"Thank you Clouie, hindi mo talaga ito pagsisihan.” Nakangiting sabi sa kanya ni Jack nang sinagot na nya ang panliligaw nito.
Ngiti lang ang isinagot nya dito. Kasalukuyan silang nasa restaurant ng pinsan nyang si Kyle, ang Deliciously. Dito nya pinili na mag-dinner date sila. Kanina, napansin pa nya ang napanuksong tingin ni Kyle sa kanya.
Naisipan na nyang sagutin si Jack, para hindi na magdadalawang isip si Aldrine at tuluyan na nilang palayain ang isa’t- isa.
Kahapon lang, dahil hindi na nya natiis ang sarili at miss na miss na nya si Aldrine, kaya pinuntahan nya ito sa shop nito, pero bago pa sya tuluyan nakalabas mula sa kotse nya, nakita nya ito at si Dianne na magkayakap. Ang higpit pa ng yakapan ng dalawa. Para tuloy syang pinagsakluban ng langit at lupa. Biglang nagdilim ang mundo nya.
Napagpasyahan nyang ibaling ang atensyon kay Jack, kasi mahal sya nito. Baka darating din ang panahon na matutunan din nya itong mahalin.
-------
“Surprise!” nakangiting sabi sa kanya ni Aldrine. Pagkatapos sa mahigit na tatlong linggo na hindi na sila nagkikita nito. Nabigla nalang sya kanina na bigla nalang itong dumating sa manggahan nila, kasalukuyan kasi syang nandoon.
Niyaya sya nito, may pupuntahan daw sila. Mas pinili nyang pagbigyan ito. Baka kasi ito na ang huling pagkakataon na makasama nya ito.
“Kaninong bahay ‘to?” pinilit nyang ngumiti.
“Sa akin.” Nakangiting sabi nito.
Napatitig sya dito.
“Nagpatayo na talaga ako ng sarili kong bahay, hindi ko lang nasabi sayo. I wanted to surprise you.”
Nakaramdam sya ng totoong saya para sa kaibigan.
“Wow! Masaya ako para sayo Aldrine.” Nakangiti nyang sabi dito.
“Gusto mong makita ang buong bahay?
Tumango lang sya. Nakahawak pa ito sa kamay nya habang naglalakad sila sa loob ng bahay. Hinayaan lang nya ito, baka kasi ito na ang huli. Unang ipinakita sa kanya ang malaking sala ng bahay, saka ang kitchen.
“Hindi ko pa masyadong napagtuunan ng pansin ang interior ng bahay. Kailangan ko pa kasi ng opinion ng mapapangasawa ko. Anyway, ito ang magiging bahay namin.” Mahabang sabi nito.
Napatingin sya dito bigla dahil sa sinabi nito.
“You mean to say, mag-aasawa kana?” pinilit nyang ngumiti.
Napatingin ito sa kanya. Nagkatama ang mga paningin nila.
“Oo.” Ngumiti ito.
Gusto na yata nyang umiyak. May plano na pala ito para pakasalan si Dianne.
May ibang babae nang mahalaga sa buhay ni Aldrine. Itsa- pwera na sya!
Maya’t- maya lang, inakay sya nito papunta sa likuran bahagi ng bahay, meron isang glass wall doon, may swimming pool pala ang likuran bahagi ng bahay.
Masasabi nyang parang paraiso tignan ang pool na bahagi. Maraming mga halaman at berdeng- berde ang buong lugar. Lihim tuloy syang nainggit kay Dianne, ang sarap naman kasing manirahan sa bahay ni Aldrine. Mukhang ginastusan nito ng sobra ang bahay nito.
“Mahilig kasi sa swimming pool ang magiging asawa ko, kaya ginawang ko sya sa bahay namin, para hindi nya ma-miss ang sa kanila.” Mahabang sabi ni Aldrine. Ang lapad pa ng ngiti nito.
Sobrang sakit na talaga ang nadarama nya. Mahal na mahal talaga nito si Dianne. Kaya siguro, hindi ito naging seryoso sa isang relasyon, dahil hindi pa siguro nakakalimutan nito si Dianne sa mahabang panahon.
“Gusto mong makita ang master bedroom?” may pilyong ngiti itong pinakawalan pero hindi nya pinansin, kasi ang pokus nya ay nasa sakit na nadarama. At ngayon, ipapakita pa nito sa kanya ang magiging kwarto ng mga ito. Ang lugar kung saan magkatabing matulog ang dalawa. Ang lugar kung saan maghahalikan at magyayakapan ang mga ito. Iisipin palang nya na may ibang kahalikan at kayakap si Aldrine, parang gusto ng magprotesta ng isip nya.
Pero, anong karapatan nya para magreklamo? Isa lang naman syang kaibigan nito. Kahit papaano, dapat maging masaya narin sya para dito.
“Hindi na.” tanggi nya. Pinilit nyang ngumiti. “Dapat 'yong mapapangasawa mo ang unang makakita ng magiging kwarto ninyo.” Ang sakit naman at hindi ako yon.
“Alam mo, tama ka.” Mahina itong napatawa.
Bumalik na sila nito sa sala ng bahay. Napaharap ito sa kanya bigla.
“Clouie----“ naramdaman nya ang paglanghap ng hangin nito. “—may sasabihin ako sayo.”
Napaangat sya ng mukha dito. May kakaibang damdamin syang nakikita mula sa mga mata nito. Baka sasabihin na nito sa kanya ang tungkol kay Dianne.
“Ano naman 'yon?”lakas loob na tanong nya.
Napatitig ito sa kanya. Mukhang nahihirapan ito. Mukhang hindi alam nito kung paano ipagtapat sa kanya ang tungkol kay Dianne. Baka sya na naman ang iniisip nito. Matagal ng panahon nang naging sunod-sunuran ito sa kanya, kanyang tagapagtanggol at katu- katulong sa lahat ng bagay, kaya kailangan na nya itong palayain. Napansin nya ang madalas paglanghap nito ng hangin na para hindi talaga mapakali.
“Clouie, hindi na ako makapaghihintay, gusto ko--------“
“Tinatapos ko na ang tungkol sa atin.” Putol nya sa ibang sasabihin nito. Mas mabuti nang sa kanya manggaling, para hindi ito maguilty.
Sandali itong napatulala sa sinabi nya. Kasi kalaunan, napangiti ito.
“Bakit? May nagugustuhan ka bang iba ngayon.” may panunudyo ang titig nito.
“Ah, oo. May boyfriend na ako.”pinilit nyang ngumiti.
“You already have a boyfriend?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“You are too busy these past days Aldrine, kaya hindi ko nasabi sayo.” kahit nagtampo sya dito, kaswal lang ang boses nya. “You are too busy with Dianne. Kinalimutan mo nga ako. Pero, anong magagawa ko? Sya ang mahal mo at kaibigan lang naman ako.”
Sa isip lang nya ang mga huling salita.
“Yah! You right! I’m sorry about that.” Saka ito ngumiti. “I hope you will be happy.”
“Ikaw din. Sana maging masaya ka.” Ngumiti pa sya kahit gusto na talaga nyang umiyak. Wala talaga syang nakita na paninibugho mula dito. Kaibigan lang talaga ang nadarama nito para sa kanya.