LTB 6

1252 Words
“We’re here!” ani nito nang inihinto nito ang motorbike sa ilalim ng isang puno. Nagpasiuna syang bumaba mula sa motorbike nito. Agad naman itong bumaba. Natupad narin ang kanina pa nya inasam- asam. Ang hawakan nito ang kamay nya. Papunta kasi sila sa medyo damuhan na bahagi. Dalang- dala nito ang gitara nito. Nang nakakita na sila ng isang magandang pwesto, huminto sila nito. Hinubad nito ang suot na jacket nito, saka inilapag iyon sa lupa. “Have a sit, my princess!” nakangiting sabi nito. Kinilig sya sa itinawag nito. My princess? Ang sarap naman pakinggan. Paminsan- minsan, tinatawag sya na “My Princess” ng daddy nya pero bakit mas masarap pakinggan kung galing kay Elijah? Lagot sya sa daddy nya. Baka, magselos na ito. Sinunud naman nya ang sinabi nito. Saka ito umupo sa tabi nya. Wow! Ang ganda naman ng pinagdalhan nito sa kanya. Halos tanaw na tanaw nya ang buong San Bartolome, ang gandang pagmasdan ng dagat na nakapalibot sa San Bartolome. “Ang ganda naman dito. Paano mo nadiskubre ang lugar na ‘to?” “Nung naghahanap ako ng katahimikan. Madalas nga ako dito.” “W-Wala kabang naisama dito na iba? Tulad nalang ng girlfriend mo!” Itinago nya ang kuryusidad. She’s wondered kung ilang na ang nagiging girlfriend nito. “Wala pa, ikaw palang!” Lihim syang napangiti sa sinabi nito. “And you’re not even my girlfriend.” Ouch! Napalis bigla ang ngiti nya. Napakalma sya sa sarili. Hindi dapat mahalata nito ang nadarama nya ngayon. “Bakit naman? I mean—“ she paused. “Pwede mo naman hindi sagutin.” “I'd been a lot of relationship, pero walang naging seryoso. Hindi ko kasi nakita sa mga babaeng nakakasama ko ang hinahanap ko.” Seryosong pagkakasabi nito na tila nakatingin sa kawalan. Malaya tuloy nyang natitigan ang guapong mukha nito. There is something in his eyes, na tila kalungkutan. She wanted to comfort him, but alam naman nyang wala syang karapatan. Baka isipin pa nito na masyado na syang naging pakialamera. Napansin nya ang paglanghap ng hangin nito. Mukha talagang may dinaramdam ito. At ngayon lang nya ito nakita na ganito. Dahil disoriented ang utak nya, kaya hindi nya napaghandaan ang biglang paglingon nito sa bungad nya. Nagkatama tuloy ang paningin nila. “You look curious!” ani nito. “Tama ka, I am curious. You can’t blame me, when I saw sadness in your eyes. Pero, hindi naman kita tatanungin, baka naman masyadong private.” Saka nya binawi ang paningin mula dito. “Alam mo bang mag-isa nalang ako ngayon sa buhay?” napatingin sya dito. Hindi naman nya ini-expect na magkwento ito. “My parents died when I’m still too young. Mula nung, kung kani- kanino nalang akong kamag-anak na nakitira. Well, pinag-aagawan naman ako kahit papaano. Billion kasi ang nasa pangalan ko. Pero nung nag- 18 years old na ako at nakuha ko na ang trust fund, mas pinili ko ang bumukod na. At tumayo sa sarili kong paa.” Mahabang kwento nito. Saka binawi nito ang paningin mula sa kanya, at diretso itong nakatingin sa harapan nila. “I never found a family from then. Nakakita ako ng isang tunay na mga kapatid kina Peter, Baltazar at Simon.”dagdag nito. “Elijah!” sambit nya at hindi nya napigilan ang sarili na yakapin ito sandali. “What is that all about?” may pagtatakang tanong nya. May pagkailang man syang nadarama dahil sa ginawa nya pero, nilakasan nya ang loob. “It was a friendly hug. I just have this feeling to hug you. Hindi ko kasi alam kung paano magreact sa mga pinagsasabi mo. But, I just want you to know that you can count on me.” Puno ng katotohanan ang boses nya. Napatitig ito sa kanya. Sinalubong nya ang mga titig nito. “Thank you, Aaliyah!” madamdamin pagkakasabi nito. Saka kinuha nito ang gitara. “Masyado naman tayong naging seryoso. Ang mabuti pa, ipaparinig ko na sayo ang boses ko. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit kita dinala dito.” nakangiting sabi nito. Nakaramdam tuloy sya ng excitement. Saka nagsimula na itong tumugtong, saka kumanta. I always thought that Life was sad for someone who’s not free I felt the chains binding me From things I want to see When you came, you changed it all I’ve never felt the same I’d hate the thought of losing you There’s so much more to gain I believe in love I believe in you I believe in everything The two of us can do I believe in miracles I’ve seen them all come true So won’t you take the chance with me ‘cause I believe in you Mas lalo yatang tumindi ang paghanga na nadarama nya dito. Napakaganda naman kasi ng boses nito, mukhang kasing guapo nito. Kaya nyang pakinggan itong kumakanta kahit buong buhay pa. One night I looked upon the stars And saw one shinning bright Guiding me through all these times When nothing would seem right Now, I’ve come to realize there’s no one else for me ‘cause after all the pain I felt You’ve come to set me free “What can you say?” tanong nito pagkatapos nitong kumanta. “H-Ha!” nakatanga sya. Nasa dreamy state parin sya. “Hindi mo yata nagustuhan ang boses ko.” Pinausli nito ang labi. At ang cute nito tignan. “You have a very nice voice, Elijah! I can even listen it the whole day.”hindi nya mapigilan sambitin. “Really? Nakangiti ito. Tumango sya. Ang lapad ng ngiti nya. “At dahil sa sinabi mo. Pwede kang humiling sa akin na isang bagay at promise, pagbibigyan kita.” Nagliwanag ang mga mata nya sa sinabi nito. May gusto talaga syang hilingin dito. ---------- Hindi nya lubos akalain na pagbibigyan sya ni Elijah sa hihilingin nya dito. Ang hiniling kasi nya dito, sasamahan sya nito sa isang tree planting. Member kasi sya sa isang environmental group. At dinala pa nito ang tatlong kaibigan nito. “Ang gaganda ng mga pangalan nyong tatlo. Galing sa bibliya. Wala ba kayong planong pumasok sa semenaryo?” narinig nyang tanong ni Father George kina Peter, Simon and Baltazar. Kanina pa masayang nakipapagkwentuhan ang mga ito sa pare. Nasa may kalayuan lang sila ni Elijah. Kasalukuyan binubungkal ng binata ang lupa na syang tatamnan nila. “Father, hindi po ba kami masusunog pag papasok kami sa simbahan. Para po kasing ang dami na namin kasalanan.” Ani ni Baltazar. Napailing na napangiti si Elijah nang narinig ang sinabi ng kaibigan. Kahit medyo nagbibiro ang sagot ni Baltazar, nandun naman ang respeto sa pare sa tinig nito. “Lahat pinapasok sa loob ng simbahan. Ang simbahan ay para sa lahat. “ ani ng pare, lalo na sa mga taong may malaking kasalanan at handa nang magbago." At nagpatuloy pa ang kwentuhan ng mga ito. “Hindi ko lubos akalain na mag- eenjoy masyado sina Peter, Simon at Baltazar sa tree planting. Noon kasi, hindi kami sumasali sa tree planting ng school namin.” Ani ni Elijah sa kanya. Pa- squat itong nakaupo habang nagtatanim. Sya naman ay napayuko dito, habang naka-bend ng bahagyan ang katawan. "Mga mababait ang mga kaibigan mo Elijah, kahit pa mga bad boy sila." At alam nyang totoo ang mga sinasabi nya. Maluko at bassagulero, iyon ang mga kabarkada nito but hindi bastos ang mga ito. Kailanman, hindi nya narinig ang mga ito na may binabastos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD