MBCG 18

1029 Words
"Hi Lito, nandyan ba si Aldrine.” Nakangiti nyang tanong sa isa sa mga tauhan ni Aldrine, kasalukuyan itong nagpapalit ng gulong sa isa sa mga kotse na naroon. “Maam Clouie--- wala po maam. May kasama po sya kanina na isang babae, mukhang may pupuntahan ang mga ito.”mahabang paliwanag nito. Babae? Sino kaya? “Sinong babae?” kuryosong tanong nya. Pinuntahan nya ito sa shop nito, dinalhan nya ito ng tanghalian. Ipinagluto pa naman nya ito ng paborito nito. “Hindi ko po kilala, pero medyo matagal din silang nag-uusap sa loob.” “Sige! Tatawagan ko nalang sya.” saka sya nalumong umalis. Pero hindi nya tinawagan si Aldrine, baka ano pa ang isipin nito kung bigla- bigla syang mag-usisa. Sinong babae kaya ang kasama nya, wala naman akong kilala na ibang babae sa buhay nya, maliban sa akin. At saka wala naman syang sinabi sa akin. Baka isa sa mga kliyente nya. Halos tatlong araw na nyang hindi nakikita si Aldrine, hindi din ito masyadong tumatawag o nagte-text sa kanya. Kung pupuntahan naman nya ito sa shop nito, ang laging sabi sa kanya ng mga tauhan nito ay umalis daw ito. Dalawang beses narin nyang narinig na may kasama daw itong babae. Nagtataka talaga sya dito. Nahihiya naman sya na tanungin ito, mukha kasing ayaw nitong magkwento sa kanya kung ano ang ginagawa nito. Naninibago tuloy sya dito. At aaminin nya, na lihim syang nagseselos sa kung sino man babae ang kasama nito. At ngayon, hindi na nya ito masyadong nakikita at tila binabaliwala na sya nito. Isa lang ang mas napatunayan nya, she love Aldrine, hindi bilang kaibigan kundi higit pa dun. Hindi nya alam kung kailan nagsimula, basta isa lang ang sigurado sya, matagal na nya itong minahal, hindi lang nya pinagtutuunan ng pansin. Mahal nya ito kaya sya nawawala at nalulunod sa mga halik nito. Mahal nya ito, kaya nya inaasam- asam ang makulong sa mga bisig nito. Mahal nya ito, kaya gusto nya itong laging kasama. Mahal nya ito, kaya ang dali lang nito na pasiyahin sya. Mahal nya ito, kaya hindi na sya masyadong nasaktan nung nabigo sya uli kay Clyde. Mahal na mahal nya ito. ---- ---- “I’m glad na pinagbigyan mo ang invitation.” Nakangiting sabi sa kanya ni Jack, nakilala nya ito nung kasal ng kuya Zac nya at ni Loraine, kaibigan ito ng huli. Medyo nagparamdam na ito sa kanya noon, pero hindi lang nya pinapansin. Pero ngayon, mas pinili nya na pagbigyan ito sa imbitasyon nito sa kanya ng date. Kung may kasa-kasama nang babae si Aldrine, mas mabuti nang ibaling na nya sa iba ang atensyon nya. Ngiti lang ang isinagot nya dito. Nasa loob pa sila ng kotse nito. Kasalukuyan silang nasa parking lot ng isang restaurant na nasa bungad ng San Bartolome. Akmang bubuksan na nito ang pinto ng kotse nito para makababa na ito nang---- “Wait!” pigil nya dito. Nakita kasi nya sa ‘di kalayuan na huminto ang kotse ng isang taong kilala nya, at hindi nga sya nagkamali. Si Aldrine nga ito at may kasama itong babae na maganda. Inalalayan pa nito ang babae at mukhang sweet na sweet pa ang mga ito. Gusto na yatang malaglagan ng mga luha nya. Pero pinigilan lang nya na tuluyan mapatulo ang mga iyon. b “Bakit?” kunot- noo na tanong ni Jack sa kanya. “Pwedeng sa ibang restaurant nalang tayo kakain?” mas mabuti nang hindi na sya tutuloy sa loob baka mas lalo pa syang masaktan. Napatitig muna ito sa kanya, saka sya nginitian nito. “Ok.” Maikling sabi nito saka pinaandar muli nito ang sasakyan. Hindi nga sya nagkamali, nanligaw nga sa kanya si Jack. Hindi pa nya ito sinasagot, pero madalas syang sumasama dito. Masyadong busy na kasi si Aldrine at mukhang nakalimutan na sya nito. At alam naman nya kung saan ito naging busy. Bising- bisi na ito sa pakikipagdate nito sa isang babae. Kasama nya si Alissa na namasyal sa isang mall. Nababagot na daw kasi ito sa bahay. Nang nabuntis ito, tumigil muna ito sa pagta-trabaho bilang wedding planner. 3 months na pinagbubuntis nito. Kasalukuyan silang tumitingin- tingin ng mga gamit ng baby nang sinumpong sya ng tawag ng kalikasan. Nagpaalam sya dito na pumunta muna ng restroom. Bago sya tuluyan lumabas mula sa restroom, napagpasyahan muna nya na tignan muna sandali ang mukha nya sa malaking salamin ng restroom. Maya’t- maya lang, may pumasok na isang babae, pamilyar sa kanya ang mukha nito, kaya wala sa loob na napatitig sya dito, habang nagre- retouch ito. Hindi sya nagkakamali, ito nga ang magandang babae na kasama ni Aldrine. Napangiti ito sa kanya, mukhang napansin nito ang pagtitig nya dito. “Dianne, tapos ka na ba?” maya’t- maya sabi ng isang babae dito na bahagya lang ipinasok ang ulo sa pintuan ng restroom. “Give me a second.”nakangiting sabi ng babae. Dianne? Pamilyar sa kanya ang pangalan na 'yon. Inalala nya kung saan nya narinig ang pangalan na Dianne. Hindi kaya ito ang babaeng sobrang minahal ni Aldrine noon? Kaya muntikang ng nakapatay ito. At mukhang hanggang ngayon, mahal na mahal parin ito ni Aldrine. Nang lumabas na ang babae, nasundan pa nya ito ng tingin. “Hinihintay na tayo ni Aldrine!” narinig pa nya na sabi ng kasamang babae dito. Ngayon, sigurado na sya. Ito nga ang Dianne na mahal na mahal ni Aldrine. Nagkita na pala ang dalawa. Bakit walang sinasabi si Aldrine sa kanya? Ang usapan pa naman nila na pag makakita na ito ng babaeng mamahalin nito, ay tapos na ang non-committal relationship nila. Pero, wala naman syang narinig mula kay Aldrine. Ano kaya ang rason ni Aldrine at hindi sinabi nito sa kanya ang tungkol kay Dianne. Baka tinutotoo nito ang sinabi nito na dapat mauna muna sya na makakita ng mamahalin bago ito. Kaya, kahit may mahal na ito, itinago parin nito sa kanya ang totoo. Tuluyan nang nalaglagan ang mga luha nya. She is in pain like she never felt before. Iisipin palang nyang mawawala si Aldrine sa kanya, parang pinapatay na sya. Pero kailangan nya itong pakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD