Sinunggaling talaga kahit kailan ang Aaron na yon. Hindi naman sya nagseselos. Naiinis lang sya sa isipin na balak na naman nito na utuin sya. Talagang uto- uto parin ang tingin nito sa kanya.
Napatingin sya sa pagkain na dala ni Aaron. Gutom na gutom pa naman sya at sarap- sarap sya sa pagkain na ‘to. Iba pa naman sya pag naiinis, pagkain ang lagi nyang pagbugtungan.
Wala sa loob na kinuha nya ang baunan. Saka binuksan yon, at wala sa loob na kinain ang laman nito. Sunod- sunod yata ang pagsubo nya. Buti nalang, at hindi na nakasunod si Aaron sa kanya. Kaya hindi nakita nito na sarap- sarap sya sa dala nito.
Malapit na syang matapos sa kinain nang may biglang tumikhim. Agad syang napatingin sa pintuan. Napaubo sya ng nakita ang nakasandal sa habla ng pinto ng opisina nya. Bakit ngayon lang nya ito napansin?
Mabilis itong lumapit sa kanya. Sabay bigay sa kanya ng bottle water na dala nito. Kumukulo ang dugo nya at ito din ang may kasalanan kung bakit muntikan na syang nabilaukan. Hinagod- hagod ng palad nito ang likod nya.
“Diba, sabi ko sayo, wag mo nga akong hawak- hawakan.” Bulyaw nya dito.
“Ok.” ani nito, saka umupo ito sa harapan ng mesa nya. Nakatingin ito sa kanya at ang lapad ng ngiti nito. May panunukso ang ngiti nito sa kanya.
“Anong iningiti- ngiti mo?”
Kinalma nya ang nahihiyang sarili. Kainis, nahuli sya nito na sarap na sarap sa dinala nito.
“Akala ko ba kailangan ko ng practice. Sarap na sarap ka nga habang kumakain.” Pangiting- ngiting sabi nito. “And don’t dare denying it! Dahil kanina pa ako nakatingin sayo habang kumakain. Kaya nga, kumuha ako ng tubig agad- agad, baka mabilaukan ka.”
Nag-init ang magkabilang pisngi nya sa sinabi nito. Pero, hindi parin nya ipinahalata dito na nahuli nito ang totoo. Kahit huling- huli na sya sa akto.
“Excuse me, hindi ako nasasarapan sa luto mo. Nagsisinunggaling kalang.” Lakas loob na sabi nya dito.
Nakipagtitigan sya dito.
“Really? At bakit naman ako magsisinunggaling?”namilyo pa itong napangiti.
“Dahil sinunggaling ka.” Sinabayan nya ng irap ang pagkakasabi.
Madiin itong tumitig sa kanya. Saka napaangat ang isang gilid ng labi nito.
“Ok.” mababa ang tono nito. “Hindi na ako makipag-away sayo dahil alam ko naman na hindi ka aamin, kahit huling- huli kana sa akto.” Saka ito ngumisi. “Ang gusto kong aminin mo ay ang pagseselos mo kanina.”
“H-Ha? Anong pagseselos ang pinagsasabi mo?” napakunot- noo sya.
“Ang pagseselos mo kanina sa seksing babae.” May panunudyo ang titig nito sa kanya. “Aminin! Aminin mo na kasi!”
Mas lalo yatang nasira ang mood nya sa sinabi nito. Hindi naman sya nagseselos. Napaka-conceited talaga nito at lakas ng self- confident.
“I’m not jealous, ok! I’m just felt insulted.” Bulyaw nya dito.
Pero nakangiti lang ito.
“I know you are.” He teased. “Don’t worry sweetheart, sayong-sayo lang ako. Mas maganda ka kaysa babaeng yon. Walang makahihigit sayo sa paningin ko.”
Lihim syang napacountdown from 10 to 1. Kinalma nya ang paputok na sarili.
“Pwede ba, tigilan mo na ako. Ayaw kong masira ang buong araw ko ngayon.” mas pinili nyang ibahin ang topic.
Ayaw nya sa topic na parang tinutukso sya nito dahil mas lalo lang syang mainis.
“Wala kabang trabaho?” sarkastik na pagkakasabi nya dito. Saka nya iniligpit ang pinagkainan.
“Kanina meron, pero ngayon, wala na.” ngumiti na naman ito. “Ginawa mo na kasi ang trabaho ko. Kaya ngayon, tutulungan din kita sa trabaho mo. Don’t worry sweetheart, I will just be here for you.”
Kumidhat pa ito sa kanya. Inis na inis sya sa isipin na mas lalong naging guapo ito sa paningin nya.
Nakakabulagta ang tingin na iniukol nya dito. Napakamanhid naman nito. Halata na nga na ayaw nya itong kasama. Talagang, ipinilit nito ang sarili sa kanya. Ano na naman kaya ang plano nito sa kanya?
Maya’t- maya lang….
Ang lapad yata ng ngiti nya nang nakita ang lalaking kapapasok lang sa loob ng opisina nya. May dala pa itong boquet of mixed roses. Ito si Marlon, ang kanyang guapong masugig na mangliligaw.
-------
Napakunot- noo sya ng lumapad ang ngiti ni Nicole, habang nakatingin sa bungad ng pinto. Agad syang napalingon, at nasisira yata ang mood nya ng nakita ang pangit na manliligaw ni Nicolle. May dala pa itong cheap na bulaklak na hindi bagay para sa dalaga.
“Hi! What brought you here?” tumayo pa si Nicolle. Bago pa tuluyan makalapit sa lalaki si Nicolle, pasimple syang humarang dito.
“What are you doing?” tila bulong na tanong nito.
“Bakit?” painosente sya.
“I am just visiting you.” sagot naman ng lalaki. Naiirita talaga sya sa boses ng lalaking ito.
Buti nalang, hindi masyadong nagkalapit ang dalawa, dahil pasimple nga syang humarang.
“Flowers for you!” ani ni Marlon kay Nicolle. Sabay abot ng dalang bulaklak nito sa dalaga. Pero, bago pa naabot ni Nicolle ang bulaklak, sya na ang kusang tumanggap dun. Kunot- noo na napatingin sa kanya ang lalaki. Inis na inis naman ang tingin ni Nicolle sa kanya.
“Siniguro ko lang na hindi ito matinik. Baka masugatan kapa.” Pagpapalusot nya. Para kay Nicolle.
“Hindi yang matinik, pare.”
“Mabuti na yang sigurado.”
Halatang- halata nya na parang nag-aapoy na ang tingin ni Nicolle sa kanya. Wala syang pakialam. Ayaw nyang maligawan ito ng iba.
“Tapos mo na bang e-check nya? Pwede ibigay mo na sa akin.” Kukunin na sana ni Nicolle ang bulaklak nang...
“Nope. Hindi ko pa na-check ‘to, sweetheart.”
-------
Parang sasabog na sa sobrang galit si Nicolle, nangingialam na naman itong si Aaron. Naalala pa nya na nasira ang date nila ni Marlon nung isang araw dahil dito. Sinundan pa naman sya nito sa date nya at talagang inimbita nito ang sarili nito sa mesa nila ni Marlon. Walang hiya talaga ito kahit kailan!
“Sweetheart?” ani ni Marlon. “Bakit ba lagi ka nyang tinatawag na sweetheart?” kunot- noo na tanong nito sa kanya.
Buti nalang hindi na nakaharang si Aaron sa kanila. Umupo na ito muli sa inupuan nito kanina at parang sinurvey nga nito ang bulaklak na bigay ni Marlon sa kanya.
“Hayaan mo yan!” nakangiting sabi nya kay Marlon.
“Ok.” ngumiti din ito. Hindi lang ito guapo, mabait pa.
“Aray!”
Sabay silang napatingin ni Marlon kay Aaron nang bigla itong humiyaw.
“Anong nangyari sayo?”
Itinago nya ang pagkaalala sa boses.
“Sabi ko na nga ba, matinik itong dala ng pan—I mean okay lang na manliligaw mo. Buti nalang na-check ko muna bago ko naibigay sayo. Baka ikaw pa ang madisgrasya kung saka- sakali.”
Mahabang paliwanag nito. Sobra yata ang pagtaas ng kilay nya dahil sa sinabi nito. Para kasing nagsisinunggaling ito.
“Matinik? I’m sorry.” Ani ni Marlon na sa kanya nakatingin.
“Oo. Ang tinik talaga nito.” tumayo si Aaron. “Don’t worry, ilalagay ko ito sa tamang lagayan.”
Ani nito. Nanlaki ang mga mata nya dahil humakbang ito papunta sa basurahan. Lihim pa syang kinidhatan nito, bago nito inayos ang bulaklak na trash can.
Sunod- sunod ang pagkalma nya sa kanyang sarili. Gusto na nya itong tadyakan.
“Ano yang pare?”
Hindi mapigilan na sambitin ni Marlon. Mukhang itinago lang nito ang inis.
“Ito ang flower vase sa opisina ni Nicolle. Bakit, ayaw mo bang ilagay ko ito sa flower base? Gusto mo bang sa basurahan ko ito ilagay?” pangiti- ngiting sabi nito.
Umuusok na yata sya sa sobrang galit. Nakipagtitigan sya dito. May panunudyo ang mga titig nito, samantala sya lihim nyang hiniling na sana bumulagta na ito sa mga titig nya.