MBCG 16

1457 Words
Gusto pa sana nyang makipagkwentuhan kay Alissa, pero binigyan nya na pagkakataon si Kyle para makausap ang kaibigan. Hiningi pa naman nito na tulungan nya ito para makausap nito si Alissa. Sa paglipas ng mga taon, naramdaman naman nya na naging malungkot din ang pinsan sa pagkawala ni Alissa. Kung mahal man ng pinsan nya ang kaibigan nya, malamang hindi pa nito nakalimutan si Alissa. Kaya dapat bigyan nya ang mga ito ng privacy. Si Kyle talaga ang nagpapapunta sa kanya dito, para maiwan dito ang dalaga. At makapag- usap ang mga ito ng masinsinan. Sana maayos na ang problema ng mga ito, at magkaroon ng magandang outcome ang pag- uusap ng mga ito. Napangiti sya ng nakita si Aldrine na nakahiga sa buhanginan, nasa ilalim ng punong niyog. Sabi na nga ba nya, nandito ito at malamang natutulog na naman ito. Hanggang ngayon, mahilig parin itong matulog. Todo ang pag-iingat nya ng lumapit sa natutulog na si Aldrine, nakaunan pa ito sa braso nito. Napangiti sya ng nakakita sya ng dahon sa lubi- lubi. Napaupo sya sa gilid nito, na nakaharap dito.Nakapikit nga ito. Napatulala sya, ang guapo naman kasi nito tignan. Parang ayaw na tuloy nya itong gisingin. Napalunok sya ng mapagmasdan ang maskuladong katawan nito. Wala kasi itong suot na pang- itaas. Ano ba itong nangyari sa kanya? Hindi naman sya ganito noon? Lagi naman nya itong nakikita na naka- shirtless. Napapaypay pa sya sa kanyang sarili dahil parang nakaramdam sya ng pag- iinit nang pinasadahan uli ng tingin si Aldrine. Sunod- sunod ang pagkalma nya sa kanyang sarili, sabay sya napalunok. Ipiniling nya ang ulo kasi may kalaswaan na pumapasok doon. Saka ibinalik nya ang tamang pag-iisip sa dating plano. Kikilitiin nya ang tainga nito ng dahon ng lubi- lubi. Pinigilan nya ang matawa habang unti- unting inilapit ang dahon sa tainga nito. Napahiyaw at napabangon ito bigla sa ginawa nya. Napatawa sya ng malakas. Napalingon ito sa kanya at matalim na nakatitig sa kanya. Hindi nya pinansin ang matalim na titig nito, tawa lang sya ng tawag. “Ikaw---“ may pananakot ang tingin na iniukol nito sa kanya pero hindi naman galit. “Lagot ka sa akin.” Natigil sya sa pagtawa ng nabasa nya na may pagbabanta ang mga titig nito sa kanya. “I’m sorry--- galit ka?” nakaramdam yata sya ng pagkabahala, kakaiba kasi ang titig nito sa kanya. “Yes.” Mas lalo yata syang nabahala sa sinabi nito. “I’m sor---------“ Hindi na nya natapos ang ibang sasabihin ng pabiglang hinapit nito ang batok nya. Saka siniil nito ng halik ang labi nya. Sandali lang syang napatulala dahil kalaunan, tinugon narin nya ang maalab na halik nito. Kaya mas lumalim pa ang halikan nila, hanggang sa naramdaman nalang nya ang paglapat ng likod nya sa buhangin, naihiga na pala sya nito na hindi nya namalayan at nakadagan ito sa kanya. Naramdaman nya ang mga kamay nito na humaplos sa makinis nyang hita, naka two piece pa naman sya. Pero, wala naman syang pakialam. Ano ba itong nangyari sa kanya? Bakit ba sya nalulunod sa mga halik nito? Soon, his mouth left his lips as it travelled down to her neck. Naging mas mapangahas ang mga kamay nito. Malayang hinahaplos- haplos ng kamay nito ang hita nya, papunta sa p********e nya na natatabunan lang ng manipis na tela. Sabay silang napaungol nito. Pero bago pa sila tuluyan mawala sa katinuan, ito mismo ang kusang tumapos sa ginagawa nila. “I- I’m sorry!” mamayang sabi nito. Tuwid na itong nakaupo at hindi makatingin sa kanya. Kinalama nya ang sarili. Nakatulala parin sya. Talaga bang ginawa nilang dalawa ni Aldrine ang bagay na 'yon? "Tulungan na kitang makaupo.” Ani nito, nakahiga parin kasi sya. At tinulungan nga sya nito. Napatingin sya sa mga mata nito, nagkatama ang mga paningin nila. Nang tuluyan na syang nakaupo ng maayos, hindi parin ito umalis sa pagkatunghay sa kanya. Hinaplos ng isang kamay nito ang mukha nya. “I’m sorry Clouie—please don’t get mad.” May halong pagsusumamo ang boses nito, pati narin ang mga mata nito. She exhaled. Wala naman talaga itong kasalanan. Pareho sila nitong muntikan ng nakalimot . Dapat nga syang magpasalamat dito kasi ito na ang kusang pumutol sa gagawin nila sana kanina. “Gusto mong maligo sa dagat.” Nakangiting sabi nya dito. Paraan nya ito para ipaalam dito na hindi sya galit dito. Napangiti ito sa sinabi nya. Saka ito tumigil sa ginagawa nitong paghaplos sa mukha nya. Bahagya itong tumayo. “Tayo nah!” sabay ng lahad ng kamay sa kanya.Agad naman nyang tinanggap ang kamay nito. Hawak kamay silang humakbang papunta sa dagat. Tawanan nilang dalawa ni Aldrine ang tanging bumasag sa katahimikan ng isla.. Sobrang saya nila habang sabay na naliligo. Naghahabulan at naglalaro pa sila sa tubig. Lagi naman silang ganito ni Aldrine, sobrang saya nila pareho pag magkasama. Para bang nasa kabilang mundo sila pag magkasama silang dalawa. 'Yon mundo na walang problemang haharapin. Kung may problema syang dinaramdam, si Aldrine lang ang may kakayahan para maipalimot sa kanya sandali ang problema nya hanggang sa tinatawanan nalang nya ito. Isang napakahalaga na bahagi si Aldrine sa buhay nya, na pag wala ito, malaking bahagi ang kulang sa kanya. Mas marami pa syang masayang ala-ala na kasama ito kaysa mga kapatid nya. In fact, mas naintindihan nito ang mood nya kaysa mga kapatid nya. ------ “Careful! Baka madisgrasya ka sa mga malalaking bato.” Pag-alala na sabi ni Aldrine sa kanya. Kasalukuyan nilang tinahak ang makipot na daan papasok sa maliit na kweba ng Pearl island. Pinagbigyan nya ito ng hiniling nito sa kanya na gusto nitong pasukin ang cave. Nakaalalay ito sa kanya, kasi malalaki naman talaga ang mga bato na nasa bungad ng kweba. “Salamat.” Nakangiti na sabi nya dito. Nakahawak ito sa sikuhan nya. Maya’t- maya lang, hindi nya napansin ang madulas na bahagi ng bato, nadulas tuloy sya. Buti nalang maagap syang nasalo ng mga bisig nito. “I said careful!” sabi nito sa mga mata nya nakatingin. “I’m sorry.” Ngumiti lang ito, saka sya binitawan nito. Nang tuluyan na silang nakapasok sa kweba, hindi na gaanong malalaki ang mga bato. Napangiti sila ng nakita ang malinis na tubig ng batis na nasa loob ng kweba, habang ang gilid naman nito ay ang napakagandang formation ng mga flowstone. Sabi ng kuya nya, delikado daw ang kweba, basta umuulan ng malakas, tumataas daw kasi ang tubig dito, kasabay sa pagtaas ng tubig dagat. Napatingin sya sa mga helictite na nasa itaas na bahagi. Dumagdag ito sa kagandahan ng kweba. Lumakad- lakad pa sila ni Aldrine sa loob, pareho silang namangha sa nakita. Nakita nila ang mga paniki na natutulog pa. Mamayang gabi, magigising ang mga ito. “Halika!” mahinang sabi nito sa kanya. Baka makadistorbo pa sila sa mga paniki na natutulog. Hindi na sya nagtanong, inabot nya ang kamay nito. Saka sya napasunod lang dito. Sa batis pala sila papunta. “Don’t tell me, maliligo ka dito sa batis.” Nakatawang sabi nya dito. “Nope.” Umupo ito sa gilid ng batis, saka may kinuha ito mula sa loob ng bag na dala nito. Napangiti sya ng nakita kung ano ang kinuha nito. Mga makukulay pala iyong na mga papel. Napaupo narin sya katabi nito. “Anong gagawin mo?” kunot- noo na tanong nya. “Maglalaro.” Nakatawang sabi nito. Saka sumeryoso ang mukha nito. “Nung bata ako, mahilig akong maglaro ng ganito. Natutuwa kasi akong nakikita ang iba’t- ibang kulay ng mga paper boat habang nasa tubig.” Nakatingin sya dito. Nginitian sya nito. Saka ito kumuha ng isang papel at gumawa ito ng isang paper boat. “Wow—paano mo 'yang ginawa?” “Hindi mo alam kung paano gawin ‘to?” nakatawang tanong nito. Nahihiya syang napatango. “Gusto mo turuan kita?” malangkit ang titig nito sa kanya. “Really?” masayang sambit nya. Gusto talaga nyang matuto. Nakangiti itong napatango. At tinuruan nga sya nito. Madali naman pala. Maya’t- maya lang marami na silang nagawa na mga paper boat, at nang natapos na nga sila, sabay nilang ipinalutang ito sa tubig ng batis. “In the ocean of feelings. The words sailed like a paperboat.” Sabi nito saka ipinalutang ng tuluyan sa batis ang huling paper boat. Napatitig sya dito dahil sa makahulugan na sinabi nito. May dinaramdam ba ito? May nakatago ba itong damdamin? Nahihiya syang binawi ang paningin dito nang napasulyap ito bigla sa kanya. Pareho silang nakatingin sa mga iba’t- ibang kulay na paper boat na nasa batis. Tama nga ito, nakakagaan nga ng pakiramdam pagmasdan ang mga ito. Maganda sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD