“s**t!” mahinang mura ni Nicolle. Agad nyang inihinto ang kotse, para kasing iba na ang takbo nito.
Agad syang lumabas mula sa kotse nya. Saka nya sinurvey ang gulong nito. Nanlumo sya ng nakitang flat ang isang gulong nito.
Napaayos sya ng tayo. Halata ang pag-alala sa mukha nya. Kailangan pa tuloy nyang tumawag ng hihila ng kotse nya.
Binuksan nya ang pinto sa bungad ng driver seat, saka nya hinagilap ang cellphone nya sa bag nya. Nang nakuha na nya ang cellphone, umayos sya uli ng tayo. Saka nya isinara ang pinto ng kotse.
Tatawag na sana sya ng tulong nang may huminto na kotse sa tapat ng kotse nya. At mula doon, lumabas ang isang lalaki na iniiwasan na nyang makakasalamuha.
“Hi! May problema?” nakangiting tanong ni Aaron sa kanya habang humakbang ito palapit sa kanya.
Kinalma nya ang nagwawalang puso na naman. Kailangan na nya itong kalimutan dahil boyfriend na ito ng pinsan nya. Nakita nga nya ang mga ito na naghahalikan nung isang araw. And again, hanggang sa pag-iyak lang sya. Ayaw nyang manumbat dito sa hindi pagtupad nito sa pangako nito sa kanya. Wala palang isang salita si Aaron.
“Oo. Flat kasi isang ang gulong ng kotse ko”. kinaswal nya ang boses.
“You need help?!”
Iniwas nya ang paningin mula dito.
“No. Thanks. Tatawag nalang ako ng tulong.” Mababa lang ang tono nya.
Mahina itong napatawa sa sinabi nya.
“Bakit kapa tatawag ng tulong kung nasa harapan mo ang magaling pagdating sa mga kotse.” May pagmamalaki ang boses nito.
Hindi sya sumagot dito. Baka iba pa ang lalabas sa labi nya. Baka, masumbatan pa nya ito ng wala sa oras.
“Do you have an extra tire?” maya’t maya tanong nito.
Tumango lang sya. Ngumiti ito.
“That’s good! Ako nalang ang magpapalit ng gulong sa kotse mo. Meron naman akong mga gamit dito.”
Hindi nya alam kung paano mag-react sa sinabi nito. Nahihiya kasi sya. Hindi kasi ito nagpapalit ng gulong sa carshop kahit pa alam nyang marunong ito dun.
“Salamat nalang.” Ani nya. “Nakakahiya sayo, Aaron. Tatawag nalang ako ng tulong.”
Tanggi nya sa offer nito. Ayaw nyang magkaroon ng utang na loob dito.
“C’mon Nicolle..” may pagrereklamo ang boses nito. “We known each other for 13 years now. Para na kitang kapatid. There’s nothing to be ashame of.”
Nasaktan yata sya sa narinig. Kapatid? Yon lang ba ang tingin ni Aaron sa kanya? Kaya ba, hindi na sya tinatawag na sweetheart nito?
Wala syang nagawa kundi ang tumango nalang. Ayaw na nyang tumanggi dito. Baka naman kasi, sa pamimilit nito, kung ano’t- ano pang masasakit na mga salita ang mabitawan nito.
Ngumiti si Aaron, agad naman kinuha nito ang extra tire nya na nasa likuran ng kotse. At nagsimula na nga ito sa pagpapalit ng gulong sa kotse nya.
Tahimik lang syang nakasandal sa kotse nya. Hindi din naman ito nagsasalita. Busy ito sa ginagawa nito. Lihim na lihim ang madalas nyang pagsulyap dito.
Gustong- gusto na talaga nya si Aaron since 12. Ito lang ang kaisa-isahang lalaki na nagugustuhan nya. Aware naman sya na naging stalker na sya dito noon. Anong magagawa nya? Gusto nya itong makita lagi.
Sinunud nya ang hiniling ito na layuan muna nya ito, sa pag-asa na tutupad din ito sa pangako nito. Pero, kinalimutan lang nito ang pangako nito sa kanya.
“It’s done!”
Napapitlag sya dahil sa masayang bulalas nito.
Medyo pawisan pa itong napatayo. Sandali syang napanganga, kahit kasi pawis na pawis ito, pero hindi man lamang nabawasan ang kaguapuhan nito.
Agad itong lumapit sa kotse nito. Kumuha ito ng face towel sa loob ng kotse. At pinunasan nito ang pawisan mukha.
“S-Salamat! H-How can I repay you?”
Hindi nya alam kung bakit nasambit pa nya. Ayaw lang siguro nyang magkaroon ng utang na loob dito.
“Nicolle—“ napansin nya ang paglanghap nito ng hangin. “Can I talk with you?”
Seryoso ang mukha nito. Nakatitig lang sya dito. Ano kaya ang gustong sabihin nito sa kanya?
Dahil malapit naman sa San Bartolome Park ang kinatirikan ng kotse nya, kaya napagpasyahan nila na dito nalang sila mag-usap. Magkatabi silang naupo sa isang bench na nakaharap sa tubig dagat.
“A-Anong pag-uusapan natin?” basag nya sa katahimikan nila.
Napabugtong- hininga ito.
“Nicolle—“ tumingin ito sa kanya. Napatingin din sya dito. Kaya nagkatama ang mga paningin nila. “—I want to talk about the promise that I made to you.”
Para yatang nagliwanag bigla ang mga mata nya. Naalala pa pala nito ang pangako nito sa kanya. Pero, pinilit parin nyang kaswal lang na nakatingin dito.
“What about it, Aaron?”
Itinago nya ang excitement.
“I’m sorry but I didn’t mean that promise.” Diretsong pagkakasabi nito.
Seryoso ang mukha nito. Sa mata pa nya ito nakatingin. Gusto na yatang maglaglagan ng mga luha nya.
“You’re young, pure and innocent at that time, Nicolle. I don’t want to see you crying kasi si Aaliyah ang naalala ko sayo. Wala akong ibang naisip na pwedeng sabihin sa mga panahon na yon para gumaan lang ang pakiramdam mo.” Saka ito napabugtong- hininga.
Hindi nya alam kung nahalata naba nito ang pamumula ng mga mata nya. Ang sakit- sakit naman ng mga sinabi nito. Ang sakit pala kung marinig nya mismo dito ang inakala nya.
“You did that para gumaan lang ang loob ko?” hindi nya mapigilan sambitin. Hoping na sana hindi mahalata nito ang pagpipigil nya sa pag-iyak.
“Oo.” Sabay tango nito. “Actually, pinagtitiisan ko nga lang na kainin ang mga dala mo noon na pagkain. Ayaw ko lang makitang umiyak ka, dahil si Aaliyah talaga ang maalala ko sayo.”
Mas lalo syang nasaktan, umakting lang pala ito.
“And it was never my intention to call you sweetheart . Hindi ko lang mabawi sayo dahil baka maiyak ka lang.”
Dagdag nito na bahagyan nagpatulo ng mga luha nya. Akala pa naman nya, kaya sya tinawag na sweetheart nito dahil mahalaga sya dito. Dahil sa endearment na yon, umasa lalo ang puso nya.
“Hey, are you crying?” puna nito sa luha na hindi na nya napigilan.
Hindi na nya nakayanan ang sunod- sunod na pag-amin nito. Matagal na pala syang ginawang tanga nito. Kung sana, hindi nalang ito nagkunwari, hindi sana mas lalong aasa ang puso nya dito.
“Why you telling me this now?”imbes na sagutin ito, ito ang lumabas mula sa labi nya.
“I don’t know. Maybe, because I want you to forget me. Puppy love lang ang nadarama mo sa akin, diba?!”
Binawi nya ang paningin mula dito. Saka sya napayuko.
“Do you think puppy love lang ang nadarama ko sayo?”
“Oo.” Diretsong sagot nito. “You deserve someone not me, Nicolle. I’m not a romance type. Yon klasi sa relasyon na gusto mo, I can’t give it to you. “ lumaghap muna ito ng hangin. “I hope you understand that I don’t have the ability to be serious with any woman.”
Mas lalong napatulo ang mga luha nya. Sobrang nasaktan sya sa narinig. Umaasa sya sa wala. Pinaasa- asa lang sya nito.
“Why, Aaron?” pinunasan nya ang mga luha at lakas loob na humarap dito. “Why you do this to me?”panimula nya sa panunumbat nya.
“Kung alam mo naman pala noon pa na hindi mo naman talaga ako magugustuhan. Bakit mo pa ako pinaasa- asa sa pangako mo? Hindi na sana ako umasa sa loob ng mahabang panahon. Nakamove- on man lamang sana ako.”
Pinigilan nya ang mga nagbabantang mga luha na naman.
“You don’t have the right to tell me that my feelings for you are just puppy love. Dahil sigurado ako sa nadarama ko sayo.” lumanghap muna sya ng hangin. “Tama ka, bata pa ako ng mga panahon na yon. Kaya natural lang sa akin ang umiyak. Sana hinayaan mo nalang akong umiyak kaysa paasahin at paniwalain ako sa isang kasinunggalingan. Ginawa mo akong tanga.”
Tuluyan na nyang pinakawalan ang mga luha. Nakatanga itong nakatitig sa kanya.
“Nicolle—“ tanging nasambit nito. Umaksyon ito na tila punasan ang luha nya. Pero, bago pa nito nagawa yon. Tinampal nya ang kamay nito.
“At hanggang ngayon, natural parin sa aking ang umiyak, lalo na’t nasaktan ako.”buo ang boses nya. “Sana sinaktan mo nalang sa kung ano ang totoo. Not comforting me with a lie.”
Saka sya tumayo, para iwan na ito. Pero, maagap na nahawakan nito ang pulsuhan nya.
“Nicolle, listen to----“
“I’m not a child anymore, Aaron.”
Putol nya sa ibang sasabihin nito. Saka nya tinampal ang kamay nito na nakahawak sa pulsuhan nya. Binitawan naman sya nito. Tuluyan nya itong hinarap.
“I know now, how to kiss someone."
Papilya syang napangiti.
Napakunot- noo ito.
Saka walang sabi- sabing hinapit nya ang batok nito at inilapat nya sandali ang labi sa labi nito. Nanlaki ang mga mata nito.
“Thank you for changing the tire of my car.” Lakas loob syang ngumiti. “Goodbye Aaron! I promise, the next time that we will see each other again. I will never be the same Nicolle that you once knew.”
Huling sinabi nya. Saka nya ito tuluyan nilayasan. Tulong luha man sya pero taas noo nyang haharapin ang bukas. She will forget Aaron. She will forget him, for sure.
--------
Kahit malayo na si Nicolle, tulala parin si Aaron sa ginawa ng dalaga. Nasapol ang diwa nya sa sinabi nito at nasapol din yata ang puso nya sa halik nito. Pero, anong sabi nito? Goodbye?
Gusto sana nya itong sundan. Pero, naguguluhan sya sa nararamdaman nya ngayon.
Bakit iba ang epekto ng sandaling paglapat ng mga labi nila ni Nicolle sa kanya?