(The Past)
-
“Kyle, ito na juice mo.” sabi ng 14 years old na si Alissa sa naliligo sa pool na si Kyle. Talagang sya ang taga-hatid ng juice dito sa tuwing maliligo ito sa pool. Anak ito ng maituturing narin nyang amo. Yaya kasi nito at ng mga kapatid nito ang nanay Selda nya.
10 years old sya noon nang una syang dinala dito ng mama nya. Namatay na kasi ang lolo’t lola nya na syang nag-aalaga sa kanya habang nagta-trabaho ang kanyang mama dito sa San Bartolome. Hindi din naman nya nakilala ang ama nya dahil namatay ito nung baby palang sya. Nagustuhan ng mama nya dito dahil napakabait pareho ng mag-asawa na sina Karl at Shay. Mabait nga ang mga ito sa kanya. Sa katunayan nga, ang mag-asawa ang nagpapaaral sa kanya, kaya sya nag-aaral ngayon sa isang mamahalin na private school. Kaya nagpursige sya ng husto sa pag-aaral para maging proud sa kanya ang mga magulang ni Kyle. Lagi nga syang with high honor. At proud na proud nga sa kanya ang mag-asawang Del Fuengo. Parang anak na kasi ang turing ng mga ito sa kanya, kasalukuyan kasing nasa state ang anak na babae ng mga ito na si Mika, ito ay ang ate ni Kyle. Si Kyle din ay may nakakabatang kapatid na lalaki na Lee ang pangalan.
Mula nang dinala sya ng mama nya dito ay nagkaroon na sya ng lihim na crush kay Kyle, pero hindi sya umaasa na mapansin nito. Well, hindi naman talaga sya pinapansin nito. Sino ba naman kasi sya para mapansin nito? Maliban sa anak lang sya ng katulong ng mga ito ay hindi pa sya gaanong kagandahan kumpara sa napakaguapo na si Kyle, morena sya habang ito ay mestizo, hindi din sya matangkad habang ito naman ay napakatangkad. Talagang langit at lupa ang pagitan nilang dalawa sa kahit anong bagay.
“Ilagay mo lang dyan!” kaswal na sabi nito nang hindi man lamang nag-abalang sumulyap sa kanya. Agad naman nyang inilagay sa mesa na naroon ang juice. Sanay na sya sa kalamigan ng pakikitungo nito sa kanya mula pa noon. Mas close nga sila sa kapatid nito si Lee, na halos kasing edad lang nya, mas matanda lang sya ng ilang buwan.
---------
“Ang guapo ni Clyde.” Tila kinikilig na sambit sa kanya ni Clouie. Itinuring na nya itong bestfriend dahil mula nung Grade 7 sila, ay magkaklasi at magkasama na sila nito. Kahit malayo naman ang hitsura nilang dalawa, napakaganda kasi nito, maputi at matangkad, pero halos magkatulad ang personality nilang dalawa. Pareho silang mahiyain at mahinhin nito, pareho din silang masipag mag-aral. Nung una, nahihiya pa syang makipaglapit dito dahil anak mayaman kasi ito, isa din kasi itong Del Fuengo at pinsan ito ni Kyle. Si Clyde na tinutukoy nito ay ang ultimate crush nito mula pa nung nasa Grade 7 sila. Nasa Grade 9 na sila ngayon.
Nginitian lang nya ito. Wala kasing ibang guapo sa paningin nya kundi si Kyle lang. Dito din nag-aaral si Kyle sa EIS, kasalukuyan itong nasa Grade 11. Halos tatlong taon ang tanda nito sa kanya.
“Pero, alam ko naman na hindi mo mapapansin ang kaguapuhan ni Clyde dahil ang pinsan ko lang na si Kyle ang guapo para sayo.” mahinang sabi nito sa kanya. Ito lang ang tanging nakakaalam na may lihim syang crush sa pinsan nito.
“Ikaw talaga, baka may makarinig sayo.” mahinang saway nya dito.
“Don’t worry —walang makakarinig sa atin, dahil mahina lang ang boses ko. At saka----“
“Narinig ko!” napalingon sila bigla ni Clouie sa kung sino ang nagsasalita na yon. At sumalubong sa paningin nila pareho ang kuya ni Clouie na si Zac, nasa Grade 12 na ito, nakakapit sa bisig nito ang cute na bestfriend nito na si Loraine, kasing edad lang nila ito ni Clouie pero nasa Grade 10 na ito. Si Loraine ang nagsasalita na yon. Nakangiti si Loraine habang nakasimangot naman si Zac.
“A-Anong naririnig mo?" kinakabahan sya.
“Narinig ko na pagsigaw-sigaw na ang mga bulate sa tiyan ko—gutom na gutom na kasi ang mga ito.” nakatawang sabi nito na ikinaasim ng mukha ni Zac. Talagang palabiro si Loraine. “Bakit may pinag-uusapan ba kayo ni Clouie?”kunot- noo itong napabaling sa kanila.
Kinalma nya ang sarili. Akala nya kung ano na.
“Clouie—“ ani ni Zac sa kapatid. “—pag-aaral muna ang atupagin mo, wag muna nyang crush mo.” seryosong sambit nito.
“Alam mo, ubod mo talaga ng higpit” reklamo ni Lorane dito. “ Natural lang kaya na maraming magka-----“ natigil ito sa pagsasalita nang matalim itong tinititigan ni Zac. “—sabi ko na nga, talagang pag-aaral muna ang atupagin natin lahat.”
Napangiti lang si Clouie sa sinabi ng mga ito.
“Ah! Alissa—“ baling sa kanya ni Loraine. “Pwedeng magpasama sayo ngayon?” tanong nito.
“Saan?”
“Sa classroom ni Kyle, may ibibigay lang ako sa kanya. Nahihiya kasi akong pumunta doon na mag-isa.”
Namilog ang mga mata nya sa sinabi nito. Ibig sabihin may rason na sya para puntahan si Kyle sa classroom nito at makita ito.
“Anong ibibigay mo kay Kyle?” kunot- noo na tanong ni Zac dito.
“Wag ka nang magtanong.” Ani ni Loraine saka bumaling sa kanya. “Okay lang ba?”
“Ah.Oo.” nanunukso ang titig ni Clouie sa kanya.
“Diba, sabi ko sayo—mag-aral ka muna, mamaya na yan crush—“ abot kilay na sabi ni Zack kay Loraine.
“Agad-agad? Crush agad? Hindi pwedeng may ibibigay lang ako. Talagang ikaw—“ baling ni Loraine kay Zac.
“Oy si kuya—nagseselos!” tudyo na sabi ni Clouie kay Zac na mas lalong isinalubong ng kilay nito.
--------
Kasalukuyan nilang nilalakbay ni Loraine ang senior high building. Nang nakarating na sila, at paakyat na ng hagdaan patungo sa 2nd floor, agad nitong nilingon ang kanina pa nakasunod sa kanila.
“Saan kaba pupunta?” kunot- noo na tanong ni Loraine kay Zac.
“Nakalimutan mo na ba na building namin ito ng mga senior high?”
“Oo nga. Pero ang classroom mo ay nandito sa ibaba dahil nandito ang classroom ng mga STEM, habang ang classroom ng mga GAS student ay nasa 2nd floor, kaya doon kami papunta ni Alissa.” Mahabang paliwanag ni Loraine.
“Ano ba kasi ang ibibigay mo kay Kyle?" kaswal lang na tanong ni Zac.
“Fine. Ibibigay ko lang itong hiningi nya sa akin na recipe mula sa kaibigan ni momshie na chef.”
Oo nga pala. Mahilig palang magluto si Kyle. Ang pangarap nito ay ang maging chef balang araw, ito ang kauna-unahan sa pamilyang Del Fuengo na nangangarap maging chef.
--------
Tinahak nila ang daan patungo sa classroom ni Kyle nang sumalubong sa kanya ang pilit na nakangiti na mukha ng isang maganda at matangkad na babae. Maputi ito at mala supermodel ang katawan, dahil sa pagkakaroon nito ng german blood. Hindi pa umabot ng isang buwan mula ng nagtransfer ito dito. Nasa Grade 9 narin ito.
“Alissa—why are you here? Are you here to visit me?” tila maarteng sabi nito saka hinagod sila ng tingin ni Loraine.
“May pupuntahan ako sa kabilang classroom.” Totoong sabi nya dito. Pilit din nya itong nginitian. Hindi sila close nito.
“Okay.” Sabi nito saka sila tinalikuran ni Loraine na hindi man lamang nag-abalang bumati kay Loraine.
“Sino yon? Ang ganda nung ha!” tanong agad sa kanya ni Loraine nang nakalayo na si Savanah.
“Pinsan ko. Savanah ang pangalan, Half- German sya.”
“Pinsan mo? Kaya pala maganda.” Nakangiting sabi nito. “Pero mas maganda ka parin.”
Mahina syang napatawa sa sinabi nito.
“Bakit ka natatawa?” maang na tanong sa kanya ni Loraine.
“Kasi, palabiro ka talaga.” Alam naman nyang sobrang alangan ng beauty nya sa beauty ng pinsan.
“Hindi ako nagbibiro ha! Talagang gandang- ganda ako sayo. May crush nga sayo si Zaith.”
Sabi ni Loraine na hindi nya napansin dahil naagaw na ng isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan ang atensyon nya. Tila kanina pa nakatingin sa kanila ang guapong lalaki.
“Hi Kyle!” bati agad ni Loraine nang tuluyan na silang nakalapit sa lalaki. Hindi sya nagsalita kasi parang sa kanya nakatingin si Kyle. Ngayon lang sya tinititigan ng matagal nito.
“Magkakilala pala kayo ni Savanah?” kaswal na tanong nito. Hindi nito napansin si Loraine.
“Hello Kyle--- I’m here!” ani pa ni Loraine dito. “Kainis ka talaga Kyle, ganun na ba tlaga ako kaliit para hindi mo makita.” Reklamo ni Loraine dito. Lihim syang natawa. Kung hindi sya matangkad, mas maliit naman sa kanya si Loraine.
“I’m sorry—“ baling ni Kyle dito. “Anong ginagawa dito ng ampon ng mga Del Fuengo?” nakangiting tanong nito kay Loraine. Parang ampon talaga si Loraine ng mga Del Fuengo, close na close kasi ito sa mga Del Fuengo, hindi lang sa mga anak, pati na sa mga magulang, at sa grandpa at grandma ng mga ito. ”At magiging future wife ng isa sa mga pinsan ko.”
Tila kinikilig pa si Loraine.
“Ikaw naman, masyado ka na naman advance mag-isip, wala pa nyang sa isip namin pareho ni Bret.”
Napatawa ito ng mahina. Kahit na sino talaga sa Del Fuengo ay daling ma-attach kay Loraine.
“Hindi naman si Bret ang tinutukoy ko, kundi si Zac.”
Napatawa naman si Loraine ng malakas dahil sa sinabi nito.
“By the way, ito na ang hinihingi mo sa akin.” Maya’t- maya lang sabi ni Loraine sabay bigay dito ng isang maliit na papel. Nakangiti naman tinanggap iyong ni Kyle.
“Wow—talagang maaasahan ka lahat ng oras.” Nakangiti nitong sabi kay Loraine saka bumaling sa kanya. “ Alissa—“ napansin nya na nginitian sya nito. Nagwawala yata ng puso nya dahil nginitian sya nito ng matamis. “I repeat, magkakilala pala kayo ni Savanah?”
Mukhang interesado ito sa pinsan nya.
“Ah. Oo. Magpinsan kami.” Sabi nya sabay kalma ng nagwawala nyang puso.
“She is your cousin?” tila hindi pa makapaniwalang tanong nya.
“Oo. Magpinsan nga sila.” Si Loraine pa ang sumagot. Talagang, hindi ito mapakali kung hindi magsasalita.
“Wow—“ tila nabasa nya ang kasiyahan mula sa mga mata nito. “Ipakilala mo naman ako.”
Maang syang napatingin dito.
“Ow—bakit gusto mong makilala? May crush kaba sa pinsan ni Alissa?” may panunukso ang tingin na iniukol ni Loraine dito.
“Napunto mo Loraine—ang talino mo talaga.” Nakangiting sabi ni Kyle kay Loraine.
Umiiyak yata ang puso nya sa narinig.
---
---
---
Sa nakaalala kay Alexa, diba ampon sya nina Kyle and Alissa, antie nya si Alissa...ang ina pala ni Alexa ay si Savanah.
Start of update....Thanks for waiting.