PP 8 PRESENT TIME

1516 Words
(Present Time) “Goodmorning, sweetheart!” Inis na napaangat ng mukha si Nicolle sa masayang bati na yon. At ang nakangiting mukha ni Aaron sa sumalubong sa paningin nya. Mas lalo yatang nasira ang araw nya. Kasalukuyan syang nasa loob ng opisina nya, at nakaupo sya sa swivel chair nya. Kanina pa sumasakit ang ulo nya dahil sa marketing report na hindi nya maintindihan. Tapos dumating pa ito. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang muli silang nagkita nito. At sa loob ng dalawang linggo na yon ay ang walang tigil na panggugulo nito sa kanya. At ang laging pagpapaalala nito sa pangako nito sa kanya noon. Talagang nahihibang na ito at walang isang salita. Walang hiya talaga ito! “Ano na naman ang kailangan mo?”pabulyaw na tanong nya dito. Tinaasan nya ito ng kilay. “May dinala ako para sayo.” Nakangiting inilapag nito ang isang baunan sa mesa nya. “I cook that personally for you. Actually, nagpatulong ako sa cook namin.” Ang lapad parin ng ngiti nito. Umupo ito sa upuan na nasa harapan ng mesa nya. At nakatingin sa kanya. “Salamat.” Matipid nyang sabi. Saka nya ibinalik ang pokus sa ginagawa. Pero, ilan minuto na ang nakakalipas at hindi parin ito umalis. Kaya napaangat sya uli ng mukha dito. “May kailangan ka pa ba?” wala sa gana na tanong nya. “Ayaw mo bang tikman ang dala ko?” Sinabayan pa nito ng ngiti na parang nagpapacute. Pero sorry ito, dahil hindi na sya apektado sa kaguapuhan nito. Kahit pa sabihin, mas lalo itong naging guapo. “I’m full and busy, Aaron.” Totoo naman itong sabi nya. Saka nya itinuon uli ang pokus sa ginagawa. “Really?” may paniniguro ang boses nito. “But sweetheart, gus---“ “My name is Nicolle, not sweetheart. Stop calling me sweetheart!” naiirita nyang sambit. Inis na inis pa naman sya sa isipin na muli syang tinawag na sweetheart nito. Narealize nya na hindi pala sweet pakinggan yon pag galing dito, nakakairita pala. “Sweetheart Nicolle, that is my endearment to you. Remember?” Napaangat na naman sya ng mukha dito. “It’s never your intention to call me sweetheart. Remember?” sarkastik na pagkakasabi nya. Sandali itong napanganga. Saka ito napangiti. “That was before. I really wanted to call you sweetheart now.” “Just don’t call me sweetheart now, dahil nakakairita”. Pairap nyang pagkakasabi dito. “By the way, hindi ka pa ba aalis? May gagawin pa kasi ako.”pagpapalayas nya dito. “Tikman mo muna itong dala ko. Saka ako aalis.” Cool na cool lang itong nakatingin sa kanya. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I’m full!” sarkastik na naman na pagkakasabi nya. “Ako nga noon, pinipilit mo na pakainin ng mga dala mo. Hindi nga ako nagrereklamo.” Pagpapaalala nito sa kanya na mas ikinanulo ng dugo nya. “May panindigan kasi ako at hindi sinunggaling.” Sabi nya sabay irap dito. Napansin nya ang bahagyang pagrehistro ng inis sa mukha nito. Dahil siguro ito sa sinabi nya. Pero, wala syang pakialam. Padabog syang tumayo. Sya na ang kusang lalayas dito. Baka mas lalo pang masira ang araw nya. “Saan ka pupunta?” maang na tanong nito. Tumayo din ito. “Pupunta sa restroom. Don’t tell susundan mo parin ako doon.” Hindi nya alam kung bakit naitanong nya. “Bakit pwede ba?” namilyo itong napangiti. "Pwede bang samahan ka sa loob ng restroom?" Umaapoy na yata ang mga mata sa sobrang inis nya dito. “p*****t!” tila bulong lang na pagkakasabi nya na sa malas narinig nito. “What did you say?” may irritasyong ang boses nito. “Nevermind!” padabog nya itong tinalikuran. ---------- Kinalma ni Aaron ang sarili. Lihim na syang naiirita. Lagi nalang syang sinusungitan ni Nicolle at ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya. Kapag hindi na sya makatiis sa pakikitungo nito sa kanya. Talagang hahalikan na nya ang napaka-kissable na lips nito. Kailangan nyang pigilin ang sarili, at baka mas lalo pa itong magalit sa kanya. Kunting tiis pa! Kunti nalang! Kahit gusto mo nang pumutok. -------- “Masarap diba?” nakangiting tanong ni Aaron sa kanya, pagkatapos nyang tikman ang dala nitong pagkain. Pinili nalang nya na pagbigyan ito, dahil kahit sa paglabas nya kanina sa restroom, naghihintay parin ito sa kanya. Mukha wala itong plano na tigilan sya. “Ok lang.” wala sa gana na pagkakasabi nya. Sa totoo lang, nasasarapan