Sinunud ni Nicolle ang sinabi ni Aaron sa kanya. Hindi na nga sya masyadong nagpakita dito. Sobra syang umasa sa pangako nito sa kanya. At inaasahan nya na tutupad ito dahil tinupad nya ang sinabi nito.
Pagkagraduate nya sa junior high ay nagtransfer sya ng school na nasa San Rosario lang. Para, hindi sya matukso na puntahan ang binata sa carshop. Kalimitan narin sya sumasama sa daddy nya. At tulad ng napagkasunduan nila ni Aaron, hindi na nya ito kinukulit.
At ngayon na ang tamang panahon para itigil na nya ang pagpipigil nya para lapitan ang binata. Isang buwan na kasi ang nakakalipas mula nang nag-debut sya. At plano nyang puntahan ngayon si Aaron sa carshop para singilin ito sa pangako nito sa kanya. Kakagraduate lang nito sa kolehiyo at napag-alaman nya na tumulong na ito sa negosyo ng ama.
“Sino ba ang pupuntahan natin?” tanong sa kanya ng pinsan nyang si Beatrice. Kasalukuyan itong nagbabakasyon sa kanila. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon.
Nagmamaneho sya sa bagong kotse na regalo ng daddy nya sa kanya sa debut nya.
“Secret!” kinikilig na sambit nya dahil pumapasok sa isip nya ang napakaguapong mukha ni Aaron.
“Baka naman, boyfriend mo yan pupuntahan natin.” panunukso nito.
Hindi sya sumagot. Napangiti lang sya. Excited sya na makita ni Aaron na dalagang- dalaga na sya. At sa wakas, magiging boyfriend narin nya ito.
“Anong gagawin natin dito? Bibili kaba ng bagong kotse?” sunod- sunod na tanong ni Beatrice sa kanya.
Kahihinto lang nya sa kotse nya sa parking area ng showroom ng mga Zalmeda.
“Nope.” Nginitian nya ito. “May gusto lang akong makita at ipakilala sayo.”
Saka nya binuksan ang pinto ng kotse na nasa bungad nya. Sumunod din ito sa kanya.
----------
Natigil si Aaron sa ginagawa ng napako ang paningin nya sa dalawang babae na pumasok ng showroom. Kilala nya ang isa dito. Si Nicolle, napakaganda na nito, dalagang- dalaga na ito. Pero, hindi parin mawala sa isip nya ang batang si Nicolle. Sa totoo lang, mula nang hindi na ito masyadong nagpapakita sa kanya, narealize nya na nakakamiss din pala ang batang ito.
Pero, mas napako ang paningin nya sa magandang babae na kasama nito. Mas maganda dito si Nicolle, pero hindi din ito pahuhuli sa kagandahan. Nagkaroon yata sya agad ng crush at first sight sa kasama nito. Hindi nga nya maialis ang paningin sa magandang babae na kasama nito.
Matamis ang kanyang ngiti habang palapit sa kanya ang dalawang babae pero ang kanyang mga mata ay nasa kasama ni Nicolle lamang.
---------
Naghahabulan ang mga daga sa dibdib ni Nicolle habang papalapit sila sa kinatatayuan ni Aaron. Ang tamis kasi ng ngiti nito at mukhang hindi mialis ang paningin sa kanya.
“Hi!” tanging nasambit nya nang tuluyan na syang nakalapit sa binata.
“Hello! Long time, no see.” Ang sarap ng ngiti nito.
Saka ito napatingin kay Beatrice, nginitian din nito ng napakatamis- tamis ang pinsan nya. Na sinuklian naman ng pinsan nya ng isang matamis na ngiti din.
“Anong ginagawa ninyo dito? Bibili ba kayo ng sasakyan?”
Tanong nito na sa pinsan nya nakatingin.
“H-Ha?” she can’t find her words. Paano ba nya simula ang pakay nya? Tanga na yata sya! Hindi naman ito ang tamang lugar para singilin ito lalo pa't mukhang busy ito.
“Ah, by the way----“ mas pinili nyang ipakilala ang dalawa sa isa’t-isa. “This is Beatrice, my cousin. Ah, Beatrice—this is Aaron.”
“Hi, Beatrice!” nakipagkamay si Aaron dito. Ang tamis parin ng ngiti nito. “It’s nice to meet you.
Tinanggap din ni Beatrice ang pakikipagkamay nito.
“Likewise.” Ang sarap din na ngiti ng pinsan nya.
Nagkatinginan pa ang dalawa. Tumikhim sya kasi ang tagal naman naghiwalay ng kamay ng mga ito. Agad naman napabitaw ang mga ito.
--------
Dahil mukhang busy si Aaron kaya umalis nalang si Nicolle at ang kanyang pinsan. Hindi naman sila nakapag-usap ng maayos ng binata, dahil si Beatrice ang laging kinakausap nito. Mukhang nagiging close agad ang dalawa. At aaminin nya, nakadama talaga sya ng pagseselos. Pero, pinaghahawakan parin nya ang pangako nito sa kanya. Siguro, hahanap lang sya ng tamang tyempo para singilin ito sa pangako nito.
Ang lapad ng ngiti ni Nicole, pamilyar kasi sa kanya ang boses ng isang lalaki na kausap ni Beatrice sa may sala nila.
Kasalukuyan syang pababa ng hagdanan. Baka binibisita sya ni Aaron. Dalawang araw na ang nakakaraan mula nang pinuntahan nya ito sa carshop.
“Wow, flowers!” kinikilig nyang sambit. Agad na napatingin sa kanya ang dalawa. “Para kanino yan?”
Umaasa sya na para sa kanya ang dalang bulaklak ni Aaron.
“Galing kay Aaron—“ ang tamis ng ngiti ni Beatrice. “—para sa akin.”
Napalis ang ngiti nya sa narinig.
Para kay Beatrice?
Bakit naman bibigyan ng bulaklak ni Aaron ang dalaga? May gusto ba ito sa pinsan nya?
Para yata syang itinuos sa kinatatayuan, lalo pa’t sweet na sweet na naman na nag-usap ang dalawa.
Tama nga si Nicolle, nililigawan nga ni Aaron si Beatrice. Madalas nga ang pagpunta ng binata sa kanila. Madalas din ang pagyaya ng date nito sa pinsan nya. Hindi nya alam kung magsyota naba ang dalawa. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng nagkakilala ang dalawa. At sa loob ng mga panahon na yon, ay ang pagtatago nya sa sakit na kanyang nadarama. Hindi nya alam kung dapat ba nyang ipaalala sa binata ang pangako nito sa kanya.
Napakasaya tignan ng dalawa. Hindi alam ng mga ito na mula sa malayo, lihim syang nasasaktan at umiiyak.
Katulad nalang ngayon, sweet na sweet ang dalawa habang nasa garden set na nasa bakuran ng bahay nila. Nagkikilitian pa ang mga ito. Habang sya ay nakatago sa isang sulok, lihim na nagmamasid habang pangingilid ang luha sa mga mata.
Mas pinili nyang umalis nalang. Siguro, doon nalang sya sa kwarto nya magtatago.
Inggit na inggit sya sa pinsan nya. Ang lahat na pinangarap nyang gawin ni Aaron para sa kanya, ay ginawa nito sa pinsan nya. Bakit ba sa lahat ng babae, sa pinsan pa nya nagkagusto si Aaron? Hindi nya tuloy magawang manumbat dito. Siguro, hindi na mahalaga para dito ang pangako nito sa kanya. Dapat, itinuloy nalang nya ang plano nya na kalimutan ito noon. Ang tanga talaga nya, masyado syang umaasa dito. Kaya isa lang ang napagpasyahan ni Nicolle, alam naman nyang maintindihan sya ng daddy nya.
---------
Napabangon si Aaron, napatingin sya sa babaeng nasa tabi nya. Natatakpan lang ng kumot ang hubad nitong katawan. Halos isang buwan palang mula ng idini-date nya ang pinsan ni Nicolle. Hindi naman nya lubos akalain na bibigay ito agad sa kanya.
“I hope na hindi kana nagtaka kung bakit hindi ikaw ang una.” Ani nito. “I’m already 20 years old at aaminin ko sayo. May boyfriend ako ngayon.”
Ngumiti sya dito.
“Of course, hindi na ako nagtaka. Ang pinagtataka ko lang, kung bakit ka pumatol sa akin kung may boyfriend ka.” Kunot- noo na tanong nya.
“You’re handsome and hot.” Bumangon ito, hindi pinansin nito ang nakalantad na mayaman dibdib nito. “And I am not an innocent virgen. Laking state ako, and I’m grow up in a liberated country.”
Lihim yata syang napangiwi sa sinabi nito.
“So, wala talaga sa plano mo na seryosuhin ang panliligaw ko?”
Napatawa ito.
“C’mon Aaron, I’m not an naïve, innocent like my cousin Nicolle na hanggang ngayon umaasa parin sa pangako mo. Alam ko naman na plano mo lang akong eskoran. Hindi ka naman seryoso sa panliligaw mo sa akin, diba?” diretsong pagkakasabi nito, na nagpatawa sa kanya.
Nabigla yata sya ng bahagya sa pagiging prangka nito.
Malapit naman sa totoo ang sinabi nito. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina. Isa lang ang narealize nya, crush lang talaga nya ito. Walang malalim na dahilan ang pakikipaglapit nya dito. Wala talaga syang kakayahan na magkagusto ng sobra sa isang babae.
Pero may bahagyang lungkot sa puso nya ngayon. Naalala nya bigla ang pangako nya kay Nicolle. Ngayon lang yon sumagi sa isip nya. Hanggang ngayon, umaasa parin ba 'to? Kailangan na nya itong kausapin.
“By the way, uuwi na ako sa Cebu sa mga susunod na buwan. Kaya naisipan kung pagbigyan natin ang isa’t- isa. You’re good in bed. Thank you!” nakangiting sabi nito na sinuklian din naman nya.