MBCG 17

1915 Words
Halos napatingin ang lahat habang nagsimula nang maglakad ang napakagandang bride sa aisle. Ngayon araw na ‘to ay ang kasal ng kanyang pinsan na si Ella. Namula pa ang mata ng daddy nito habang inihatid ang nakagandang princessa nito patungo sa lalaking magmamahal nito habang buhay. Napatingin sya sa bungad ng altar, nakita nya ang pamumula ng mata ng groom habang hinihintay ang lovely bride nito. Hanggang sa tuluyan nang nakalapit ang bride sa groom, nakangiti ang groom na tinanggap ang kamay ng lovely bride. Tila may sinabi pa ang tito Drew nya sa groom, bago tuluyan lumapit ang groom and bride sa pari. Katabi nya ang kanyang grandpa Daniel and grandma Ysabelle, habang nasa kabilang tabi naman nya ang pasimple humawak sa kamay nya na si Aldrine. Mula nang nagsimulang magpakasal ang mga pinsan nya, lagi nyang kasa- kasama si Aldrine sa kasalan ng mga ito. At mula nang naging sila, 9 months na ang nakakalipas, tatlong kasal na ang nasaksihan nila, una ay 5 months ago, kasal ng kuya Zac nya kay Loraine. Then sumunod, 7 months ago, kasal ng bestfriend nyang si Alissa at ng pinsan nyang si Kyle. Masaya sya dahil nagkaroon narin ng happy ending ang matalik nyang kaibigan na babae. At ngayon naman ay ang kasal ng pinsan nyang si Ella. Isa- isa na ngang lumagay sa tahimik ang mga kapamilya nya, sya nalang ang nag-iisang babae sa angkan nila ang hindi ikinasal. Napailing nya ang ulo, bakit ba nya naisip na ikakasal sya. Oo, may boyfriend sya, pero non- committal lang naman ang relationship nila nito. Hindi nya lubos akalain na umabot talaga sa 9 months ang kasunduan nila ni Aldrine. Sa loob pa naman ng mahabang buwan na 'yon, ay ang pagtuklas nya sa katotohanan, kung gaano kahalaga sa buhay nya si Aldrine. Hindi nya ito kayang mawala sa buhay nya. Hindi nya alam kung kailan at paano nagsimula. Isa lang ang alam nya, sa bawat araw at buwan na natitikman nya ang matatamis na halik at mainit na yakap nito, unti- unti nyang narealize ang isang bagay, she think she's inlove with her bestfriend. Napangiiti si Clouie nang mula sa ‘di kalayuan, nakita nya ang hindi mapipigilan paghahalikan ng groom at bride habang nagsasayaw ang mga ito. Marami narin ang mga couple ang nagsimulang nakisali sa newly married na nagsasayaw sa dance floor. Napangiti sya ng nakita nyang nakisali ang kuya Zac nya at si Loraine, 7 weeks old nang pregnant si Loraine. Nakisali pa si Alissa at ang pinsan nyang si Kyle, halos dalawang buwan ng buntis si Alissa. Mula din sa kalayuan, nahagip ng mga mata nya, ang pinsan na si Brat na sobrang pag-alalay sa malaking tiyan na asawa nito na si Elisse. “Pwede ba kitang isayaw?” natigil sya sa pagmamasid sa paligid nang narinig ang nagsasalita na 'yon. At kahit hindi sya nakatingin dito, alam nyang si Aldrine ang nagsasalita. Kilalang- kilala kaya nya ang boses nito. Napaangat sya ng mukha. “Sure.” Tinanggap nya ang nakalahad na kamay nito. Ito naman talaga ang lagi nyang kasayaw kung may kasalan magaganap o kahit anong family party. Kaya nga, magaling na itong sumayaw, hindi tulad noon na namumutla pa ito. He wrapped his arms to her waist, and he wrapped her arms to his neck, halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nila sa isa’t- isa. They both speechless, nagkatinginan lang sila sa mata ng isa’t- isa. Mula pa nung una, she always at home with Aldrine. Isa bagay na hindi nya naramdaman nung isinayaw sya ni Clyde noon. Aldrine is the only man who can make her feel safe. He is not only her human savior but also her comfort zone. Gusto nya itong laging kasama, kasi ito lang ang tanging may kakayahan na pasayahin sya kahit wala naman itong ginagawa. At kung pagsama- samahin ang mga bagay na narealize nya. Isang katotohan ang hindi na nya kayang itanggi pa. Mahal na nga nya si Aldrine na higit pa sa isang kaibigan. Dumating na ang oras na hinihintay ng mga single. It’s time para ihagis na ng groom and bride ang bridal flower ar bridal garter. Hindi sya nakisali, katabi nya ang momshie ni Loraine na nakatayo na si Jorge. Bago tumalikod si Ella, napansin nya na sa kanya ito nakatingin at mukhang kinidhatan sya nito. Bakit kaya sya kinidhatan nito? Nang ihagis na nito ang bulaklak, napatulala sya, para kasing sinadya nito na sa kanya ihagis iyon. Pero hindi sya sumalo, kaya sinalo ito ng momshie Jorge ni Loraine at pabiglang inilagay sa kamay nya. Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa nito. “I’m already married.” Nakangiti na bulong nito sa kanya. Saka ito nakangiting humakbang palayo sa kanya. Namutla yata sya ng wala sa oras, lalo pa at nakatingin ang halos lahat sa kanya. There is really a concurrence in every Del Fuengo's family members wedding. Kung sino 'yon nabigyan o nakasalo sa bridal flower at garter, sila ang susunod na ikakasal. Well, hindi naman sya ang nakasalo at lalong hindi naman sa kanya kusang ibinigay ng bride ang bulaklak. So, exempted sya. At paano sya ikakasal? Wala naman syang boyfriend, non- committal lang naman ang relasyon nila ni Aldrine. Panahon na naman ng groom na ihagis ang bridal garter. Nakangiti ito habang tumalikod at inihagis na iyon. Maya’t- maya lang, napahiyaw yata ng malakas ang momshie ni Loraine, nasa tabi na naman pala ito ni Aldrine, at si Aldrine pa ang nakasalo ng bridal garter. Palilipat ang tinginan ng halos lahat sa kanila ni Aldrine. Nagkatinginan sila ni Aldrine sa isa't- isa. "May sasabihin ako sayo.” nakatawang sabi sa kanya ni Aldrine. Pagkatapos ng nakaiilang na nangyari sa kanilang dalawa kanina, napagpasyahan nila pareho na umalis na sa reception. Ngayon kasalukuyan na naman silang nakaupo sa hood ng kotse nito, habang nasa dalampasigan. Ito ang laging ginagawa nila ni Aldrine. “Ano naman yon?” sinabayan nya ang tawa nito. “Hindi talaga ako ang nakasalo sa bridal garter, kundi ang momshie talaga ni Loraine.” Natawa ito uli. “At alam mo ba sinabihan pa nya ako na babae daw sya, kaya ang bridal flower daw ang dapat sa kanya.” “Ano?” hindi nya alam kung matatawa o maiininis. Mukhang pinaglalaruan lang sila ng momshie ni Loraine. “Kung gusto naman pala nya ang bridal flower, bakit pabigla nyang inilagay iyon sa kamay ko? Sinabihan pa nya ako na kasal na raw sya.” nakasimangot pa ang mukha nya. Napalingon sa kanya si Aldrine, saka ito napatawa ng napakalakas na sinabayan narin nya kalaunan. Maya’t- maya lang isinandal nito ang katawan sa front cover ng kotse nito, habang inunan nito ang dalawang braso nito, para na tuloy itong nakahiga. “Matutulog kaba?” napatingin sya dito. “Nope.” Nakangiting sagot nito. “Mag- star gazing ako.” “Ngayon ko lang yata nalaman na mahilig ka pala sa star.” “Ngayon ko nga lang din nalaman.” Ngumiti ito. “Gusto mong humiga rin?” “H-Ha?” “Halika! Tumabi ka sa akin.” pag-uutos na sabi nito. Bahagyang binalikwas ang isang kamay nito saka sya hinila, napahiga tuloy sya ng walang oras, na nakaunan sa malapad na dibdib nito. Saka inunan nito muli ang braso nito. Bahagya syang umisod pataas at medyo nakasiksik na sya sa kilikili nito, nakiunan narin kasi sya sa braso nito. Ang bango naman ni Aldrine, mukhang mabango lahat ng bahagi ng katawan nya. At alam kong natural ang panglalaki na bango nya, hindi naman sya mahilig sa perfume. Parang ang sarap tuloy nyang amuyin from head to toe. O my God! Ano ba itong iniisip? Bakit ba parang pinagnanasaan ko na sya? “Sobra ba talagang mabango ang kili- kili ko at nakasiksik ka dyan masyado.” Pinamulahan yata sya ng mukha sa sinabi nito. “Hindi naman.” Lihim nyang kinalma ang sarili. “Wala kasi akong ibang maunan, kaya pinagtitiisan ko nalang dito.” pagsisinunggaling nya. Hind nya ipagpapalit ang braso ni Aldrine sa kahit anong mamahalin unan. Kahit na nakasiksik sya sa kilikili nito. "Ang bigat pala ng ulo mo.” Mahina itong napatawa. “Pasalamat ka mahal na mahal kita.” Wait! Ano raw? Napaangat sya tuloy ng mukha dito. Pero kaswal lang naman ang pagkakasabi nito at hindi madamdamin. Kaya naisip nya na pagmamahal lang 'yon bilang kaibigan. Hindi lang naman ito ang unang beses na sinabihan sya nito na mahal sya, pero hindi nya pinapansin iyon, kasi alam naman nyang bilang kaibigan lang 'yon. Hindi naman kasi madamdamin at mukhang kaswal lang na pagkasabi. Binawi din nya ang pagkakaangat ng ulo dito. Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. “Clouie—--“ putol nito sa katahimikan. “—if the reincarnation is true. I wish I will be a star in my next life. Ikaw ano ang gusto mo?” Nakatingin sila pareho sa mga bituin. Maging star narin, nyon star na katabi mo. "Wala akong maisip, eh! Don’t tell me naniniwala kana ngayon sa reincarnation.” May halong panunukso ang boses nya. “Hindi naman masyado—pero minsan naisip ko lang--. Maybe it’s true, sometimes we meet someone and right from the first moment that we laid our eyes on that someone, parang nakaramdam tayo ng déjà vu. The feeling that you have already experienced something that is actually happening for the first time. But the thing is very familiar to you. Para bang matagal ng kilala ng puso mo ang tao na 'yon--- na para bang, you already know her from somewhere. Kaya naisip ko na baka na-reincarnate ako at naging bahagi ng past life ko ang tao na 'yon.” Mahabang sabi nito. Napaangat sya ng mukha dito. Nakaramdam nga naman sya ng ganun, nung una nyang nakita si Aldrine, nakaramdam nga naman sya ng déjà vu. She can’t even explained the familiar feeling that she have to the stranger at that time. Kaya kahit naiilang sya dito, lihim parin syang nakamasid dito at binabantayan ang galaw nito. “Alam mo ba na 'yon polaris star ang pinakapaborito ko sa lahat ng star.”maya’t- maya iba nito sa topic. Nakaangat parin ang mukha nya dito. “Bakit naman ang tinagurian North Star ang favorite mo?” nakangiting tanong nya dito. “Kasi sinasabing ito daw ang nagbibigay ng direksyon sa mga mangingisdang naliligaw sa dagat. “ saka napayuko ito sa kanya, nagkatama tuloy ang mga paningin nila, nakaangat pa kasi ang mukha nya dito. “Na tulad lang sa buhay ng isang tao. May mga panahon na kasalukuyan kanang naliligaw sa alon, pero makakita ka ng isang napakagandang bituin sa Ursa Minor, pinakakinang sa lahat, at nagsisilbing polaris star mo.” seryosong sabi nito na nakatingin sa mga mata nya. Hindi nya maipaliwanag ang kakaibang damdamin na nababasa nya sa mga mata nito. “Clouie---“ mahinang sambit nito sa pangalan nya. Maya’t- maya, unti- unting inilapit ang mukha nito sa mukha nya, saka siniil ng halik ang labi nya. Hindi na sya nagulat kasi lagi naman silang naghahalikan nito. Naipikit pa nya ang mga mata nya habang tinugunan ang halik nito, with the same intensity as he do. His kisses was potent and possessive. Kaya para na naman syang dinadala sa langit, at sumasayaw sa kalawakan. Nawawala na naman sya at nalulunod. Pero bago pa mawala sila pareho sa katinuan, agad na tinapos nito ang halik nito sa kanya. Habol nila pareho ang paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD