LTB 5

1038 Words
"Congratulation!” bati ni Aaliyah kay Elijah nang lumapit ito sa kanya. Tapos na ang laro at nilampaso nga nito si Rikki, kaya umuwi luhaan ang lalaking bastos. “Salamat!” nakangiting sambit nito. Mukhang tama ang sinabi ng mga kaibigan nito sa kanya kanina. Ayaw lang nito ng distraction kaya hindi sya pinansin nito. “Kailangan kong manalo, eh! Ayaw kong e-date ka ng lalaking yon.” Parang sumirko ang puso nya sa kilig dahil sa sinabi nito. “Salamat.” Kinalma nya ang puso. “Pero, hindi talaga ako nakipagdeal sa Rikki na yon. Sina Baltazar, Pet---“ “So, hindi mo sinabi kanina na ako ang pinakamagaling?" nanunuksong tanong nito. Naramdaman nya ang pag- iinit ng kanyang pisngi dahil sa malalangkit na titig nito. “H-Ha! Ano!” she can't find her words. “M-Magaling ka Elijah!” hindi nya napigilan sambitin habang binawi ang paningin mula dito. Nahihiya kasi sya. “Salamat.” Napamulagat sya ng bahagyang inilapit nito ang mukha sa kanya, na tila hinuhuli nito ang mga mata nya. Buti nalang inilayo din agad nito ang mukha sa kanyang mukha. “Pre, uuwi na kami.” Ani ni Peter kay Elijah nang lumapit ito sa kanila. “Ok.” Ani ni Elijah. “Mamaya na ako! Mauna na kayo. Magku-kwentuhan muna kami ni Aaliyah.” Mas lalo syang kinilig sa sinabi ni Elijah. Makipagkwentuhan ito sa kanya? Ibig sabihin pwede pa nya itong makasama ng mas matagal. May panunukso sa mga mata ni Peter saka sila tinalikuran ni Elijah. “So, saan ka pupunta ngayon?” tanong ni Elijah sa kanya nang napasarinlang na silang dalawa. Palabas sila na Rack’s Club. “Ete- text ko lang ang family driver namin, magpapasundo na ako sa kanya.” Hindi nya ipinahalata ang dismaya sa kanyang boses. Akala pa naman nya magku-kwentuhan sila ngayon ni Elijah, pero hindi naman pala. Para pa syang pinapalayas na nito. “Hindi kaba susunduin ngayon ng kuya mo?” Madalas ang paglapat ng mga kamay nila. Lihim nyang hiniling na sana hawakan nito ang kamay nya pero hindi naman nito ginawa. “Pareho silang nasa Manila. May exam kasi sila kaya hindi sila umuwi ngayon dito. Nasa shop nya ang daddy ko, at nasa hacienda naman ang mommy ko. Si Zabrina naman, ayaw lumabas sa kwarto nya, dahil broken- hearted.” Hindi nya alam kung bakit nagawa na nyang magkwento dito. Siguro, gusto nyang ipaalala dito ang sinabi nito kanina na magku-kwentuhan muna sila. Napatingin ito sa kanya. “Ganun ba?” ani nito. “Gusto mo ako nalang ang maghatid sayo sa inyo? Kaya lang, hindi ang kotse ko ang dala ko ngayon. Yon motorbike ko. Hindi kasi ako mahilig sa kotse.” Wala syang pakialam kahit ano pang dala nito. Basta makasama lang nya ito. “Hindi ako takot sumakay ng motorbike.” Lakas loob na pagkakasabi nya dito. Ngumiti ito. “Tayo nah! Doon ko ipinarada ang motor ko.” Ani nito sabay turo sa tinutukoy nito. Again, hiniling na naman nya na hawakan sya nito, na hindi na naman ginawa nito. Kaya nadismaya na naman sya. “Wow, may dala ka palang gitara.” Sambit nya nang nakalapit na sila sa motor nito. “Oo. Mahilig akong tumugtog ng gitara at kumanta.” Inayos nito ang paglalagay ng gitara sa motor nito. “Really? So, maganda ang boses mo?” may excitement ang boses nya. Tapos na ito sa ginagawa, kaya napatuwid ito ng tayo at tumingin sa kanya. Nilaro- laro ng daliri nito ang panga nito. “I can’t say that! Ayaw ko kasing husgahan ang boses ko. Yon mga nakakarinig sa akin ang binigyan ko ng chance para husgahan ang boses ko.” “Wow! Sana marinig ko.” Hindi nya napigilan na sambitin. Sandali itong napatitig sa kanya. Kinakabahan tuloy sya. “What I mean---“ “Gusto mo ba talagang marinig ang boses ko?” Nakayuko syang napatango. Nakakahiya talaga dito. “Gusto mong mamasyal muna bago kita ihatid sa inyo?” Napaangat sya ng mukha dito. Sana naman, hindi nagliwanag ang mata nya ngayon. Para kasi syang inilipad sa ulap sa tanong nito. “Ok.” Matipid nyang sagot, pero alam nyang may sigla sa boses nya. Ang lapad ng ngiti nito habang sumampa ito sa motorbike nito. “Sumakay kana!” nakangiting baling nito sa kanya. Buti nalang, marunong sya kahit papaano na sumakay ng motorbike. Mahilig kasi sa motorbike ang daddy nya. “Humawak ka sa akin.” Sabi nito nang tuluyan na syang nakasakay. “Saan ako kakapit?” kinakabahan nyang tanong. “Just wrap your arms in my waist. Baka kasi mahulog ka.” nakangiting sambit nito. "Pero, okay lang naman na mahulog ka-- sa akin." OMG! Hindi na yata kaya ng heart nya. Loaded na kasi ito sa sobrang kilig. “O-Ok.” Nakaramdam sya ng panginginig ng iniyakap nya ang braso sa baywang nito. “Relaks Aaliyah! Bakit parang takot ka sa akin?” nakatawang sambit nito. “Hindi naman!” kinalma nya ang sarili. Saka nya tuluyan niyakap ito. “Just enjoy!” ani nito saka pinaandar na nito ang motorbike. Ini-enjoy nga nya ang sarili habang nakayakap sa baywang nito, mula sa likod nito. Ang sarap palang yakapin ni Elijah. Parang hawak- hawak nya lahat ng kasiyahan sa mundo. Pasimple nyang ipiniling ang ulo sa likod nito. Sana masubukan din nyang ipiling ang ulo sa dibdib nito. Gusto talaga nya si Elijah! Gusto-gustong talaga nya ito. Kahit pa sa katotohanan na basaggulero ito, badboy at tila walang tamang direksyon ang buhay nito. Hibang na sya, pero wala syang pakialam dun. Basta mamahalin din sya nito ng buong puso, wala na syang pakialam sa pagkatao nito. Malayang isinasayaw ng hangin ang kanyang mahaba na medyo kulot na buhok. Pakiramdam nya tuloy, para na nga syang si Aphrodite. Ito kasi ang madalas itawag sa kanya ng mga kaklasi at kakilala nya. Para na kasi syang diyos ng kagandahan at pag-ibig ngayon. Ganda- ganda kasi sya ngayon sa kanyang sarili habang nakayakap sya sa lalaking gustong- gusto nya. Napansin nya na tinahak nito ang daan papunta sa medyo itaas na bahagi ng San Bartolome. Parang plano nitong ipasyal sya sa bundukin bahagi ng San Bartolome.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD