LTB 4

919 Words
"What?” laking matang sambit ni Elijah matapos marinig ang sinabi ni Peter. “Sorry Bro, hindi mo naman kasi sinabi sa amin na iiwasan mo na pala si Aaliyah. Kaya nasabi namin sa kanya na pinapunta mo sya ngayon dito sa Rack’s club para manood ng final match ninyo ni Rikki.” Mahabang paliwanag ng kaibigan. May final match nga sila ngayon ng sinasabing Rikki sa billiard, at ang pustahan ay 10, 000 pesos. Hindi naman nya lubos akalain na inimbita pala ng mga kaibigan nya ang dalaga. Sa bandang huli, napagpasyahan nyang iwasan ang dalaga, bago pa ito mahulog sa kanya ng tuluyan, at baka mas masaktan lang ito. Magkasalungat kasi ang paniniwala nila ni Aaron. Kailangan na nya itong iwasan habang maaga pa at hindi paunti- unti baka mas lalo pa silang magkahulugan sa isa't- isa ni Aaliyah. “Bahala kayo! Basta kayo ang gagawa ng paraan para hindi sya masyadong makalapit sa akin.” Ani nya sa mga kaibigan. Sabay nalang napatango ang tatlo nyang kaibigan. ---------- Ang lapad ng ngiti ni Aaliyah habang papasok sya sa Rack’s Club. Mag-isa lang sya ngayon, hindi nya kasama si Zabrina dahil may dinaramdam pa ito. Pinahiya kasi ito ng pinsan nyang si Hayden, kaya galit na galit din sya sa kanyang pinsan. Kumaway sa kanya sina Peter, Simon at Baltazar. Sa totoo lang, hindi sya natatakot sa mga ito. Naramdam kasi nya na mga mababait naman ang mga ito, katulad sa pangalan ng mga ito. Agad syang lumapit sa mga ito. l “Have a sit! Baka mapagalitan pa kami ni Elijah pag hinayaan kalang namin nakatayo.” Ani ni Simon. “Salamat!” umupo na sya sa upuan na inihanda pa talaga ng mga ito para sa kanya. Napatingin sya kay Elijah na ngayon nasa gilid na ng malaking billiard board, mukhang inihanda na nito ang stick na gagamitin. Hinihimas- himas kasi nito ang uluhan nun. Nang napatingin ito sa bungad nya, ngumiti sya dito, pero hindi sinuklian nito ang ngiti nya. Iniwas pa nito ang paningin mula sa kanya. Napakunot- noo sya. “Wag mo nang pansinin, ganyan talaga nyang pag nagseryoso. Ayaw nyang may distraction.” Ani ni Baltazar sa kanya. Napansin siguro nito ang nangyari. “Oo nga! At lagi pa naman syang nadidistract sayo. Kaya manood kalang dyan nang tahimik.” Ani naman ni Peter. “Ganun ba?” Tumango ang tatlo. “Ok.” At sinunud nya ang sinabi ng mga ito. Hindi din naman napasulyap sa kanya si Elijah. Maya’t- maya lang, dumating na ang makakalaban ni Elijah. At may nabuhay yatang galit sa kalooban nya nang nakilala ang makakalaban nito. Ito ay si Rikki, isang bastos na hindi naman nya masabing nanliligaw sa kanya. Nagkamayan pa ang dalawang lalaki. Saka napatingin si Rikki sa bungad nila ng mga kaibigan ni Elijah. Sa malas, nakita na sya nito bago paman nya tuluyan nasiksik ang kanyang sarili sa gilid ni Balthazar na syang nasa tabi nya. “Oh, hi Aaliyah!” kumaway pa ito sa kanya. “Nandito kaba para panoorin ako?” Hindi nya ito sinagot, napataas lang ang kanyang kilay. “In your dreams daw, pre!” sigaw ni Peter dito. Nanlaki ang mga mata nya, wala naman syang sinabi na ganun. Mukhang mind reader itong si Peter, nabasa kasi nito ang nasa isip nya. Rumihistro ang inis sa mukha ni Rikki. “In your dreams pala ha! Ipapakita ko sayo kung paano ko ilampaso itong si Elijah.” May kabuuhan ang boses nito. Parang napukaw naman ang pansin ni Elijah. Napatingin ito sa bungad nila. Inirapan lang nya si Rikki. Wala syang panahon para kausapin ang bastos na ‘to. “Baka daw ikaw ang ilampaso ni Elijah—“ani naman ni Simon na mas ikinalaki ng mga mata nya. Wala naman syang sinabi na ganun. “Wala na nga daw mas gagaling kay Elijah. Sya ang pinakamagaling sa lahat.” Ani naman ni Baltazar. Lumabas na yata ang mga mata nya mula sa socket nito dahil sa sobrang panlalaki nung. Wala naman syang sinabi na ganun. Oh my God! Masyado na ba syang obvious sa feelings nya kay Elijah, at pati ang nilalaman ng utak nya ay basang- basa ng mga kaibigan nito. “Ganun pala? Patutunayan ko sayo na mas magaling ako at pag ako ang mananalo, makikipagdate ka sa akin.” Tila challenge na pagkakasabi n Rikki. Nabahala sya, ayaw nyang makipagdate dito kahit sa bangungot lang. “Deal, daw!” ani ni Peter. What? Laking matang piping sambit ng kanyang isip. “Bakit ba kayo ang nagsasalita?” sigaw ni Rikki, napansin na nito ang ginawa ng tatlo. “Sorry pre, masakit ang lalamunan ni Aaliyah. Hindi nya kayang sumigaw.” Ani ni Peter. -------- Hindi lang inis ang nadarama ni Elijah sa Rikki na ito. Ang lakas ng loob nito para tsantsingan si Aaliyah. Ang layo naman ng hitsura nito sa kanya. At ilalampaso pa sya nito. No way! Hindi nya hahayaan na mae-date nito si Aaliyah. Iba talaga ang takbo ng utak ng mga kaibigan nya. Alam naman nya na ang mga ito lang ang gumawa- gawa kanina. Mukha lang syang hindi nakatingin sa dalaga, pero memorya- memorya nya bawat galaw nito. Hindi naman kumibot- kibot ang labi nito at pansin din nya ang madalas panlalaki ng mga mata nito. At isa lang ang narealize nya, hindi nya kayang iwasan si Aaliyah. At ayaw din nyang may ibang lalaki ang umaaligid- aligid dito. Wala syang pakialam kung isa man itong Zalmeda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD