimiss natin masyado ang isa’t- isa.”
Nilubos- lubos na nya, para hindi na sya laging guguluhin nito.
“Really?”
“Really.” Pinunasan ng hintuturo nya ang ilang butil ng luha nito.
Bata pa nga ito. Ang dali parin nitong mauto. Para lang itong umiiyak na bata na naging masaya na dahil sa lollipop na ibinigay nya dito.