talaga sya sa dinala nito, pero hindi nya ipinahalata dito. “Ok lang?” nanlaki pa ang mga nito. “Alam mo bang masarap kaming maglutong magkakapatid. Namana namin ito mula kay mommy Clouie.” pagmamalaki nito. “And so?!” tinaasan nya ito ng kilay. “Hindi pa masyadong pasado sa akin ang luto mo. Kailangan mo pa siguro ng kunting practice.” Mas pinili nyang kunti lang ang kainin. Saka nya tinakpan ang dala nito. Lumatay ang inis sa mga mata nito. Again, wala syang pakialam. Kung nakakaputok sana ang inis, sana puputok na ito. Tumayo na naman sya mula sa swivel chair nya. “Saan ka pupunta?” “Sa showroom.” Matipid na sagot nya. “Titignan ko ang bagong display.” “Sabay na tayo!” Tumayo din ito. Inirapan nya ito. Makikisabay na naman ito sa kanya. Kaya nga sya lalabas, dahil hindi na nya matagalan na makita pa ang mukha nito. “Don’t touch me!” sita nya dito nang hinawakan nito ang kamay nya. “Ang maldita at arte mo naman.” May halong pagrereklamo ang boses nito. Inis nya itong hinarap. “What did you say?” “Nevermind.” Pangiti- ngiting sabi nito. “Anong nevermind? Ulitin mo nga ang sinabi mo.” may galit ang boses nya. “I won’t. Ikaw nga kanina, may sinabi ka para sa akin. Hindi nga ako nagalit.” Nakangising sabi nito. Umuusok na yata sya sa sobrang inis dito. Kanina pa sya ginugulo nito. Padabog nya itong tinalikuran. Saka nagpasiuna na sya dito. Alam nyang nakasunod ito sa kanya. Nagkukunwari sya na sinusurvey ang bagong kotse ng showroom nila. “Sweetheart, bakit ba kasi ayaw mong tanggapin ang katotohanan na boyfriend mo na ako ngayon?” giit na naman nito sa laging kinukulit nito sa kanya. “Pwede ba Aaron, hindi mo ba nakita na busy ako sa trabaho ko?” “FYI, trabaho ko ang ginawa mo ngayon. Hindi mo trabaho yan as the marketing head.” Kahit inis na inis sya. Hindi nya pinansin ito. Tama naman ito. At wala syang naisip na dahilan kung bakit naisip nyang e-survey ang kotseng ito. Binuksan nya ang kotse, nagkukunwari syang tsini-check ang loob nito. “Sweetheart, sagutin mo na kasi ako. Gawin mo na kasi akong boyfriend.” Lihim na nagngitngit ang isip nya. Bakit naman nya ito sasagutin? Hindi naman ito nanligaw sa kanya. At saka, hindi pa sya baliw, para pumulot ng bato na ipukpok lang sa ulo nya. Dahil parang ganun ang gagawin nya kung muli syang magpapauto kay Aaron. “Ayaw ko sa mga playboy, Aaron.” Diretsong pagkakasabi nya dito na hindi man lamang ito nilingon. “Sinong playboy ang sinasabi mo? Matagal na akong hindi playboy. Kung alam mo lang na mula ng dumating ka, hindi na ako tumitingin sa ibang babae. At hindi na ako titingin sa iba. Sayo lang titingin ang mga mata ko.” Mahabang sabi nito na alam naman nyang impossibleng mangyari. “Hindi ako uto- uto, Aaron. Maghanap ka ng ibang utuin mo.” Kinaswal nya ang boses. Baka akalain pa nito na kinikilig sya sa sinabi nito. Hindi sya nakatingin dito, kaya hindi nya alam kung ano ang reaksyon nito. Hindi na ito sumagot. Kaya napagpasyahan nya na lingunin na ito. Kaya pala, hindi na ito nagsasalita, may nakaagaw pala sa pokus nito. Sinundan nya kung saan ito nakatingin. At galit na galit na talaga sya. Napatunayan kasi nya agad na hindi totoo sa sinasabi nito. Halos hindi na kasi maialis ang paningin nito sa isang seksing babae na kapapasok palang sa showroom. Mukhang bibili ito ng kotse. Kasalukuyan itong kinakausap ng sales nila, habang namimili ito ng kotse. Talagang napaka- sinunggaling nito. “Liar!” wala sa loob na sabi nya dito, saka padabog itong nilayasan. “Sweetheart, wait! Ano na naman ang ikinagalit mo?” Again, sumunod na naman ito sa kanya. ---------- Kunot- noo syang nakasunod kay Nicolle. Ano na naman kaya ang ikinainis nito sa kanya? Ok. Sandali syang napatingin sa babaeng kapapasok kanina. Pero, hindi naman ibig sabihin na na-aatract sya dito. Pamilyar kasi sa kanya ang mukha nito. Inalala lang nya kung saan nya ito nakita. Napahinto sya sandali, dahil may naisip sya. Hindi kaya, nagseselos si Nicolle? Pangiti- ngiti sya. Sabi na nga ba nya, may nakatago parin itong pagtingin sa kanya. Ano kaya kung mas lalo nya itong pagselusin? Pero, baka mas lalo itong mainis sa kanya. Dapat nyang pag-isipan mabuti ang magiging plano nya. Kahit isang pagkakamali, hindi dapat mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD