Halos isang buwan na mula ng naghiwalay sila ni Aldrine. Hanggang ngayon, hindi parin ipinakilala ng binata sa kanya si Dianne. Hindi naman din sya nag-usisa. Miminsan na nga din silang magkita nito.
Namutla yata sya nang inihinto ni Jack ang kotse nito sa isang car shop. Ito ang car shop ni Aldrine. Kilala na ni Aldrine si Jack, kasi nagkakilala ang mga ito sa kasal ni Loraine at ng kuya Zac nya, pero hindi pa alam ni Aldrine na ito ang boyfriend nya.
“Anong ginagawa natin dito?” hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan.
“Yong isa ko kasing kotse ay ipinaayos ko. Sisilipin ko lang kung ok na ang resulta.”nakangiting mahabang sabi nito.
Kaya wala syang nagawa ng magkahawak- kamay sila nito na pumasok sa shop.
Pagpasok palang nila, nagkasalubong agad ang mga paningin nila ni Aldrine. Tulad noon, parang kagagaling lang nito sa ilalim ng kotse, madumi na naman kasi ang guapong pagmumukha nito. Gustong- gusto nyang punasan ang mukha nito ng tulad ng dati nyang ginagawa. Napako ang paningin nito sa kamay nya na hawak- hawak ni Jack, saka nginitian sya nito. At kaswal lang silang hinarap nito ni Jack.
Nakaupo lang sya sa isang upuan na naroon, habang nakatayo lang sila si Aldrine at Jack sa tabi ng kotseng ipinaayos ni Jack. Bising- bisi nag-usap ang mga ito tungkol sa sasakyan. At sa buong pag-uusap ng mga ito, kay Aldrine lang talaga sya nakatingin at sa labi nito.
Oh God! How I missed his kisses? How I missed his smell, his touch, all about him?
Boyfriend nya si Jack, at syempre nahalikan narin sya nito. Pero, hindi kayang tumbasan ng mga halik ni Jack ang halik ni Aldrine sa kanya.
Si Aldrine lang ang may kakayahan na ilulunod sya sa kawalan pag hinahalikan na sya nito.
Sya ang kusang dumistansya sa kaibigan, kailangan na nyang sanayin ang sarili na wala ito. Plano na kasi nitong pakasalan ni Dianne.
Nostalgia, as she felt nang napako ang paningin nya sa mga lagayan ng mga face towel nito, para tuloy gusto nyang kumuha ng isa, at punasan nya ang mukha nito. Hindi parin kasi pinunasan nito ang mukha.
Maya’t- maya lang, nagpaalam si Jack, pupunta daw muna ito sa restroom. Kaya naiwan silang dalawa ni Aldrine. Kinakabahan yata sya ng palapit ito sa kanya.
“Kumusta kana CLouie?” nakangiting tanong nito sa kanya.
Kinalma nya ang sarili. Napaangat sya ng mukha dito. Madumi parin ang mukha nito. Kaya wala sa loob na kumuha sya ng towel, tumayo sya at hindi nya napigilan ang sarili, pinunasan nya ang maduming mukha nito. Sandali itong nabigla sa ginawa nya, pero kalaunan, mas pinili nalang nito na tumitig sa kanya, napatitig din sya dito. At sandali yatang huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Nagkatitigan lang talaga silang dalawa. Habang hindi parin nya binalikwas ang isang kamay nya mula sa pisngi nito habang nakahawak ng towel.
Maya’t- maya lang, hinawakan nito ang kamay nyang nakahawak ng towel. Dahan- dahan na ibinaba nito iyon. Kinakabahan sya pero hindi nya magawang kumilos. Nanghihina sya sa mga titig nito.
Pabiglang hinapit nito ang baywang nya. Pero hindi parin sya nakapag-protesta. Para kasi syang napa-estatuwa dito. Ang susunod na ginawa nito ay nagpalaki ng mga mata nya. Pabigla kasing siniil ng halik nito ang labi nya. Sandali lang syang napatulala. Hindi na kasi nya napigilan na hindi namnamin ang matamis na halik nito.
Ito ay epekto ng pinaghalong pananabik dahil sa paglapat uli ng mga labi nila at sa pagsuko nya sa tunay na damdamin nya dito. At tulad ng mga nagdaan nilang halikan, literal na naman syang dinadala nito sa langit.
She is electrified and parang lumilindol- lindol ang loob ng puso nya. Napabuka ang mga labi nya kaya tuluyan na nitong naipasok ang dila nito doon.
Soon, she found herself responding her possessive kiss, with the same intensity as he do. Dahil sa ginawa nya, mas naging mapangahas ito, mas hinapit pa nito ang katawan nya, at buong higpit na niyakap ng mga braso nito ang baywang nya, kaya hindi narin nya napigilan ang sarili, at iniyakap nya ang braso nya sa leeg nito.
Naramdaman nya ang paghaplos ng kamay nito sa likod nya. Mas lalong lumalim ang halikan nila. His mouth soon left his lips as it travelled down to her chin, at bumaba pa ito sa leeg nya. Nasa ganun silang sitwasyon ng biglang may dumating. Agad silang napabitaw ni Aldrine at parehong namutla nang sumalubong sa paningin nila ang galit na mukha ni Jack.
-----
“Jack, wait!” sinundan nya si Jack, nakita nya na papasakay na ito sa kotse nito.
Pero, bago pa nya ito naabutan, may kotseng huminto bigla sa gilid nya, saka sya pabiglang hinila ng nasa loob ng kotse at walang kahirap- hirap na naisakay sya nito. Saka mabilis na pinaharurut ng kung sino ang kotse ng naisakay na sya nito nang sapilitan.
“Anong nangyari?” kinakabahan na tanong ni Aldrine kay Jack. Naabutan kasi nya ito na nakatulala at hindi mapakali. Plano naman talaga nyang sundan ang mga ito, pero hindi sya nakasunod agad, dahil sa pagkabigla nya sa nangyari.
“Si C-Clouie.” Tila dis-oriented ito.
“Anong nangyari kay Clouie.” Mas lalo syang kinabahan.
“Tinangay ng itim na kotseng iyon.” Sabay turo nito sa kotseng hindi pa masyadong nakalayo.
Mabilis pa sa alas- kwatro ang ginawa nya, mabilis nyang kinuha mula sa kamay ni Jack ang susi sa kotse nito, wala itong nagawa sa ginawa nya. Agad syang pumasok sa kotse nito. “Tumawag ka ng mga pulis, tignan mo sa laptop na nasa opisina ko, may nakainstall doon na track.. “ Huling sinabi nya dito saka nya pinaandar ang kotse ni Jack.
May tracking device syang inilagay sa cellphone ni Clouie na naka- connect sa laptop at cellphone nya. Ito ay paraan nya para masiguro na ligtas ito lagi.
Halos paliparin na nya ang kotse, hindi pwedeng mawala sa paningin nya ang kotse ng tumangay kay Clouie. Hindi pa naman nya dala ang cellphone nya, hindi nya ito kayang e-track. Pag may mangyaring masama kay Clouie, baka tuluyang na syang makapatay ng tao.